#114 "Historical ancient story" (part 4)
Jeonghan – (pangalawang Prinsipe)
You: (nagdidikdik ng halamang gamot) (tumingin sa lalaking mahimbing na natutulog) Bumaba na kaya ang temperatura niya?
Jeonghan: (sleeping with bandages on his right arm)
You: (lumapit) (hinawakan ang noo niya) Oh? Bumaba na ito. (napangiti) (tinanggal ang kamay) (tinitigan siya)
[flashback:
Jeonghan: (duguan ang kanang braso) (looked at you) Makinig kang mabuti… (napayakap sayo dahil sa panghihina) Ilayo mo ko dito ]
You: (sighed) (bit your lower lip) alam kong isa siya sa prinsipe ng kaharian na ito. Pero nangangamba ako na baka may mangyari sa akin dahil sa pagtulong ko.
Jeonghan: (nagigising)
You: (napansin na nagigising na siya) (nanlaki ang mata) (agad na umatras ng kaunti palayo)
Jeonghan: (slowly opened his eyes) (napakunot ng noo dahil hindi siya pamilyar sa lugar) (dahan-dahang bumangon paupo kahit nananakit ang braso) Ahhhhhh~ (groaned)
You: (looking at him without words)
Jeonghan: (dumako ang tingin sayo) (hindi ka agad nakilala dahil medyo madilim ang paligid gawa ng iisang lampara na nakasindi)
You:(agad na lumuhod) P-Prinsipe
Jeonghan: (naalala ang nangyari) (mabilis na iginala ang mga mata sa paligid) Nasaan ako?
You: (not looking at him) nasa aking tahanan. (sumilip sa kaniya)
Jeonghan: Ang ibig kong sabihin ay… (looked back at you)
You: (agad na yumuko)
Jeonghan: Walang ibang nakakita sa akin noong dinala mo ako rito, tama ba?
You: (nods)
Jeonghan: (nakahinga ng maluwag) (tinignan ang braso niya na ginamot mo) (tumingin uli sayo na patuloy na nakayuko) Hoy… (chuckles) puwede bang tratuhin mo ko kung paano mo ko tinrato noong una nating pagkikita? Tumingin ka sa akin at umupo ng maayos.
You: (nag indian seat) (finally met his gaze)
Jeonghan: (staring at your face) Hindi ako makapaniwala na palagi tayong pinagtatagpo ng pagkakataon.
You: (in your mind: Ako rin naman ay hindi makapaniwala. Pakiramdam ko tuloy, napakamalas ko.) (naiinis sa sarili)
Jeonghan; (napansin ang reaksyon mo) Subalit nababanaad sa iyong mukha na hindi ka masaya. Nagsisisi ka ba na iligtas ang prinsipe ng kahariang ito?
You: (pilit na ngumiti) Mahal na prinsipe, paano ko magagawang pagsisihan ang pagtulong sa inyo? Bagama’t lubusan kong hindi maintindihan ang pangyayari, hinding hindi ko po pagsisisihan ang kagandahang loob na nararapat ipakita. At makakaasa po kayo na hindi ko rin aalamin ang…
Jeonghan: Nangangaso ako kasama ni Prinsipe Seungcheol at ng ibang punong ministro. Pagkatapos ay may pumana sa akin
You: (natigilan) (namutla) H-ha?
Jeonghan: (tinuro ang palaso na nasa gilid) Ang palaso na sumugat sa aking braso ay isa sa mga palaso ng mahal na prinsipe.
You: (in your mind: Bakit niya sinasabi sa akin ang mga ganitong bagay? May balak ba siyang patayin ako?!)
Jeonghan: Kung ikaw ay aking tatanungin, (ngumisi) Maniniwala ka bang magagawa akong panain ng sariling kapatid?
You: (hindi alam ang isasagot) (umiba ng tingin) (looking at Woozi’s sword from the side) (in your mind: Kung may balak siyang patayin ako, ibig sabihin ay kailangan kong tumakas.) (mabilis na tumayo) (kinuha ang espada sa gilid)
Jeonghan: (dinampot ang palaso sa gilid) (tumayo at itinutok ito sayo)
You: (freeze) (slowly looked back at him without even wielding the sword)(gulped)
Jeonghan: (wearing serious expression) Dahil nalaman mo ang nangyari, ibig sabihin ay kailangan mong pumanig sa akin, magandang binibini (smiles sweetly)
----
Seungkwan (Punong ministro)
Scoups: (pansamantalang nakaupo sa trono ng hari) Hanggang ngayon ba ay wala paring balita sa kinaroroonan ni prinsipe Jeonghan?!
Ministro Cha: Wala pa po mahal na prinsipe. Pero ginagawa ng aming hukbo ang buong makakaya upang mahanap ang prinsipe
Scoups: (napahawak sa noo) (sighed)
Seungkwan: (nakatitig sa problemadong prinsipe) (in his mind: Kung kailan pa ko sumama sa pangangaso ay ngayon pa nagkaroon ng ganitong trahedya) (naiinis sa sarili)
Ibang ministro: Hindi kaya’t totoo ang narinig nating sigaw na pinana ang prinsipe?
Scoups: (glared at him)
Iba pang ministro: Kung totoo nga ito, sino ang magtatangkang saktan ang dugong maharlika ng ating kaharian?!
Ministro Cha: (tumingin kay Scoups) Mahal na prinsipe, hayaang niyong imbestigahan ang pagtatangkang pagpatay na ito (yumuko)
(At yumuko ang ibang ministro na sumang ayon sa suhestiyon ni Ministro Cha)
Mga ministro: Nakikiusap kami mahal na prinsipe! Hayaang niyong imbestigan ang bagay na ito!
Seungkwan: (bukod tanging hindi yumuko) (napakamot sa batok)
Scoups: (nanlaki ang mga mata) (tumayo) HINDI NIYO PA NGA NAHAHANAP ANG KAPATID KO AY INUUNA NIYO NA ANG POLITIKANG TAKTIKA?!
Ministro Cha; (ngumiti habang nakayuko)
Seungkwan: (nakita si MInistro Cha na ngumisi) Oh? (kinutuban ng masama)
----
Minghao – (shadow guard ni Prinsipe Jeonghan)
Minghao: (nakasakay sa kabayo) (nagmamasid sa paligid ng kagubatan kung saan huling nakita si prinsipe Jeonghan) (sighed) Hindi ko kasi siya dapat iniwan sa araw ng pangangaso. Kainis!
(may nakita siyang ibon na lumilipad lipad sa kalangitan)
Minghao: (eyes widened) Ang ibon ng prinsipe. (pumito) Wit~
(at bumaba ang ibon papunta kay Minghao. May nakakabit na papel sa paa nito)
Minghao: (kinuha ang balumbom) (binuklat) (nagulat ng makita ang sulat ni Prinsipe Jeonghan)
[Alam kong hindi ka titigil hangga’t hindi ako nakikita. Pero nasa ligtas na kalagayan ang gwapong nilalang na iyong pinagsisilbihan]
Minghao: (frowned while reading)
[Babalik ako sa palasyo. Subalit bago iyon, nais kong hanapin mo si ginoong Jihoon. Sabihin mo na naroroon ako sa kaniyang bahay, kasama ang babae na kaniyang hinahanap. Siya ang magtuturo sayo ng lugar na aking kinaroroonan. Alam ko namang hindi mo maiintindihan kung sakaling guguhit ako ng mapa.
-nananatiling gwapo, Ginoong Han]
Minghao: natutuwa ako na ligtas siya pero hindi nakakatuwa ang huling bahagi ng kaniyang sulat (umiling-iling) (iniikot ang kabayo pabalik sa palasyo) Sandali nga lang… (inihinto ang kabayo) Ang babae… na iyon? Ang magandang babae? (blushed)
----
Woozi – (ang iyong tagapagsanay sa espada)
Woozi: (pagod na pagod na naglalakad sa madilim na daan) Ilang araw na ang nakakaraan pero hindi ko parin siya nakikita. (humawak sa tiyan) Nagugutom na ko. (sinipa ang bato) Ewan! Kapag hindi ko siya nahanap, uuwi nalang ako. (maglalakad ng mabilis) (huminto) (sighed)
(natigilan siya ng naramdaman niya na may sumusunod sa kaniya mula sa likuran)
Woozi: (dahan-dahang hinawakan ang patalim na nasa gilid ng damit) (binunot ito at tinutok sa lalaking nakatayo sa kaniyang likuran)
Minghao: (standing behind him)
Woozi: (nakilala siya) Ikaw na naman? (sinilip ang likuran niya pero hindi niya nakita ang inaasahang makita) (binaba ang patalim) Bakit ka nandito? Pinapabalik ba ako ng prinsipe?
Minghao: (bahagyang yumuko) Nandito ako para ipaalam ang tungkol sa babaeng hinahanap niyo
Woozi: (eyes widened) Ha? N-Nasaan siya?!
Minghao: Bumalik na siya sa inyong tahanan
Woozi:…
Minghao: (blinking)
Woozi: Bwisit na yan. Lagot talaga siya sa akin kapag… (aalis)
Minghao: Kasama niya ang pangalawang prinsipe
Woozi: (stopped) (looked back) Pakiulit mo nga ang sinabi mo
Minghao: Kasama niya ang pangalawang prinsipe sa inyong tahanan.
Woozi: BAKIT MO HINAYAAN NA SILANG DALAWA LANG ANG MAGKASAMA? HINDI MO BA ALAM KUNG GAANO KAPUSOK ANG PRINSIPE?!
Minghao: Wag kayong mag-alala. Nangako ang prinsipe noon na hindi niya gagalawin ang sinumang babae na mas maganda sa kaniya (serious face)
Woozi:…
Minghao: …
Woozi: Nagagandahan ka kay (Y/n)? Sa gunggong na ‘yon?
Minghao: (blushed) (clear throat)
Woozi: (napailing) (tumalikod) (bumulong= saan ba nakuha ng prinsipe ang weirdong guwardiya na ito? Mas lalo akong nagugutom sa pinagsasasabi niya. Tsss) (naglakad palayo)
Minghao: (tahimik na sumunod)
----
Wonwoo – (royal advisor)
Seungcheol: (nakaupo sa loob ng kaniyang silid) (masakit ang ulo) Punong tagapagpayo, ipinatawag mo na ba ang punong tagapaggamot ng palasyo?
Wonwoo: (nakatayo sa gilid) (yumuko) Opo mahal na prinsipe. Parating na rito ang manggagamot upang tignan ang inyong kalagayan
Seungcheol: (huminga ng malalim) (tumingin sa kaniya) Nararapat lang ba na hindi ko ipaalam sa hari ang tungkol rito?
Wonwoo: (tumango) Naniniwala akong makakatulong sa pagbuti ng kalagayan ng hari kung hindi niyo muna ipapaalam ang nangyari sa pangawalang prinsipe.
Seungcheol: (nods) tama. (kinakalabog ang lamesa) Bakit kasi nangyari pa ang ganitong bagay?!
Eunuch (alalay ng hari): (nag-anunsyo) Papasok na ang punong tagapaggamot
Joshua: (entered the prince’s room) (yumuko sa prinsipe)
Wonwoo: (looked at Joshua)
Joshua: narito ako upang tignan ang inyong kalagayan, mahal na prinsipe
Seungcheol: (itinaas ng kaunti ang manggas at ipinakita ang pulsuhan) walang hinto ang pagpintig ng aking ulo.
Joshua: (umupo malapit sa hari) (tinignan ang pulso nito)
Wonwoo: (just staring at Joshua)
Joshua: (inalis ang kamay) Mahal na prinsipe, mahina ang pintig ng inyong pulso. Maaaring ang pananakit ng inyong ulo ay dulot ng kawalan ng sapat na tulog. Magbibigay po ako ng gamot na maaaring makatulong upang mabawasan ang pananakit ng inyong ulo
Seungcheol: (tumango)
Joshua: (tumayo) (lumuhod ng isang beses)
Seungcheol: (tumingin kay Wonwoo) Anong masasabi mo sa nangyari sa ikalawang prinsipe? Sino kaya ang gagawa ng ganitong bagay?
Joshua: (bahagyang napahinto)
Wonwoo: (nakatitig kay Joshua)
Seungcheol: (frowned) punong tagapagpayo, bakit hindi ka makapagsalita?
Wonwoo: Punong tagapaggamot
Joshua: (looked at Wonwoo)
Wonwoo: Maaari ka ng umalis
Joshua: (marahang tumango) Masusunod. (paatras na lumabas sa silid ng prinsipe)
Wonwoo: (now looked at Seungcheol) patawarin niyo po ako sa hindi agarang pagsagot. Ngunit may isa akong naiisip na posibleng nasa likod ng insidente
Seungcheol: Talaga? Sino? Sabihin mo sa akin ang iyong naiisip
Wonwoo: Sa patuloy na pag-sama ng kalagayan ng hari, iisang tao lang ang maaring gumawa nito – ang mahal na reyna
Seungcheol; Ha? (nagtaka) Subalit anak ng mahal na reyna ang ikalawang prinsipe. Paano niya ito magagawa sa sariling anak?
Wonwoo: Maaaring hindi nga siya ang gumawa. Ngunit sa tingin niyo mahal na prinsipe, sino ang makikinabang kung sakaling mapagbintangan kayo na siyang pumana sa inyong kapatid?
Seungcheol: (napaisip)
Wonwoo: Kapag nagtagumpay silang ipalabas na kayo ang nasa likod ng pagplanong pagpatay, hindi magdadalawang isip ang mga ministro at ang ilang aristocrat na ipagbagsak kayo sa puwesto.
Seungcheol: (huminga ng malalim) (bit his red lips)
----
Joshua – (royal physician)
Reyna: Nabalitaan ko na pumasok ka sa silid ng prinsipe upang tignan ang kalagayan nito. Narinig mo ba ang usapan nila tungkol kay prinsipe Jeonghan?
Joshua: (nakaupo sa harap ng reyna) (yumuko) mahal na reyna, totoong pumunta ako sa silid ni prinsipe Seungcheol subalit wala akong narinig na usapan. Mukhang hinintay nila na makaalis ako bago mag-usap ng punong tagapagpayo
Reyna: (kinalabog ang lamesa) (looked away in worried face) kung ganoon, anong nangyari sa aking anak? Nasaan na si prinsipe Jeonghan?! (hinagis ang mga gamit na nakapatong sa lamesa)
(nabasag ang ilang gamit at tumalsik ang bubog papunta kay Joshua)
Joshua: (nasugatan ng kaunti sa bandang pisngi) (bleeds) (pero nanatiling walang ekspresyon)
Reyna: (tumitig ng masama) Kapag nalaman ko na si prinsipe Seungcheol ang nasa likod ng pagplanong pagpatay sa aking anak, sinisigurado kong magsisisi siya
Joshua: (yumuko) (ngumisi)
----
Mingyu – (Heneral)
Mingyu: (hinahanda ang espesyal na alak) (smiles) Sigurado akong matutuwa si Jihoon kapag dinala ko ang paborito niyang alak
[flashback=
You: (tinutukan si Mingyu ng kutsilyo)
Mingyu: (tumingin sayo)
You: Ginoo, hindi mo pwedeng kuhanin ang espada na iyan
Mingyu: Nasaan ang may-ari ng espada na ito?
You: (hindi nagsalita, nakatutok lang patalim sa kaniya)
Mingyu: Dito ba nakatira ang lalaking nangangalang… Jihoon?
You: (natigilan) Oh? Kilala mo ang aking tagapagsanay?
Mingyu: (in his mind: Tagapagsanay?) (nods) Kaibigan niya ko. Ang totoo niyan… (tinignang muli ang espada) Ako ang nagregalo sa kaniya ng espadang ito
You: (nakitang hindi siya nagsisinungaling) G-Ganun ba? (binaba ang patalim) Kaibigan ng aking tagapagsanay ang isang heneral? Ngayon ko lang nalaman ang tungkol diyan
Mingyu: (tinignan ka) Nasaan ang iyong taga-pagsanay?
You: (napakamot sa batok) Ang totoo niyan… naghahanapan kami. Pero babalik din siguro siya kapag nagutom. Tama (nods) Babalik ‘yun
Mingyu: (nagtaka) Ha? ]end of flashback
Mingyu: (chuckles) Mukhang hindi alam ng babae na iyon ang totong katauhan ni Jihoon. Subalit, kumuha siya ng estudyante? At isang babae? Sa pagkakaalam ko ay hindi siya komportableng makipag-ugnayan sa babae. Binago siguro siya ng mahabang panahon (lalabas sa tolda)
(may biglang pumasok sa loob)
Mingyu: (natigilan)
----
Dino – (Crown prince body guard)
Dino: (pumasok sa tolda ni Mingyu) (hinihingal)
Mingyu: (looked at him) Dino. Anong ginagawa mo rito?
Dino: (lumunok muna) (lumapit) May masamang nangyari sa gitna ng pangangaso ng mahal na prinsipe
Mingyu: (kumunot ang noo) Anong nangyari?
Dino: Nawawala si prinsipe Jeonghan at hinihinalang sinubukan itong patayin habang nangangaso
Mingyu: (eyes widened) Ano?!
Dino: Pinapunta ako ng mahal na prinsipe para ipaalam sa iyo ang nangyari. Ang panig ng reyna ay humihiling ng pagiimbestiga tungkol rito
Mingyu: (Gritted his teeth) Kainis! Malamang na nais nilang ilagay sa alanganin si prinsipe Seungcheol
Dino: (napabuntong hininga)
Mingyu: Babalik ako sa palasyo ngayon din
(may pumasok na sundalo sa tolda)
Sundalo: Heneral Mingyu, nahanap na namin ang nawawalang sundalo na nangangalang Heukchi
Mingyu: (napangiti) Talaga?! Magandang balita. Nasaan siya?
Sundalo: (di masambit) Ang totoo niyan heneral…
Mingyu: (kinutuban sa susunod na maririnig)
Sundalo: nakita namin siyang wala ng hininga sa gitna ng kagubatan
Mingyu and Dino: (looked at each other)
----
Junhui – (mayamang aristocrat na nakatakdang ipakasal sa prinsesa)
Junhui: (naglalakad sa pamilihan) (bumuntong hininga) Ilang araw pa lamang ang nakakaraan subalit labis akong nangungulila sa babae na iyon (chuckles) makikipagtagpo kaya siya sa akin sa ikapitong araw?
Gisaengs: (sumalubong kay Jun) Kamusta Ginoo? (winked at him as they passed by)
Junhui: (flinched) (hindi ito pinansin at nagpatuloy sa paglakad)
Tindera ng palamuti: Ginoo! Bumili ka ng magandang palamuti
Junhui: (stopped)(tumingin sa palamuti) (nakakita ng puting perlas na inilalagay sa buhok bilang palamuti) (lumapit)
Tindera: Magagandang klase ang nakuha naming palamuti mula sa mga naglalakbay na mangangalakal
Junhui: (dinampot ang perlas) Magkano ang isang ito?
Tindera: Naku po, napakagaling niyong tumingin ginoo. Iyan ay nagkakahalaga ng anim na pilak. Siguradong magugustuhan ito ng binibining inyong iniirog
Junhui: (natigilan) Ha? (blushed) (clear throat) B-Bibilhin ko ang palamuti. (naglapag ng sampung pilak sa lamesa)
(may lumapit na dalaga sa tabi niya)
Babae: ibibigay mo ba iyan sa iyong napupusuan? Ginoong Junhui?
Junhui: (tumingin sa babae)
Babae: (dahan dahang ibinaba ang balabal na suot) (sumambulat ang maganda nitong mukha na mas pinaganda ng mamahaling suot na damit)
Junhui: (nakilala siya) (eyes widened) (in his mind; Ang prinsesa!?)
Prinsesa: Kung tama ang aking hula, nararapat lang siguro na tanggapin ko ang regalong iyan
Junhui: (frowned)
Tindera: Siya pala ang binibini na nais niyong bigyan ginoo? Bagay na bagay sa kaniya ang palamuting iyan
Prinsesa: (smiles sweetly)
Junhui: (diniinan ang hawak sa palamuti) Nagkakamali ka binibini. Subalit, may ibang nagmamay-ari nito. (yumuko) (tumalikod at umalis)
Prinsesa: (nasaktan) (looking at his back)
Alalay ng prinsesa: Lapastangan ang lalaking iy-
Prinsesa: (pinigilan siyang magsalita sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay) Jesi
Alalay: (yumuko sa prinsesa)
Prinsesa: Mukhang mayroong ibang babae ang aking mapapangasawa. Alamin niyo kung sino siya
Alalay: Masusunod kamahalan
Prinsesa: (bit her lower lip)
---
Seungcheol – (crown prince)
Seungcheol: (naglalakad sa pamilihan) (nagsuot ng ibang damit upang hindi siya makilala sa kaniyang estado)
Dino: (kasama niyang naglalakad sa gitna ng maraming tao) Babalik si Heneral Mingyu sa palasyo
Seungcheol: (nods) Kailangan na mahanap natin si prinsipe Jeonghan bago magsimula ang imbestigasyon. Oo nga pala, anong balita sa sundalong nangangalang Heukchi?
Dino: (tumingin muna sa paligid) (bumulong kay Seungcheol)
Seungcheol: (nanlaki ang mga mata) Ano?!
Dino: (sighed)
Seungcheol: (nainis) siya nalang ang natitirang testigo sa nangyari. (huminto sa paglakad) (huminga muna ng malalim)
Dino: Patawarin niyo ko kamaha- (di natuloy ang pagtawag dahil nasa labas sila at baka may makarinig) G-Ginoo. Hindi ko nagawa ang tungkulin ng mabuti
Seungcheol: (tumingin sa kaniya) (tinapik lamang ang braso nito) (lalakad pa sana pero may natapakan siyang papel) Oh? (pinulot) (nakakita ng drawing ng babae na namumukhaan niya) Bakit parang pamilyar sa akin ang larawan ng babae na ito?
Dino: (nakisilip) (nakilala) Ahhh!
Seungcheol: (tumingin sa kaniya) (blinks) Kilala mo na?
Dino: Siya iyon! (gasped) Ang babae na sumagip sa inyo
Seungcheol: (tinignan muli ang larawan) Tama! Siya ng ito! (napangiti) (pero agad ding binawi ang ngiti sa mga labi) Ngunit bakit nagkalat sa daan ang papel na ito?
(kagisa-gisa ay may umagaw ng larawan mula sa kaniyang kamay)
Seungcheol: (looked at them)
----
Hoshi and Dokyeom – (estudyante sa paaralang Sungkyungkwan)
Hoshi: (inagaw ang papel kay Seungcheol) (natawa) Mukhang hinahanap parin niya ang binibini na ito
Dokyeom: (tinignan ang larawan) kawawang nilalang (tumawa rin) (nagpaypay gamit ang pamaypay na gawa sa balahibo ng ibon)
Seungcheol: (sinimangutan sila) Mawalang galang mga ginoo subalit kilala niyo ba ang babae na nasa papel na iyan?
Hoshi and Dokyeom: (tumingin kay Scoups) (nagtinganan ang dalawa) (sabay na tumawa ng may halong panghahamak) HAHAHAHAHA
Dokyeom: Bakit? Isa ka rin ba sa nabighani sa kagandahan ng babae na ito?
Hoshi: Alam namin na hindi madaling kalimutan ang kaniyang mukha dahil maging kami ay muntikan niyang mahalina. Pero huwag ka ng umasa ginoong kasing puti ng multo
Seungcheol: (nainis) A-Ano kamo?
Dokyeom: (natawa) multo? Tama ka kaibigan. Napakaputi niya para sa lalaki akala ko’y lumalakad siyang multo sa gitna ng katanghalian. Hahahaha!
Seungcheol: (clenched his fists)
Hoshi: Ang labi niya ay pulang pula, muntik ko na siyang akalaing babae (tumawa)
Seungcheol: (huminga ng malalim) Mga ginoo, maaari bang sagutin niyo na lamang ang aking katanungan?
Hoshi: (clear his throat) May asawa na ang babae na ito (pinakita ang larawan) Hinahanap siya ng kaniyang asawa sa paligid kaya’t gumawa siya ng larawan. Marahil ay nabitawan niya ang isa sa mga kopyang dala dala
Dokyeom: Tama. Kaya wag ka ng umasa
Seungcheol: (in his mind: asawa?! May asawa na siya?! Subalit sinabi sa akin ng punong tagapayo na sinigurado niyang walang asawa si binibining (y/n). )
Dino: (clear his throat)
Hoshi and Dokyeom: (saw Dino) (natigilan)
Dino: (ngumiti)
Hoshi: (tinuro siya) Ikaw na naman! Ano na namang ginagawa mo rito?!
Dino: (nakangiti) Mukhang lumabas na naman kayo para mag-gala gala sa halip na mag-aral
Dokyeom: (napikon) Ano bang pakielam mo? Umalis ka nalang at magbantay sa prinsipe
Dino: (smiling widely)
Dokyeom and Hoshi: (napahinto) (blinked)
Seungcheol: (looking at them)
Dokyeom and Hoshi: (dahan dahang tumingin kay Seungcheol) (gasped) (namutla at napanganga dahil na-realize nila kung sino ang nasa kanilang harapan)
---
Vernon – (English speaking na envoy ng Xing dynasty)
Vernon: (nakaluhod sa emperor)
Emperor: (speaking chinese) Kamusta ang pagbisita mo sa Joseon?
Vernon: (Looked at the emperor) (speak in chinese) Naging mabuti ang aking pagbisita. Ipinapaabot ng mahal na prinsipe ang pagbati sa inyo emperor.
Emperor: Ang kalagayan ng kanilang hari?
Vernon: Sinigurado ng prinsipe na nasa maayos na kalagayan ang kaniyang ama. Kahit na napapahinga ito sa loob ng silid ng matagal na panahon
Emperor: (tumango)
Vernon: Tinanggap nila ang inyong regalo. Bilang kapalit ay bibigyan nila kayo ng suporta sa susunod na pananakop laban sa Shilla
Emperor: Magaling.
Vernon: Emperor, may nais akong ibalita maliban sa pagbisita ko sa Joseon
Emperor; (narrowed his eyes)
Vernon: (huminga ng malalim) Naaalala niyo po ba ang alipin na inyong binili mula sa lupain ng Baekche?
Emperor: (eyes widened)
Vernon: Nakita ko po siya… sa Joseon.
---- To be continued…
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro