Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#130 "Anaconda movie characters"

Seungkwan

-the curious human in Ert

-Dahil sa pagiging tsismoso, siya tuloy ang unang nakakita sa Anaconda

-kumbaga, ito yung palaging nagiging introduction sa mga movie

Seungkwan: (nakarinig ng kaluskos) Hala, ano yun? (kinuha ang flashlight) (pumunta sa masukal at madilim na lugar) (inangat ang ilaw at nakita ang malaking ahas na nasa harapan)

Anaconda: Ssssssss~

Seungkwan: (eyes widened) (nabitawan ang flashlight at nanginginig na napaupo sa sahig) AHHHHHHHHH!

Anaconda: (binuka ang bibig at malapit na siyang makain)

Seungkwan: OMG! JASMINEEEEEEEEEEEEEEEE!

Anaconda: (napatigil) (looked at Seungkwan)

Seungkwan: (nakapikit) (nagtataka) (opened his eyes)

Anaconda: (gumagapang palayo)

-anyway, ayon sa author ng movie, ang anaconda pala ay may dating amo na nangangalang Jasmine. Kaya naging sentimental ang anaconda ng marinig ang pangalan ng dating amo mula kay Seungkwan at ito ang dahilan kung bakit hindi siya kinain.

------

Junhui

-ito yung character na palaging inuuna ang landi

-nagmu-mukbang kasama ang jowa kaya ayun... sila tuloy ang kinain

Junhui: (kissing his girlfriend) B-Babe, hmmm~

Gf: Ahhh (moaned) J-Jun~

Anaconda: (papalapit na sa kanila)

Junhui: (hindi napansin ang anaconda at tuloy lang sa paghalik)

Anaconda: (binuka ang bibig) (bigla silang kinain at nilunok)

(meanwhile....sa loob ng tiyan ng anaconda)

Jun and his gf: (naghahalikan parin)

Gf: (napadilat) Oh? Jun. Parang dumilim ata ang paligid

Jun: (pulled back and opened his eyes) (smirks) Okay lang yan babe. Mas gusto ko kapag lights off (sabay sunggab ng halik)

Gf: hnggh~

------

Dino

-the madaldal

-hindi mawawala yung isa na salita ng salita

-at dahil puro siya dakdak, bigla nalang siyang kakainin ng anaconda mula sa likod

Dino: Alam niyo guys, hindi kayo dapat naniniwala sa mga ganung istorya. Kasi hindi naman totoo ang anaconda. Kathang isip lang siya na ginawa ng mga tao para takutin tayo. Kaya wag kayong magpanic. Pero kung sakaling mayroon ngang biglang sumulpot na ahas na malaki, bakit hindi tayo mag-alaga ng pusa? Sabi nga sa kasaysayan, kayang talunin ng pusa ang mga ahas. Oo, maliliit lang sila. So magiging quantity over quality ang laban natin. Anyway, anong breed nga ba ng pusa ang magandang iharap sa nakakatakot na ahas na ito? Kung pag-uusapan ang Science, malalaman natin na...

Anaconda: (bigla siyang kinain mula sa likod) (in anaconda's mind: MANAHIMIK KA NA. UTANG NA LOOB) (saka lumunok)

-----

Jeonghan

-ang palaging nakakaligtas dahil bine-betray niya ang mga kasama niya

-siyempre hindi mawawala yung biglang nanunulak or nanduduga sa kasama para lang mabuhay

-at iyan ang papel ni Mr. Yoon

-Siya ang isa sa mga kontrabida ng movie na to

-kasi ang sabi ng producer, humanap daw ng kontrabida na maganda at natural na cheater

-At dahil parang lumalayo na tayo sa topic, tignan na natin ang scene ni Mr. Yoon:

Jeonghan: (tumatakbo dahil hinahabol ng anaconda)

Anaconda: (gumagapang ng mabilis mahabol siya)

Guy: (saw Jeonghan) Uy Jeonghan, kamusta ka n-

Jeonghan: (tinulak ang lalaki)

Guy: Ahhh! (nakain ng anaconda)

Jeonghan: (still running) (hanggang sa naabutan siya ng anaconda) (stopped)

Anaconda: (nasa harap niya)

Jeonghan: (catching his breath) H-Hello (smiled at the anaconda)

Anaconda: (leaning closer)

Jeonghan: T-Talaga bang gutom na gutom ka na? K-Kung gusto mo ng pagkain... (nilabas ang cellphone) Mayroon akong pwedeng ireto. Pagkain number#1 (pinakita ang picture ni Scoups) Choi Seungcheol. Mainitin ulo nito pero sweet lover. Pagkain#2 (pinakita ang picture ni Joshua) Joshua Hong. Mukha lang siyang gentle pero may pagka-wild din si kuya. So sinong pipiliin mo? Si #1? O si #2?

Anaconda: (in anaconda's mind: Back out. Back out. Kalahi ko pala ang loko na to)

-#Ahas

-----

Dokyeom

-90% ng linya niya, puro sigaw

-"Ahhhhhhhhh!"

-Siya yung takot na takot 24/7

-pero sa makahimalang pagkakataon, hindi siya namamatay

Dokyeom: Ahhhhhhhhhh!

Anaconda: (kakainin sana siya kaso...)

Dokyeom: (aksidenteng nalaglag sa kama kaya nakaiwas) Ahhhhhhhhh!

Anaconda: (kakain sana siya pero...)

Dokyeom: (nadulas kaya nakaiwas) Ahhhhhhh!

Anaconda: (kinain na siya kaso...)

Dokyeom: (umutot sa loob ng bunganga ng ahas kaya nabilaukan ang ahas)

Anaconda: (muli siyang niluwa)

-matapos ang ilang try na pagkain, sumuko na ang anaconda at umalis

Dokyeom: Ahhhhhhh! (napatigil) Oh? (looked around) Nawala na yung ahas.

----

Scoups

-dahil siya ang may pinakamalakas na katawan, si Seungcheol ang character na magpapa-iwan para lang makatakas ang mga kaibigan

-may laban naman siya kahit papaano

-Pero sa bandang huli, kakaladkarin din siya ng ahas

Scoups: (may hawak na itak) Oh ano, kalabanin mo ko!

Anaconda: (about to attack him)

Scoups: (hinampas siya)

Anaconda: (umatras saglit dahil nasaktan) Ssss~

Scoups: (chuckles) Wala ka pala eh

Anaconda: (about to attack him once again)

Scoups: (hinampas uli siya)

Anaconda: (nakagat ang paa niya) (hinatak siya)

Scoups: Ahhhh! (winced) (patuloy sa paghampas)

Anaconda: (kasalukuyan siyang lulunukin)

Scoups: (nagmamatigas) (hinahampas ang gilagid ng anaconda) Itong sayo! Bat ang tibay ng gilagid mo?! Anong toothpaste mo?! Ano?!

-hanggang sa bingit ng kamatayan, toothpaste parin ang nasa isip niya. Nakakaiyak diba?

----

Hoshi

-ang reporter na ang tagal tagal nang nagre-research about sa malaking ahas na to

-kaya laking tuwa niya ng makita ito ng personal

Hoshi: (looking at the anaconda) (eyes are shining)

Anaconda: (staring at him) Sssss~

Hoshi: So, ganyan pala ang itsura mo sa personal (pinicturan gamit ang malaking camera)

Anaconda: (nagalit sa flash ng camera) Sssss!

Hoshi: (smiling at him) Nice to meet you. Ako nga pala si Hoshi, isang tigre and actually, I am the "king of the jungle."

Anaconda: (nagtaka) (in its mind: Hindi ba, Lion ang king of the jungle?)

Hoshi: naiisip mo siguro na Lion ang king of the jungle (chuckles) Don't worry. Magpinsan ang lion at tigre

Anaconda: (in its mind: Anyway...) (kinain si Hoshi)

-----

Mingyu

-ang bida ng pelikula

-aksidente niyang nakita ang anaconda

-kaya naman binabalaan niya ang mga tao na paparating na ito sa city

-pero hindi siya pinaniwalaan ng mga ito

Mingyu: Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na paparating na ang ahas, kaya kailangan nating lumikas?!

Mga tao: (pinagtawanan siya) Nababaliw na si Mingyu

Mingyu: (sighed)

(at biglang dumating ang anaconda)

Mga tao: (napahinto at nanlaki ang mga mata)

Mingyu: (tumakbo na palayo) (in his mind: Okay lang yan Mingyu. Ikaw ang bida kaya hindi ka agad mamamatay)

-at dahil gusto ng director na mapaiba ang pelikula...

Anaconda: (kinain si Mingyu at nilunok)

-NAMATAY ANG BIDA NANG HINDI PA NANGANGALAHATI ANG PELIKULA. Unique diba?

-----

Wonwoo

-ang doctor na nakakaalam kung paano tatalunin ang anaconda

-mula sa kaniyang research, ilang taon na ang nakakaraan nang magkaroon ng malaking ahas na kumain halos sa kalahati ng populasyon ng tao sa mundo

-pero palaisipan parin kung paano unang natalo ang nakaraan ahas dahil wala ito sa Genius world book of record

-kaya nagsaliksik nang nagsaliksik si doctor Jeon

-hanggang sa...

Wonwoo: (nanlaki ang mga mata) Alam ko! Alam ko na kung ano ang makakatalo sa ahas! (mabilis na nagtype sa computer)

*typing*[Dear Mr. President, natuklasan ko na ang solusyon sa ating bansa. Ang paraan upang matalo ang ahas ay ang pagpapakain dito ng malaking CHEESE BURGER]

----

Vernon

-ang presidente ng bansa na na-i-stress na dahil sa balitang natatanggap tungkol sa ahas na kumakain sa mga tao

Vernon: BAkit?! Bakit nangyayari ang lahat ng to?! Wala na ba talagang pag-asa ang sangkatauhan?

*may nareceive na email*

Vernon: (binasa)

[Dear Mr. President, natuklasan ko na ang solusyon sa ating bansa. Ang paraan upang matalo ang ahas ay ang pagpapakain dito ng malaking CHEESE BURGER] –from doctor Wonwoo

Vernon: Cheese... burger? (napaisip) (tinawag ang secretary) Secretary!

Secretary: Yes Mr. President?

Vernon: Ito na ang panahon...para tawagan ang powerpuff girls

-----

Joshua

-ang pastry chef na may-ari ng POwerpuff girls burger restaurant

-tinawagan siya ng president at inutusan na gumawa ng giant cheese burger upang masugpo ang gumagalang malaking ahas

Joshua: (sighed) Paano ko kaya gagawin ang burger? Kulang ako sa puhunan. Walang budget para bumili ng maraming ingredients

-kaya naman, to the rescue ang mayamang lalaki na nangangalang Minghao

----

Minghao

-ang mayamang lalaki na sumuporta sa powerpuff girls burger restaurant kaya naman naging matagumpay ang paggawa ni Chef Joshua ng malaking cheese burger

-so nasan na yung anaconda?

-bakit lumalayo na ata tayo sa istorya?

-actually,nagpapatuloy parin naman ang kwento tungkol sa malaking ahas

-kasi habang inihahanda nila MInghao, President Vernon at Chef Joshua ang cheese burger, ay may lalaking kasalukuyang nakikipaglaban sa malaking ahas.

Minghao: (nasa helicopter) (bitbit ng helicopter ang malaking cheese burger) Nasan na ang ahas?! Nasan na?!

Employee: Sir, tignan mo to (nagbigat ng telescope)

Minghao: (ginamit ang telescope) (may nakita sa ibaba) (eyes widened) Hindi ito maaari. Paano niya...

-ano kaya ang nakita ni Minghao?

---

Woozi

-ang gutom na lalaking naubusan ng kanin dahil dumating ang anaconda at nasira ang bahay niya

-at dahil naniniwala tayo sa kasabihang: "Guluhin mo na ang lasing wag lang ang wala pang kain," naging super sayan si Woozi

-kinuha niya ang gitara at pinaghahampas ang anaconda

Woozi: Ibalik mo ang kanin ko! Ibalik mo!

Anaconda: (gumagapang palayo) Ahhhhhhhh! (runs for its life)

Woozi: BUmalik ka ritoooo!

-ang tanong:

-matatalo kaya ni Woozi ang anaconda?

-mabibigyan kaya ng hustisya ang pagkamatay ng daan danang biktima?

-mamamatay kaya ang anaconda dahil kay Woozi, o dahil sa cheese burger?

-nasaan na si Jasmine? Ang dating amo nito?

-masasagot ang lahat, kung papanoorin niyo ang blockbuster film na ngayon ay pinapalabas na sa libo libong cinema

-(for ticket inquiries, please call 09171717171. Or message Cloe Boo.)

----

The end~ Ssssss~ 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro