"Svt kapag walang Power"
Scoups
-yung kauna unahang napa-mura nung nawalan ng power
-low bat na cp niya, wala pang TV kaya mangugulo nalang siya sa iba dahil bored ang loko
-kukuha siya ng flashlight..
-sasayaw at sisigaw ng "PARTY PARTY!"
-instant Disco. Luh!
-AT PAG DI PA SIYA NAKUNTENTO..
-he will come to your room, went on your bed and play wrestling with you
-Saan mapupunta ang wrestling niyo!?
==
Jeonghan
-siya yung nakikitabi sayo sa higaan
-Hindi dahil sa may masarap--- este masama siyang balak sayo kundi dahil nakita ka niyang nag papaypay
-ginagawa kang instant electric fan.
-at mareklamo pa! "Hoy, ang hina mo mag paypay! Number 1 lang ba kaya mo? (Pinindot braso mo) number 3"
-ano akala niya sayo robot?!
-tapos siya din yung sumisigaw ng...
-"May power na!"
-kaya eto ka asang asa. Napabangon pa at napatingin sa paligid.
-yun pala, joke joke lang.
-tinawanan ka ng loko... Bwuset dakila siyang paasa.
Jeonghan: hoy! Lakasan mo paypay! Kinakagat ako ng lamok.
You: bwuset ka. Bahala ka dyan kagatin.
Jeonghan: pag di mo ko pinaypayan ikaw kakagatin ko.
==
Jisoo
-kalmado lang siya guys
-bigla siya papalakpak at sasabihing...
-"ito na ang panahon,"
-kaya mapapatingin ka at hinihintay ang dakila niyang deklarasyon
-"ito na ang panahon para..." Sabay kinuha gitara niya
-at kumanta ng walang kamatayang, "Sunday morning rain is falling..." ~~~
You: Tuesday ngayon! Tuesday!
Jisoo: (stopped, blinks) Edi.... (Kumanta) ~~tuesday morning rain is falling...
You: gabi ngayon! Gabi na!
Jisoo: Grabe ka naman (pouted) nanghaharana lang eh
You: h-ha? (Blushed)
==
Jun
-favorite niyang mawalan ng power pag gabi
-dahil madilim, tahimik at wala kang makikita
-alam mo ba kung bakit?
-dahil pwede siya magsindi ng kandila..
-At maglaro ng anino! "Babe babe! Aso o.. Eto naman pusa! Looks its a bird!"
You: asan yung bird?
Jun: babe... Yung hinahawakan mo, bird ko yan. Ughhhh...
(Hala! Akala ko ba anino lang pinaglalaruan niyo?!)
==
Hoshi
-kukuha siya agad ng kandila
-at kapag sinindihan niya ng apoy ...
-kakanta siya ng ... "Happy birthday to you~ happy birthday to you~~~~~
-tapos sya yung mag -aaya sayo maglaro ng apoy ng kandila
-"look! Hindi ako napapaso ng apoy!"
-kukuha ng palito ng posporo, isasawsaw sa tunaw na kandila at magsusulat ng "10:10" sa kamay niya
-kapag nagkaroon na ng power, sisigaw siya ng...
Hoshi: ako magbo-blow ng candles!
You: haha oo na ikaw na. Make a wish na.
Hoshi: sana po... Sagutin na ako ni (y/n). (Blow the candles)
You: (nagulat) w-what did you say?
Hoshi: (blushed) walaaaaa!!!! (Tumakbo)
==
Wonwoo
-yung bwuset na bwuset kasi hindi niya naituloy ang pagbabasa ng libro dahil black out
-kaya nagpasya siya lumabas at gamitin ang liwanag sa buwan para magbasa
-yun nga lang, nakalimutan nyang kasalukuyan palang bumabagyo sa labas
-kaya pagbalik niya, basang basa siya ng ulan
-umalis ka saglit para hanapan sya ng tuwalya
-kaso pagbalik mo nawala siya bigla
-yun pala nagtatago siya at plano ka gulatin. (PS: Gawain nya to may kuryente man o wala)
You: won---?
Wonwoo: boo! (Ginulat ka)
You: ahhhh!!!!!!!!!!!waaahhh!!!
Wonwoo: hahahahahah.
You: kainis! (Hinampas siya) bwuset ka!
Wonwoo: hehe. (Pecks on your lip)
You: .....? (©\\©)
(Landian landian?!)
==
Woozi
-naglalagay agad ng off-lotion kontra lamok. (Oh pak! Daig ka!)
-kabaligtaran siya ni Mingyu
-kung si Mingyu invisible, sya naman glow in the dark
-madilim na paligid pero nagagwa parin niya magtimpla ng kape
-uupo lang sa sofa at hihigop ng kape
-ineenjoy nya katahimikan ng paligid
-ito na ang panahon... Para makagawa siya ng musika sa utak niya
-hanggang sa sumulpot ka na at nagsindi ng kandila sa buong paligid
Woozi: yah, ang liwanag ng paligid
You: bakit ayaw mo ba?
Woozi: gusto. (Looked away) para tayong nag---
You: nag???
Woozi; romantic candle lights date. (Fake cough) ahem.. (Blushes, higop ng kape)
==
Seokmin
-Masaya siya kahit walang power
-naglalaro din ng apoy ng kandila
-tapos pinipulot yung PATAY na lamok at susunugin sa apoy ng kandila
Seokmin: naalala ko yung kwento ng tatay ko tungkol sa gamo-gamo at lampara
You; ah alam ko yun. Yung sabi ng tatay ng gamo gamo wag siya lalapit sa apoy pero makulit yung anak kaya nasunog siya at namatay?
Seokmin: Hindi yun. Kasi nung buntis nanay ko... (Serious face) nawalan ng power. Parang ganito (looks around) (insert*background music) tapos... Kumakain sila ng hapunan katabi ang lampara. Eh may nalaglag na PATAY na gamo-gamo sa kanin ni nanay at nakain niya. Ayun, nung pinanganak ako, mukha tuloy ako kabayo.
You: (nakatulala, iniisip kung ano ang konek)
Seokmin; (smiles, sigh, damang dama ang mala-emo niyang story.)
(No konek?)
==
Mingyu
-ito ang malupet!
-kapag walang power...
-gumagana ang kapangyarihan niya!
-magiging invisible siya!
-lol joke lang
-ayun nga, nagkakabit na agad siya ng kulambo
-naghahnap ng kandila at sinisindihan buong paligid
-naghahanda rin siya ng mga delatang pagkain in case na magutom ka
-pinapaypayan ka rin niya kapag matutulog k na
You: (natutulog)
(May biglang sumampal sa legs mo)
You: ahh! (Nagising) ano yun!!? (Wala kang makita)
(Biglang may bumulong sa tenga mo kaya kinalibutan ka)
Mingyu: ako lang yun. May lamok ka sa legs kanina . pinatay ko
You: m-mingyu? (Gulps) bakit NASA tabi kita?!
Mingyu: pinapaypayan kita. (Bigla kang niyakap) hmmm (places his chin on your neck)
(Waaahhh!!! I kennat!)
==
Minghao
-yung mahilig manisi
-"ayan kasi! Sinabi ko na sa inyo wag niyo sasayangin baterya ng cellphone niyo!"
-may power bank siya kaya nakakagamit siya ng mini electric fan at cellphone kahit walang kuryente
You: Hao! Pagamit ng cp!
Hao: ayoko. Sinabi ko na sayo na wag mo sayangin baterya. Bahala ka.
You: TSS! Damot!
Hao: (glared at you)
You: (dinilaan siya) bleh.
Hao: oh? (Pointed your back) may puting babae sa likod mo!
You: waaahhh!!! (Hugs him) wag mo ko takutin!
Hao: hahahahahah (hugs you)
You: (bibitaw na sa kaniya)
Hao: (hinigpitan ang yakap sayo)
You: oh? H-hao?
Hao: wag ka na gumamit ng cp.
You: h-ha? (Blushed, cheek on his chest)
Hao: magyakapan nalang tayo. (Buried his lips on your neck)
You:(shivered) ha ha ha... Y-yakapan sa dilim?
Hao: hmmm... (Mumbled) or.... You want something more than this? Here in the dark.
==
Seungkwan
-yung kapag nawalan ng kuryente, sisigaw siya ng ubod lakas ng.. "JUSKO! !
MGA KAPITBAHAY WALANG KURYENTE!"
-Like duh? Malamang alam din nila na wala kuryente
-reklamador to
-"bwuset Na Meralco yan! Ang mahal mahal maningil ng kuryente tapos nagpuputol ng did oras ng gabi?! Kimbap be kidding, duh?!"
-pero bigla ka magtataka kapag nanahimik na yan
-at makakaramdam ka ng lamig sa paligid
-ayun pala, nakabukas ang ref!
-pasikretong kumakain ang loko!
-at kapag nagkaroon na ng power, sisigaw siya uli ng, "MAY POWER NA!"
==
Vernon
-wala siyang pake, okay?
-may kuryente man o wala, wala siyang pake
-nakatulala lang siya
-nag- iimagine
-nag iisip siya ng mga bagay na tungkol sa fantasy or science management
You: Hansol. Nilalamok ka ba?
Hansol: (NASA kalagitnaan ng pag iisip)
You: hansol?
Hansol: (biglang tumawa) HAHAHAHAHAHAHHA!
You: hoy! Nababaliw ka na ba?
Hansol: ha? Sorry may iniisip lang.
You: anong iniisip mo? Rated 18plus?
Hansol: (blinked) rated 18 ba yung tungkol sa itlog?
You: (blushed) a-ano?!!!!
Hansol: iniisip ko kung ano ang nauna, itlog o manok. Why?
(So sino ang may iniisip na rated 18 ngayon ha? Haha)
==
Dino
-the problem child
-lahat nalang inaalala
-nasara ba yung gasul?
-kung nahugot na ba saksakan ng ref?
-kung walang nakasaksak na appliances para di malakas ang higop ng kuryente pag nag KA power
-kung kukulangin ba yung kandila
-if may sapat na pagkain
-kung walang butas ang kulambo
You: seriously Dino?! Hindi pa katapusan ng mundo okay? Wala lang kuryente. Kaya cool ka lang.
Dino: Pero---
You: shsshh.... (Put your index finger to his lips) halika sa kwarto. May gagawin tayo.
Dino: (blushes) baby?
You: hmmm?
Dino: gagawa baby sa dilim?! (Blushes hard)
You: what?! Yah! Aayusin lang natin yung kulambo?! Anong iniisip mo?!
End...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro