Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#100 Seventeen Love Letters be like...

Svt threads- Svt kapag gumagawa ng love letter

Scoups

  -Seungcheol sent a love letter using papel pang Grade 6

  “Hoy (y/n). Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa. Gusto kong malaman mo na mahal kita. At ayokong nakikitang may kasama kang iba dahil nagseselos ako. Maliwanag? Akin ka lang. You are only mine. Wala akong pake kung hindi mo ko gusto. Gagawin ko ang lahat para magustuhan mo ko. Ikaw lang ang mahal ko, peksman. Magkita tayo sa tapat ng tindahan ni Manong Berting bukas.
                                                                                                                      Nagmamahal, Seungcheol pogi”

  -ang jeje ni pareng Cheol  -_-

----

  Jeonghan

  -Jeonghan sent a letter using a bond paper na ninakaw niya sa ka-officemate niya

  “Dear (Y/n),
                   Naalala mo ‘yung utang mo sa akin noong nakaraan? Hindi mo na iyon kailangang bayaran.
   Naalala mo noong nadapa ka una ang mukha? Super napasaya mo ko. Naalala mo noong nahuli kitang
Nangungulangot sa likod ng 7/11? Ang dugyot mo pero nakyu-cute-an parin ako sayo. Naalala mo noong
Umutot ka sa karaoke cubicle sa timezone? Alam ko na ikaw ang umutot dahil nag-vibrate ang upuan.
Pero hindi kita sinumbong. Ang lahat ng ito ay dahil sa pagmamahal ko sayo. I love you~
Umaasa ako na hindi mo ko i-re-reject. Ayaw mo naman sigurong malaman ng lahat ang mga nalalaman
Ko sayo diba? ^^. I love you~ Mwah
                                                                                            Ang iyong manliligaw na mas maganda pa sayo,
    Jeonghan

-love letter ba talaga ‘to o death threat?
----

Joshua

  -Joshua sent a love letter using expensive scented paper na binili niya sa Expression

  “Dear (Y/n),
      Like a map, in my heart, you were there. I don’t know where. Can you share? I’m so sorry.
But don’t worry.

                                                                                                  Loving, Joshua”

  -Joshua sent another love letter

  “Dear (Y/n),
              Sunday morning rain is falling…”

  -(Y/n) crumpled the paper and threw it away

------

Jun

-Junhui sent a love letter:

  “Hi (Y/n)! Awavyou po! Hearteu hearteu Bbuing bbuing~"

      NAGMAMAHAL, CRUSH NG BAYAN: JUNHUI”

-Ang sweet na sana eh

  -kaso yung papel na ginamit niya, TOILET PAPER

----

Hoshi

-Hoshi sent a love letter using a bond paper na nilagyan niya ng deodorant

-naubusan na kasi siya ng perfume at cologne

  “Hello sa pinaka-cute na babae sa buong mundo. Nais ko lang sabihin sayo na gilgil mo si ako. Grrrrr~
Sa sobrang pagmamahal ko, minsan gusto na kitang kagatin. Grrrrrr~
Kapag may time ka, pwede ba kitang kainin? Grrrrr~

                                                                                                       Naglalandi, Hoshi Grrr~”

-pakibalik po siya sa Zoo -_-

---

Wonwoo

-Wonwoo sent a love letter using Manila paper and blue pentelpen

“Mahal na binibini,
      Ang iyong ngiti ay liwanag sa aking madilim na buhay. Ikaw ang nagbigay pag-asa sa nauuhaw na pagmamahal. Anupat datapwat nagawa mong paibigin ang puso kong bato at manhid. Aminado akong may taglay na kakornihan minsan ang aking mga biro, subalit upang hindi mapahiya ay tumatawa ka. Lubos akong nagagalak sa iyong pagka-mapagpasensiya. Ang iyong mata ay tulad cocoa, matamis at nakaka-adik.

(after one hour of reading)

  Dito na matatapos ang aking MAIKLING sulat binibini.
                                                                                                           Lubos na gumagalang, Wonwoo”

-reporting ata ng group 1 ang ginawa ni koya Wonwoo

---

Woozi

-Woozi sent a love letter using paper na pinunit niya mula sa music sheet

  “(Y/n), mahal kita kahit baliw ka. Edi wow~

                                                     -Woozi”

-buti nalang kyut siya

-HA HA HA HA

----

The8

  - Minghao sent a love letter using an IPod. IPOD tablet?!

  “Dear (Y/N),
     Alam kong nagulat ka na biglang sumulat sayo ang iyong waring KAIBIGAN. Ito ay sa kadahilanang
Nagnanais akong malaman mo na mayroon akong lihim na pagtingin sa iyo. I love you. Yes I do. Humihingi ako ng permiso na manligaw sa iyo. Subalit kung hindi ka man payag ay i-rerespeto
ko ang iyong desisyon.

                                                                                  Your FRIEND, Minghao. (p.s: sayo na yung tablet.
                                                                  Kung hindi mo type yung IPod, itapon mo nalang. I love you❤)

------

Mingyu

-Mingyu sent a love letter using  an expensive scented paper na ninakaw niya kay Joshua

“Dear (Y/n),
  Hindi ko alam kung paano sisimulan ang sulat, pero sinisimulan ko na kaya nevermind nalang. Ikaw ang tipo ng babae na walang arte at masarap kasama. Kaya’t hindi na ko magtataka na nahulog ang loob ko sayo. Oo. Mahal kita. Nakikita ko ang kinabukasan ko sayo: ang maging asawa ka, magkaroon ng isang daang anak at makasama ka hanggang sa pagtanda.

  Alam kong may gusto ka sa akin. Kaya wag ka ng magpabebe at sagutin mo nalang ako. Okie dokie?

                                                                              Nagmamahal, MALAKING Mingyu.”

-*high five with MALAKING Gyu*

---

Dokyeom

-Dokyeom sent a love letter using a tiny, glossy paper with pink flower pattern

  “Dear (Y/n)! Maliit lang ang papel kaya iiklian ko lang ang aking love letter. Gusto kong sabihin na mahal na maha-”

-At pinunit ni (Y/n) ang sulat

-dahil ang papel na ginamit ni Dokyeom ay papel na galing sa Whisper with wings sanitary napkin

-Boom!
---

Seungkwan

-Seungkwan sent a love letter using a lengthwise paper

“Hey (Y/n), gusto kita at mayroon akong sampung dahilan:

1.Mabait ka
2.Binibigyan mo ko ng tinapay
3.Cute ka po
4.Kinikilig ako kapag hinahawakan mo ang kamay ko
5.Sinasamahan mo kong manood ng volleyball at basketball
6.Mahilig ka ring kumain
7.Magalang ka sa magulang mo
8.Nagagandahan ako sayo
9.Hindi ka madamot
10.And last, PAREHO NATING CRUSH SI VERNON. YIEEEE~”

-Teka!

-Bakit parang may mali?!

---

Vernon

-Vernon sent a love letter using a clear bond paper na binili niya sa tabing kanto

“Dear (Y/n),
                 Mahal kita.
                                              Love, Vernon ^ ^)

-nakakapanghinayang ‘yung natitirang space sa papel

-#SAVE_MOTHER_EARTH

---

Dino

-Dino sent a love letter using papel pang grade 6

“Good day,
  Please excuse Lee Chan for being absent today because of Dayariya. Diiarheaa? Diareya? Basta! Nagtatae po siya.”

-Ay sorry! Nagkamali pala ng send ng letter!

----

Dino pt.2

“Dear (Y/n),
           Kamusta? Ako ito, ang kaibigan mo na si Dino. Ilang taon narin mula nang hindi tayo magkita. Ngunit ang ala-ala na mayroon tayong dalawa ay hindi ko malilimutan. Nabalitaan ko sa magulang mo na malapit ka na palang ikasal. Ang totoo niyan, nasaktan talaga ako. Ilang taon akong naghintay na bumalik ka rito. Hinintay ko na matupad ang pangako natin sa isa’t isa na maikasal balang araw. Subalit waring magpalaro ang pagkakataon. Nakahanap ka ng ibang lalaki na mamahalin mo at makakasama mo habang buhay.

  Hindi ko … mapigilang maluha habang sumusulat .

  Ngunit ano pa ba ang magagawa ko? Masaya ka na sa piling na iba. Kaya naman sisikapin ko na tanggapin ang katotohanan.

Wag kang mag-alala. Masasanay rin ako, hehe.

Paalam (Y/n). At sa huling pagkakataon, nais kong sabihin na: “Mahal kita”

                                                                                                                -Dino”

-partida, Grade 4 lang si Dino nang sinulat niya yan.


End

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro