#68 Svt characters sa Korean Historical Ancient times
Scoups
-siya ang crown prince
-dahil may malalang sakit ang hari, may malaking posibilidad na siya na ang italaga sa puwesto
-pero hati ang puso ng mga punong ministro tungkol dito
-hindi kasi siya ang legal na anak ng hari
-anak siya ng hari sa isang concubine (tawag sa mga kabit ng hari)
-bagama't anak mula sa concubine, ang iba ay payag sa pagiging crown prince niya
-una:
-mataas ang marka nito sa pag-aaral
-magaling siyang makipaglaban
-at may mabuting puso para sa mahihirap
-pero kahit ganito, mayroon paring mga panig sa gobyerno ng mga ministro na hindi papayag na siya ang maging hari
-kasi daw, malaki ang gums nya
-joke lang
-*fake cough*
-eto nga kasi...
-mas gusto nilang piliin ang pangalawang prinsipe
-pero mamaya ko na siya ipapakila
-syempre moment pa ni Crown prince to
Seungcheol: ang tubig
Eunuch (tawag sa personal na alalay ng prinsipe): opo mahal na prinsipe. (Inabot ang tubig na nakalagay sa gintong mangkok)
Seungcheol: (kinuha) (minumog ang tubig) (dinura)
Palace maid: (pinunasan ang labi niya) (#sanaol)
Seungcheol: (huminga ng malalim) nakakarepresko talaga na linisin ang ating ngipin. Ngunit sana ay may ibang paraan para linisin ito bukod sa paglalagay ng asin sa magalas na dahon.
(Nakatingin lang sa kaniya ang mga palace maid na nagbabantay)
Seungcheol: ano kaya kung magkaroon ng kagamitan na para talaga sa ngipin? At imbes na maalat na asin ay gagamit ng ibang bagay na masarap sa panlasa upang ipanglinis. Sana ay makalikha tayo ng ganoong kagamitan. Ang tatawagin natin iyong... (nag-isip) Eunuch
Eunuch: ano po iyon kamahalan? (Yumuko)
Seungcheol: ikaw ba ang maalam sa salitang galing sa kanluran? Sa Ingles?
Eunuch: mayroon po akong alam na kakaunti.
Seungcheol: kung ganoon, ano ang ingles ng ngipin?
Eunuch: (nag-isip) Tooth?
Seungcheol: tooth (nods) (tumingin sa langit) tama. Balang araw, tatawagin ko ang bagong kagamitan na tooth... tooth...?
Palace maid: ay peste!
Seungcheol: (tumingin sa palace maid)
Eunuch: (glared at her)
Palace maid: (napatakip ng bibig)
Eunuch: anong karumihan ang iyong sinasabi sa harap ng prinsipe?!
Palace maid: (sumubsob sa lupa habang nakayuko) Patawarin niyo ako mahal na prinsipe! Napasigaw po ako ng ganoon dahil may dumapong gagamba sa aking balikat!
Seungcheol: walang anuman. Tumayo ka na. (Napaisip) peste? (Gums smiles) tama. TOOTH PEYS.
-apakatalino
-------
Jeonghan
-ang pangalawang prinsipe
-na anak ng hari sa reyna
-ngunit hindi itinalagang crown prince
-sa totoo lang, wala naman din kasi siyang interes na makipag agawan sa trono
-at karamihan ay hindi papayag na ang tulad nya ang mamahala sa kaharian
-kilala kasi siya bilang prinsipe na walang ginawa kung hindi tumakas sa palasyo at magpakaligaya kasama ng mga Gisaengs (tawag sa mga bayarang babae)
-he looks like a happy go lucky prince
-pero lingid sa kanilang kaalaman ay matalino pala ito ay palihim na nag iimbestiga tungkol sa kalagayan ng kaharian
Jeonghan: (halos hubad na ang pang itaas na bahagi ng damit) habulin niyo ko~
Gisaengs: (hinahabol siya) Ginoong Hannie, hnnng~
Jeonghan: (chuckles sexily) (hinablot ang isang gisaeng at hinalikan)
(May nagbukas ng pinto)
Jeonghan: (tinignan kung sino ang nagbukas)
Shadow guard: (yumuko kay Jeonghan)
Jeonghan: nandito ka na pala (smiles, before drinking a rice wine)
---------
Jeonghan: (nasa balkunahe) (nakasalumbaba)
Shadow guard: maraming naitatala ng kaso ng pagkawala ng mga tao sa bayan. Karaniwan ng nawawala ay mga dalagang babae
Jeonghan: (smirks) napakarami ang nagugutom sa kaharian. Anong dahilan kung bakit dumudukot sila ng mga palamunin sa gitna ng kahirapan? Malamang na ibenebenta nila ang mga ito bilang alipin.
Shadow guard: (looked at Jeonghan)
Jeonghan: (met his gaze) imbestigahan mo si Ministro Cha. May kutob ako na siya ang nasa likod ng mga nawawalang babae sa bayan.
Shadow guard: (yumuko) masusunod mahal na prinsipe
Jeonghan: ilang beses ko bang papaalalahanan na wag mo akong tawagin na ganyan kapag nasa labas tayo?
Shadow guard: Paumanhin Hannie
Jeonghan: (smiles)
(binuksan ng mga gisaeng ang bintana upang makita si Jeonghan mula sa malayo)
Mga gisaeng: oh aming ginoo~ kailan ka babalik rito upang makipaglaro samin?
Jeonghan: (kumaway)
Gisaengs; (kinikilig)
Jeonghan: tignan mo nga naman ang mga babaeng ito.
Shadow guard; (looked at the gisaengs)
Gisaengs: (winking at his handsome guard)
Shadow guard: (nandiri)
Jeonghan: sabihin mo nga, may nakita ka bang isa man lang sa mga babaeng yan na mas maganda pa sa akin?
Shadow guard: (looked at jeonghan) (gritted teeth) W-Wala po.
Jeonghan: (mayabang na tumawa) tama ka. Sasang ayon ka siguro na ako ang pinaka magandang lalaki anupat wala ni isang babae ang pumapantay sa aking kagandahan.
Shadow guard: (clenched his fists before answering) Opo. Kayo ang pinaka magandang lalaki.
Jeonghan: (tinapik ang shadow guard) kaya nga ba't paborito kita.
Gisaengs: Ginoo~
Jeonghan: Oo! Papunta na ako! (Bumulong: mga panget na nilalang)
Shadow guard: (narinig ang bulong niya)
Jeonghan: (bumalik sa mga gisaeng)
Shadow guard: (huminga ng malalim) kung di lang siya prinsipe, kanina ko pa siya... (inambahan ang direksyon ni Jeonghan)
----
Joshua
-ang royal physician
-(ito ang doctor na may mataas na rank. Sila lamang ang tanging pwedeng tumingin sa mga may royal blood)
-siya ang pinaka bata at pinaka gagong...
-gwapong*
-doctor na itinalaga bilang isa sa manggamot sa royal family
-bukod sa talento sa medesina ay may taglay din siyang isang kakayahan upang umangat ng walang kahirap hirap
Reyna: ikaw na punong tagapag gamot, tignan mo nga kung talagang may sakit ang prinsipe
Joshua: (yumuko)
Jeonghan: inang reyna, ilang beses ko bang sasabihin sayo na may sakit ako at hindi makakasama sa pangangaso?
Reyna: wag mo kong linlangin prinsipe Jeonghan. Ginagawa mo ito dahil tinatamad kang sumama sa kanila. May balak ka na naman bang tumakas sa gabi at... (napahinto dahil nakikinig si Joshua) (sighed) makinig ka prinsipe. Kapag hindi ka nagpakitang gilas sa pangangaso na ito, tiyak na si Prinsipe Seungcheol ang makakakuha ng trono bilang hari.
Jeonghan: siya naman talaga ang bagay na maging hari
Reyna: (glared at him)
Jeonghan: ahhhh ~ (umacting) ang ulo ko. Napakasakit.
Reynan: punong tagapaggamot, tignan mo ang totoo niyang kalagayan
Joshua: masusunod, mahal na reyna (kinuha ang pulso ni Jeonghan)
Jeonghan: (looking at him)
Joshua: (lumayo ng kaunti) mahal na reyna, ang prinsipe ay may sakit. Ngunit ito ay dulot lamang ng labis na pagkabahala. Kailangan niya ng pahinga.
Jeonghan: (nagulat)
Reyna: (gasped) totoo ngang may sakit ka?!
Jeonghan: ha? Ahhh (umacting uli) opo.
Reyna: (sighed)
Joshua: magbibigay po ako ng lunas upang mabilis na gumaling ang prinsipe
Reyna: gawin mo ang makakaya mo. (Tumayo) (glared at Jeonghan) (before leaving)
Jeonghan: (tumingin sa Eunuch) umalis ka muna sa silid, at palayuin ang mga alila ng palasyo
Eunuch: masusunod prinsipe (umalis ng paatras)
Jeonghan: (tumingin kay Joshua) anong pangalan mo? Bago ka lamang bilang tagapaggamot sa palasyo
Joshua: ang pangalan ko po ay Jisoo
Jeonghan: Jisoo. (Nods) nakakagulat na nagsinungaling ka tungkol sa aking kalagayan
Joshua: hindi po ako nagsinungaling. Totoo po na may sakit kayo kamahalan
Jeonghan: (kinabahan) ha? Anong sakit?
Joshua: (looked at him) Kagandahang lalaki
Jeonghan: (natawa) (dinuro duro siya) alam ko na kung paano ka napunta sa puwesto mo. (Narrowed eyes) Gusto kita~
-#BL
-charot
---
Junhui
-isang noble (tawag sa mga aristocrat)
-anak siya ng pinakamayamang merchant ng ginto, tanso at bakal
-pangalawa ang pamilya nila sa pinakamayaman pagkatapos ng royal family
-at ang tatay niya ang isa may mataas na katungkulan bilang Minister of war
-siya rin ang inerereto na mapapangasawa ng prinsesa
-bukod kasi sa taglay na kayamanan...
-ay natatangi rin ang kaniyang kagwapuhan
-pero may lihim siyang pagkatao
-akala ng iba ay makisig ito at mahinhin
-ngunit...
-siya ay DAKILANG WEIRDO
-mahilig siyang gumala sa bayan upang tikman ang pinaka maanghang na putahe
Junhui: (Kumakain sa isang pribadong kainan)
Nagserve ng pagkain: ito na po ginoong Junhui (nilapag ang chicken soup)
Junhui: (smiles)
Nagserve: (kinilig)
Junhui: ito ba ay nilagyan mo ng maanghang na sangkap?
Nagserve: opo ginoo.
Junhui: salamat. Makakaalis ka na binibini.
Nagserve: (umalis at sinara ang pinto)
Junhui: tignan nga natin kung may ibabatbat ka. (Talking the soup) (tinikman) (eyes widened) ang anghang! Wohoooo! (Kumain pa) (namula) grabe ang anghang nito. Pero mas maanghang parin ang kagwapuhan ko (dab) wooo~
- 😃
-------
Hoshi
-aristocrat din siya
-at nangangarap na makakuha ng mataas na posisyon sa palasyo
-kaya nag -aral siya sa Sungkyungkwan (paaralan para sa mga nagnanais maging opisyal)
-pero limang taon na ang nakakalipas
-at hindi parin siya nakakapasa
-tamad kasi mag-aral at magbasa ang ating ginoong tigre
-ginoo* lang. Walang tigre
Hoshi: (pout while walking around the Sungkyungkwan) ano ba yan?! Hindi na naman ako nakapasa sa pagsusulit! (Crossed arms) di bale. Babawi ako sa susunod na taon. Mag-aaral ako ng mabuti. At kapag nakapasa ako, luluhod ang bawat nakakakita sakin! Muhwahahahahaha
---(after 5 minutes)---
Hoshi: (kumakain ng dried sweet persimmon habang nagbabasa ng rated spg na libro) wahahahahaha! Nakakatawa ang larawang to! Hahahaha!
------
Wonwoo
-ang tagapayo ng hari
-kapag ang hari ang namomroblema, tumatawag siya ng mga tagapayo para magbigay ng opinyon
-pero dahil may sakit ang hari, ang crown prince ang madalas na umasikaso sa mga hinaing ng mamamayan
-gago din siya
-gwapo* Kako
Seungcheol: (sumasakit ang ulo habang nagbabasa ng balumbon) (sighed) punong tagapayo
Wonwoo: (lumapit) ano po iyon mahal na prinsipe?
Seungcheol: mayroong balita ng pagkawala ng mga dalagita sa bayan. Ano ang opinyon mo rito? Na maaaring dahilan ng pagkawala nila.
Wonwoo: (nag-isip ng malalim)
Seungcheol: (looked at him)
Wonwoo: ahhhh (mukhang may naintindihan)
Seungcheol: (excited na marinig ang sagot nya)
Wonwoo: sa tingin ko po, kaya nawawala ang mga dalagita na ito ay dahil sa isang lalaki.
Seungcheol: (interesado) isang lalaki?
Wonwoo; (nods) maaaring may isang matipunong lalaki sa bayan.
Seungcheol: tapos?
Wonwoo: marahil ay nagtapat ng pag-ibig ang mga babaeng ito. Pero isa isa silang hindi tinanggap ng lalaki. Kaya nasaktan ang kanilang puso at naglayas. (Ngiting nakakaloko)
Seungcheol:...
-sabi sa inyo gago eh
-gwapo*
-----
Woozi
-may isang pinakamagaling na swordsman noon na nagtago
-namuhay siya ng simple sa kakahuyan
-at hindi iyon si Woozi
-iyon ang master ni Woozi
-bago mamatay ang magaling na swordsman na iyon ay itinuro niya kay Woozi ang kaniyang technique
-tinuruan niya siya kung paano ang tamang paghampas ng gitara
-charot
-kaya si Woozi na ang pinaka magaling na swordsman ng panahong ito
-pero nagtatago lang din siya sa kagubatan
-dahil ayaw niyang gamitin ng iba ang kaniyang kakayahan sa maling paraan
Woozi: (naglalakad sa kagubatan dala dala ang mga panggatong na nasa likuran niya at ang nahuling manok)
-(buhat kasi ng buhat, di tuloy nalaki)
Woozi: (glared at author)
-(sabi ko nga Joke lang!)
Woozi: (nagpatuloy sa paglakad)
(May mga dumating na Bandits at pinalibutan siya)
-(bandits- tawag sa grupo ng magnanakaw)
bandits: (may mga dalang sandata) (nakangisi) ibigay mo samin ang manok kung ayaw mo masaktan, bata.
Woozi: hindi na ko bata. (Aalis)
Bandits: (hinarangan siya)
Woozi: (glared at them)
Bandits: ibigay mo na sabi. (Sapilitang kukunin ang manok)
Woozi; (kinuha ang kamay nito at binali)
Bandit: ahhhhh!
(Sinugod pa sya ng ibang bandits)
Woozi: (pinag ka-karate sila) (kinuha ang isang panggatong sa likod) (ginamit ito para pagpapaluin sa ulo ang mga bandits) (tumakbo ng mabilis at sinipa ang puno) (kaya lumipad ito) (saka pinatumba ang natitirang bandit na nakatayo)
(Tumba ang lahat sa hampas niya. PANIS!)
Woozi: (stretch his neck) salamat sa ehersisyo. (Naglakad uli) Parang nakakaisip ako ng musika habang binabali ko ang buto nila. (Hums Svt "Boom Boom")
-aba may future sa music industry si master Woozi
---
Dk
-ang aristocrat na kaibigan at kaklase ni Hoshi
-Pareho silang...
-hindi makapasa pasa
-same feathers flock together ika-nga
-at dahil mayayaman sila, ang dorm nila ay nasa gawing kanan ng Sungkyungkwan
-Pero madalas silang tumambay sa kaliwang bahagi kung saan naroroon ang mahihirap na estudyante
-ang dahilan?
-wala
-bored lang sila kaya nambubully ang mga loko
Dokyeom: (pinapaypayan ang sarili habang naglalakad papunta sa kapwa estudyante na nakakabata sa kanila)
Hoshi: (kasama niyang naglalakad)
Dokyeom: tignan mo silang maglaro ng bola na gawa sa tela. Mga kawawang nilalang.
Hoshi: (tumawa) ahohohoho. Kung ako yan, kaya kong pabilhin si itay ng bola na gawa sa ginto
Dokyeom: (napaisip) pwede bang tumalbog ang ginto?
Hoshi:...
Dokyeom and Hoshi: (nagtawanan nalang)
(Hanggang sa biglang natamaan ng bola si Dokyeom)
Dokyeom: aray! (Glared at the other students)
Hoshi: hoy ikaw! Hindi mo ba tinitignan kung sino ang tinamaan mo?!
Student: pasensya na po. Hindi namin sinasadya. Nakaharang po kasi kayo
Dokyeom: (gasped) aba aba. Sumasagot ka pa. Hindi mo ba kilala ang aming ama?
Hoshi: oo nga oo nga! At mas matanda kami sa inyo. Limang taon na kami rito! Kaya galangin niyo kami!
Student: limang taon? Hindi ba't tatlong taon lang ang pag-aaral sa Sungkyungkwan
Hoshi and dk: (natigilan)
Student: ah! Ibig bang sabihin ay hindi pa kayo nakakapasa sa pagsusulit?
Dk: Hoshi
Hoshi: Dokyeom
Dk: nagugutom na ko. Tara na't kumain.
Hoshi: magandang ideya (naglakad palayo ng magkahawak ang kamay)
-----
Mingyu
-isang matipunong Heneral
-hawak niya ang buong sandatahan ng palasyo
-siya ang binigyan ng hari ng kapangyarihan na humawak sa sundalo
-madalas siyang nasa border line at nasa digmaan
-tinagurian siyang "the black reaper" dahil lahat ng nakakasangga nito sa labanan ay namamatay
-gwapo
-malakas
-may magandang katawan
-hindi natatalo sa labanan
-pero walang jowa
mga tao sa bayan: NAGBALIK NA SI HENERAL MINGYU! PANALO TAYO SA DIGMAAN! (nagdiwang)
Mingyu; (naglalakad papasok ng bayan kasama ang mga ibang soldiers) (may mga dugo sa katawan mula sa kalaban)
Mga tao: (isinisigaw ang pangalan niya) Heneral Mingyu! Heneral Mingyu!
Mga babae; (kinikilig habang naglalakad sya sa gitna ng daan)
-siya atapang lalaki
-kaso takot sa...
Mingyu: waahh! (Tumili) (napatigil sa paglakad)
Mga tao: (napahinto)
Soldier: bakit heneral?
Mingyu: may ipis!
------
Seungkwan
-MiNister of finance
-kasama siya sa mga ministro na boto kay crown prince
-hindi naman siya gumagawa ng mali di tulad ng ibang ministro na sakim at nangungupit sa pera ng bayan
-pero may pagkamadaldal nga lang ito
-AT pagkasipsip
Seungkwan: (naglalakad sa paligid ng palasyo papunta sa lugar kung saan sila magkakaroon ng meeting)
Jeonghan; (nakasalubong siya)
Seungkwan: (gasped) mahal na prinsipe Jeonghan (yumuko)
Jeonghan: ministro ng pananalapi, kamusta?
Seungkwan; maraming salamat sa pangangamusta ninyo prinsipe. Nasa maayos akong kalagayan. (Sinilip ang mukha niya) pambihira. Napakagwapo ninyo kahit kagigising lamang sa umaga.
Jeonghan: (laughed) hindi Pa ko nakakatulog. Buong gabi kasi akong nakipaglaro sa mga gisaeng
Seungkwan: (natameme)
Jeonghan:(smiles)
Seungkwan: (fake laughed) ha ha ha ha. Ang ibig ko pong sabihin ay napakagwapo ninyo kahit wala pang tulog
Jeonghan; (fake laugh) (umalis)
Seungkwan: (glared at his back)
---(sa meeting ng mga ministro)---
Seungkwan: hindi parin ako payag na si Prinsipe Jeonghan ang pinipilit ninyong maging hari. Isa siyang walang kwentang prinsipe na walang inatupag kung hindi ang makipaglandian sa mga bayarang babae!
Minister of war: bantayan mo ang iyong pananalita. Maaari kang maparusahan ng pamumusong
Seungkwan: totoo naman ang aking sinasabi!
Minister of art: tama na ang pagtatalo. Kaya tayo nagpulong ay para pag-usapan kung sino ang sasalubong sa envoy mula sa tsina
other minister: ang balita ay, galing sa kanluran ang pinili nilang envoy. At nagsasalita ito ng... ng?
Seungkwan: INGLIS ang tawag doon. INGLIS.
Minister: (sighed) kung ganon, sino sa atin ang sasalubong sa kaniya?
Seungkwan: ako nalang. Marunong akong mag inglis. Dahil ang pag i-inglish ko ay nasa pinaka mabuting kwalidad
-BeSt QuALity *Insert Boo's voice*
-----
Vernon
-ang gwapong envoy ng China na English spokening
Vernon: (dumating kasama ang ibang tsino)
Seungkwan: (sinalubong siya kasama ng isa pang ministro) You, here, we are happy. Nice to meet you.
Vernon: It was nice coming here
Minister: Maligayang pagdating sa aming kaharian
Vernon; (naamoy ang hininga niya) oh my goodness! Your breath smell like garlic!
Minister: (tumingin kay Seungkwan) anong sabi niya?
Seungkwan: (evil smile) ang gwapo mo raw
Minister: (natuwa) paano ako magpapasalamat sa kaniya?
Seungkwan: sabihin mo "Thank you. My pleasure"
Minister: Thank you envoy. My pleasure
Vernon: (frowned) (just shook his head)
-----
Dino
-ang estudyante mula sa Sungkyungkwan na nakapasa agad
-actually siya yung kausap nila Dokyeom at Hoshi na nakatama ng bola kay Dk
-yup
-mas nauna pa siyang maging opisyal kaysa sa dalawa
-nasa pinakamababang uri palang siya ng kawal
-he is the prison guard
-na masyadong matuwid
-oppa cardo ika-nga
Minister: nandiyan ang nahuling magnanakaw kanina hindi ba?
Dino: (yumuko) opo. Bukas po gagawin ang interogasyon.
Minister: (kinabahan) (papasok)
Dino: (humarang) bawal po kayong pumasok.
Minister: eyyyyy (binigyan siya ng ginto sa kamay)
Dino: (tinignan ang ginto) (ibinalik) pasensya na po. (yumuko)
Minister: (nagalit) sino ka sa tingin mo para tanggihan ako?! Tandaan mo ang araw na to!
Someone: napakagandang senaryo
minister and Dino: (tumingin sa dumating)
Dino: (eyes widened) (sumubsob sa lupa)
Minister: k-kamahalan?! (yumuko)
Seungcheol: (tumingin kay Dino) anong pangalan mo?
Dino: Dino po kamahalan.
Seungcheol: (nods) ang mga katulad mo ang kailangan upang magkaroon ng matatag na kaharian. Tumayo ka. At simula ngayon, kukunin kitang personal kong guwardiya
Dino: (nanlaki ang mata) k-kamahalan
Seungcheol: (gums smiles)
------
Minghao
-ang gwapong shadow guard
-isa siya sa pinaka magaling na swordman
-kung si Woozi at si Minghao ay maglalaban ay hindi pa alam kung sino ang mananalo
-shadow guard siya ni Prinsipe Jeonghan
-oo. Tama ka
-sya yung shadow guard na kausap ni Jeonghan sa pangalawang threads kanina
-based on it, isa siya sa mga nakakaalam ng tunay na ugali ng kaniyang master
-kahit na naiinis siya sa pagiging mahangin nito, tapat parin siya rito
-at may tiwala siya na magiging mabuting tagapamahala si Prinsipe Jeonghan
Minghao: (nagtatago sa taas ng puno) (nakita ang mga palanquin na pasikretong itinatawid sa liblib na lugar) (naglagay ng takip sa mukha) (bumaba)
Mga lalaki na may dala ng palanquin: sino ka?! (Nilabas ang mga espada)
Minghao: (sumugod mag -isa at binubog ang mga ito gamit ang likod ng espada)
(Natumba sa isang iglap ang mga lalaki)
Minghao: (lumapit sa palanquin) (binuksan) (eyes widened) (nakakita ng limang babae na nakatali at nakatakip ang bibig)
Babae sa unahan: (looked at Minghao)
Minghao: (staring at that girl na mas maganda pa kay Jeonghan)
-----
You
- oo ikaw
-meron ka ring role dito
-as you can see, wala pang commoner (pinaka mababang uri ng tao) sa threads na to
-Surprise! *SHUA'S voice*
-IKAW YON!
-AHAHAHA*evil smile*
-pero good news
-ikaw yung nakita ni Minghao na babae sa palanquin
-kunwari maganda ka
-para bawing bawi ako
-😘
Ipagpapatuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro