Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#148 "Svt as Plantito"

Scoups

-ito yung plantito na hindi pa expert

-narinig lang kasi niya na nakakabawas ng stress ang pagtatanim kaya gusto niyang career-rin

-at dahil siya yung tipo ng tao na ayaw nagsasayang ng oras sa pag-aalinlangan, bumili na siya agad ng mga gamit

-pagkatapos, doon palang siya manonood sa youtube ng mga dapat gawin

You: (nakita siya na may gloves) aano ka Cheol?

Sc: magtatanim lang ng puno

You: puno? Wow plantito ka na pala

Sc: (chuckles) (shyly scratch his nape)

You: ano nga pala itatanim mo?

Sc: Avocado tree

You: naku (clicked your tongue) tsk tsk. Matagal lumaki ang avocado. You need at least 5-10 years bago siya maging malaking puno.

Sc: huh? Don't worry. Malaking avocado na ang itatanim ko para di na ko maghintay

You: (confused) huh?

Sc: (sabay binuhat ang malaking avocado tree mula sa tabi)

You: (eyes widened)

Sc: sige ha, itatanim ko pa to sa bakuran ko. See ya! (Umalis buhat buhat ang malaking puno)

You: ....

-bat...parang may mali?

-----

Jeonghan

-madami siyang tanim sa bakuran

-lahat ng tanim niya, magaganda at mamahalin!

-pero mas maganda parin siya syempre

-ang nakakapagtaka nga lang, panay nadadagdagan ang mga halaman niya kahit pa hindi naman siya bumibili

-what's your secret, Yoon Jeonghan?

You: (looking around Jeonghan's garden) uy, Jeonghan, saan mo nakuha ang halaman na to? Ang ganda ah

Jeonghan: (tinignan ang tinuro mo) ahh yan ba? Galing yan kay Seungcheol

You: ahhh (nods) eh eto?

Jeonghan: galing naman kay Joshua

You: hmmm. This one? (May tinuro din)

Jeonghan: kay Jun naman galing yan

You: (nagtaka) bakit parang pakiramdam ko, lahat ng halaman mo galing kung kani-kanino?

Jeonghan: (chuckles) ding dong daeng! Tama. Halos lahat to galing sa mga kaibigan ko.

You: wow. Sanaol binibigyan

Jeonghan: (smiles) actually hindi naman nila ako binibigyan. Kapag nagustuhan ko, kinukuha at inuuwi ko nalang ng walang paalam

You: ....(blinks)

Jeonghan: (still smiling while his hands are behind his back)

You: ....(sinubukan ngumiti) you mean, pumipitas ka ng walang paalam tapos tinatanim mo?

Jeonghan: (shook his head while smiling) Nope. Inuuwi ko pati yung paso.

You: .....(sabay napansin ang pamilyar na paso at halaman sa gilid) Teka! Ito yung nawawala kong halaman ah!

Jeonghan: DING DONG DAENG!

-gulat ka no?

------

Joshua

-ang plantito na malambot parin ang kamay kahit panay nagtatanim

-anak mayaman eh

-anyway...!

-dahil nga mayaman siya, malaki ang kaniyang garden

-pumupunta pa siya sa mga malalayong lugar para lang bumili ng mga kakaiba at mahal na halaman

-siguro, iisipin ng iba na masyado siyang nag-sasayang ng pera

-pero para sa plantitong katulad niya na nakakaramdam ng peace of mind sa pamamagitan ng pagtatanim, no one should question his paradise

You: (looking at his garden) ang dami mong halaman no?

Joshua: oo nga eh. (Took a sip on his tea) tuwing tinitignan ko ang mga alaga ko, sumasaya talaga ako

You: (chuckles) well, this is your paradise after all

Joshua: (sweet smile) that's right (looked at you) alam mo, kumpleto na sana ang lugar na to. Kaso may kulang...

You: (looked back at him)

Joshua: Ikaw nalang ang kulang

You: (blushed) J-Joshua

Joshua: (smile) medyo dry kasi ang lupa ba nabili ko. Kailangan ko ng pataba

You: ....

Joshua: (binaba ang tasa ng tsaa)

You: (dumampot ng pala)

Joshua: (eleganteng tumakbo palayo)

------

Jun

-ang plantito na naniniwalang kailangan laging kausapin ang kaniyang halaman para lumago ito

-sabi nila, nakakatulong daw ang pagsasabi ng mga magagandang bagay sa halaman araw araw

-*plays crash landing on you background music*

-kaya naman, palaging nagsasalita si Jun ng magandang word sa kaniyang halaman

Jun: (dinidiligan ang sili) Hello aking sili. Today, kwekwentuhan kita ng magandang bagay para lumaki kang hot. (Clear his throat) Wen Junhui, Wen Junhui, Wen Junhui....

You: (nakatitig ka sa kaniya) (naaawa habang pinapakinggan siya na paulit ulit sinasabi ang pangalan)

Junhui: Wen Junhui, Wen Junhui...(may naisip) sige na nga. Tutal maganda rin si Jeonghan, sasabihin ko rin ang pangalan niya. Yoon Jeonghan, Yoon Jeonghan.... (Nagbago ang isip) Wen Junhui, Wen Junhui...

You: (di na nakatiis) (lumapit) hoy

Junhui: (tumingin sayo)

You: imbes na diligan mo yan ng diligan at sabihan ng pangalan mo, ilabas mo nalang sa bakuran at paarawan. Ang alam ko, kailangan ng sili ng sinag ng araw para maging maanghang

Jun: sinag ng araw? (Blinked) (stood beside the chilli pepper plant) (closed his eyes and spread his arms)

You: (nagtaka) anong ginagawa mo?

Jun: pinapaarawan ang sili ko

You: wala namang sinag ng araw dito ah

Junhui: (opened his eyes) (looked seriously at you) ....... (Y/n)..... MAS HOT PA KO SA ARAW. REMEMBER?

You: (naging hot ang dugo)

-----

Hoshi

-ang plantito na mahilig magtanim ng mga halamang nakakain

-because food is lifeu~

-may tanim siyang strawberry...

-apple

-oranges

-watermelon

-melon

-and many moooreeee

You: (pumunta sa garden ni Hoshi) (nakakita ng puno na may pulang bunga) (kinuha) (kinain)

(Medyo mapakla ito at maasim)

Hoshi: hello (Y/n)! Anong ginagawa mo? (Lumapit)

You: (tumingin habang ngumunguya)

Hoshi: (namutla nang makita ang bunga sa harap mo at ngumunguya ka)

You: (saw his pale expression) bakit ganyan ang reaksyon mo?

Hoshi: (dahan dahan tinuro ang puno) k-kinain mo?

You; hmm (nods) anong prutas to? Now ko lang natikman.

Hoshi: (pinagpawisan)

You: (kinabahan) b-bakit?

Hoshi: actually, hindi ko alam kung anong tawag dyan. Nakita ko lang sa daan yan eh. Tapos mukhang masarap kaya tinanim ko

You: (still chewing) oh, tapos?

Hoshi: nung nagkabunga na, kinain ko

You: then? (Nilunok ang kinakain)

Hoshi: after kong kainin... Nag 50-50 ako sa hospital

You: ....

Hoshi: .....

You: (heard the sirens inside your head)

------

Wonwoo

-kumpleto siya ng tanim ng mga gulay sa bahay kubo

-singkamas

-talong

-sigarilyas

-mani, sitaw bataw patani kundol patalo upo't kalabasa labanos mustasa sibuyas kamatis bawang luya OOHHH JJAK JJAK JJAK JJAK!

-ayun nga... Puro gulay ang tanim niya kahit hindi naman siya mahilig sa gulay

-he's a normal plantito na nakakapag patubo ng halaman

-imagine how sexy he is when he woke up in the morning with disheveled hair. Then he waters the plan with poker face expression!

Wonwoo: (nagdidilig ng mga tanim niyang mga repolyo)

You: (sitting on the side) (enjoying the scene of him)

Wonwoo: (turned his sexy blank stare to you) what?

You: (smiles) nothing. Sige lang, pagpatuloy mo lang yan

Wonwoo: (blinks) (nagdilig pa)

You: (sighed) (in your mind: this is paradise) nga pala Wonwoo, bakit lagi mo kong inaaya na tumambay sa garden mo?

Wonwoo: (napahinto) (stared at you) dahil...hindi kumpleto ang garden na ito kung wala ka

You: (blushed) h-huh? What do you mean? (Heart beating so fast)

Wonwoo: (tumingin sa repolyo) well............... Plants need carbon dioxide

You: ................(tumigil ang tibok ng puso)

------

Woozi

-simple lamang ang nais niyang itanim

-mahilig siyang mag-alaga ng mga halaman na higante

You: (naglalakad sa paligid ng garden niya)

Woozi: (kasama mong naglalakad) ang ganda ng mga tanim ko no?

You: hmmm (nods) pero may napansin ako. Bakit lahat ng tanim mo matatangkad?

Woozi: ....

You: (suddenly felt the murderous aura on the air)

-kung maibabalik mo lang ang panahon, sana hindi ka nalang nagtanong

-dahil sa oras na lumingon ka pabalik, doon mo lang nalaman na may alaga siyang higanteng bulaklak na kumakain ng tao

------

Minghao

-ito yung plantito na makikita mong naggugupit ng bonsai tress habang may suot na traditional dress

-madalas mo siyang makikitang nakikipagkwentuhan sa mga matatanda tungkol sa tamang paraan ng pagpapalaki ng halaman

-kung kapaitbahay mo siya, wag ka ng magtaka kung araw araw ay may dinedeliver na bagong halaman sa bahay niya

-iba talaga pag mayaman

Minghao: (kumatok sa pintuan)

You: (binuksan ang pinto) uy hao, bakit?

Minghao: (may binigay) nag-gawa ako ng rose tea. Sana maenjoy mo. Good for health yan

You: wow! Salamat.

Minghao: tsaka pwede ka ba mamaya? Darating kasi ang mga kaibigan ko galing sa ibang lugar. I wanted to invite you to my tea party

You: tea party? (Napaisip) (fake smile) ahhh. Sino sino ba ang mga kaibigan mo?

Minghao: si Duke Igor, Duchess Jane and the Crown Prince

-teka. Ibang genre na ata to

------

Mingyu

-from husband material to plantinto

-dahil dakila siyang TALENTADO, pati paghahalaman kinareer na niya

-he mastered everything about plants

-kapag may puno na tinamaan ng kidlat, kaya niya itong buhayin

-he even used recycled materials for his plant vase

-pero ang pinaka maganda sa lahat, ginagamit niya ang halaman para ipang regalo sa nililigawan niya

Mingyu: (binigyan ka ng halaman na nakatanim sa Bonakid pre school batang may laban milk can) here.... Rose yan. Diligan mo araw araw ah

You: (kinilig) thank you

Mingyu: sus, ikaw pa ba (blinks)

-----(kinabukasan)----

You: (nakakita ng magandang halaman sa garden ni Wonwoo) uy Wonwoo, kanino galing to? Ang ganda ah

Wonwoo: yan ba? Bigay yan ni Mingyu

You: (nagtaka) huh? Pero ang alam ko nakalagay lahat sa lata ang tanim niya. Pero yung binigay niya sayo galing sa mamahaling vase.

Wonwoo: (shrugged) ewan ko dun.

-can you spot the difference?

-😃

-----

Dk

-ang plantito na super appreciative

-sa sobrang appreciative niya, lahat ng makita sa daan, tinatanim niya

You: (walking around his garden) Dk, ano to? (May tinuro sa lupa)

Dk: ah yan, nakita ko yan sa daan kanina. Eh nagandahan ako. Kaya tinanim ko. Ahh nga pala! Marami pa kong tanim! Halika (hinatak ka)

You: (nagpahatak)

(At pinakita niya sayo ang lahat ng tinanim niya)

(Habang tumatagal, may unti unti kang na-realize)

Dk: (may tinuro) and last! This one! Tadah! Nakita ko naman to noong isang araw. Ang ganda no?

You: (fake smile) oo nga. Ang ganda.

Dk: may kahawig tong halaman na to eh. Di ko lang maalala ang pangalan....

You: alam ko.

Dk: talaga? (Eyes widened)

You: oo (tinitigan ang halaman) Para siyang ........ Parang.......... Parang damo

-yup! Narealize mo na lahat ng tinanim niya ay mga damo

-----

Seungkwan

-ang plantito na mausisa

-palagi siyang umiikot sa baryo at makikitang nakikipagkwentuhan sa mga nanay na may alaga ring halaman

-"uy ang ganda nito"

-"ay dapat nilalagyan mo ng stick yan kasi gumagapang yan"

-"ay sosyal, may kamatis pala kayo?"

-"hala! Saan mo nakuha to? Ang tagal ko ng naghahanap nito ah!"

-oo. Siya yung typical na plantito na makikita mo sa paligid

Seungkwan: (Y/n), ano to?

You: ampalaya yan

Seungkwan: (gasped) ay talaga? Galing. Dapat lagyan mo ng malaking tulos para gapangan . Alam ko ganun yun eh

You: (tumango nalang)

Seungkwan: nga pala, may bunga na ba yung kamatis niyo? (Sabay naglabas ng plastic bag) pahingi naman. Mag sisinigang lang ako

You: (tumango nalang) sige lang, kuha ka na

Seungkwan: salamat! (Nakita ang siling panigang) penge narin nito ah. (Nakita ang bagong rosas) ang ganda nito! Penge rin, itatanim ko samin (pumutol ng sanga)

You: (gritted your teeth while smiling)

-----

Vernon

-si Vernon ay isang rapper

-pero isang araw, naisipan niyang maging plantito

-dahil wala siyang kaalam alam sa halaman, nagsimula siyang mag aral sa pamamagitan ng panonood sa Youtube

Vernon: (excited na lumapit sayo) hey, I planted something. I saw it on youtube and it is really fun

You; (napatingin sa tanim niya na nasa vase) oh? Iyan ay...

Vernon: tadah! (Showed it) this is Makahiya. Look at this.... (Hinawakan ang makahiya)

(Tumiklop ang makahiya)

You: .....

Vernon: (chuckles) amazing, right?! Tumitiklop siya kapag hinahawakan

You:....

Vernon: but don't worry. Kasi maya maya lang o kaya bukas, bubuka rin siya

You: (nods) congrats bro

Vernon: (innocent smile) Thank you!

You: you're welcome (ngiting adik)

-----

Dino

-hindi naman siya mahilig sa halaman eh

-kaso nakita niya yung mga kaibigan niya social media na nagtitinda ng halaman

Dino: (browsing on Facebook) (nakakita ng tinitindang halaman) WHAT THE HELL?! 500 PESOS TO?! EH MERON LANG KAMING GANITO SA BAKURAN AH!

-at dahil doon, nagdecide siya na maging Plantito


End.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro