#79 "Historical Ancient times drama" (part 3)
Joshua –(the royal Physician)
Joshua: (kasalukuyang ginagamot ang sugat mo sa braso)
You: (slowly looked at him) (to his cat like eyes, to his pointed nose and thick well-shaped lips)
Joshua: (dahan-dahang nakipagtama ng tingin sayo)
You: (nahiya) (looked away)
Joshua: (bumalik ang tingin sa braso mo) (nilagyan ng dinikdik na herbal medicine)
You: Maaari ba akong magtanong ginoong manggagamot? (tinitignan ang gamot na inilalagay sa braso)
Joshua: (hindi sumagot)
You: ang gamot na iyan ay mabisang lunas sa mga sugat hindi ba? Inaangkat pa ito mula sa ibang bayan. Kung ganun, mahal ang gamot na iyan.
Joshua: (sinimulan kang balutan ng tela) (ngumiti) Oo. Ang gamot na ito ay napakamahal. Kaya’t magpasalamat ka na ang mababang nilalang na katulad mo ay nakatanggap ng ganitong klase ng panggagamot.
You: (in your mind: Maraming ganitong halaman sa tahanan ni master. Kung mahal ang halaman na ito, tiyak na marami kaming kikitain kung magsisimula akong magbenta) (smiling widely)
Joshua: (nagtaka na nakangiti ka pa kahit sinabihan ka niya ng masama) (tumigil panandalian at tinitigan ka)
You: (aksidenteng nakipagtama ng tingin sa kaniya) (smiles)
Joshua: Hindi ba sumama ang loob mo na sinabihan kitang mababang nilalang?
You: (shook your head) Bakit naman sasama ang loob ko? Totoo naman ang iyong sinabi ginoo. Isa pa, ikaw ang punong tagapaggamot sa palasyo. Kaya tinuturing kong karangalan na makatanggap ng lunas mula sayo.
Joshua: (in his mind: Sa harap ng kamahalan ay hindi siyang mukhang masiyahin. Gusto ko sanang ipaalam ng estado niya sa pamamagitan ng pagtuya.) Binibini
You: Ano iyon ginoo?
Joshua: (tinali ang tela) (smiles sweetly) talagang napakaganda mong dilag.
You: (natuwa) (cupped your cheeks)
Joshua: Pero maaari ko bang malaman kung kailan ka huling naligo? (inamoy ka kunwari) (nagtakip ng ilong) ang iyong mabahong amoy ay hindi ko mawari.
You: (nawala ang ngiti)
---
Wonwoo –Royal advisor
You: (naglalakad sa palasyo) (inamoy amoy ang sarili) Ganoon na ba ako kabaho? Dalawang araw lang naman ako halos hindi nagpunas ng katawan.
Wonwoo: Binibini
You: (agad ng yumuko ng nakita si Wonwoo na nakatayo sa harapan mo kasama ang ibang katulong sa palasyo)
Wonwoo: Mukhang natapos ka ng gamutin ng punong tagapaggamot
You: (sumagot ng hindi inaangat ang paningin) Tama po kayo. Kaya nais kong malaman kung maaari na ba akong umalis ng palasyo.
Wonwoo: Oo naman. Subalit bago ka lubusang umalis, nais ng prinsipe na makausap ka.
You: (clenched your fists)
Wonwoo: (narrowed his eyes on your clenching fists)
You: masusunod po.
Wonwoo: Pero may isang bagay ka muna na dapat gawin.
You: (sinilip siya) Po?
Wonwoo: (inutusan ang palace maid gamit ang mga mata)
(pumunta ang maid sa tabi mo)
You: (nagtataka)
Wonwoo: (nagtakip ng ilong) Kailangan mo munang maligo binibini.
---
You: (nakababad sa maligamgam na tubig na nasa malaking tub at mayroong mga rose petals) (nakanganga) ngayon lamang ako… nakaranas na maligo sa ganitong paraan. (shook your head) hindi. Hindi dapat ako matukso sa marangyang pamumuhay.
Wonwoo: (pumasok)
You: (nagulat) Aaaaaaaaaaaaaaaaaah! (lumubog ng kaunti, pero nakataas ang isang braso dahil bawal itong mabasa)
Wonwoo: (inutusan ang mga maid sa paligid na umalis)
You: (kinakabahan) (in your mind: Nasisiraan na ba siya? Anong balak niyang gawin sa akin?!)
Wonwoo: (lumapit) Kamusta Binibini? Nasiyahan ka ba sa paliligo?
You: (blushing) Isang k-k-karangalan na makatanggap ng ganitong serbisyo. Ngunit, hindi ako komportable na ang isang lalaki ay bigla nalang papasok kasama ko.
Wonwoo: (ngumisi) Wala akong balak na gawan ka ng masama. May nais sana akong hinging pabor.
You: (in your mind: Pabor? Hinihingan ako ng opisyal ng pabor?)
Wonwoo: Kapag nakita ka ng prinsipe, itatanong niya sa iyo kung anong gantimpala ang nais mong matanggap bilang kapalit ng pagsagip sa kaniyang buhay
You: Aaaa. Tungkol doon, wala naman akong ibang-
Wonwoo: Kung maaari, ang isagot mo sana ay na: Gusto mong maging babae ng prinsipe at makasiping ngayong gabi.
You: (natigilan)
Wonwoo: Ang prinsipe ay magandang lalaki. Hindi ka naman siguro tatanggi na makasama ang prinsipe ng ating kaharian? (smiles)
You:…
----
Seungcheol – Crown Prince
Scoups: (naghihintay sa kaniyang kwarto) (reading a book while sitting straight)
(nag-announce ang tagapagbantay ng prinsipe mula sa labas)
“Prinsipe Seungcheol! Ang punong tagapagpayo ay narito!”
Seungcheol: (tumingin sa pinto) papasukin siya!
(bumukas ang pinto)
Wonwoo: (pumasok) (yumuko) Magandang hapon mahal na prinsipe. Narito na ang binibini na sumagip sa inyo.
Seungcheol: (nods)
You: (dahan dahang pumasok) (wearing blue expensive hanbok) (nakayukong humarap sa prinsipe) (lumuhod at yumukod)
Seungcheol: (nagandahan sayo) (blushed)
Wonwoo: (pasimpleng tinignan ang reaksyon ng prinsipe) (tumingin sa isang palace maid)
Palace maid: (tumango kay Wonwoo)
Wonwoo: (in his mind: Gumagana ang gamot na ibinigay sa prinsipe.)
You: Pinapatawag niyo raw po ang inyong lingkod (di lumilingon)
Seungcheol: iiangat mo pakiusap ang iyong mukha at tumingin sa akin
You: Paano ko magagawang makipagtitigan ng mata sa mata sa prinsipe ng ating kaharian? Ako po ay mababang nilalang
Seungcheol: Tumingin ka sa akin
You: (slowly looked at him)
Scoups: (smiles) Gusto kong magpasalamat muli sa ginawa mong pagsagip sa akin. Kahit na hindi mo alam na ako ang prinsipe ay isinugal mo ang iyong buhay. Karapat dapat sa malaking karangalan. Tumingin ka sa iyong kanan (may itinuro)
You: (looked at your right side) (nakakita ng mga alahas, mamahaling langis at mga damit)
Scoups: Nais kong iregalo sayo ang lahat ng mga iyan.
You: Maraming salamat po mahal na prinsipe
Scoups: Ngunit ninanais ko rin na marinig ang iyong hiling. May personal ka bang nais hilingin mula sa akin?
You: (looked at Wonwoo)
Wonwoo: (smiles)
You: (napakuyom ng kamay) (huminga ng malalim) Meron po kamahalan
Scoups: Oho. (chuckles) ano iyon?
You: (looked at Scoups’ eyes) Gusto ko pong makauwi sa lalong madaling panahon. At kung maaari ay huwag ninyo na po ako ihatid pauwi.
Wonwoo: (nawala ang ngiti)
---
Jun – Rich Noble
You: (naglalakad sa bayan bitbit ang mga regalo ng prinsipe) Tsss. Matulog kasama ng prinsipe? (tinitigan ng masama ang palasyo mula sa malayo) Gusto ko ng payapang buhay. (naalala si Jeonghan) Ngunit… hindi ako makapaniwala na ang ginoong iyon ay isa rin palang prinsipe. (nagpatuloy sa paglakad)
Tindera: Binibini, bili ka ng palamuti
You: (looked at her) (pati sa mga paninda nya)
Tindera: (smiling at you)
You: (in your mind: ahh, inaakala siguro niya na may salapi akong pambayad dahil maganda ang suot ko) (ngumiti lang) (umalis)
(napatigil ka sa paglakad)
You: Sandali. Ano bang gagawin ko sa mga regalo na ito? Hindi ko rin naman ito magagamit. (nakaisip ng ideya) Tama!
---
Jun: (naglalakad sa bayan habang kumakain ng apple)
Alalay ni Jun: (nakasunod kay Jun)
Jun: Oh? (may nakita sa malayo na nagpahinto sa kaniya)
You: (nagtitinda sa gilid) Bili na kayo ng mga kasuotan na ito! Gawa ito sa magandang tela! Binibini, bili na. Meron din ditong palamuti at mabangong langis.
Jun: (chuckles) (tinitigan ang maganda mong kasuotan) Mamahalin ang suot niyang damit ngunit nagbebenta siya sa palengke? Nakaka-intriga talaga ang katauhan ng babae na iyon
Alalay ni Jun: ako po baa ng kinakausap ninyo mahal na ginoo?
Jun: (smiles) hindi ba’t gustong gusto mong gumala? (binigay ang apple sa kaniya) may titignan lang ako rito. Maglibot libot ka muna. (binigyan siya ng salapit)
Alalay: salamat po Panginoon. Babalik po ako bago mag dapit hapon
Jun: (nods) (looked at you)
You: binibini! Bilin mo na ito!
Babae: (lumapit) (tinignan ang alahas na binebenta mo) Magkano ang isang ito?
You: (hindi alam ang presyo) Iyan ay… sampung pilak lamang.
Babae: ha? Napakamahal naman. Kukunin ko ito sa limang pilak.
You: (naisip na baka mahal nga) Ahhh sig-
Jun: (sumingit) (kinuha ang palamuti) limang pilak?
You: (nagulat, nakilala siya)
Jun: (tinitigan ang palamuti) ang palamuti na ito ay gawa sa bato mula sa tsina. Kung hindi ako nagkakamali ay galing ito sa XiFeiyu. Ang ganitong palamuti ay nasa pitumpu hanggang walangpung pilak ang halaga. Ngunit… (tumingin sa babae) ninanais mong bilhin ito sa limang pilak? (nilakasan ang boses) Ang bato na ito ay lumilitaw lamang isang beses sa isang taon. Kung tumatawad ka sa presyo, hindi ito karapat dapat sayo. (smiles)
May ibang babae na lumapit: BIbilhin ko iyan sa halagang dalawampung pilak
Babae: Ako! Bibilhin ko na! (inagaw kay Jun) (tumingin sayo) bibilhin ko sa pitompung pilak!
You: (namangha)
Jun: (winked at you)
---
You: (naubos na ang paninda) (di makapaniwala sa dami ng pilak na kinita)
Jun: (nasa tabi mo) (tinititigan ang masaya mong reaksyon)
You: (looked at him) napakagaling mong magtinda. Paano mo nalaman ang presyo at pagkakakilanlan ng mga iyon?
Jun: (chuckles sweetly) Anak ako ng magaling na mangangalakal. Bata pa lamang ako ay kasama na kong lumilibot libot sa iba’t ibang lugar.
You: Aaaaa (nods) (tinignan siya mula ulo hanggang paa) mukha ka ngang mayaman.
Jun: Ngunit, nakakapagtaka. Saan mo nakuha ang mga paninda mo? Bihira makakuha ng ganitong bagay sa paligid.
You: …
Jun: (narrowed his eyes) Wag mong sabihing… galing ito sa nakaw?
You: Hindi ah!
Jun: (nagulat dahil sumigaw ka)
You: (naalala na mataas ang posisyon niya) Ay. P-Pasensiya na. P-Pero hindi ito galing sa nakaw. Galing ito mismo sa dugo ko.
Jun: Dugo? (akala ay nagbibiro ka lang) (blinks)
You: (tinabi ang lahat ng pera) salamat sa pagtulong mo sa akin ah. Pero panahon na para umalis ako. (aalis)
Jun: Teka, wala ba kong makukuhang gantimpala sa pagtulong sayo?
You: (looked back) eyyy. Mukha ka namang mayaman a.
Jun: Hindi naman ako humihingi ng salapi.
You: (frowned) eh ano pala ang iyong nais ginoo na kabayaran?
Jun: (lumapit) (kinuha ang kamay mo)
You: (eyes widened)
Jun: Samahan mo kong kumain ng maanghang na sabaw sa tuwing ika-pito ng sanlinggo. (hinalikan ang likod ng kamay mo)
You: (blushed) (inagaw ang kamay)
Jun: (smiling) Hihintayin kita sa ika pitong araw.
You:…
Jun: (tumalikod at naglakad palayo habang nasa likuran ang kamay)
You: A-Akala ko ba nakatakda siyang pakasalan ng prinsesa? Tsss.
----
Woozi – Swordsman
Woozi: (naglalakad sa bayan) (looking around) (sighed) Saan kaya siya nagpunta? Hindi kaya, patay na siya? Pero hindi madaling mamatay ang tulad niya. (kukuha ng pagkain sa bulsa) (walang nakapa) Kainis. Naubos na pala ang binaon kong binilog na kanin.
“Jihoon?”
Woozi: (nagulat na may tumawag sa pangalan niya mula sa likuran) (kumuha ng patalim at tututukan sana ang tumawag sa kaniya)
‘kling’~ tunog ng dalawang talim na nagtama
Minghao: (pinigilan ang patalim ni Woozi)
Woozi: (looking at MInghao) Sino ka?
“Minghao, ibaba mo ang iyong patalim.”
MInghao: (binaba ang espada)
Woozi: (saw the man behind the voice)
Jeonghan: (smiling)
Woozi: (agad na lumuhod at yumuko)
Jeonghan: matagal narin mula ng huli tayong magkita, aking kaibigan.
--- (gisaengs place)
Woozi: (mabilis na kumakain ng mga inihanda ng gisaengs)
Jeonghan: (nakaupo sa harapan niya at pinagmamasdan siya)
Woozi: (kumakain lang kasi gutom na gutom)
Jeonghan: Saang lupalop ka ba nagtago? Napakahirap mong hanapin
Woozi: (napahinto)
Jeonghan: Tiyak na matutuwa si Heneral MIngyu kapag nalaman niyang nakita na kita
Woozi: Nakikiusap ako na panatilihin mong sikreto ang pagkikita natin. Isa pa, matagal ko ng inabandona ang aking katayuan.
Jeonghan: (nods) ang pinakamagaling na swordsman ang nagturo sa ating dalawa ng kasanayan sa pakikipaglaban. At bukod tanging ikaw lamang ang nakakuha ng kaniyang teknik. Kung ganoon, bakit bigla kang lumabas sa pugad?
Woozi: (sighed) (binaba ang kahoy na kutsara) May hinahanap ako.
Jeonghan: hinahanap? Sino? Baka maaari kitang tulungan.
Gisaeng: ginoong Hannie. Naiwan rito ng hampas lupa ang kaniyang maruming kasuotan. (pinakita ang damit mo)
Jeonghan: Ahhh iyan ba.
Gisaeng. Anong gagawin ko rito ginoo?
Jeonghan: Itapon mo nalang siguro
Woozi: (nakita ang damit) (nanlaki ang mata) Iyan! (tumayo) Ang may-ari ng damit na iyan ang hinahanap ko! (looked at Jeonghan) nasaan ang babae na iyon!? (tumayo)
Jeonghan: (namangha) Woah. (in his mind: bakit palaging nasasangkot ang babae na iyon sa mga taong nakapaligid sa akin? Kamangha mangha ang tadhana)
Woozi: Nagpunta siya rito? Nasaan siya?!
Jeonghan: (smiles) Alam ko kung nasaan siya. Ngunit…nasa lugar siya na hindi mo gugustuhing magpunta
Woozi: (napatigil)
Jeonghan: Nasa palasyo ang babae na iyon
--- (meanwhile)---
You: (kararating lang sa bahay ni Woozi sa kalagitnaan ng bundok) (pagod na pagod) Napagod akong umakyat ng bundok dahil ang bigat ng pilak na dala dala ko. (looked around) ginoong Jihoon! Nandito na ako!
…
You: Wala ba siya? Nangaso siguro ito. (pumasok) (nakakita ng sulat sa gilid) (binasa)
‘Bumaba ako ng bayan para hanapin ka. Kung sakaling bumalik ka na, sundan mo kong hayop ka. Dahil baka hindi ako umuwi hanggat hindi ka nakikita. Naiintindihan mo?!’ –Jihoon
You: (namutla) (gulped) hindi ko alam kung matutuwa ako sa nabasa o matatakot. (sighed) ibig bang sabihin babalik uli ako pababa?! Hayyyys. (umupo muna) (tumingin sa mga bituin sa langit) May baon kaya siyang pagkain?
(may narinig kang kaluskos ng paa)
You: (looked around) (may naaninag na parating dala dala ang isang nilangisang tela na may apoy) (nagmadaling nagtago) (kinakabahan)
---
MIngyu- Heneral
Mingyu: (tumingin sa paligid ng kagubatan) (nakita ang nag-iisang bahay na gawa sa kahoy sa kalagitnaan) (dahan dahang lumapit)
You: (natakip sa bibig) (nagtatago)
Mingyu: Tao po?! Maryoon bang nakatira rito?!
You: (sumilip)
Mingyu: Mukhang walang tao. (sighed) nagugutom na ako at nauuhaw.
You: (in your mind: mukhang hindi naman siya masamang tao.) (nag decide na lumabas sa pinatataguan)
Mingyu: (naaninag na may papalapit) (napahawak sa handle ng espada)
You: (lumapit) magandang gabi.
Mingyu: (binaba ang kamay dahil nakitang babae ang lumapit)
You: Ano pong maipagli- (napansin ang suot niya) (in your mind: sundalo siya mula sa palasyo. Pero mukhang mas mataas ang ranggo nito kaysa sa iba)
Mingyu: Nawawala ang isa sa mga kasama naming kawal. Hinahanap namin siya ngunit napahiwalay ako sa grupo at inabot ng gabi. Gusto ko sanang humingi ng kaunting pagkain at- (nakilala ka)
You: (now looking at his face) OH?! Hindi ba’t ikaw ‘yung heneral sa…
--- (sa loob ng bahay ni woozi)
You: (nilapagan siya ng pagkain sa maliit na lamesa)
MIngyu: Maraming salamat. (nagsimulang kumain)
You: (nakatitig lang sa kaniya) (in your mind: gusto ko sanang tumanggi na pagsilbihan siya. Pero heneral siya ng aming kaharian. Maaari akong hatulan ng mabigat na parusa kung hindi ko ito gagawin)
Mingyu: (nakitang nakatitig ka) Kung hindi ako nagkakamali, ikaw ang nagtatrabahong bayarang babae hindi ba?
You: (nainis) Ginoong heneral, ang totoo po niyan ay hindi talaga ako nagtatrabaho sa lugar na iyon
Mingyu: (nagulat) talaga? (uminom) kung ganoon, bakit mo ako pinagsilbihan ng gabi na iyon?
You: (in your mind: iyon nga rin ang pinagtataka ko. Ilang beses kong pinaliwanag na hindi ako nagtatrabaho roon pero pinilit ako ng mga kawal mo)
MIngyu: (naalala ang muntik ng gawin sayo) (nasamid) ugh ugh. (pinunasan ang labi) Nais kong humingi ng tawad sa mga nangyari noon. Nakainom ako at nawala sa katinuan.
You: (nods) Walang anuman ginoo.
Mingyu: (looked at your face) (to your beautiful dress) (nagtaka) (in his mind: Halata naman na mahirap ang kalagayan ng babaeng ito. Bakit napakaganda ng kaniyang kasuotan?) (looks around) (eating while looking around) (saw a sword) (stopped)
You: (napansin na napatingin siya sa kung saan) (looked back) (saw your master’s Sword)
Mingyu: (tumayo) Ang e-espada na ‘to. (lumapit at kukuhanin sana)
You: Hindi pwede! (kumuha ng kutsilyo at tinutukan si Mingyu sa leeg)
MIngyu: (napatigil) (looked at you)
You: Ginoo, hindi mo pwedeng kuhanin ang espada na iyan
Mingyu: (kaya naman niyang labanan ka pero hindi ginawa) (humarap sayo) Nasaan ang may-ari ng espada na ito?
You: (hindi nagsasalita) (nakatutok lang sa kaniya)
Mingyu: Dito ba… nakatira ang lalaking nangangalang… Jihoon?
You: (natigilan) oh? Kilala mo ang aking tagapagsanay?
---
Dokyeom and Hoshi- estudyante sa Sungkyungkwan (paaralan para sa gustong maging opisyal)
DOkyeom: (kumakain ng pakwan habang nagpapaypay)
Hoshi: (kumakain rin ng pakwan sa tabi ni Dokyeom) napakainit ng panahon
Dokyeom: Sinabi mo pa. Alam mo kung anong magandang gawin ngayon? May nabalitaan akong tindahan ng nagtitinda ng matamis na panghimagas na gawa sa yelong may gatas at pulot pukyutan.
Hoshi: (natakam) eyy. Pero hindi tayo pwedeng umalis. Kailangan nating mag-aral ng mabuti.
Dokyeom: Sa bagay. Tama ka aking kaibigan. Hindi ito ang panahon na mag-liwaliw. Kailangan na pagbutihan natin ang pag-aaral para sa magandang kinabukasan.
Hoshi: (looked at Dokyeom)
Dokyeom: (looked at Hoshi)
Hoshi: HA HA HA HA HA
Dokyeom: HA HA HA HA HA
---
Hoshi: Pambihira! NApakasarap ng panghimagas na ito!
Dokyeom: (kumain ng yelong may gatas at honey) (nagningning ang mata) nakakapangwala nga ng init.
Hoshi: Wala namang masama kung magsaya tayo kahit isang araw man lang hindi ba aking kaibigan?
Dokyeom: Tama ka. Ang paglabas at pagkain ng masarap na putahe ay makatutulong satin upang mas ganahan tayong mag-aral. HA HA HA HA HA
Hoshi: HA HA HA H- (nasamid) ugh ugh ugh
Dokyeom: (inabutan siya ng tubig)
Woozi: (may hawak na drawing ng isang babae) (lumapit sa customer na malapit kina Hoshi) mawalang galang. Nais ko lang itanong kung nakita niyo ang babae na ito?
Pinagtanungan: (umiling)
Woozi: (sighed) (pinikit pikit ang mata dahil inaantok na) (yawn) (in his mind: hindi ako naniniwala na nasa palasyo si (y/n). Sinabi lang iyon ni Prinsipe Jeonghan dahil gusto niyang bumalik ako sa palasyo.) (tumingin kina Hoshi)
Hoshi: (masayang kumakain ng panghimagas) (may gatas gatas pa sa gilid ng labi)
Dokyeom: Kaibigan, may dumi ka malapit sa labi . (pinunasan gamit ang thumb)
Woozi: (nandiri) (pero lumapit) Ahmmm mawalang galang mga ginoo. Pero…(ipapakita palang ang larawan)
Hoshi: (binigyan si woozi ng maliit na barya sa palad) oh ayan na. Wag mo na kaming guluhin, hampas lupa. Alis!
Woozi: (napanganga) (tumingin sa barya) (napipikon)
Hoshi: (tumingin kay Woozi) Oh ano pang ginagawa mo rito mababang nilalang?! Umalis ka nga. Nasisira ang aming pagkain. Hindi pa ba sapat ang barya?
Dokyeom: Oho. Mukhang hindi niya kilala kung sino tayo. (narrowed his eyes)
Woozi: (in his mind: kumalma ka lang Jihoon. Hindi ito panahon para makipagtalo sa mga katulad nila.) (bows) pasensiya na po (aalis)
Dokyeom: Sandali!
Woozi: (lumingon pabalik)
Dokyeom: (kinuha ang larawan sa kamay niya) (tinitigan) (gasped) Kaibigan! (pinakita kay Hoshi ang larawan) Hindi ba’t ito ‘yung babae na nakabangga natin noong nakaraan? Ang magandang babae na hinahanap natin!
Hoshi: (kinuha) (tinitigan) Tama! Siya nga ito!
Woozi: (eyes widened) Talaga?!
Hoshi and Dokyeom: (tinitigan siya ng masama dahil walang galang siyang makipag-usap)
Woozi: (natauhan) M-Mga ginoo, talaga po bang nakita niyo ang babae na ito?
Hoshi: Siya nga ito. Hindi ako nagkakamali. Ang napakaganda niyang mukha ay hindi ko malimot limutan. (tumingin pa sa taas) animo’y anghel na bumaba mula sa langit
Dokyeom: Ang bukod tanging babae na karapat dapat sa marangal na lalaking katulad ko
Hoshi: (frowned) napag-usapan na nating sa akin ang babae na iyon
Dokyeom: (chuckles) kaibigan. Hindi maikakailang sa akin siya nararapat.
Hoshi: Huh? (laughed) eh hindi ka nga makapasa sa pagsusulit. Anong marangal ang iyong sinasabi?
DOkyeom: Huh! Nagsalita ang nakapasa.
Woozi: (naiinis) Ahmmm, mga ginoo. Alam niyo ho ba kung nasaan ang babae na ito?
Hoshi: (looked at him) Hindi namin alam. Kaya nga’t maging kami ay naghahanap din sa kaniya.
Dokyeom: Ano bang relasyon mo sa magandang dilag?
Woozi: (in his mind: inisin ko kaya ang mga mayabang na hunghang na ito?) (smiles) siya po ang… asawa ko.
Dokyeom and Hoshi: (napahinto)
Woozi: (kinuha ang larawan) (umalis)
---
Dino – Crown Prince Body Guard
Reyna: (nagmamadaling pumunta sa kwarto ng Hari)
Dino: (humarang sa pintuan)
Reyna: (napahinto) Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? (tumaas ang kilay)
Dino: Humihingi ako ng tawad kamahalan. Ngunit maiging pinagbawal ng prinsipe ang pagbisita ninuman sa mahal na hari.
Reyna: Baka nakakalimutan mong ako … ang reyna. Ang asawa ng Hari ng ating kaharian!
Dino: (hindi tumitingin) (tahimik lang pero nakaharang)
Reyna: (papasok)
Dino: (humarang)
Reyna: (di makapaniwala) (binunot ang espada mula sa tagiliran ni Dino)
Dino: (not budging)
Reyna: Umalis ka sa dinadaanan ko!
Dino: (nakatayo lang)
Reyna: (nagalit) Sabing…! (itinaas ang espada)
Seungcheol: (binuksan ang pinto)
Reyna: (napahinto)
Seungcheol: ANONG KAGULUHAN ITO!
Reyna: (ibinaba ang espada) (glaring at Seungcheol)
Seungcheol: (looked at the queen [Jeonghan’s Mother])
---
Minghao – Shadow guard of the 2nd prince
MInghao: (yumuko kay Jeonghan)
Jeonghan: (nakaupo kasama ang mga bayarang babae) (sinenyasan ang mga babae na umalis muna sa kwarto)
Gisaengs: (lumabas)
Jeonghan: (inayos ang damit) Anong balita?
Minghao: Nais nilang gawing hari ang inyong kapatid. Si Prinsipe Seungcheol
Jeonghan: (nods) Hindi magtatagal ang buhay ng aking ama. Kaya natural lamang na ihanda na nilang ihanda ang taga pagmana ng trono. Tiyak galit na galit ang akin ina.
Minghao: (looking at Jeonghan)
Jeonghan: (napansin ang titig niya) Mayroon ka pa bang ibang ibabalita?
Minghao: (huminga muna ng malalim) Nahanap ko na po kung sino ang nasa likod ng paglalason sa mahal na hari
Jeonghan: (nawala ang ngiti)
Minghao: Iyon po ay walang iba kung hindi ang … ang… mahal na reyna.
Jeonghan: (nagulat) S-Sinasabi mo bang… kaya’t nagkaganoon ang aking ama ay dahil mismo sa aking… (clenched his fists)
---
Seungkwan – Punong Ministro
Seungkwan: (nakasakay sa kabayo pero nalulula) (takot na takot)
Jeonghan: (nakasakay rin sa kabayo) (looked at Seungkwan) (natatawa) Punong Ministro Seungkwan
Seungkwan: (namumutlang tumingin)
Jeonghan: Mukhang hindi ‘ata maganda ang pakiramdam mo?
Seungcheol: (nakasakay sa kabayo) (tumingin rin kay Seungkwan)
Seungkwan: M-Maayos na maayos po ako. Isang karangalan na makasama ang ibang punong ministro (tumingin sa paligid) at ang dalawang prinsipe sa pangangaso. (gumalaw ng kaunti ang kabayo niya) (napahiyaw) Waaaaaaaah!!!!
Jeonghan and Seungcheol: (natawa) (napahinto) (looked at each other)
Seungcheol: (umiba ng tingin)
Jeonghan: (shrugs)
Seungcheol: simulan na natin ang pangangaso. Ang sinumang may pinaka maraming mapatay ay tatanggap ng malaking gantimpala.
Lahat ng kasama sa pangangaso and Jeonghan: Opo kamahalan
Seungcheol: Hiyah! (pinatakbo ang kabayo)
Jeonghan: (tumingin sa likuran ni Seungcheol kung saan nandodoon ang kaniyang mga arrows) Kahit kailan talaga, napaka-sigla niya sa ganito
(nagsialisan narin ang ibang kalahok sa pangangaso)
Jeonghan: (tumingin kay Seungkwan) Mauna na ko sayo punong ministro (winked) (mabagal na pina-andar ang kabayo)
Seungkwan: (hindi mapagalaw ang kabayo) t-teka! H-Hintayin niyo ko!
Kabayo: weeeeeeeeeeeeeeehaaa!
Seungkwan: (natakot) NANAY KO! AYOKO NA! GUSTO KO NG UMUWI!
---
Jeonghan- Pangalawang Prinsipe
Jeonghan: (naglilibot sa gitna ng gubat habang nakasakay sa kabayo) (isang kamay ay hawak ang bow) (in his mind: Kung ang inang reyna ang nasa likod ng pag-lalason sa amang hari, bakit niya nais patayin ang aking ama? Hindi ba’t maibilis na maipapasa kay prinsipe Seungcheol ang trono kung gagawin niya ito?)
(may usa na tumakbo malapit sa kaniya)
Jeonghan: (nakita ang usa) (tinapatan ng pana) (closing his one eye) (inaasinta ang usa)
Usa: (tumingin kay Jeonghan)
Jeonghan: (nakipagtitigan sa usa) (naawa) (binaba ang pana) (sighed) Kaya nga ba hindi ako sumasama sa pangangaso. Masyadong malambot ang puso ko para pumatay.
Usa: (tumakbo palayo)
Jeonghan: (nods) maglilibot libot nalang siguro ako. (napahinto) (may kakaibang naramdaman)
(may biglang humawi sa hangin)
Jeonghan: ahhh! (winced)
(tinamaan ng pana sa braso si Jeonghan)
Jeonghan: (groaning) (napahawak sa braso) (tumingin sa paligid para hanapin kung sino ang pumana sa kaniya)
(may sumigaw) “Napana si Prinsipe Jeonghan! May pumana kay prinsipe Jeonghan!”
Jeonghan: (frowned) (tinignan ang pana sa braso niya) (in his mind: Bakit siya sumigaw matapos niya kong panain?!) (tinanggal ang pana sa braso niya) ahhhhhhhhhhh~ (groaning) (hinihingal) (pinagmasdan ang pana) Oh? Ito ay … ( in his mind: Kay Prinsipe Seungcheol ang palaso na ito.Kung ganoon, nais nilang…)
(nakarinig si Jeonghan ng mga paparating na kabayo sa direksyon niya)
Jeonghan: Nais nilang pagbintangan si Prinsipe Seungcheol. Kapag nakita nila akong duguan at hawak ang palaso ni prinsipe Seungcheol… Argh! (pinaandar ang kabayo papalayo) Hiyahh!
(tumatakas palayo si Jeonghan habang namimilipit sa sakit)
(hanggang umabot siya kalagitnaan ng bundok)
Jeonghan: (pinagpapawisan ng malagkit) (nauubusan ng dugo) (bumagsak sa kabayo) (hinihingal na nakahandusay sa damo) (smirks) Naiintindihan ko na. (sinubukang tumayo) Hmmm (winced) Kaya ako pinapasama ni ina sa pangangaso ay para pabagsakin si prinsipe Seungcheol. (nahihilo) (may nakitang papalapit) (nanlalabo ang mata)
You: (naglalakad pababaa ng bundok) (saw him)
Jeonghan: (duguan)
You: (eyes widened) (tumakbo palapit) (tinignan ang sugat sa braso niya, pati sa palaso na hawak niya sa kabilang kamay)
Jeonghan: (looking at you) (nakilala ka) oh? Ikaw na naman
You: a-anong nangyari sa-
Jeonghan: (napayakap na sayo sa panghihina)
You: (natulala)
Jeonghan: makinig kang mabuti… (bumulong) (hugs you) ilayo mo ko dito
You: h-ha?
Jeonghan: (chuckles) (nahimatay)
You: Mahal na prinsipe!
---
Vernon- English speaking na envoy mula sa China
Vernon: (naglalakbay pauwi sa China) (nakasakay sa kabayo) …. (iniisip ka parin) (in his mind: where did I see that girl?) Ahh! (huminto sa pagkakabayo) That’s right! I know! That girl is the slave the emperor bought to become his concubine!
to be continued
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro