Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#120 "Svt as Product Developer"

Scoups

(The Pustiso Company)

CEO: So ano ang naisip mo i-develop sa product natin?

Sc: let me present you, (nilagay ang pustiso sa lamesa) ang pustiso na dinisenyo para sa mga matitigas na pagkain

CEO: (inayos ang glasses)

Sc: sa panahon natin, hirap na hirap ang mga nakapustiso na ngumuya ng matigas na pagkain. Ang resulta? Hindi na sila kumakain. Kaya naman, naisip kong idevelop ang ating pustiso. (pinakita ang pustiso) Sir, may apat na pindutan ang pustiso. Number 1, number 2, number 3 at Zero. Ang zero ang off button. Pero kapag pinindot mo ang number 1 (pinindot)

(At umandar ang pustiso)

CEO: (eyes widened)

Sc: kusang aandar ang pustiso para ma-ngat-ngat ang pagkain! Pataas ng pataas ang number, mas bibilis ang pagnguya like dadadadadadadaddada...

CEO: (sumakit ang sintido)

----

Jeonghan

(Shampoo company)

CEO: So ano ang naisip mo i-develop sa product natin?

Jh: hello sir. Napansin ko sa mga babae na ayaw nilang nagugulo ang buhok kapag nasa biyahe: sa tricycle, jeep or bus. Kaya naisip ko... BAKIT HINDI NATIN LAGYAN NG GLUE ANG SHAMPOO NATIN?

CEO:...

Jh: (smiling)

CEO: May galit ka ba sa mga babae?

Jh: (chuckles evilly)

-----

Joshua
(Alcohol company)

CEO: So ano ang naisip mo i-develop sa product natin?

Joshua: hello sir. Well, maraming tao ang nagtatanong kung bakit 99.9% lamang ng germs ang kayang patayin ng alcohol. Kaya naman...

CEO: (naging interesado)

Js: bakit hindi tayo gumawa ng alcohol na pumapatay ng 0.001% na germs?

CEO:

Js: you know, putting the alcohol which can kill 99.9% then use our newest product which kills 0.001%. So 99.9% + 0.01% is 100% (eyes smile)

CEO:... (Bit his lower lip)

------

Junhui
(Refrigerator company)

CEO: So ano ang naisip mo i-develop sa product natin?

Junhui: imbes na i-develop, what if mag promo tayo ng 1+1?

CEO: BAKA NAKAKALIMUTAN MO NA REFRIGERATOR ANG PRODUCT NATIN?

Junhui: Ooops~

----

Hoshi
(Posporo compAny)

CEO: So ano ang naisip mo i-develop sa product natin?

Hoshi: (inhale sharply) ladies and gentleman, napapadalas ang pagba-brownout. Maraming tao ang gumagamit ng kandila at sinisindihan ito sa pamamagitan ng posporo. Ngunit, subalit, datapwat.... (pumikit na damang dama ang sinasabi)

CEO: (Looking at him with a bored face)

Hoshi: (opened his eyes) (stared at CEO) Nahihirapan ang iba dahil mabilis maputol ang posporo. What if... (smirks) Gumawa tayo ng posporo na gawa sa bakal?

CEO: (napabuntong hininga)

Hoshi: tapos para sa mga VIP client, posporong ginto

CEO: (tinuro ang pinto)

-----

Wonwoo
(condiments company)

CEO: So ano ang naisip mo i-develop sa product natin?

Wonwoo: Sir. May pamintang buo, pamintang durog  at pamintang pino. Bakit di tayo mag-gawa ng pamintang hubad? (Ngiting nakakaloko)

CEO: (Tinuro ang pinto)

----

Dk
(Car Company)

CEO: So ano ang naisip mo i-develop sa product natin?

Dk: hello sir, magandang araw. (Clear his throat) Nowadays, our gadgets are getting high tech. Nasa mundo tayo ng technology. Kaya, paano kung tuparin natin ang imahinasyon ng iba ba makalikha ng kotse na lumulutang sa daan?

CEO: (namangha) may naisip ka na bang paraan para dito?

Dk; (chuckles like a genius) for that, I brought this. (Pinakita ang magnet) sa kamay ko ay may dalawang magnet. Ang pareho positive ay imposibleng magkadikit. Hindi ba?

CEO: (tumango)

Dk; exactly! So... (binaba ang magnet) kapag ginawa nating magnet ang gulong ng kotse, lulutang ito sa daan.

CEO: (napaisip) eh paano ang daan?

Dk: gagawin din nating magnet ang kalsada

CEO: (muntik ng mapamura)

----

Mingyu
(Fabric company)

CEO: So ano ang naisip mo i-develop sa product natin?

Mg: Sir, nasubukan niyo na bang mapahiran ng laway sa damit?

CEO: (Nag-isip)

Mg: madalas na nangyayari ito sa mga magkaibigan. Halimbawa, bumahing ako. Tapos pinunas ko ang kamay sa damit ng kaibigan ko. Kaya naman! (Nilabas ang tela) nakagawa ang team namin ng kakaibang tela. Sa oras na pahiran ka ng laway ng kaibigan mo, babalik sa kaniya ang laway niya.

CEO: (blinks)

----

The8
(GPS navigation company)

CEO: So ano ang naisip mo i-develop sa product natin?

The8: Gumagamit tayo ng mga sikat na artista para maging boses sa likod ng GPS navigator. So for now, what if gumamit tayo ng GPS friendly navigator. Halimbawa , kapag kailangang lumiko sa kaliwa, magsasalita ang GPS NG: "KAIBIGAN, lumiko ka sa kaliwa"

CEO: (in his mind: may sense kahit papaano)

-----

Seungkwan
(Coffee company)

CEO: So ano ang naisip mo i-develop sa product natin?

Sk: sir, sawa na ang mga tao sa 3 in 1 coffee. Pero paano kung... magkaroon ng 12 in 1 coffee?

CEO: (gasped) share me your idea. Mukhang maganda. So how can we have that 12? I mean, anong compose nito?

Sk: sir listen carefully. Nescafe 3 in one, Great taste 3 in one, Kopiko 3 in one, Blend 3 in one, kapag pinagsama sama natin ang lahat, 3 X 4 = 12!

CEO: ....

Sk: (feels very proud)

----

Vernon
(Canned foods company)

CEO: So ano ang naisip mo i-develop sa product natin?

Vernon: may mga bisita ako na nagbubukas ng delata kahit di nagpapaalam. Bakit? Dahil mabilis ng buksan ang mga delata ngayon. Kaya naisip ko na gumawa tayo ng delata na may password.

CEO: (Lumipad ang utak #RIP)

---

Dino
(Dishwashing liquid company)

CEO: So ano ang naisip mo i-develop sa product natin?

Dino: sir, para ito sa mga taga hugas ng plato sa bahay (clear his throat) Upang makatipid sa tubig at pagod, nagkaroon ng Downy isang banlaw. Kaya bakit di tayo gumawa ng dishwashing liquid, isang banlaw?

CEO: ....

----

Woozi
(Guitar company)

CEO: So ano ang naisip mo i-develop sa product natin?

Woozi: kapag nag gigitara ako, may mga asungot na nakiki-epal. Kaya ang sarap nilang hambalusin. (Pinakita ang gitara) Nakikita mo 'to CEO? Mukhang normal na gitara lang diba? Pero kapag pinindot mo to... (may pinindot sa gilid)

(At naging MALAKING MARTILYO ANG GITARA)

Woozi: magta-transform ito.

CEO: (napatayo) (pumalakpak) brilliant! Ibig bang sabihin, walang chance na masira ang gitara kapag pinanghampas?

Woozi: Sir, di ko pa na-ta-try. Gusto mo try ko sayo? (Ngumisi)

-----

End.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro