#86 Svt complains kapag sinabi ni author na gagawa siya ng svt threads
Scoups
Author: Gagawa ako ng Seventeen threads
Scoups: (nameywang) oh tapos ano? Lalagyan mo na naman ng toothpaste yung part ko? Mukha ba akong toothpaste maniac ha? Na kahit anong topic pilit parin pinapasok ang tooth paste sa usapan. Kung hindi toothpaste, Gilagid ko naman ang pupuntiryahin mo? 2020 na guys! be matured enough! Wag puro toothpaste at gilagid ko ang usapan!
Author: (tumiklop)
---
Jeonghan
Author: Gagawa ako ng Seventeen threads
Jeonghan: (tumaas ang isang kilay) gagawa ka ng threads o gagawin mo na naman akong malandi? Dalawa lang naman lines ko diba? It's either: "mas maganda ako sayo" or "akin lang si Seungcheol". Isa pa, bakit laging sa kama nagsisimula ang threads ko? Wala ka na ba ibang maisip na setting? Si Hao laging nasa kotse, si Mingyu sa kusina, si Joshua may hawak na gitara tapos ako palaging nasa kama? Kakasuhan kita for labeling me as a person na walang ginawa kundi matulog! Tandaan mo to! Uubusin ko kayamanan ko, mapakulong ka lang! charot.
Author: (napakamot ng ulo)
----
Joshua
Author: Gagawa ako ng Seventeen threads
Joshua: (smiles) lilinawin ko lang po ha. Pero wala akong maalala na sinabi kong gusto kong mag-pari. Can we all stop of this idea na masyado akong banal? Like f*ck, give me the sexy scenes I deserve. (Smiles like an angel)
Author: (namutla)
----
Jun
Author: Gagawa ako ng Seventeen threads
Jun: (umirap) and then what? Gagawin mo na naman akong pervert? Eh makakita nga lang ako ng babae halos manigas na ko sa hiya. Stop making me the pervert guy here. Naiinggit si Joshua hyung!
Author: edi wow.
----
Hoshi
Author: Gagawa ako ng Seventeen threads
Hoshi: (nameywang) alam mo, kabisado ko na kung anong role ko sa threads na to eh. Nagsimula ang lahat sa fried chicken at natapos sa pagiging tiger ko. Though gusto ko yan (sends finger heart) pero ang di ko matanggap ay yung palagi ako nagmumukhang patay gutom. Lagi nalang akong kumakain sa threads! Mukha ba ko pulubi ha? Ha?! Isa pang mukbang session, ikaw na kakainin ko!
Author: ay gusto ko yan (smirks)
Hoshi: (sinampal ang author) Malandi!
----
Wonwoo
Author: Gagawa ako ng Seventeen threads
Wonwoo: (cold stare) stop giving me corny jokes line. Di na ko natutuwa. Isa pa, kahit introvert ako, hindi lang naman "K" ang alam kong i-reply. Mukha ba kong di nag-aral ng abakada? ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXY AND Z! kabisado ko ang alphabet! Boom! (Dab)
author: (napabuntong hininga)
---
Woozi
Author: Gagawa ako ng Seventeen threads
Woozi: (bumwrelo) hoy. Magte-threads ka na naman, tapos ano? Manghahampas na naman ako ng gitara? Sa twenty four years kong pamumuhay, isang beses ko lang ginawa ang panghahampas ng gitara pero until now, ayaw akong lubayan ng sumpa! Isa pa, sinong matinong tao ang palagi may dalang gitara all the time? Tigil tigilan mo na to ah. Isa pang topic about dito, ikaw na talaga hahambalusin ko.
Author: (tumiklop pt.2)
----
The8
Author: Gagawa ako ng Seventeen threads
Minghao: wait. Let me share my thoughts (nagpatugtog ng jazz music para kumalma) una sa lahat, hindi talaga ako magrereklamo sa author eh. Kasi you've been trying so hard na gawing romantic ang scene ko. Kaso yung mga readers ang problema. Can we all be professional? Kapag oras ng landian, maglandian tayo. Hindi yung bigla kayong kakana ng "bestfriend lang tayo" matapos akong magpaka romantic.
Author: kasalanan mo naman kasi boss eh. Diba sabi mo noon, kami ay...
Minghao: shut up friend!
author: (ngiting aso)
----
Mingyu
Author: Gagawa ako ng Seventeen threads
Mingyu: (nameywang) okay lang naman sakin na palagi akong clingy at malandi sa mga threads, pero wag na wag na sanang babanggitin ang tungkol sa skin color ko. Sensitive ako pagdating dyan. Anyway, ipagpatuloy mo lang ang pagagawa ng malanding Kim Mingyu. Fighting author! (winked)
You: (napakamot ng kilay)
---
Dokyeom
Author: Gagawa ako ng Seventeen threads
Dokyeom: (pouts) author. ano na namang katangahang role ang ibibigay mo sakin?
Author: (umiwas ng tingin) (sumipol)
---
Seungkwan
Author: Gagawa ako ng Seventeen threads
Seungkwan: (sinampal si author)
Author: aray!
Seungkwan: stop making me gay. Straight ako! sadyang masyado lang ako fabulous kaysa sa ibang babae. Isa pang kabaklaang role, sasabunutan na kitang bruha ka
Author: ....
----
Vernon
Author: Gagawa ako ng Seventeen threads
Vernon: go on. Go on. Pagpatuloy mo lang yan. Palagi mo kong ginagawang slow pero ayos lang yan kasi talaga namang tinatago ko na matalino ako. Feeling special agent lang. Basta wag na wag mo nalang ako ipa-partner kay Seungkwan. Like, dude~ straight kami ni utol. Kahit sabay kami naliligo nyan, walang nafa-fall.
author: (nag-imagine) (blushed)
Vernon: stapeet. -_-
------
Dino
Author: Gagawa ako ng Seventeen threads
Dino: (nameywang at tumaas ang kilay) WAG NA WAG KO NG MARINIG YUNG KATAGANG "BABY" sa threads ko ah. Ilang beses ko bang sasabihin na hindi na ko baby?!
Author: (nagtimpla ng padede)
----
End
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro