#152 "Svt Kapag nabasted"
S.Coups
-the "wapakels"
Sc: Gusto kita
You: Sorry. Pero 'di kita gusto.
Sc: okay. (Nods)
----(kinabukasan) ---
Sc: (lumapit na may dalang flowers) oh, para sayo
You: teka. Diba nilinaw ko na kahapon na hindi kita gusto?
Sc: oo nga
You: oh eh, bakit nandito ka?
Sc: dahil gusto kita
You: Pero hindi kita gusto
Sc: oo nga.
You: naiintidihan mo naman pala. Kaya nga bakit nandito ka?
Sc: kasi nga, gusto kita
You: pero hindi kita gusto. Binasted kita okay?
Sc: Oo nga.
You: kaya nga umalis ka na
Sc: ayoko
You: bakit?
Sc: kasi, gusto kita
You: pero sinabi ko nang ayaw ko sayo
Sc: Oo n...
White cow from the side: Oo ngaaaaaaaaaa~
-yung baka na yung napagod
----
Jeonghan
-the "patay malisya"
Jh: Gusto kita
You: Sorry, pero hindi kita gusto
Jh: Pardon?
You: hindi kita gusto
Jh: ahh (nods) I love you too?
You: ha? Sabi ko hindi kita gusto
Jh: gutom ka na ba? May saging ako dito
You: hindi ka ba nakikinig? Sabi ko, hindi kita gusto!
Jh: (freeze)
You: (frowned , nagtaka)
Jh: (gumalaw ng kaunti) (nakanganga)
You: napapano ka?
Jh: (nag freze uli) so..sorry, mahina ang.... (Gumalaw at tumigil) signal. Mamaya nalang u... (Moved and freeze) ...li. Cha...(moved, freeze) ...pi ka, mahal.
You: (clenched your fists)
----
Joshua
-the "magaling magpalusot"
Js: Gusto kita
You: Sorry. Pero 'di kita gusto.
Js: (chuckles) miss, actually... (May tinuro sa malayo) Nasa "Wow Mali" ka. Tingin ka sa camera oh.
Ikaw na uto-uto: (kumaway sa malayo habang nakangiti)
-----
Junhui
-the "annoying"
Jn: Gusto kita
You: Hindi kita g...
Jn: (nagtakip ng tenga) nye nye nye~ Wala akong naririnig~
You:...
----
Hoshi
-the "persistent"
You: Sorry. Pero 'di kita gusto.
Hs: (eyes widened) s-sigurado ka ba?
You: (nods)
Hs: well... (Pouts) kung ganoon, wala na kong magagawa. After nito, hindi na uli ako lilitaw sa harapan mo.
You: Okay.
Hs: Hmmm. Bye. (Tumalikod)
You: (looking at his back)
Hs: (humarap uli) Aalis na talaga ako. Kapag umalis ako hindi na talaga ako babalik
You: (nods) Ingat
Hs: (walked away) (stopped again) (humarap) Aalis na talaga ako. TALAGANG TALAGA
You: (sumenyas na umalis na siya) Okay, go.
Hs: (mabagal na naglakad) (stopped) Oh! (Tinuro ang Bus) nandito na yung bus ko! Kapag sumakay ako TALAGANG TALAGANG TALAGANG HINDI NA KO BABALIK (Tumingin uli sayo)
You: (fake smile)
(At huminto ang bus)
Hs: (mabagal na pumasok sa loob) (umupo)
You: hay salamat (sighed)
Hs: (binuksan ang bintana ng Bus) (Dumungaw) (sumigaw) AALIS NA TALAGA AKO! HINDI NA BA MAGBABAGO ANG ISIP MO!?
You: (nahiya dahil pinagtinginan ka) (nagtakip ng mukha)
(Umandar na ang bus)
Hs: (Y/n)!!!
(At tuluyan ng nakaalis ang bus)
You: (glared at the road) ano bang problema niya? Argh
(Then you received a message)
You: (checked the message)
[Hindi pa nakakalayo ang bus. Mayroon ka pang chance na humabol- Hoshi]
You:...
------
Wonwoo
-the "mabilis mag move on"
Ww: Gusto kita (poker face)
You: Sorry. Pero 'di kita gusto.
Ww: Okay. Hindi lang naman ikaw ang babae sa mundo. Naka-move on na ko
You: (tapped his shoulder) That's great. Makakahanap ka rin ng babae na mamahalin mo (smiled)
Ww: (awestruck at your smile) (blushed)
You: (nagtaka na nanahimik siya) Wonwoo?
Ww: sorry (held your chin and kissed you)
-the "mabilis daw mag move on, pero MARUPOK"
------
Woozi
-the "dadaanin ka sa dahas"
Wz: Gusto kita
You: Sorry. Pero 'di kita gusto.
Wz: (evil grin) (spoke slowly) SI-GU-RA-DO KA NA BA DYAN?
You: (gulped) On t-the second thought, mahal na ata kita (fake smile)
------
Mingyu
-the "wala ng ganang mabuhay"
Mg: (nakasakay sa bus) (looking outside the window) (someone called him) (answered it)
[Oy Mingyu! Kamusta na? Nakarating ka na ba sa probinsiya ni (Y/n)? Anong nangyari? Natanggap mo na ba ang kaniyang matamis na oo?]
Mg: (yumuko) ewan ko pre. Di ko alam.
[Ha? Napano ka?]
Mg: sampung oras ako bumiyahe tapos ganito lang. Wala pre, basted eh. Ayoko na. Magpapakalayo layo nalang ako. Di ko kaya, pre tatapusin ko nalang ang lahat.
[H-Hoy! Nasan ka ba?! Kumalma ka nga Mingyu. Nasan ka?]
Mg: (naiiyak na) Di ko alam. Ewan
[Nasaan ka nga!?]
Mg: pre, wala nang kwenta buhay ko
(Sabay may nag-alok ng nilagang pugo sa gilid ni Mingyu)
Mg: (tumingin sa tindera)
[Wag ka magkaganyan sa isang babae, dude. Kumain ka na ba?]
Mingyu: Hindi pa. Hindi na ko kakain. Paano ko mamagawang kumain sa oras na to? (Sabay sumenyas sa nagtitinda ng pugo: Pabili ngang isa. Pengeng asin ah)
-----
Dk
-the "kunwari okay, not until..."
You: Sorry. Pero 'di kita gusto.
Dk: (smiled) I understand.
You: Sorry talaga Dk
Dk: uy, ano ba. Okay lang ako. Basta masaya ka, masaya narin ako
You: (smiled sadly) Thank you. You are a sweet guy. Makakahanap karin ng para sayo
Dk: sus (laughed)
----(after a while)----
Dk: (umiinom ng alak kasama ang barkada) (patawa tawa lang) tagay pa, mga tol! Sagot ko ang lahat!
---after an hour---
Dk: (lasing na) (nakadukdok at umiiyak) pre, ang sakit sakit. Siya lang ang babae na minahal ko na ganito.
Kabarkada niyang Joshua ang pangalan: (tumugtog sa gitara ng sad songs)
Kabarkda niyang Jeonghan ang pangalan: (vinideohan si Dk habang umiiyak)
Dk: Ayoko na! (Crying so hard, tulo pa ang sipon) magpapakamatay nalang ako! (Nilaklak ang alak)
Kabarkada niyang Seungkwan ang pangalan: (hinaplos si Dk sa likod) Ano ka ba, dude?! Babae lang yan! Nandito parin kami sa tabi mo (sabay tingin kay Jeonghan at Joshua habang pinipigil ang tawa)
------
Seungkwan
-the "denial"
Sk,: gusto kita
You: Sorry. Pero 'di kita gusto.
Seungkwan: (namula) Excuse me? Binabasted mo ba ko? For your information, wala akong matandaan na umamin akong gusto kita
You: ha? Pero kasasabi mo lang na...
Seungkwan: Duh?! That was a joke! Omg (laughed) di ko akalaing seseryosohin mo (crossed arms) bakit naman ako magkakagusto sa unggoy na katulad mo?
You: a-ano kamo?!
Seungkwan: (nagkukunwaring nasusuka) Kinikilabutan ako, jusko. Babush! (Tumalikod)
(Pagkatalikod na paglatalikod niya ay umiyak siya ng nakanganga pero walang tunog)
------
Vernon
-the "it takes time"
Vn: I think I like you
You: Sorry. Pero 'di kita gusto. (Sabay walked out)
Vn:...(blinks)
----(after 30 minutes)
Vn: (nakatayo parin sa puwesto) ahhhh! (Gasped) nabasted ba ko? (Blinks)
-----------
Dino
You: Sorry. Pero 'di kita gusto.
Dn: (raised his hand) Okay. I heard you. So bakit?
You: anong bakit?
Dn: I mean, give me a valid reason kung bakit hindi mo ko gusto
You: alright (huminga ng malalim)
(And you explained it really well)
You: naiintindihan mo na?
Dn: (nods) (crossed arm) medyo. Kaso bakit iyon ang dahilan? Lawakan mo ang paliwanag
You:....
(And you explained it again)
You: Gets?!
Dn: Hindi parin eh. Medyo kulang pa sa...
You: Oo na nga! Oo na! Tayo na! (Hiningal sa galit)
Dn: oh? (Eyes widened) totoo? Bat parang napipilitan ka? Anong nagtulak sayo para magbago ang isip mo? Explain it
You: (sinabunutan ang sarili) Aaaaaaaaaaaaaaaaaa!
-------
Minghao pt.1
-the "expectation"
T8: Gusto kita
You: sorry pero hindi kita gusto
T8: kahit pa ibili kita ng iPhone?
You: My answer is no
T8: kotse?
You: sabing...
T8: bahay?
You: teka, anong tingin mo sakin? Mukhang pera?
T8: VIP CONCERT TICKETS?
You: (moaned) babe~
----
Minghao pt.2
-the "reality"
You: sorry pero hindi kita gusto
T8: (frowned) ha? Gusto? Na-misunderstood mo ba lahat ng kabaitan na pinapakita ko sayo bilang kaibigan?
You: (namutla) so... Wala kang gusto sakin?
T8: Wala no.
You: kung wala naman pala, wag kang gagawa ng mga bagay na ma-mi-misunderstand ko
T8: Okay (nods) Rose nga pala, for you (inabutan ka ng rosas)
You: ....
-you misunderstood it
-repeat it
-and the cycle begins
-----
Minghao pt.3
T8: (inabutan siya ng flowers)
Girl: sorry, (sabay walked out)
T8: (hinabol ng tingin ang babae) (tinawag ang butler) pssst
Butler: yes po?
T8: (tinuro ang babae) habulin mo nga yun. Pakisabi, "Gaga" siya
End
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro