"Svt sa Bus"
Vernon
-ang driver ng bus
-dahil mukha siyang dollar people, na-culture shock ka ng sumakay ka
-akala mo kasi, napunta ka sa airport imbes na sa bus
-akala mo english spokening si kuya pero daig ka pa pala magtaglog
-"Magandang umaga iha. Dahan dahan sa pag-akyat, baka ikaw ay madupilas. Sayang ang iyong magandang mukha " *winks*
-safe naman siyang mag-drive
-kaso habang nag-da-drive feel na feel niyang makisabay sa pinapatugtog na kanta sa bus
-yung tipong "All out of Love" pa ng Air supply ang tinitira
-sintunado naman, jusko!
-pero wag ka...
-nung sinabayan niya rap ni Gloc9, napanganga ka nalang sa kaniya
-"(he sings the chorus)~Ako'y isang sirena"
--
Mingyu
-the tall, dark and handsome konduktor ng bus
-"Cubao! Cubao! Cubao!"
-yung handang hawakan ang kamay mo para tulungan kang maka-akyat sa bus
-kilig kilig ka naman (keshe keye ang pege nye!)
-sya yung konduktor na mahilig makipagkwentuhan sa pasahero
-yung favorite niyang i-play na movie ay "Titanic"
-sabay sasabihin niya sa driver ng bus na, "Uy bro, kamukha mo yung bida sa titanic."
-tapos kapag yung bed scene na yung sa titanic, haharang siya bigla sa screen ng tv, at sosolohin niya yung scene. Lol! Joke, i-pa-fast forward lang niya yung movie kasi nga... SPG.
-pagkaupo mo, lalapitan ka agad
-wag ka assuming, bibigyan ka kasi niya ng ticket at sisingilin sa pamasahe
-"Miss estudyante kayo?" (sumandal sa isang upan habang umaandar bus)
-"HIndi po. Matanda na ako."
-"Weh? Baby face ka miss. Akala ko high school ka palang," (he smiles and handed the ticket to you)
-Binigay mo bayad mo kaso wala siya panukli
-"Miss, mamaya nalang sukli mo ha. O kaya ako nalang kunin mong sukli," *winks*
--
Scoups
-yung pasaherong sumasakay ng bus tuwing madaling araw
-nakatira siya sa probinsya pero sa Manila ang trabaho niya
- naka-white tshirt, black jacket, ripped jeans at sombrero
-pero ang nakaagaw ng pansin mo ay yung sobrang laki niyang bag
-pano mo hindi mapapansin eh nung dumaan siya sa upuan mo, tinamaan ng bag niya yung mukha mo?!
-boom! sapul na sapol ka bhe!
-Buti nalang pogi si koya
-tapos amoy bagong ligo, bagong sipilyo at naka-cologne pa, oh ha.
-kaya eto ka, sinundan siya ng tingin
-doon kasi siya umupo sa dulo ng bus
-tapos nag labas ng cellphone, Nokia 32 10. Sorry hindi uso touch screen phone kay koya
-nung nahuli ka niyang nakatingin, nginitian ka niya at kinawayan ng kamay
->//<
--
Minghao
-estudyanteng pasahero
-Una mong napansin sa kaniya ang suot niyang hikaw. BAd boy student ang peg
-nakataas pa paa habang nag ce-cellphone ng Iphone niya. Manyaman!
-ni isang beses hindi ka niya tinignan
- tapos kumuha ng notebook at ballpen mula sa maliit niyang bag
-kaya iniisip mo good student siya kasi nagawa pa gumawa ng assignment habang nasa bus
-Nung huminto na sa tapat ng school niya yung bus, tumayo na siya at may binatong papel sa lap mo
-nang buksan mo yung papel, nabasa mo yung sulat niya na, "Noona, cute mo. Eto number ko 094636549**, text mo ko ah. ^3^"
--
Dino
-yung biglang sasakay sa bus
-may dalang basket
- at mga tupperware
-lumapit sayo at may binigay na maliit na papel
-at ang nakalagay ay, "Magandang araw po. Ang pangalan ko ay Lee Chan. Working student po ako at gumagawa ng yema, pastillas at banana cake para mapasuportahan pag-aaral ko. Sana po tulungan niyo ko matupad ang aking pangarap."
-"Ate, bili ka na oh. Limang piso lang isa."
-Awww T^T
--
Wonwoo
-yung poging sumakay sa bus
-kaso biglang sumigaw ng...
-"Mani kayo! Pugo kayo diyan! Mineral water, malamig!"
-pawis na pawis na si koya pero poge paren
-magkakilala sila ni konduktor. Wag mo na itanong kung bakit
-"Kuya magkano yung pugo niyo?"
-"50 pesos isang dosena."
-"Grabe, ang mahal naman."
-"Edi wag. Choosy. Akala mo sinong maganda."
_ (-_-)?
-#Pugoman
--
Woozi
-pasaherong naka-earphone at may dalang gitara
-ilalagay sana niya gitara niya sa itaas na lalagyanan ng bus kaso...
-"Kuya, di mo ba abot? Ako na po maglagay sa taas," alok sa kaniya ng konduktor
-tinitigan siya ng masama nito at sinabing, "G*g*" (bitter kasi siya okay?)
-siya yung nakatingin lang sa labas ng bus habang nakikinig ng music sa earphones niya
-snob niya mga nagtitinda ng pugo, mani, yema at pastillas
-laging hinihingan ng student I.D kasi akala bata pa siya. (#hustisya sa mga maliliit... este baby face)
--
Hoshi
-yung pasaherong pagkapasok na pagkapasok amoy Jolibee
-pagkaupo palang, kumakain na ng french fries
-kada tingin mo sa kaniya, kain ng kain
-lahat ng nag aalok, buko pie, mani, pugo, yema, lahat bumili siya!
-kapag nahuli ka niya tumitingin, aalukin ka pa ng, "gusto mo ate?"
-then ngingiti siya ng cute
-kaya ayun...
-kalagitnaan palang ng biyahe, sumusuka na
-tapos napapansin mo, pinagpapawisan na siya at hindi mapakali
-Nang huminto saglit sa rest stop... tumakbo na papuntang banyo
-lam na diz
--
Jun
-yung pasaherong pagkapasok na pagkapasok palang, lumuwa na mata mo
-nananalangin ka pang sa tabi mo siya umupo. "Lord, please sana sa tabi ko siya umupo!"
-"Hi, can I sit beside you?"
-syempre papayag ka agad! Wag kang choosy! Junhui yan oh!
-nung umupo sa tabi mo, selfie agad
-selfie dito, selfie doon...
-pati ikaw nakukuhanan ng stolen shots
-"Grabe, ang pogi ko dito oh. Pati sa shot na to, wow. "
-Type mo sana eh
-kaso ggss si kuya
-"Miss, yung legs mo," (looking at your legs)
-"Bakit mo tinitignan legs ko?! Bas---"
-(hinubad ang jacket at tinakpan legs mo, tapos sumandal sa upuan at nagtulog tulugan)
--
Seungkwan
-the pinaka maingay
-may katawagan pa sa cellphone yan
-hindi pa naka-silent yung phone kaya kapag may tumawag, ang lakas lakas ng ringtone
-kapag sinagot ang phone, sobrang lakas ng boses
-ultimo chismis ng kapitbahay nila, rinig na rinig ng lahat ng nakasakay sa bus
-pati yung brief niya na ninakaw ng kapitbahay niya, bino-broadcast in public, jusko naman!
-"Kuyang konduktor!~ Pakilipat naman sa 7 yung channel ng tv. Ika-anim na utos na oh! Inaabangan ko si Ema!"
-"Pakisabi narin sa driver niyo, type ko siya."
--
Dokyeom
- the pasaherong parang tao sa mula
-Laging tumatayo dahil kinakabahan siya na baka lagpas na siya sa pupuntahan niya
-tapos always nakatanong kay konduktor
-"Kuya, malapit na po ba?"
-"Kuya para para! Dito na ako!"
-"Ay sorri, hindi pa pala dito, hehe."
-hanggang ngayon hindi parin niya alam paano basahin ang ticket sa bus
-"Ate, magkano babayaran ko? Puro butas kasi yung ticket na binigay sakin. HIndi ko mabasa yung numbers."
--
Jeonghan
-the always tulog
-minsan nga, pag gising niya nasa terminal na pala siya
-isang araw, sumakay ka ng bus
-pagsakay mo, tulog na si ate (akala mo kasi girl siya)
-habang katabi mo siya, tulog parin
-tapos bigla pang mapapasandal ulo niya sa balikat mo
-tinuluan ka pa ng laway
-"Grabe naman tong si ate! Kapal ng mukha makitulog. Buti nalang maganda siya."
-nung nagising siya, pinunasan niya laway niya saka tumingin sayo
-tumingin ka rin sa kaniya
-at boom!
-nagkahalikan kayo!
-nanlalaki ang mga mata ay lumayo siya sayo at nag-sorry, "Damn, sorry miss."
-lalaki pala siya!
-wattpad presents "The Pretty Boy in the bus who Stole my first kiss"
--
JOshua
-yung pasaherong lagi mong kasabay umuwi
-tapos lagi rin may dalang pasalubong
-box ng J.Co doughnuts or Krispy Kreme
-tumutulong siya magbuhat ng bag ng sumasakay
-handa rin siyang tumayo nalang para makaupo ang mga mamatanda, bata at babae.
-Actually ilang beses na kayong nagkakasabay sa bus
-iniisip mo nga na baka destiny na ito
-hanggang sa tumayo siya sa tapat ng upuan mo
-nginitian ka niya at..
-"Hi, I'm Josh. Palagi kitang nakakasabay sa bus na to. Am I right?"
-Ganyan nagsimula love story niyo. Boom panes!
--
End.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro