Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#37 Svt First day as Grade 7

Seungkwan

-yung pabibo mong kaklase na feeling class president

-"Uy class! Sabi ni Teacher find your height daw!"

-"Ano ba!? Ang ingay niyo! Pag kayo nahuli ni teacher!"

-"Wag niyo babalutan ng dyaryo 'yan ha. Dapat matigas na plastic cover. "

-hindi lang siya feeling class president

-feeling close din si mayora

-"Hi, hello. My name is BOOOOOOOOO, wash your name?"

-at dahil pabibo siya, siya din yung unang pasok palang may nametag na

-tapos biglang pinaglalabas yung lahat ng gamit sa bag!

-*nilabas 13 na notebook*

-*nilabas mga ballpen, blue, red, black and PINK.

-*nilabas ang pencil case*

-*naglabas ng scientific calculator*

-"Uy alam niyo ba, kailangan natin ng ganito, ganiyan, kasi sabi ng pinsan ko kailangan daw to pag high school ka na. May ganito ka? Ay wala. Di ka na nga kumpleto sa gamit, di ka pa crush ng crush mo."

-ilag ilag din pag may time

----

Vernon

-ang biktima ng "May lahi ka ba?"

-taas ang kamay ng mga mongoloid!

-anyway..

-ito yung totoy na mukhang foreigner pero magaling magtagalog

-tatahimik tahimik sa gilid

-pero type pala niya yung pinaka mahinhin at inosenteng simpleng babae na nakaupo sa unahan

-Wag kang iilag, di ka naman tinatamaan

-----

Dino

-yung totoy na may bimpo at pulbos parin sa likod

-di na daw siya baby pero de hatid pa ni mommy sa first day of school

Dino: Please mom, iwanan nyo na ko. Kaya ko na ang sarili ko

Mom: Sure ka ba anak? Oo nga pala, yung lunchbox mo nasa bag mo na. Wag mo kakalimutan ilista lahat ng mga kailangan sa school ha. Also, don't forget na palitan ang lampin sa likod kapag puno na ng pawis.

Dino: Mom

Mom: Oo na oo na. Aalis na ko baby. Asan kiss ko?

Dino: Moooooooom

Mom: Okay last na to, whose baby are you Dino?

Dino: (tumingin muna sa mga bagong kaklase na pinapanood siya sa tapat ng pinto ng room) (sighed) (mahinang sumagot) M-MOm's baby

MOm: Aigoo (pinches his cheeks) Ang cute talaga ng baby ko. Aalis na ko. Pakabait ka ha

Dino: (pumasok na sa loob ng nakayuko) (umupo sa bandang gitna)

Katabi ni Dino: Hi

Dino: (tumingin sa katabi)

katabi ni Dino: (smirks) Dino, Whose baby are you?

-and the nugu aegi tale begins!

-----

Minghao

-ritzkid na galing sa private elem school

-"Bakit blackboard ang gamit natin hindi white board?"

-"Can we turn on the aircon?"

-"What the...! walang aircon?!"

-"Bakit hindi pumipila ang mga estudyante sa canteen? Nasan ang manners?"

-"Why do we need to take down notes? Hindi ba pwedeng i-copy nalang ang files sa Ipad?"

-"Okay, so wala din palang TV?"

-Pers of all...

-BAKIT KA NGA BA SA PUBLIC NAG-ARAL?! BUSIT KA!

-----

Mingyu

-yung kaklase mo na inakala mong Senior high na

-ang haba ng biyas ni manong eh

You: (pumasok sa room) (nakita si MIngyu na nag iisang nakatayo sa loob)

Mingyu: (nerd glasses) (may hawak pa panyo)

You: (nagtaka) Kuya, ito po ba room ng Grade 7 Diamond?

Mingyu: Oo eto nga (inayos ang suot na glasses)

You: (nagulat) ay grade 7 ka din pala?

Mingyu: Hindi, kinder garten. Kaya nga sabi ko Grade 7 diba.  (crossed arms)

-iyan ang tinatawag na enemy at first sight

-pero magkaka-inlove-an din naman sa huli

-alalalalalalalalal~

---

Woozi

-yung kaklase mong inakala mong Grade 1

-ang cute kasi ni  baby eh

You: (pumasok sa room) (nakita si Woozi na nag iisang nakaupo... ay mali... nakatayo pala doon sa dulo)

Woozi: (looked at you)

You: Uhmmm bata, excuse me . Ito po ba ang room ng Grade 7 diamond?

Woozi: (staring at you)

You: (naghihintay ng sagot)

Woozi: (smirks) hindi dito. Sa pang apat na room ang grade 7. Bilisan mo baka ma-late ka na!

You: Thank you! (tumakbo sa pang apat na room)

-pinagtinginan ka ng lahat ng nasa room

You: (nahihiyang umupo sa bakanteng upuan)

-nilapitan ka ng isa sa mga estudyante

Student: nene, nagkamali ka ata. Anong grade mo na ba?

You: Grade 7.

Student: Ahhh, Grade 10 diamond itong room.

You: ....

-babala: mag-ingat sa mga cute at maliit na kaklase. Sila ang dakilang bully.

-----

Dk

-isipin mo pre, highschool na siya

-pero di parin siya gumagraduate sa mga school supplies na binili ng nanay niya

Dk: Wow ang ganda naman ng bag mo, avengers!

Hoshi: Ha ha ha! (nilabas ang notebook) Tignan mo ang notebook ko. Spider man!

Dk: Wala ka sa notebook ko (nilabas notebook) Tsara! "Ang Probinsyano!"

Hoshi: Ahhhh(gasped) ~kung wala ka ng...

Dk: Ahhhh (gasped,) ~maintindihan

HOshi: Kung wala ka ng...

Dk: ~malapitan

Hoshi: Kapit ka sa akin

Dk: kapit ka sa akin~

Dk and Hoshi: Hindi kita bibitawaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaan

---

Wonwoo

-the feeling genius

-ito yung estudyante na makikita mo na nakaupo sa tabi ng bintana

-tapos nagbubuo ng rubic cubes

Wonwoo: (nagbubuo ng rubic cubes)

mga kaklase mo: (nanonood sa kaniya) Ay ang galing nun oh. Tignan niyo

Wonwoo: (lumaki ang tenga) (binilisan pa ang pagbubuo)

Mga kaklase: Lupet!

Wonwoo: (nabuo ang rubic) (nilapag ang cubes sa lamesa) (stretching his neck) (sabay kumuha naman ng libro at nagbasa)

Mga kaklase: Ay ang lupet talaga niya! Kaya niyang magbasa kahit nakabaligtad ang libro! Lupet!

----

Hoshi

-ang dakilang bewstfriendeu ng lahat!

-first day of school palang kabisado na niya ang pangalan ng lahat

-first day of school palang, nakabuo na siya ng dabarkads

-first day of school palang, mayroon na siyang fanclub

- at ang pinaka malupet, first day of school palang pero...

Hoshi: "Pssst, pengeng papel."

----

Jun

-the campus crush

-first day palang ng school pero balitang balita na yung gwapong grade 7 na ang pangalan ay Jun

-agad na nabotong escort ng klase

-gwapo, matangkad pero mahiyain

-tahimik lang siya sa gilid at parang may sariling mundo

Jun: (nakaupo sa likod)

Mga kaklase mong maharot: (tinitignan siya at kinikilig)

Jun: (alam na tinitignan siya pero kunwari  hindi) (feels awkward) (tumingin sa labas ng bintana at tinakpan ang sinag ng araw gamit ang kamay)

mga maharot: kyaaaahhh (naghahampasan sa kilig)

Jun: (smiles prettily like he is shooting a music video)

You: (looked at him)

Jun: (met your gaze)

You: (nakatitig lang sa kaniya)

Jun: (biglang ngumiti at tumango)

You: (blushed)

-Patay kang bata ka

-----

Joshua

-yung kaklase mo na first day of school pero may dalang gitara

-Wala tayo sa High school musical Mr. Hong -_-

Joshua: (nilabas ang gitara)

Mga new classmates: (tumingin sa kaniya)

Joshua: Ahem. (strums) ~Sunday Morning rain si falling~

Mga new classmates: (namangha)

Joshua: (di na naituloy ang kanta) Sorry guys, hanggang dun palang ang alam ko eh (scratched his nape)

-Isang palakpak naman diyan sa mga estudyanteng nagdadala ng gitara sa school kahit hindi naman marunong!

-----

Jeonghan

-yung kaklase mo na alam mong di mo makakasundo

-alam mo yun?

-yung di mo pa naman siya kilala

-pero may kung ano sa kaniya na kumukulo ang dugo mo

Jeonghan: (nakadukdok sa lamesa)

You: (tumabi sa kaniya) Hi, ako si (y/n)

Jeonghan: (bumangon at tumingin) Hello, ako naman si Jeonghan.

You: (nag isip ng sasabihin) Math pala first subject natin, fav subject ko yun

Jeonghan: Ay ganun? Pinaka hate ko naman yung Math

You: (natahimik) (nag isip ulit ng sasabihin) Ahhhh ang ganda ng upuan natin no?! Two in one ang lamesa at upuan. Sa elementary magkahiwalay ang upuan at lamesa. Iba talaga pag high school na ha-ha ha

Jeonghan: Ganun? Para sakin mas type ko kung magkahiwalay ang lamesa at upuan kasi makakadukdok ako ng maayos.

You: ....

Jeonghan: ....

You: (nakakita ng photo card ng kpop idol sa sahig) Oh? May photo card ng kpop (pinulot)

Jeonghan: (tumingin sa hawak niyang photo card) Mahilig ka sa kpop? (natuwa kasi mukhang may pagkakapareho na sila)

YOu: (ngumiti kay Jeonghan) Ahh oo. Actually kilala ko tong nasa photocard. Bias ko 'to eh

Jeonghan: (nawala ang tuwa) Ah okay. Hindi ako fan ng grupo nila. Fandom ako ng ( ........)

You: (nawala ang ngiti)

Jeonghan: (nakatitig)

You: (may lumabas na laser sa mga mata)

Jeonghan: (umirap)

Sabay na bumulong: ayoko sa kaniya.

------

Scoups

-everyone have that one classmate na mula elemantary hanggang high school ay pinagtatagpo kayo ng landas

Scoups: Uy, dito ka pala nag aral ng high school?

You: (nabad trip dahil siya yung nang-aasar sayo noong Grade 1-Grade 4 ka) Y-Yes.

Scoups: After mo lumipat ng school noong Grade 5, akala ko di na tayo magkikita. (umupo sa tabi mo) Okay lang na dito ako umupo?

You: Y-Yeah, whatever (iniiwasan mong tignan) (naiirita)

mga kaklase mong babae: (kinikilig habang tinitignan si Scoups)

Scoups: Ang laki ng pinagbago mo. Naalala ko nung maliit palang tayo, iyak ka ng iyak noong inaasar kita tapos tulo pa sipon mo (laughed)

You: (di nalang nagsalita)

Scoups: Oo nga pala, anong Facebook account mo?

You: (di nakapagpigil) pwede bang magkunwari ka na hindi mo ko kilala? Isa pa, hindi naman tayo close noon. (tumayo, at umiba ng upuan)

Scoups: (natulala) (blinks)

Hoshi: (umakbay kay Scoups) Hi new friend.

Scoups: (nakatingin lang sayo)

Hoshi: (napansin ang tingin niya) Ayieeeeeee, crush mo siya?

Scoups: Ha? Ahh. Magkaklase kami noong elementary.

Hoshi: Ahhh (nods)

Scoups: Bakit kaya siya galit sakin?

Hoshi: Baka inaaway mo siya dati? You know, mga gawain natin nung bata tayo. We tend to tease girls

Scoups: Hindi ko naman siya inaasar. Nagpapapansin lang ako dati dahil crush ko siya.

Hoshi: Ahhhh (gasped)

Scoups: (looking at you from the distance)

You: (nakasimangot na nakaupo sa sulok)

Scoups: (smiles romantically while looking at you)

-bata bata, landi agad. Huh!

Hoshi: anyway friend, pwede manghingi ng papel?

----

To be continued for part 2 "Svt highschool's love stories"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro