Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#142 "Svt as Chismoso"

Seungkwan

-meet the #1 chismoso ng brgy

-updated siya sa lahat ng chismis 24/7

-ultimo bilang ng alagang kambing ni Mang Elizer, kabisado niya

-siya yung inaabangan ng mga usyosera sa kanto tuwing umaga

- "Mr. Know it all" ang bansag pa nga sa kaniya

-naniniwala siya sa kasabihang, "hangga't humihinga, may bagong balita"

---
Seungkwan: oy narinig niyo na ba ang bagong chika? Buntis ika itong si Jasmine! Jusko~

You: talaga? (Gasped) sinong ama?

Seungkwan: (lumaki ang butas ng ilong) edi yung asawa niya. Sino pa ba?

-legit naman pala siya magbalita. Infairness~

----

Jeonghan

-kapag si Jeonghan ay lumakad na sa daan, mga chismoso't chismosa, nagsisilabasan

-palagi siyang may dalang balita na galing sa legit source DAW

-kapag nagkwento siya, walang bawas at walang kulang

-pero may DAGDAG

You: kilala mo ba si ate Jemi? Yung scammer doon sa kabilang kanto? Dinala raw sa hospital. Alam mo ba kung bakit?

Jeonghan: (nods) (crossed arms) noong nagsasampay raw kasi, nakakita siya ng ahas sa garden nila

You: omg! Tinuklaw siya ng ahas?!

Jeonghan: Oo. Nang mawalan na siya ng malay...

You: (nag aabang sa susunod na kwento)

Jeonghan: (eyes widened)  KINAIN SIYA NG BUO NG AHAS

You: (nawala ang excitement)

Jeonghan: kaya ang totoong dinala sa hospital ay yung ahas dahil ooperahan ng doctor ang ahas. Baka raw kasi di matunawan.

------

Wonwoo

-pinanganak siyang tahimik...

-hindi kumikibo...

-at madalang ngumiti

-kapag may chismis, nakatitig lang siya sa isang sulok at walang imik

-pero magugulat ka nalang isang araw...

---

You: Oy Wonwoo, narinig mo na ba? Buntis daw si...

Ww: Jasmine

You: (nagulat) oh? Alam mo na

Ww: (nods)

You: eh yung tungkol kay kuya Mark, ikakasal na pala siya...

Ww: sa lunes. Ikakasal na siya sa lunes

You: (surprised) (clear throats) alam mo rin pala yun. Ah! Ito, fresh na fresh! Alam mo ba na si ate Jemi, tinuklaw daw ng ahas!

Ww: (blinks)

You: (feels superior) hindi mo alam yun no?

Ww: Mali. Hindi kinagat ng ahas si Jemi. (Inangat ang reading glass) Si Jemi ang kumagat sa ahas.

You: ha?

Ww: (walked inside his room like nothing happened)

-tatahi-tahimik pero matinik pala sa balita si pare 

-----

Dino

-hindi siya nagbabalita agad nang walang legit source

-kaya mas lagi siyang pinapaniwalaan ng mga tao

-kaso nga lang....

You: Ano ba kasing nangyari? Paano mo nalaman na may kabit pala si kuya John?

Dn: ganito kasi yan (kumuha ng upuan) (sat down) kaninang tanghali, magluluto ako ng adobo sana

You: (sat down) oh, tapos?

Dn: edi pumunta ako kay aling bebang (scratched the tip of his nose) bumili ako ng toyo, mantika, pamintang buo

You: oh...(just nodding)

Dn: nung umuwi na ako, nakalimutan ko palang bumili ng suka. Kaya bumalik ako

You: (nods) then?

Dn: bumili na ko ng suka, umuwi at nagluto ng adobo. Napaalat yung luto ko ng adobo kaya dinagdagan ko ng tubig. Pagkadagdag ko, nawalan naman ng lasa.

You: (may napapansin) (pero tumango parin)

Dn: dinagdagan ko ng toyo at asin. Ayun, sumarap na. Nag tanghalian na kami at nagpahinga noong hapon. Tapos, naisip ko, masarap siguro mag coke. Kaya bumalik ako kay aling bebang

You: (frowned)

Dn: bumili ako ng coke. Pagkainom ko, sabi ko, "Ahhhhhhh~"

You: (gritted your teeth)

Dn: then, nakita ko may nakasabit pala na alibaba chips doon sa tindahan. Kaya.

You: sandali nga lang (raised your hand) diba ang tanong ko, paano mo nalaman na may kabit si kuya John. Bakit kung ano ano ang kinukwento mo?!

Dn: (chuckles) eto na nga. Iyon na ang kasunod na kwento. Bali noong pauwi na ko matapos mag coke at kumain ng chips sa tindahan, nakita ko si kuya John sa tapat ng bahay nila. May kahalikan na babae.

You: .....(nagtitimpi ng inis)

-ganyan siya kakompleto magkwento. Ayos ba? 👌😎

---------

Woozi

-the "pakitang tao na chismoso"

-kunwari hindi siya interesado

-kunwari nagi-guilty siya pag pinag uusapan ang ibang tao

-may nalalaman pa siya, "masamang magkalat ng ganyang chismis"

-pero pag-uwi naman niya ng bahay...

Woozi: (nagbukas ng Cp) Tignan ko nga raw yung FACEBOOK ng loko na yun. (Browsed at his Facebook) (eyes widened) ang laki nga ng tiyan niya. Buntis nga ba siya?
(Frowned) o baka bilbil lang.

------

Vernon

-kapag nakarinig sya ng chismis, mahilig siyang magbigay ng sariling theory

-pero yung theory niya, masyadong positive

You: totoo ba na ampon lang si Ced?

Vn: sabi nila. Hindi kasi kamukha ng mga magulang niya si Ced. Tapos dalawang buwan lang ang tanda ni Ced doon sa kasunod niyang kapatid

You: ahhh (nods)

Vn: pero feeling ko, baka hindi naman talaga ampon si Ced

You: pano mo nasabi?

Vn: aba, malay natin. Baka kambal pala yung magkapatid. Na-late lang nang labas yung isa ng dalawang buwan

You: (napaisip ng malalim)

Vn: (smiling at you)

You: Posible ba yun?!

Vn: edi search mo sa google

You: (nag search sa google) oh sabi dito, imposible daw yung sinasabi

Vn: ay tsk tsk tsk. Malamang yan, yung mga taong gustong manira sa pamilya ni Ced, baka binura nila sa google yan. Oo, binura yan.

You:.....(huminga nalang ng malalim)

------

Scoups

-kung meron tayong the "pakitang tao chismoso"...

-si Scoups naman ang "the in denial chismoso"

-ayaw niyang tanggapin na chismoso siya kahit pa magunaw na ang mundo

Scoups: guys, hindi sa naninira ako ah. I am not a chismoso. May narinig kasi akong balita pero once again, hindi ako chismoso

You: okay. So anong balita?

Scoups: eh kasi nga, noong nakaraan, nakita ko yung... Pero guys, lilinawin ko uli, hindi ako chismoso

You: oo na nga. So ano ba ang nakita mo?

Scoups: nakita ko si Albert at May, doon sa tapat ng Yoyo motel. Tapos....pero ano ha, hindi ko sinasabi to para ichismis. Hindi naman ako chismoso

You: (kinurot ang sarili sabay nag fake smile kay Seungcheol)

-----

Joshua

-ang chismis niya, ibang level

-hindi siya maiintindihan ng mga simpleng tao

Js: yesterday, I found that Sebi, the daughter of *insert famous beer brand* corporation bought a new house in Canada. Akala ko ikakasal na siya kay Frederick pero may ka-live in pala sya sa ibang bansa.

You: sino si Frederick?

Js: yung may ari ng coffee shop sa kabilang kanto

You: ahhh (nods)

Js: ohhh, narinig mo na ba yung arrange marriage ni doctor Elektrick at Laywer Bill? I doubt it to happen. Mas malaki kasi ang stocks ng Heyiwo group kaysa sa Sumsang.

You: (lumilipad na ang utak) (in your mind: sino ba yung mga pinagsasasabi niya? ) ahhhhhhh (tumango nalang) ang dami mong nalalaman na balita. Saan mo nakukuha yan?

Js: sa club ko

You: may club ka?! Wow! Sali ako!

Js: sure. Enroll ka lang doon sa Golf club na pagmamay-ari ng kaibigan ko

You:....

-now you know kung bakit wala kang alam sa mga high class chismis?

------

Dokyeom

-the chismoso pero takot

-mahilig siya sa chismis pero natatakot siya na kumalat ito ng bongga

Dk: may sasabihin ako. Pero sikret lang natin to ah. Wag mong pagsasabi sa iba

You: (nods)

Dk: kilala mo si Jemi? Yung dinala sa hospital dahil kumagat siya ng ahas

You; (nods)

Dk: (leaned closer) kaya raw hindi namatay yun kasi may dugo siya ng aswang

You: (nagulat) luh!

Dk: oo! Totoo yun! Wag mong sasabihin sa iba ah!

----kinabukasan----

Jemi: (sinugod ka) hoy! Ano tong narinig ko na pinagkakalat mo raw na may dugo akong aswang?! Huh!

You: (nagtaka) ha? Wala naman akong pinagsasabihan ng ganun

Jemi: eh bakit may kumakalat na balita tungkol dun?!

You: (tinuro si Dk) siya yung nagsabi sakin

Dk: (napaubo habang kumakain ng kamote)

Jemi: (glared at Dk) ikaw!? Ikaw ang nagkalat?!

Dk: (lumunok muna) Hi Jemi (smiles) kasi ano... Ang totoo niyan....(leaned closer) may sasabihin ako. Pero wag mong ipagsasabi ha, atin atin lang to

You and Jemi: (nacurious) (nods)

Dk: (whispered) ang totoo niyan...

You and Jemi: (gulped)

Dk: natatae na ko (sabay karipas ng takbo)

---------

Jun

-hindi siya nagsasalita sa personal

-pero sa maniwala ka man o hindi, admin siya ng sampung grupo para sa mga chismosa

-kapag may bagong chismis, yung GC agad ang una niyang sumbungan

Jun: (nag-chat sa GC)

[Guys, may chika ako...]

-at biglang nagsilabasan ang mga linta sa Gc na seener lang dati

-----

Hoshi

-the "over reacted chismoso"

-sa tuwing makakarinig ng chismis, masyado niya itong dinidibdib

-wag kang mag-alala, di ka tatamaan kasi wala kang dibdib

-kung meron man, edi wow

-anyway, back to the topic...

-siya yung tipo na apektadong apektado sa naririnig

-kulang nalang ata, gumulong siya sa sahig at maglumpasay

You: (napansin na malungkot si Hoshi)

Hs: (nakayuko) (panay ang buntong hininga)

You: (umupo sa tabi niya) anong problema?

Hs: (sighed) si ano kasi.... (Napahawak sa noo) si Rom, nahuli daw ni Emma na may kabit

You: (sighed) ganun ba. Sino nga pala si Rom at Emma?

Hs: (tumingin sayo) (blinks) Ewan ko. Basta nasasaktan ako sa kanila kahit di ko sila kilala

----

Mingyu

-hindi siya mabilis naniniwala sa chismis

-kaya bago niya ikalat ang isang impormasyon...

-sinisigurado muna niyang legit ito

-kung kani-kanino siya nagtatanong

-inaabot pa ng madaling araw kaka-stalk sa social media

-kulang nalang ata, doon sya sa mismong pinag-uusapan humingi ng sagot

Mingyu: (nag-iisip) totoo nga kayang tinubuan ng buntot si Lita? Chat ko kaya si (Y/n). Baka alam nya (nag chat)

[Oy, totoo raw ba na tinubuan ng buntot si Lita?] *sent to Lita*

Mingyu: (napatigil nang makita na si-neen ni Lita ang message) Teka nga lang. Bakit kay Lita ko sinend yung...

[*Lita is calling on messenger*]

Mingyu: Omg! (Hinagis ang cp sa kama)

----

The8

-the "prankang chismoso"

-hindi na kailangan ng maraming paliwanag para alamin kung ano ito

The8: (typed a message)

[Totoo ba ang balita na tinubuan ka raw ng buntot? Kailan mo pa naisipang maging demonyo?] *sent to Lita*

[*Lita is calling on messenger*]

The8: (kalmadong sinagot ang tawag)

Lita: Sinong sira ulong nagsabi na tinutubuan ako ng buntot?!

The8: si Mark ang nagsabi sakin.

Lita: Hindi totoo yon!

The8: edi congratulations. (Binaba ang tawag)

-chismis with Swaeg~

----

You

-masama

-ang

-manira

-ng

-kapwa

-tumigil ka na sa kaka chismis

-the end........

---

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro