Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#11 "13 Princes in Land of Alipia" (2)

Chapter 1 "First Encounter"

"Hanggang ngayon ay hindi parin pumapasok sa isipan ko ang buong pangyayari. Akala ko nga, isa paring panaginip ang pagdala sa akin ni Gidian sa kakaibang mundo malayo sa mundo ng mga tao. Bukod sa pagkamangha sa mundong ito, na kung tawagin ay "Land of Alipia", labis na nakapagpagulo sa akin ang pagharap sa hari at sa labing tatlong prinsipe na may iba't ibang kakayahan; isang kakayahan na hindi kayang arukin ng hamak na mga tao. Sinabi ng hari na sa loob ng labing pitong buwan, ay kailangan kong mamili ng isang prinsipe mula sa kaniyang mga anak. Ang ibig bang sabihin, mananatili ako rito upang maging crown princess? Pero bakit? Bakit ako?

Kailangan kong mahanap si Gidian sa lalong madaling panahon. Nang sa gayo'y makabalik ako sa sarili kong mundo, kung saan ako nararapat. Tama! Kailangan kong tumakas!"

---

-Prince Scoups-

Marahan akong naglakad sa malaki at tahimik na palasyo. Sa kinabutihang palad ay nakarating ako sa gate na binabantayan ng dalawang guwardya. Nakaupo sila sa magkabilang gilid at kapwa natutulog. Tamang-tama, ito na ang panahon para tumakas. Ginawa ko ang lahat upang makalabas nang hindi gumagawa ng anumang ingay. Hanggang sa napadpad ako sa kakahuyan.

Sa loob ng kakahuyan ay may pusikit na kadiliman, anupat tanging ang liwanag lamang mulasa buwan, na tumatama at nagpapakinang sa mga bato, ang siyang gumagabay sa aking daraanan. Bagama't nanginginig, tumatayo ang balahibo at ilang beses na lumulunok ay pinilit ko na tatagan ang sarili upang makatakas. Ngunit napahinto ang aking mga paa nang mapansin na may kung sinong nakatayo malapit sa akin.

"Nakakainis! Paano ko magagawang harapin ang prinsesa? E hindi ko nga magawa man lang na tumingin sa mata ng mga babae. Kaasar!" sigaw ng lalaki bago iniunat ang kamay at sinuntok ang malaking puno na sa tingin ko'y nasa isang taon nang umuugat sa lupa.

Naramdaman ko ang malakas na pagnginig ng lupa, maging ng aking tinatapakan. Sa isang iglap ay nasaksihan ko rin ang pagbagsak ng puno na pinagtaasan ng kaniyang kamao. Hindi ko tuloy naiwasan na mapasigaw.

"Ahhhh!"

Patay. Malamang na, nahuli na niya ako.

"Sinong nandiyan!?" sigaw niya bago iniunat uli ang kamao at hinawi sa hangin. Nahawi ang mga damo na siyang pinagtataguan ko, anupat nagtagpo ang aming mga mata.

Ang lalaking nakatitig sa akin ngayon, ay isang napakagandang lalaki. Mayroon siyang bilugang mga mata, porselanang kulay ng balat, tulad-gabing mga buhok at mapulang labi na parang krimson.

"Prinsesa (y/n)?!" gulat na gulat niyang tugon.

Teka. Base sa suot niya at sa kakayahan niya... Ah! Siya si, "Prinsipe Seungcheol!"

Ang kaninang nakakatakot niyang mga titig ay napalitan ng aandap-andap na pagkurap. Gayundin ang biglaang pamumula ng kaniyang mga pisngi. Siya ba ay nahihiya sa akin?

"A-Anong ginagawa mo rito sa labas ng palasyo?" ang tanong niya bago umiba ng tingin at napakamot sa batok.

Bahagya akong napaatras ng isang hakbang. Alam kong, magiging mapanganib ang buhay ko  kung aaminin ko sa kaniyang narito ako upang tumakas, lalo pa't nakita ko kanina lamang ang pambihira niyang kapangyarihan.

"N-Nandito lang ako para magpahangin. Hehe," palusot ko sabay naglakad sana papalayo.

"Sandali!" pagpigil niya kaya napahinto ako at napalunok. "Delikado na maglakad ka ng mag-isa. Baka makakita ka ng mga Mage."

Mage? Ano ang mga Mage?

Tumingin ako sa kaniya pabalik.

"Sabay na tayong pumasok sa palasyo. Po-protektahan kita," ang pabulong niyang banggit habang namumula ang buong mukha.

Ngayon ko lang napansin, mukha lang siyang nakakatakot sa unang dahil dahil sa malakas niyang kapangyarihan, pero mahiyain 'ata siya sa babae. PAra siyang kuneho. "Ang cute."

"C-Cute? Sino ako?" tanong niya.

Teka. Ah! Sinabihan ko siya ng cute!

Agad akong napatakip sa bibig, habang siya naman ay parang kiti-kiting bulate na sinabuyan ng asin.

"Eeeee naman e. Hindi ako cute. Ano ba?" pabebe niyang sambit bago hinampas ang puno na malapit sa kaniya.

Ang resulta? Nabali ang puno at kasalukuyan na itong pabagsak papunta sa akin. Ito na ba ang katapusan ko?

"Ingat ka!" sigaw niya.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil napapikit na ako at handang masaktan. Pero teka, bakit parang hindi nasaktan ang likod ko nang matumba ako sa sahig?

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at nakita siya; siya na nakapatong sa akin habang nakapalupot ang braso sa likuran ko.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya.

Yung puno. Natumba sa likuran niya ang puno!

"Nasaktan ka ba?" nag-aalala niyang tanong, bago napansin ko ang  dugo na tumutulo mula sa kaniyang ulo.

"Oh! Dumudugo ang ulo mo!" ang pagkabahala ako sabay itinuro ang ulo niya.

"Ah, yan ba? Haha wala lang yan. Hindi pa ako mamatay," ang sabi niya sabay ngumiti, isang matamis na ngiti na nagpawala ng aking kaba. Pagkatapos ay inihagis niya ang natumbang puno malayo sa amin na parang hindi man lang siya nabigatan. Wow.

Kinuha ko ang panyo mula sa aking bulsa, bago marahang ipinunas sa kaniyang dumudugong ulo.

Napahinto siya at napatingin sa akin. Waring isang dangkal nalang ang pagitan namin sa isa't isa, mas natitigan ko tuloy ang mahaba niyang pilik mata.

Teka, parang kakaiba ang posisyon namin ngayon. NAkapatong siya sa akin. Nakapatong. Nakapatong. NAKAPATONG?! 

"Ah, yung posisyon natin ay-" reklamo ko sana. Ngunit biglang lumindol!

Habang nakapatong siya sa akin ay biglang lumindol ng napakalakas.

"L-Lumilindol!" pagkatakot ko. Sinubukan kong tumayo pero pinigilan niya ang kamay ko.

"Ako, ako ang may gawa ng lindol," ang sabi niya habang nakatitig sa akin.

Ano raw?

Pagkasabi niya noon ay tumigil na ang pag-alog ng lupa.

"Pero ikaw ang may kasalanan kung bakit lumindol," ang dagdag pa niya.

"B-Bakit ako?"

Lumunok muna siya, bago kinuha ang isa kong kamay at ipinatong sa kaniyang dibdib. Oh? Ang lakas ng tibok ng puso niya!

"Dahil sayo, biglang tumibok ng ganito ang puso ko. Ang weird. TAkot ako sa babae, at ayoko sa babae. Pero bakit, kakaiba ka? Sino ka ba talaga?" tanong niya bago inilipat ang tingin sa aking labi.

Plano niya ba akong...

"Sino ka ba at bakit natatakam akong halikan ka?" ang tanong niya habang patuloy na papalapit ng papalapit sa akin.

"Wow, what a scene prinsipe Seungcheol," ang narinig naming boses mula sa malapit.

Agad na lumayo si Prinsipe Seungcheol mula sa akin at tumingin sa lalaking nanonood sa amin. "Prisipe Junhui," ang pagtawag niya.

---
-Prince Jun-

Jun's Pov

Nakaupo ako sa sanga ng mataas na puno habang nakatitig sa buwan.

Haaaah~.

Nauuhaw ako.

Itinaas ko ang kamay at nagsimulang gumawa ng tubig sa aking palad. I tried to taste it but, hindi ito sapat para mawala ang uhaw ko. Gusto ko ng dugo ng Mage.

~shsjkkallsjhs~ " malakas na ingay sa bandang malayo nitong kagubatan.

Ano iyon? Imposible na isang hamak na Mage ang gumawa ng ingay na katulad nun. Hindi kaya...?

Gamit ang tubig ay marahan akong gumawa ng daan pababa sa mataas na puno, papunta sa lugar kung saan ko narinig ang tunog.

And look what I found!

Nakita ko si Prinsipe Seungcheol at Crown Princess (y/n) na nakahiga sa damuhan. Nakapatong si Seungcheol at waring hahalikan ang dalaga.

"Wow, what a scene prinsipe Seungcheol ," ang bati ko sa kanila.

Agad naman silang naglayo, animo'y gulat na gulat na nasaksihan ko ang kababalaghang ginagawa nila. Tsk.

"Prinsipe Junhui," ang tawag sakin ng aking kuya Seungcheol.

Napalingon ako sa babaeng itinalaga ng aming amang hari na maging Prinsesa. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na isang simpleng babae ang magiging reyna ng kaharian namin.

I preferred girls with big boobs though.

Tumayo silang dalawa, kapwa namumula. Eh? May something na agad? Teka lang, allergic si kuya Seungcheol sa babae ah. Isa tong himala.

"Baki kasama mo ang prinsesa?" Ang tanong ko.

Imbes na si kuya ang sumagot, ay si Prinsesa (y/n) ang umagaw ng eksena. "N-Nagpapahangin lang ako!"

"Oo tama, nagpapahangin  l-lang naman siya," nauutal na sagot ni kuya na pulang pula parin.

Sinungaling.

"Uto uto ka kuya. Nandito ang babae na yan dahil gusto niyang tumakas. Hindi ba?" I smirked at her. Base sa reaction niya, mukhang tama ako ng hula. "So,let me take this privilege to bring the princess back to the palace."

Lumapit ako sa kanila at hinatak ang prinsesa.

I guided our way using the power of water to make it faster. Sa isang iglap lang nakarating na kami sa palasyo.

"Natatakot ka ba sa amin kaya gusto mong tumakas? Ikaw na mababang nilalang na kung tawagin sa inyo mundo ay "tao"?" I said at her.

Tumigil kami sa paglakad and she looked at me. Nanginginig pa ang mga labi at kamay niya habang nakaharap sa akin. Mukhang... takot na takot nga siya. 

"G-Gusto ko ng makabalik sa mundo ko, "pakiusap niya sa akin.

I chuckled before I leaned closer, so close that her back is already against the wall. Nilagay ko ang kamay ko sa gilid ng balikat  niya,locking her in between my arms.

"Hindi ko alam kung anong special sayo para ikaw ang piliin ni Gidian na maging susunod ng Reyna ng Alipia land. Pero isa lang ang masasabi ko, hanggat nandito ka. "

Muli akong lumapit, hanggang sa halos magdikit na ang mga ilong namin. That made her gulped.

"Hanggat nandito ka, akin ang dugo mo" I said before licking her neck.

That's right. I am Junhui, the one with the Water control. I turned blood into water to quenched my thirst and to stay young forever.

At dahil  uhaw na uhaw akO, i will suck her blood.

"P-prinsipe Junhui," singhap niya habang dinidila dilaan ko ang leeg niya.

Alam kong natatakot sya. Pero alam ko ring nagugustuhan ng katawan niya ang ginagawa ko.

"Shssh, " I hushed. "Saglit lang to."

And then I buried my fangs on her neck.

Sinipsip ko ang dugo niya at...

At...

Oh?

Kakaiba.

Bakit ganito ang dugo niya?

Ngayon ko lang natikman ang ganito katamis na dugo!

The normal blood I drink, taste like a bland water. But yung sa kaniya, it is so sweet and thick.

Agad akong napahiwalay at tinitigan siya habang nanlalaki ang mga mata.

"You," I muttered. "Sino ka ba talaga? I started to become addicted to your blood. Aish."

I pinned her again and suck those blood I fell in love at the first taste.

Now, alam ko na kung bakit siya ang pinili ni Gidian.

At dahil dito, I will definitely win her heart. She is mine.

---

-Prince Jeonghan-

Ginising ako ng liwanag mula sa mahimbing na pagkakatulog.

Puting kisame at magagarang dekorasyon ang sumalubong sa aking paningin. Nasaan ako?

Muli akong pumikit at inalaaa ang nangyari kagabi.

[Flashback=

"Hangga't nandito ka, akin ang dugo mo" ]

Ah! Tama!

Si prinsipe Junhui!

Ibinalik nya ako sa palasyo kagabi. Pagkatapos ay...

Marahan akong napahawak sa parte ng aking leeg na kaniyang kinagat. Medyo mahapdi pa ang sugat.

Kung ganon, kinagat niya ako kagabi at nawalan na ako ng malay.

"Good morning aking prinsesa," isang tinig mula sa malapit.

Halos mapalundag ako sa gulat anupat agad akong napatingin sa aking gawing kanan.

Sa aking kanan ay may isang nilalang na ubod ng ganda. Medyo naguluhan pa nga ako kung babae siya o lalaki. Sino nga ba ito?

"Kamusta ang unang gabi ng aming prinsesa dito sa mumunting palasyo?" Tanong niya, taglay ang mala-anghel na ngiti.

Nakahiga siyang katabi ko, nakapuwesto na parang siya ang may ari ng kama.

Kama?

A! Naalala ko na! Siya yung prinsipe na mahilig matulog!

"Wala bang laman ang utak mo?" Tanong niya.

Eh?!

Agad akong napasimangot at tinitigan siya ng masama. How rude! Sinasabi niya na na bobo ako?!

Dahan-danan siyang lumalapit sa akin, kaya naman, dahan dahan din akong umaatras mula sa kaniya.

Hanggang sa...

"A!" Singhap ko nang maramdamang malalaglag na mula sa kama.

Ipinikit ko ang mga mata, at naghanda na lumagakpak sa sahig. Pero naramdaman ko agad ang mainit niyang palad na sumalalay sa aking beywang. Nang muli kong buksan ang mga mata ay halos dalawang dangkal nalang ang layo ng mga mukha namin!

Ang malala pa, nakadiin ng mabuti ang katawan ko sa kaniya. Teka! Yung dibdib ko!

"Alam mo bang... tanging ang may royal blood lang ang hindi ko kayang basahin ang isip?" Ang sabi niya habang nakikipagtitigan sakin.

Royal blood? Basahin ang isip?

Oo nga pala! He can read minds. Ibig bang sabihin...

"Nababasa mo ba ang iniisip ko mula kanina?" Ang tanong ko.

Medyo kumunot ang noo niya bago sumagot ng, "hindi gumagana ang kapangyarihan ko sayo."

"A-Anong kapangyarihan?"

Ang kaliwa niyang kamay ay humaplos sa likuran ko. Samantalang ang kabilang kamay naman ay marahang dumaplis sa aking pisngi. Hindi ko maitatanggi na nakaramdam ako ng init sa ginagawa niya.

Babae ako at lalaki siya! Ang awkward kaya ng posisyon namin!

"I tried to read your mind. Pero hindi ko nagawa," he whispered right into my ears.

Halos magsitaasan ang balahibo ko dahil sa ginawa niya.

"Alam mo bang, kaya kong paibigin ang sinuman gamit lamang ang aking mga mata?" Ang dadag niya.

Nang mapatitig ako sa mata niya ay napansin ko pa ang sagliang pag iiba ng kulay nito.

"Now, do you love me?" tanong niya.

Itinulak ko siya papalayo bago sumagot ng, "alam kong gwapo ka prinsipe. Pero hindi ako madaling babae. Isa pa, seryosong usapan ang pagmamahal. Kaya hindi pa ako in-love no?!"

Nanlaki ang mga mata niya na parang gulat na gulat. Saka napatawa, "Hahaha!"

Nabaliw ba diya dahil binasted ko siya?

"Buong buhay ko, sawang sawa ako sa mga babaeng mabilis na nagkakagusto sa akin," ang sabi niya habang nakahiga sa kamay at nakatitig sa kisame. "That was so boring. Kaya naman, ni isang beses, hindi ko narasanang magmahal. Akala ko, habang buhay na ito. Pero..."

Tumingin siyang muli sa akin at ipinatong ang noo sa balikat ko.

Sa pagkakataon na ito, parang tumigil sa pagtibok ang aking puso.

"Bakit ngayon ka lang dumating? Matagal ko ng hinihintay ang isang katulad mo. " Kinuha niya ang kamay ko at marahang hinalikan. " Ang babaeng... una kong mamahalin".

--

-prince Joshua-

Joshua's Pov

She is walking around the castle's garden, looking like a rabbit, but actually a rabbit inside a cage.

Habang tinitignan ko sya ng patago, takang taka parin ako kung bakit isang hamak na tao lamang ang pinili ni amang hari  at ni Gidian bilang susunod na reyna. Ano kayang special sa kaniya? Kaya ba talaga niyang mabuhay kasama ng mga prinsipeng katulad namin.

Bahagya kong inayos ang buhok bago lumapit sa prinsesa. "Magandang umaga Prinsesa (y/n)"

Halos mapalundag sya sa gulat at mapaupo sa malapit na upuan nang marinig ako. Her rounded eyes gazed at me, na para bang inaalala niya kung sino ako.

So I showed a smile and introduced myself with a gentle bows: "My name is Prince Joshua. You can call me Prince Josh my highness."

"A-Ah Prince Josh. Nagagalak akong makilala ka," sagot niya.

"Okay lang ba na, umupo sa iyong tabi prinsesa?" I asked.

Ilang ulit naman siyang tumango sa mabilis na paraan. Ang cute.

I sat beside her and our shoulders bumped into each other. Bahagya siyang lumayo sa akin at umiba ng tingin.

"Ahem," ubu-ubohan ko. "So, kamusta naman ang pangalawang araw dito sa palasyo prinsesa?"

"O-okay naman po. Masarap naman po ang tulog k-ko. "

Bakit parang... natatakot siya? Nakakatakot ba ang mukha ko? Panget ba ako?

"Natatakot ka ba sa akin? " tanong ko  before leaning closer.

Ngayong halos 2 inches nalang ang layo namin sa isa't isa, ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng mga mata niya.

"H-Hindi naman. P-Pero naalala ko kasi yung kapangyarihan mo. K-Kaya..." she stuttered.

That's right. I am a prince with a death note power. Everything about my powers are darkness on it. I can curse for a death. Kaya ko ring bulagin ang mga kalaban. Kung tutuusin, dapat lang na matakot sya sa presensiya ko. Ngunit...

"Haaaay ," napa-buntong hininga nalang ako bago umiwas ng tingin at ngumiti.

"Pero hindi naman ako natatakot! Kasi ano, baka hindi pa ako sanay na makasama ang mga kakaibang nilalang na katulad niyo. Pakiramdam ko, unting taas lang g daliri niya, pwede na ako maglaho na parang bula. "

I looked at her an explained ," Of course we wont kill you. Ikaw ang prinsesa namin. Isa pa..."

"Isa pa?"

I leaned closer again and explained, "Ang cute mo kaya. Hindi ako pumapatay ng cute na katulad mo, aking prinsesa. "

Bigla siyang namula at tumayo. Saka itinuro ang kuneho na nasa malapit sa amin.

"Wow oh, rabbit!" Eksahirado niyang sambit. Malamang,iniiba lang naman niya ang usapan.

Mahina akong tumawa bago tignan ang kuneho. "That's Loui. Want to pet him?"

"Oh? Alaga mo siya?"

"Ahuh. Wait, Ill get him." Tumayo ako at hinabol si Loui papunta sa masukal na damuhan.

Ngunit napatigil ako ng biglang makagat ng makamandag na ahas 

"Ah~" I winced in pain.

"Naku nakagat ka!" She exclaimed. Pinilit niya ako umupo para icheck ang nakagat sa akin.

Its been a long time... since may taong nag alala sa akin. Kaya  di ko naiwasang matulala sa kaniya.

"Wag kang mag alala. Sisipsipin ko ang dugo para mawala ang lason," ang sabi niya.

Lason? Sisipsipin ang dugo? Dugo ko?!

Hindi pwede!

"Ahm prinsesa, alam kong nag aalala ka. Pero~" pagbabawal ko sana.

Subalit yumuko agad siya at sinipsip ang sugat.

Napatingin ako sa ahas na kumagat sa akin: patay na ito at nagkulay itim. That's right ,my blood itself is a POISON!

Kaya agad ko siyang tinulak at hinawakan ang kamay.  "NO! YOU CANT. COME ON. HAHANAPIN KO SI MINGHAO PARA MAWALA ANG LASON! KUNG HINDI, BAKA ..."

Hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil sa mga titig niyang takang takang.

Bakit ganun? sa mga oras na to, dapat naapektuhan na siya ng lason mula sa aking dugo.

"Wala ka bang... ibang nararamdaman?" I asked.

"Wala naman. B-Bakit? Galit ka ba?" She responded.

Now I understand.

This girl is not a simple human. Only pure royal blood wont get affected by my blood. Kung hindi sya royal blood, ibig bang sabihin, sya ang itinalagang 'Canes'?

"Ikaw ang... itinalagang Canes,' I mumbled before caressing her cheeks.

"A-Anong Canes?"

"The girl ive been waiting for years. And the girl... I want to fall in love with."

And then... I kissed her forehead.

---
Prince Minghao

Minghao's Pov

"Hindi siya nalason sa dugo ko," ang sabi ni Prinsipe Joshua.

Kasalukuyan akong gumagawa ng antidote sa loob ng aking kwarto. Kung tutuusin, nagmukha na nga itong laboratoryo. Joshua is sitting at the side. Paulit-ulit niyang kinukwento ang tungkol sa babaeng pinili ni Ama bilang maging susunod na reyna. Tsk, wala naman akong interes na makisali sa  pinag gagagawa nila. At lalong wala akong balak na makipag agawan para lang paibigin ang babae na yun.

"Sigurado ka bang, sinipsip niya talaga ang dugo mo?" Tanong ko bago ipinatong ang kamay sa kaniyang paa at pinaghilom ang sugat na gawa ng kagat ng ahas.

"Sa tingin ko, siya ang itinakdang Canes," Joshua said with those serious eyes.

Canes. Sila ang nilalang na nagtataglay ng pinaka mataas na uri ng kapangyarihan sa mundo ng Alipia.

Hindi sila tinatablan ng kapangyarihan ng mga pure royal blooded katulad ng mga prinsipe.

Kaya sinubukang puksain ang kanilang lahi noong kasalukuyang nakaluklok sa trono ang aming lolo, si Haring Nabuco.

Kung sakaling isa nga Canes si (y/n)...

"Kung sakaling isa siyang Canes, siguradong mag-aagawan ang mga prinsipe sa kaniya. Kasama na ako," Joshua said before looking at me. " At siguradong, ikaw ang pinaka gustong makuha siya. Tama ba?"

Thats right. Isang pangarap kung kami ang magkakatuluyan ni (y/n).

Dahil ako ay half royal blood and half Canes blood.

Kapag kami ang nagkatuluyan, maaring mabuhay muli ang dugo ng aming angkan.

Agad kong isinuot ang balabal at patakbong lalabas ng kwarto.

"Saan ka pupunta?!" Sigaw ni Joshua.

I stopped running and glanced at him. "I will check if she really is a Canes."

And then, I ran into her room.

There is only one way to check if she really is a Canes.

Kumatok ako sa pinto niya at pinagbuksan naman niya ako.

"Prinsipe Minghao?" She asked while looking at me with those rounded eyes.

Damn. My heart is racing just by seeing her eyes!

"You remembered my name?" I responded.

Tumango siya at ngumiti. "Yeah. Hindi ko alam pero sa lahat ng prinsipe, sayo ako panatag. Meron ka kasing aura ng isang kaibigan. Isa pa, narinig ko na wala kang interes sa babae." Then she smiled.

Ugh! Now my heart is aching by seeing her smile.

Tama si Joshua. If her presence can stir this emotions inside of me, then...

"You are a Canes," I said.

"Huh? What canes?"

"Canes, just like me. Gusto mong makita ang ebidensya?"

"Anong ebi---"

I pulled her waist and kisses her lips.

After some seconds, she kisses back and we went for a deep and hungry kiss.

Why?

Dahil Canes are naturally attracted to each other's body.

Now I made a decision. (Y/n), I will make you mine. No! You are already mine.

--

Prince Mingyu

Hinawakan ko ang aking labi habang patungo sa aking silid.

Hanggang ngayon, damang dama ko parin ang mainit niyang labi. Bigla nalang siyang  kumatok at ako'y hinalikan!

Pero mas nakakagulat ang naging tugon ko. Bakit nagustuhan ko ang ginawa niya? Bakit ako humalik pabalik?

Ilang ulit akong umiling bago napahinto malapit sa pintuan ng aking silid.

Oh? May lalaking nakasandal sa pader at nakatitig sa akin. MAtangkad siya, nakakapangakit ang mga mata, may matangos na ilong, mapupulang labi at morenong kulay. Isa rin ba siya sa mg prinsipe?

"Nakita mo ba si Prinsipe Mingyu?" tanong ng isang kawal  sa kapwa kawal, na dumaan sa direksyon ko.

Prinsipe Mingyu. Aha! Ang lalaking nakasandal malapit sa pintuan ng silid ko ay si Prinsipe Mingyu!

"Hindi e. Sinabi ng hari na tawagin si Prinsipe Mingyu. Pero mukhang ginamit na naman niya ang kapangyarihan niya. HAy kainis!" reklamo ng mga kawal bago tumakbo.

Bakit hindi nila nakita si Mingyu?

TEka, sinabi nila na ginamit ang kapangyarihan. Kung ganon... Ah! Inivisibility! Kaya nga pala niyang maging invisible. Pero, bakit nakikita ko siya?

Muli akong tumingin sa kaniyang mga mata, at ngumiti pabalik.

Eh?!

Alam ba niyang nakikita ko siya o hindi? Di bale, magkukunwarian nalang ako na wala akong nakikita. Tama tama.

NAglakad ako papalapit sa pinto habang iniiwasan na tignan siya pabalik.

"Stop acting princess. Alam kong nakikita mo ako," ang kaniyang sambit.

Napatigil ako at napabuntong hininga.

"You just met my eyes a moment ago," ang sabi niya bago humarang sa daraanan ko.

Dahan dahan kong itinaas ang paningin at nakipagtitigan. Woah, mas gwapo siya sa malapitan!

Yumuko siya at mas inilapit ang mukha. T-Teka, kahit ba ginagamit niya ang invisibility powers, natural lang ba na maramdaman ko ang maiinit niyang  paghinga na humahaplos sa aking pisngi?

"Sa kaharian namin, dalawang tao lang ang nakakakita sa akin sa tuwing ginagamit ko ang kapangyarihan ko: Si prinsipe Minghao at Prinsipe Wonwoo. Ang dahilan? Well, sila ay mga half-blooded Canes.

Canes. Iyan din ang sinabi ni Prinsipe Minghao sa akin kahapon bago niya ako halikan. Sinasabi niya na hindi ako tao, kundi isang Canes. Ano ba ang Canes?!

"Bakit ba pinipilit niyo na isa akong Canes?" tanong ko sa kaniya.

"Hmmm, simple lang. Dahil nakikita mo ako. Tanging ang mga Canes lamang hindi tinatablan ng kapangyarihan ng mga royal blood. Iyon ang dahilan kung bakit pinatay ng nakaraang hari ang buong lahi ng inyong angkan."

Hindi ko maintindihan. At hindi ko lubos maisip ang kaniyang sinasabi.

"Noong una, nagtataka ako kung bakit nagdala si Gidian ng hamak na tao bilang ang susunod na reyna. Paano ko tatanggapin na asawa ang katulad mo? Iyan ang naitanong ko sa sarili noong una kitang makita sa palasyo. Pero..."

Itinaas niya ang kanang kamay bago ako hawakan at isandal sa pintuan. Nanlaki ang aking mga mata at napalunok sa tensyon na biglang bumalot sa pagitan namin.

"Nagbago ang isip ko nang makita ko kayo ni Prinsipe Minghao na naghahalikan kahapon," pagpapatuloy niya.

Hindi ako nakapagsalita, ni hindi makahinga sa takot na nadarama.

"Dahil ang Canes ay nagkakagusto lamang sa sarili niyang kalahi," ang bulong niya.

Dali dali ko siyang itinulak palayo, binuksan ang pinto at nagkulong sa kwarto.

Ilang ulit akong huminga ng malalim at ikinalma ang sarili.

Canes. Canes. Canes! NABABALIW NA SILA! GUSTO KO NG BUMALIK SA TUNAY KONG MUNDO!

"Baka nakakalimutan mong kaya kong mag-teleport," ang sabi ng lalaki na nakaupo sa aking kama.

NAng maging malinaw ang aking paningin ay muli kong naaninag si Prinsipe Mingyu. Paano siya...!?

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. Pakiusap, lumabas ka na prinsipe Mingyu upang ako ay makapag pahinga," pakiusap ko.

"A ganun ba? Mukhang napagod ka sa maikli ngunit malaman nating pag-uusap," he said with a smile. Tumayo siya at tumingin. "Wala akong pakielam kung pareho pareho kayo ni Wonwoo at Minghao na may dugong Canes. Hindi ibig sabihin na magkakadugo kayo ay dapat na silang dalawa ang piliin mo. Narinig mo ang sinabi ko kanina, ikaw lamang ang kaisa-isang babae na hindi tinatablan ng kapangyarihan ko. KAya, I decided this one thing.."

Bigla nalang siyang nawala sa paningin ko!

At sa isang kisap mata ay nakatayo na siya sa aking mismong harapan.

"I will take you as my wife," he said before lifting my chin with his right hand. "So,  you need to fall in love with me, ASAP."

NAramdaman ko ang paghawak niya sa aking beywang. PAgkatapos ay hinatak niya ako papalapit at hinalikan sa pisngi.

---

Prince Woozi

Your Pov

Mula ng dumating ako sa palasyo na ito, masyadong maraming impormasyon ang pumapasok sa utak ko. Sinasabi nila na ako ay isang "Canes" at na itinakda akong maging reyna sa kahariang ito.

Napahawak ako sa labi habang nakaupo sa kama. "Totoo nga kayang hindi ako simpleng tao?" Nagawa kong makipaghalikan sa isa sa mga prinsipe. Ayoko mang aminin pero nagustuhan iyon ng katawan ko. Bakit? Bakit?!

"Prinsesa," may tumawag sakin mula sa labas ng silid, kasabay ng nag aalinlangang pagkatok sa pinto.

"Bukas ang pinto," ang sagot ko.

Isang guwardiya ng palasyo ang humarap sa akin. "Kailangan niyo na pong kumain ng hapunan. Maari bang sumunod kayo sa akin?"

Hapunan? Teka lang. Kailan nga ba ako huling kumain?

Napahawak ako sa tiyan saka tumayo. Kahit nahihiya ay sumang ayon na ako. "S-Sige."

"Sumunod po kayo prinsesa," yumuko ang guwardya at itinuro ang daan.

Ngayong nagmasid masid ako, masasabi kong maganda rin naman pala ang palasyo. Kung mga simpleng tao lang naman ang nakatira dito, baka hindi na ako umalis. Ang tanong? May pag asa ba ako na makalaya? Napabuntong hininga nalang ako sa sariling ideya.

"Nandito na po tayo Prinsesa."

Inangat ko ang paningin at namangha sa mga pagkaing nasa lamesa! Lumunok ako, nagniningning ang mga mata. Di narin ako nahiyang umupo at dumampot ng kutsara't tinidor.

"Kumain po kayo ng mabuti," ang sabi ng guwardya bago lumayo at tumayo sa tapat ng pinto.

Pagkatapos ay kumain na ako hanggang sa mabusog. Wala naman masyadong pagkakaiba ang lasa ng pagkain nila sa pagkain ng mundo ng mga tao.

"Nasarapan ka ba Prinsesa?" Isang tinig na walang pinanggalingan  ang tumawag sa akin.

Sino ang nagsasalita?

"I'm here! Yohoo!'

Mula sa itaas ang tinig. Tumingala ako at nakita ang isang prinsipe na nakaupo sa chandelier! Paano siya nakaakyat?

Tumalon siya mula sa itaas. Pumikit ako sa pag aakalang nabaliaan siya ng buto. Pero pagdilat ko, walang nangyari sa kaniya na animo'y tumalon lang siya sa di kataasang lugar. "Prince Woozi," pagpapakilala niya kasabay ng eleganteng pagyuko.

Prince Woozi?

Ang cupid!

"Dahil hindi ko mabasa ang isip mo, maari ko bang malaman kung nag eenjoy ka bilang prinsesa?" Ngumiti siya sa akin. Mukha naman siyang may taglay na kabaitan.

"M-Masarap ang pagkain," sagot ko bago tumayo.

"Ang ibig kong sabihin, ay kung nag eenjoy ka na pinag aagawan ng mga prinsipe." Ngayon ay nagpakawala siya ng mapanuksong ngiti. Mukhang mali ang aking hinala na mabait siyang nilalang.

"Hindi ako nag eenjoy," ang sabi ko.

"Oh, the pareho tayo. Alam mo bang mula ng dumating ka, sobrang sakit sa tenga na marinig ang malalakas na kabog ng dibdib sa paligid."

"H-Huh?"

Naglakad siya papalapit. "Sensitibo ang pandinig ko lalo na sa mga  pagkakataong may tumitibok ang puso." Huminto sya sa mismong harapan ko. "So sino sa mga prinsipe ang nagpatibok ng puso mo?"

"W-Wala! Wala no!" Umatras ako ng isang hakbang, nahihiwagaan kung bakit napakalapit siya masyado.

"Gusto mo bang tulungan kita?" Alok niya. Pagkatapos ay may kinuha siya sa likuran, isang pana at sibat. Teka, wala naman siyang dalang pana kanina ah!

"Kapag pinana kita," ang sambit niya bago ako tuluyang pinana sa dibdib.

"Ah!" Singhap ko. Pero nakakapagtaka na wala namang tumagos sa aking katawan. Sa halip naglaho ang sibat na parang bula.

"At kapag pinana ko ang guwardya na nakatayo sa harap ng pinto," ang sabi niya sabay itinapat ang pana  sa guwardya, "magkakaroon kayo ng habang buhay na pag iibigan. Nakakadiri hindi ba?'

Nanlaki ang aking mga mata. Kung totoo nga ang sinabi niya... ako ay... sa guwardya na iyon... kami ay...HINDI PWEDE!

'TEKA!" Pagpigil ko. Natapik ko ang kamay niya pero nabitawan na niya ang sibat.

Sinundan ko ang sibat hanggang sa tumagos ito sa...

"Prinsipe Woozi! Nakita mo ba ang... Ah!" Sigaw ng lalaking kararating na syang tinamaan. "Hoy!' reklamo ng lalaki na isa ring prinsipe.

"Tinamaan si Prinsipe Dokyeom. Sayang, di naman sya tatablan," bulong ni Prinsipe Woozi .

"Bakit mo ko...?" Reklamo sana ni Prinsipe Dokyeom ngunit napatigil siya ng mapatingin sa akin.

Pagkatapos ay bigla na lamang kumulog ng napakalas at kumidlat.

---

Prince Dokyeom

Dk's Pov

Pumunta ako sa silid ng Prinsesa dahil curious ako kung ano ang magiging panahon kapag nagkita kami. Pero wala siya sa kaniyang silid.

Hmmm? San kaya siya nagpunta?

Nagtanong ako sa isang guwardiya na nagbabantay malapit sa kwarto na iyon. "Nakita mo ba kung saan nagpunta ang prinsesa?"

"Magandang gabi prinsipe Dokyeom. Ang prinsesa po ay pinatawanag ni Prinsipe Woozi para kumain ng hapunan."

Si Woozi? Nakakapagtaka. Hindi interesado si Kuya Woozi sa prinsesa. I mean,  isa siyang cupid pero walang kakayahang magkainteres sa babae. Kaya bakit?

"Hindi kaya...!"

May masama siyang binabalak!

Agad akong tumakbo papunta sa posibleng lugar na kinaroroonan ng prinsesa at ni kuya Woozi.

"Teka!" Ang sigaw ng prinsesa. Pumasok ako sa loob.

"Prinsipe Woozi! Nakita mo ba ang...ah!"

Aray! Tinamaan ako ng sibat ni prinsipe Woozi. "Hoy!"

"Tinamaan si Prinsipe Dokyeom. Sayang, di naman siya tatablan," ang narinig kong bulong ni kuya. Sabi ko na nga ba't may masama siyang balak. Malamang na papaibigin niya ang prinsesa kung kanino para hindi matuloy ang pinaplano ng hari. Mabuti na lamang at ako ang tinamaan niya. Tutal, hindi gumagana ang pana niya sa mga royal blood.

Tumingin ako sa kanila at nagpatuloy sa pagrereklamo, "bakit mo ko..."

Ngunit sadyang napahinto ako ng magtama ang mga mata namin ng prinsesa.

Sa kaloob looban ko ay nag iinit na kalamnan, hindi maipaliwanag na kirot ng dibdib at malalim na paghinga.

Kumulog ng napakalakas, kumidlat na halos magliwanag ang gabi at bumugso ang ulan.

"Kumikidlat? At umuulan. Nangyayari lang yan kapag malungkot ka," ang paliwanag ni Woozi.

Tama. Nakasalalay sa nararamdaman ko ang panahon. Kung kumikidlat at kumukulog, ibig sabihin ay nalulungkot ako. subalit, nakakapagtaka. Hindi lungkot ang nararamdaman ko!

"Dokyeom! Naririnig ko ang puso mo!" Gulat na sabi ni Prinsipe Woozi 

Napahawak ako sa dibdib habang nakikipagtitigan sa prinsesa. "K-Kuya Woozi. Imposibleng gumana sakin ang pana mo hindi ba? Ngunit, bakit... parang in love ako sa Prinsesa?"

Nang sabihin ko ang mga pananalitang iyon ay tumigil ang ulan, at lumitaw ang bilog na buwan mula sa pagkakatago sa makapal na ulap.

---
Prince Hoshi

Your Pov

Nakatingin ako mula sa bintana ng aking silid. Ilang beses akong napabuntong hininga habang nakatitig sa labas. Lahat ba ng prinsesa palagi nalang nakakulong sa palasyo?

Maganda nga ang damit, nakakakain ng masarap ng pagkain pero ibang iba to sa pamumuhay ko sa aming mundo bilang tao. At ang mas malala, napapaligiran ako ng mga gwapo nga, pero weirdong prinsipe na may mga kapangyarihan.

"Tik tilaok! Chi chi chi!" May weird sounds akong narinig mula sa labas.

Dumungaw ako sa bintana at nakita ang isang prinsipe na parang may hinahanap.

"Nasan na ba yun? I'm sure I saw a chicken here a moment ago," ang sabi ng prinsipe.

Chicken?

Ah! Si Prinsipe Hoshi. Siya yung prinsipe na mahilig sa chicken, I mean, kumain ng chicken.

"Chic chic chic, where na you?" Ang narinig kong sabi ni Prinsipe Hoshi.

Sa lahat ata ng prinsipe, siya ang pinaka-cute.

"Aha! Nandiyan ka lang pala!" Ang sigaw niya bago may dinampot na manok mula sa halamanan. "Ha ha ha! Ang aking masarap na tanghalian. Ano kayang putahe ang iluluto ko sayo?"

Nakipagtitigan siya ng mata sa mata sa manok na hawak niya. Pagkatapos ay bigla nalang, "Awwww. Umiiyak ka ba? Sorry na. Pero nilalang ka para mapunta sa tiyan ko."

Ha?

"Aish! Bat ang cute mo oh?! Oo na! Papakawalan na kita! Hindi na kita kakainin!"

Binitawan niya ang manok at tumalikod, animo'y para siyang nakikipag hiwalay sa kasintahan.

Napakisap mata nalang ako sa napagmamasdan.

Ilang sandali pa ay tumingala siya at nagkatama ang aming mga mata. Magtatago pa sana ako kaso mukhang wala rin namang saysay dahil nahuli na niya ako.

"PRINSESA!" masaya niyang bati na todo kaway at ngiti pa. "Magandang umaga! Kilala mo ba ako?! Ako si Prince Hoshi! Natutuwa akong makilala ka!"

Aba. Hindi ko inakala na palakaibigan siya.

"H-Hello," ang bati ko na kumaway rin.

"Nanghuhuli ako ng manok kanina! Kaso naawa ako sa kaniya kaya pinakawalan ko siya," ang kwento niya.

Nakita ko nga kanina pero bakit kailangan pa niyang ikwento?

"Ang kapangyarihan ko ay apoy!" Ang sabi  pa niya. "Nakadepende ang kulay ng apoy sa nararamdaman ko. At dahil good mood ako ngayon, dilaw ang ipapakita ko!" Itinaas niya ang kamay, at sa isang iglap ay lumikha siya ng apoy!

Ngunit ang kulay ng apoy ay hindi naman dilaw, kung hindi maputlang pula. Pink?

Tinitigan niya ang sariling apoy sa paraang di makapaniwala. "Oh? Ang kulay na ito."

"Pink," ng sabi ko.

"Tama ka." He looked at me. "Alam mo ba kung para saan sumisimbolo ang kulay ba ito?"

Inalala ko ang pagpapakilala ng hari sa kaniya. Ang pink na apoy ay para sa...? "LOVE?" I said.

Dahan dahang siyang tumango, ng hindi inaalis ang tingin sa akin. Pagkatapos ay isinambit niya ang mga salitang, "Eto ang kauna unahang pagkakataon na nakita ko ang kulay na ito. Hindi kaya... ikaw ang dahilan? Prinsesa?"

Ako?

---

-Prince Vernon-

Your Pov

"Prinsesa, nandirito ka ba sa iyong silid?"

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa aking ang isang napakagwapong lalaki. Kulay puti ang buhok nito, may bilugang lilang mata, at maputing kutis.

"Hi. I am prince Vernon," ang pagpapakilala niya kasabay ng pagyuko. Nang tumayo siya ng tuwid ay lumikha siya ng yelong hugis rosas. "Nice to meet you." Inalok niya ng rosas na tinitigan ko naman.

"Yelong rosas? Hindi ba, masasaktan ang kamay ko kung hahawakan ko yan ng matagal?" Paliwanag ko.

Napahinto siya, waring napaisip saka tumango. "Oo nga ko. Hindi ko naisip yun. Hehe I'm sorry. Anyway, I am a prince of ice."

"Nagagalak akong makilala ka. Ngunit ano ang sadya mo sa akin?' Aking tanong.

Natulala siya. Pinagmasdan ako bago mahinang tumawa. Bakit kaya? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko.

"Isa kang tao hindi ba?' He asked.

Kaya tumango naman ako.

"Weird. Kung makapagsalita ka, parang dito ka talaga galing. People on Earth tends to say weird stuff like, Omg! WTF etc."

Iyan din ang pinagtataka ko. Galing ako sa modernong mundo ngunit bigla nalang nag iba ang pananalita at paraan ko ng pag iisip mula ng maparito ako. May kinalaman kaya ito sa pagiging Canes?

Pero teka!

"BAKIT MO ALAM KUNG ANO ANG MGA SALITA SA AMING MUNDO?!" tanong ko.

"Ah," nagkamot siya ng batok bago sumagot. "Pabalik balik ako sa mundo niyo at sa aming kaharian."

Ang ibig niyang sabihin...

"ALAM MO KUNG SAAN ANG DAAN PABALIK SA MUNDO KO?!"

"Oo."

Ito na ang pagkakataon ko!

"Kung ganun, pwede mo bang ituro sa akin ang daan? Nais ko ng bumalik!"

"Ha? Kahit malaman mo ang daan, wala ka namang susi."

Anong susi ang sinasabi niya?

"Ngunit pwede mo naman akong pahiramin, hindi ba?"

Muli siyang tumawa. Mukha ba akong nagbibiro?

"Ang susi," ang sabi niya sabay itinuro ang puso. "ay narito sa aming puso."

"Puso?"

"Ang may hawak ng susi sa mundo niyo at sa kaharian namin ay si Gidian. Kapag ipinanganak ang isang prinsipe o prinsesa, nakikipagtipan si Gidian sa aming puso. Ito ang aming susi. Kaya kahit makita mo ang pinto, hindi ka makakapasok. Pwero nalang kung ibalik ka mismo ni Gidian. But the problem is Gidian is missing." 

Nanlumo ako at napayuko nalang. "Mukhang, makukulong na ako dito ng habang buhay."

"Pwede naman kitang tulungan. Do you want me to search for Gidian? " alok niya.

I looked at him. Halos lahat ng Prinsipe ay nais na makuha ako bilang asawa. Ngunit bakit iba siya?

"Okay lang ba sayo Prinsipe Vernon na umalis ako?"

"Wala naman akong interes na maging hari, or pakasalan ka. So okay lang."

Isa itong magandang bagay.

"Mabuti naman," singhap ko. "Lahat nalang sila, ipinipilit na isa akong Canes na dapat ikasal sa isa sa inyo."

Iniangat ko ang paningin at nagulat nang mapansing naging kulay asul ang mata niya.

"P-Prinsipe Vernon?" Utal utal kong pagtawag.

Sa isang iglap ay nagliwanag ang paligid!

Dahil sa pagkasilaw ay napapikit ako at napaupo sa malamig na sahig. Nang imulat ko ang mga mata, ay nakakulong ako sa kwadradong Yelo.

Nakatayo ang prinsipe sa akin, nakatitig gamit ang mga asul na mga mata.

Dahil sa yelo ay niyakap ko ang sarili upang makatakas sa lamig. Hinihingal ko siyang titigan, siya na lumuhod sa aking harapan.

"Pasensiya na Prinsesa," seryoso niyang sambit. "Pero kung isa kang Canes," gamit ang mainit niyang palad ay hinaplos niya ang aking pisngi. "Gagawin ko ang lahat para mahalin mo ko."

"Anong klaseng nilalang ang Canes? Bakit lahat kayo, gustong makatuluyan ang katulad nila?" Isinambit ko ang tanong na gumugulo sa aking isipan.

"Dahil ang royal blood na katulad ko, ay ipinanganak para sambahin at mahalin ang isang Canes ng higit pa sa buhay niya."

---

-Prince Seungkwan-

Your Pov

Ang Canes ay natural na na a-attract sa kapwa nila Canes. Ang mga royal blood naman ay natural na nagkakagusto sa isang Canes.

Nakaupo ngayon ako sa duyan na nasa hardin ng palasyo habang nagbubulay bulay.

"tweet tweet tweet," masarap na huni  ng ibon, na kumikiliti sa aking pandinig. Ang mga mata ko ay gumawi sa berdeng ibong dumapo sa aking binti.

"Tweet tweet" ang huni  ito.

"Napakaganda mo namang nilalang," ang sabi ko.

Lumapit ang ibon, lumipad at inilapat ang matulis na tuka nito sa aking labi. Oh? Para kaming nagkiss.

Pagkatapos ay lumipad ito at dumapo sa damuhan.

Kahit ang ibon ay marunong din atang manligaw.

"Achoo!" Pagbahing ko. Pinunasan ko ang ilong at dahil wala namang ibang nakakakita ay nangulangot na ako.

Pagkatapos ay bumalik ako sa pag iisip.

"Ang nakakapagtaka, kung ang royal blood ay natural na nahuhumaling sa isang Canes, bakit ipinapatay ni Haring Nabuco ang angkan nila?"

"Dahil si Haring Nabuco ay hindi dugonh bughaw."

Sino ang nagsalita?!

Tumingin ako sa paligid ngunit tanging itong berdeng ibon lang naman ang nandito.

" Si Haring Nabuco ay hindi royal blood. Sa pagkakaalam ko, inampon siya noon ng reyna," ang... SABI NG IBON!

NAGSASALITA ANG IBON?!

"ANONG KLASENG IBON KA?! ISA KA BANG DEMONYO?!"

"Kanina lang ang sabi mo, maganda akong nilalang," ang sabi ng ibo bago ito lumaki ng lumaki at naging isang... prinsipe?

"Isa kang prinsipe?"

Tumawa siya ng mahinahon. "Ahuh. At kanina pa kita pinagmamasdan."

Teka. Sya yung prinsipe na kayang mag iba iba ng anyo!

Kung kanina pa siya nagmamasid, ibig sabihin, "n-nakita mo kong mangulangot?" Nahihiya kong tanong.

Naglakad siya papalapit sa akin. "Oo."

Nakakahiya!

iiiwas ko sana ang tingin ngunit bigla nalang siyang nakipagtitigan ng sobrang lapit anupat kaunting galaw ko lang, baka mahalikan ko na ang kaniyang labi. "B-Bakit?" Tanong ko.

Ngumiti siya, isang ngiti na muntik ng bumihag sa puso ko. "Ang tamis ng labi mo prinsesa."

Labi? Ah! Hinalikan ng ibon ang... kung ganun...kami ay...

"my name is Prince Seungkwan. Nice to meet you," he said before he  winked.

---

-Prince Dino-

Dino's Pov

Nakaupo ako sa gilid, sa loob ng silid aklatan ng palasyo. Hawak ko ang isang libro na nakuha ko mula sa mundo ng mga tao. Nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang prinsesa.

Mula ng dumating siya rito sa aming kaharian, ginawa ko ang buong makakaya upang hindi mag-krus ang aming landas. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana.

Pinagmasdan ko siya na lumilibot at tumitingin ng mga libro. Habang sinusubukang basahin ang mga aklat ay napansin ko ang pagkunot ng kaniyang noo.

"Hindi ko akalaing mahilig pala magbasa ang prinsesa."

Nabitawan niya ang hawak dahil sa gulat. Tumayo ako at lumapit sa babaeng nakatitig sa akin. "Prinsipe Dino."

Wow. Natandaan niya ang pangalan ko. Marahan akong yumuko upang magpakilala. "Kamusta prinsesa? Ako si Prinsipe Dino. Wala akong kapangyarihan di tulad  ng mga kapatid ko. Kaya naman, wag kang matatakot.'

Dahil sa sinabi ko ay nawalan ang tensyon na bumalot sa kaniyang mukha. Ibinalik niya sa lalagyanan ang hawak na libro at nagreklamong, "sinubukan kong magbasa. Pero hindi ko maintindihan ang letra ng mga libro niyo."

Naalala ko tuloy ang hawak kong libro na hindi ko rin mabasa. "Kung ganun, gusto mo bang magpalit tayo ng libro?" Inabot ko sa kaniya ang aklat na may kakaibang larawan.

"Oh? Libro ito galing sa mundo ko!' Singhap niya bago may pag ka eksaheradang kinuha ito mula sa akin.

"Tutulungan kitang mabasa ang libro namin, kung babasahin mo iyan para sakin," ang alok ko.

"Madali lang ang pinapagawa mo' mayabang niyang sagot. Binuksan niya ang aklat at nagsimulang magbasa. "Ahem. Nang makapasok ako sa pinto ay agad na tumambad sakin ang magandang katawan ni Perla. Kaya naman agad akong naghubad at..."

Bigla nalang siyang napatigi, namula at sinara ang libro.

"Anong problema?" Tanong ko. 

"H-Hindi maganda ang libro na to! W-wag na wag mo na tong babasahin!" Nauutal niyang sambit.

Bakit kaya? Akala ko pa naman sikat sa kanilang mundo ang aklat na iyon.

Itinabi niya ang aklat  at ngumiti sa akin.

May kung anong kirot ang nadama ko nang makita ang kaniyang ngiti. Delikado ito! Isa siyang Canes kaya hindi ko dapat hayaan na magkasama kami ng mahabang panahon!

Tumalikod ako, anupat nagmamadaling umalis.

"Aalis ka na?" Tanong niya.

"Oo. Dahil ayokong makasama ka ng mas matagal."

"Bakit?"

"Dahil baka mahalin kita."

"H-huh?"

"magpapakilala ulit ako. I am Prince Dino, isa akong imortal. Ngunit sa buong buhay ko ay iniwasan kong magmahal. Dahil sa oras na hindi ako mahalin pabalik ng babaeng aking iniirog, mamatay ako. Kaya naman, sa susunod nating pagkikita, ituring mo kong parang bula. Maliwanag prinsesa?"

---
-Prince Wonwoo-

Your Pov

"Ilayo mo siya"

"Dalhin mo siya sa lugar na malayo rito"

"Pakiusap!"

Nagising ako ng hinihingal, pinagpapawisan at tuyong tuyo ang lalamunan. Marahan akong umupo. "Panaginip lang." Tumingin ako sa paligid. Nasa loob parin ako ng silid sa palasyo. Nang magising ako, akala ko'y panagip lang din ang lahat ng nangayari.

Bumangon ako mula sa kama. Sobrang bigat ng pakiramdam ko kaya pinili kong maglakas papalabas ng kwarto upang makakuha ng sapat na hangin.

Oh? Nakatulog ang gwardya na nagbabantay sa akin.

"Prinsesa," mahinang boses na tumawag sakin.

Nang iangat ko ang paningin ay nakita ko ang pang ikalabing tatlong prinsipe, si Prinsipe Wonwoo.

Ano ginagawa niya sa harap ng pintuan ng kwarto ko ng dis oras ng gabi?

Susubukan ko sanang magtanong, subalit nang magtama ang aming mga mata ay may kakaiba akong naramdaman.

~dug dug dug~ malakas ng kabog ng aking dibdib.

Kaba, takot or niyerbos, ay walang kasiguraduhang tumayo sa kaniyang harapan. Hindi kaya... nararamdaman  ko ito dahil ako ay isang...

"Kailangan kita ngayong gabi," bulong niya, hinihingal at mukhang nauuhaw. Naglakad siya papalapit ng papalapit sa akin. Hangganh sa napaatras ako papasok muli sa aking kwarto.

"b-bakit mo ako kailangan?"

hindi siya sumagot. Sa halip, hinatak niya ang aking beywang at sa isang iglap ay madiin niya akong hinalikan.

---

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro