#78 "Type of Doctors"
Scoups
-Cardiac surgeon (expert in operating heart disease)
-dahil pinaghilom mo ang nagdurugo naming puso
-charot!
-siya ang doctor na super friendly sa mga pasyente
-sa super friendly aakalain mo type ka niya
-his gummy smile is dangerously gorgeous
-kaya pinipigilan niyang huwag ngumiti sa pasyente
-baka kasi mamatay, may sakit pa naman sa puso
-ugh!
(Sa operating room)
Scoups: (inooperahan ang puso)
Assistant: Doc! Tumigil ang heart beat niya!
Scoups: (tinignan ang monitor) Argh! (Massage the heart) HINDI PWEDE! TUMIBOK KA! TUMIBOK KA!
~peeeeeeeeeeeeeeeeet!~
Scoups: KAPAG NABUHAY KA, IDEDATE KITA!
~dugdugdugdugdugdug~
Assistant: DOC! NABUHAY SIYA!
-patay ka ngayon Cheollie
-smirks*
-----
Jeonghan
-neurologist (expert sa utak)
-cause he is so genius~
-*flips hair*
-siya yung doctor na kung hindi mo makikita sa operating room, baka nasa office niya at natutulog
-he really needs lot of sleep
- 15-20 hours kaya ang tagal ng pag-oopera sa utak mong komplikado
-peace yow 😎👉👉
-Doctor Yoon Jeonghan po
-gwapo
-matalino
-at medyo sira ulo
Jeonghan: kayo po ang kapatid ng pasyente di ba?
Babae: naku hindi po. Nanay niya ako
Jeonghan: ay ganun ba? (Chuckles) ang bata niyo kasi tignan (winks)
Babae: (kinilig muna bago naalala ang anak) so kamusta po ang operasyon sa utak ng anak ko?
Jeonghan: tanong ko lang po, kpop fangirl ba ang anak niyo?
Babae: hala opo!
Jeonghan: kaya pala green ang utak niya. (Laughed) joke. So sino po ang bias niya?
Babae: (nagtataka) ahmmm. Yung Scoups po ata?
Jeonghan: Okay. Ayon po sa data chart, malapit ng mamatay ang anak niyo.
-----
Joshua
-pediatrician (expert sa panggagamot sa mga bata)
-meet our gentle looking doctor
-DOCTOR HONG!
-*threw confetti*
-magalang siyang magsalita
-mahinahon
-palaging nakangiti
-bagay na bagay sa kaniya ang pagiging pediatrician
-dahil magaling siyang magpatigil sa pag iyak ng mga bata
Bata: (iyak ng iyak) waaaaahhhh!
Nanay: s-sorry doc ah. Ano ba (y/n), tumahan ka na. Papagalingin ka ni Doctor.
Bata: waaaaaah!
Joshua: (ngumiti) (lumapit sa bata) hello (y/n). Wag ka ng umiiyak.
Bata; (umiiyak parin)
Joshua: umiiyak ka ba dahil masakit ang paa mo?
Bata: waaaaaahhhhh!
Joshua: kapag di ka tumigil sa pag-iyak, ipapakain ko sa pating ang paa mo (smiles sweetly)
Bata: (biglang tumigil) (sininok)
-ako nalang kainin mo doc
-(at sinampal ni Seungkwan ang author, kaliwa't kanan)
----
Jun
-anesthesiologist (taga admit ng pain relaxation medicine/ put the patient sleep before operation)
-busy si doc dahil kaliwa't kanan ang mga surgeries
-pero di siya mawawalan ng time na kumain
-imbes na libro, mga balat ng pagkain ang makikita mong nakatambak sa office niya
-PoGing doctor Junhui po
-ang dakilang manhid, pero tagapag manhid ng nasasaktan mong damdamin...
-*dabs*
(Operating room)
You: (kinakabahan)
Jun: (tinangnan ka) wag kang kabahan ka. Relax ka lang
You: d-doc, kapag pa binigyan na ko ng anesthesia mawawalan na ko ng malay at hindi ko mararamdaman yung pag o-opera?
Jun: oo naman. (Eyes smile) kapag nilagyan kita ng anesthesia, hindi mo malalamang nilalagari na namin ang bituka mo at pinagbubuhol buhol. Kakalikutin namin ang tiyan mo, at tiyak na sisirit ang dugo.
You: ... Doc, parang ayok-!
Jun: (sinaksakan ka na ng anesthesia)
-mahal ka parin namin doc kahit ganyan ka
----
Hoshi
- Obstetrician/ gynecologist (expert in female reproduction system/ in charge of labor)
-the chinitong doctor
-madali siyang lapitan
-joker sa pasyente
-at love na love niya ang baby ng pasyente
-feeling tatay, wala namang jowa.
- at dahil feeling tatay...
-ito yung doctor na nakikielam pa kung ano ang magandang ipangalan sa baby mo
(Operating room)
You: (nanganganak na) ahhhhh!
Hoshi: tama yan! Umiri ka lang! sabihin mo "Waaah!"
You: waaaah! .
Hoshi: "Roooarr!"
You: Roaaaar!
Hoshi: "Grrrr!"
You: Grrrr!
Hoshi: when I say "Yahoo"! You say?
You: YAHOOOOOO!
Hoshi: What time is it?!
You: (looked at the clock inside the operating room) 10:10!
-operating room ba to or concert hall?
----
Wonwoo
-general surgeons (can operate patients in every part of their bodies)
-pwede siyang mag opera sa utak
-sa digestive system
-sa lungs
-sa puso
-sa lahat lahat
-kaya niya lahat except ang i-crush back ka
-boom!
-cold hearted si doc (palibhasa matalino)
-di man lang siya ngumingiti
-at bihira siya magsabi ng comfort words
-cold hearted doctor crush lang ang peg
-okay ng masungit, malakas naman charisma
(Operating room)
Assistant: Doc! Tumigil ang heartbeat niya!
Wonwoo: (minasahe ang puso) kapag nabuhay ang pasyente, ide-date ko siya
Assistant: doc! Bumalik ang heartbeat niya! So ide-date niyo po talaga ang pasyente?
Wonwoo: syempre joke lang yon
~peeeeeeeeeeeeeeet~
-nakakamatay ang joke mo doc
-----
Woozi
-Rheumatologist (expert in bones, joints, muscle)
-katulad ni Doc Wonwoo, cold-hearted rin si Doc Lee
-ang kaibahan lang...
-mas maputi siya
-at mas maliit
Woozi: (glared at author)
-ahem
-ayun nga
-kahit masungit si doctor snowhite...
-magaling naman siyang doctor
pasyente: (dumating ng maraming sugat at pasa)
Woozi': (pinagmasdan ang sugat) ahhhh so ito... (tinuro ang tiyan ng pasyente) hinampas ng plantsa. Ito naman (tinuro ang braso) hinampas ng martilyo. (Tinuro ang ulo) hinampas ng plato. (Tinuro ang tagiliran) hinampas ng cactus. (Tinaas ang suot na nerd glass) tama ba?
Pasyente: (nagulat) pano mo nalaman doc?
Woozi: (smiles) nasubukan ko ng ipanghampas ang mga bagay na yon. Kaya kabisado ko ang marka.
Pasyente:....
-Okay na pala ako kay Doc Wonwoo
-----
The8
-pulmonologist (organs involved breathings)
-si doc na in born na mayaman
-at mas yumaman pa ng maging doctor
-sanaol
-dedikado siya sa trabaho
-kahit weekend or day off niya, pumupunta siya sa hospital kapag kinailangan ang tulong niya
-marami siyang hobbies: like painting, photography, collecting wines or camping
-kaya kung wala sya sa hospital, malamang busy sya sa kaniyang hobbies
-fashionistang doctor
-medyo savage nga lang
pasyente: D-Doc, kinakabahan ako sa surgery ko
The8: (nakatitig sayo) (nodding)
Pasyente: paano doc kapag palpak ang surgery? mamatay po ba ako?
The8: Natural.
-nawalan ka ba ng hininga?
------
Mingyu
-neurologist (brain surgeon)
-tall
-tanned
-handsome
-skilled
-friendly
-gay
-guy*
-expert
-perfect na sana eh
-may pagka clumsy nga lang
Pasyente: Doc, salamat. Dahil sa surgery, hindi na sumasakit ang ulo ko
Mingyu: (worried face while looking at the patient's head)
Pasyente: bakit po doc?
Mingyu: ahhh wala. (Aalis na sana) (bumalik uli) teka. kapag ba inalog alog mo ulo mo, wala kang nararamdamang iba?
Pasyente: (inalog ang ulo) wala naman po. Bakit?
Mingyu: ano kasi... may nawawala kasing equipment sa operating room. Nag-aalala ako baka, naiwan ko sa loob ng ulo mo.
Pasyente:..
Mingyu: sigurado ka bang walang tingiling ngiling na tunog kapag inalog mo?
-tingiling ngiling.jpeg
-----
Dk
-pediatrician (treats kids)
-masiyahing doctor
-na gumagamot sa mga bata
-kahit siya mismo ay isip bata
-(freddie aguilar's "Anak" tone) tenenenenen tenenenen tenenenen~
-katulad ni Doc Hong, magaling din siya magpahinto ng iyak ng bata
Bata: (umiyak) waaaahhh!
Nanay: ano ba anak, tahan na.
Dokyeom: (hinawakan ang kamay ng nanay) ako ng bahala (ngumiti) (tumingin sa bata) .
Bata: (umiiyak) waaaah!
Dokyeom: (huminga ng malalim) (bago nag-iyak iyakan) WAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!
Bata: (nagulat) (huminto)
Dokyeom: waaaah!!!! (Naglumpasay pa sa sahig)
Bata: (napanganga)
Dokyeom: waaaahhhh! (Tumigil) (bumalik sa upuan) oh ano? (Tinuro ang bata) akala mo ikaw lang marunong umiyak ah.
Bata:....
Nanay:...
Earth:....
----
Seungkwan
- Urologist (urinary tract in both males and females)
-ang doctor na ka-vibes lahat ng nurse
-taga pagkalat ng chismis sa hospital
Seungkwan: alam niyo ba yung buntis sa room 404, kahapon lang, nanganak na!
-masiyahing doctor
-pero medyo emosyonal
Seungkwan: anong pangalan mo?
pasyente: Chwe Hansol po.
Seungkwan: so, may problema ka sa pag-ihi?
Pasyente: opo.
Seungkwan: okay. Hubad.
pasyente: po?
Seungkwan: hubad na. Ichecheck ko.
-walang malisya guys
-trabaho lang to
-be professional
----
Vernon
-Oncologist (treats cancer)
-meet our english spokening doctor
-he studied at John Hopkins (best medical school)
-bukod sa taglay na kagwapuhan ang talino
-siya rin ang bukod tanging doctor na marunong mag-rap
Vernon: (makes speech for doctors in training) whenIwasonly17IonlygotafewdollaersbutwhenIbecameadoctorIgotmillionofdollars
-SWAAAAAG~
-he is somehow cool
-tahimik
-pero sweet
you: p-positive po ako sa cancer? Ibig bang sabihin, makakalbo na ko doc?
Vernon: may posibilidad na makalbo ka
You: edi papanget na ko! Waaah!
Vernon: kahit naman may buhok ka, panget ka parin
-TEKA! AKALA KO BA SWEET!?
-TAKE TWO!
you: p-positive po ako sa cancer? Ibig bang sabihin, makakalbo na ko doc?
Vernon: may posibilidad na makalbo ka
You: edi papanget na ko! Waaah!
Vernon: no. (Sweet smiles) ang tunay na kagandahaN, nasa puso ng tao.
-edi wow
----
Dino
-Geriatric medicine doctors (expert in older adults)
-magalang na chinito
-dedikado sa trabaho
-may mahabang pasensya kaya Napapakisamahan niya ang mga makukulit na matandang paulit ulit ang kwento
-doctor Chan nugu aegi?
Dino: Halmeonie Harabojie's aegi (smiles)
Lola: noong panahon namin, nagtatago kami sa mga kweba para hindi makita ng mga sundalong tsino
Dino: oh talaga po? katulad niyo yung lola ng kaibigan ko.
Lola: ay talaga? Nasan na siya apo?
Dino: ayun. (Smiles) patay na po.
Lola: (nahimatay)
Dino: Lolaaaa!
----
End.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro