Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Svt kapag nag-iinuman

Scoups

-ito yung nag-set ng inuman

-"mga pare! Tara sa Bahay ni Minghao! May Ma-boteng usapan!"

-Siya ang bumibili ng pang pulutan

-barbeque, tilapia, sisig at toothpaste

-lol! Nasama lang kasi sa supot yung toothpaste ng di sinasadya

-malakas iinom si Pareng Cheol

-tinutungga ang isang bote ng red horse

-tagay pa Pre!

-At kapag medyo nag-iinit na ang pakiramdam, naghuhubad ng t-shirt to (sabay hagis kung saan)

-Siya yung dakilang taga-tanong ng, "Pare, lasing ka na ata eh?" *sinok* "Kung hindi ka lasing, pa-kiss nga daw?" *pouted kita ang gilagid*

-masarap kainuman to mga tol

-nanghahalik si koya eh *smirks* hihihi

---

Jeonghan

-kung si cheol ang taga-set, si Jeonghan naman ang taga-tawag sa barkada

-"Guys, nag -aaya si Papa cheol ng inom kay Pareng Minghao. Bawal magdala ng chicks. Dahil gusto ko sa akin lang atensyon ni cheol."

-hindi siya malakas uminom

-at sa katunayan, nakaka- kalahating bote palang siya ng red horse, plakda na to sa isang sulok

-andun siya sa isang tabi, natutulog

-kaya pag gising niya, tapos na ang ma-boteng sesyon

-so dahil siya ang hindi masyadong lasing, siya tuloy ang taga-hatid ng barkada sa bahay nila

-saklap!

-"Cheol ano ba, ang bigat bigat mo naman."

-"Cheol t-teka, si Jeonghan to."

-"Cheol, saan ka humahawak!?"

-"Cheol lalaki ako! Wag cheol wag!"

---

Joshua

-PADER HONG IN THE HOUSE! *insert drum rolls*

-sabi niya, "Drink water not alcohol"

-Pero dahil espesyal ang gabi na to, pader hong will "drink beer, save water" (credit to pareng Wonwoo)/dab/

-siya yung may dalang gitara

-may dalang song book

-at ready tumugtog para sa mga lasing niyang barkadang feeling singer

-*insert* ~Ibuhos na~ Ang beer sa ating la-lamunan ahhhh~"

-papekis pekis to uminom

-actually, ito yung nandadaya kada-shot

-3/4 kasi ng baso niya, tubig, 1/4 lang ang red horse

-mas favorite niya yung water  eh

-Siya yung taga bawal ng maiingay na lasing

-"Shssh, guys, baka nakakagambala tayo sa kapitbahay"

-pero kapag medyo tinatamaan na to ng lasing...

-siya pa yung pasimuno na tatayo at sasayaw ng...

-"Pearly shell.....~~~ from the ocean...~"

--

Jun

-nung nalaman niya na may inuman sa bahay ni Pareng Minghao, pumorma agad ito at naglagay ng pabango

-siyempre kahit mga lalaki silang lahat, gusto niya siya ang pinaka pogi

-at pinaka mabango

-para kapag naamoy siya ni Minghao, mapapasambit ito ng, "Downy sweet heart oh oh oh, limang piso oh oh, downy sweet heart oh oh oh ~"

-ito yung kapag nagkwento habang nag-iinuman, laging bida

-"Nag break kami ng girlfriend ko kahapon. Pffft, alam niyo ba ginawa ko? Ang sabi ko sa kaniya: bakit, sa gwapo kong ito, sa tingin mo ba,  hindi ako makakahanap ng kapalit mo?! "

"Hahha! Grabe, nakita ko umiiyak na siya. Tsss, bakit kasi sobra akong pinagpala at marami ang nagkakandarapa?"

-*inom alak*

-"Yung Ex ko? Naku, pinag mamalaki ako niyan sa kaibigan niya."

--*inom alak*

-"hindi naman ako nasaktan nung naghiwalay na kami"

-*inom alak* *lasing na*

-"Waaaa!" (umiyak) "Mga pare! Mahal na mahal ko Gf ko! Pre, mamamatay ako ng wala siya! Waaaah!" (tulo sipon, pinunasan ni Seungcheol)

-Seungcheol: Pre, lasing ka na ata eh. Gusto mo kiss?

-*lalo umiyak* "Waaaah!"

-_- Hanggang sa una lang yabang nito.

--

Hoshi

-nang malaman niya na may inuman

-nagbihis agad to

-sinuot ang bakya---este tsinelas..

-bago tumakbo sa kabilang kanto

-at bumili ng...

-"Manong, isang litsong manok nga po. Pakidamihan ang sauce" *cute smile*

-Sa tuwing may inuman, consistent siya na litsong manok ang dalang pulutan

-lodi ka talaga kukuya!~

-Siya yung mas pinapansin ang pulutan kaysa sa alak

-nguya ng nguya, habang yung mga kasama niya, tumutungga ng tumutungga ng lambanog

-Siya yung laging sumisigaw ng, "Ang sarap naman ng pulutan na to!"

-pero kapag medyo lasing na, doon na siya dumadaldal

-isa rin tong noise pollution

-kung makatawa kasi, wagas!

-"Pare! Hahaha! Alam niyo ba kanina.... binata na yung chicken kong alaga?"

-"Bakit pre?"

-"Tinawag ko si Mang caloy! Sabi ko: Mang caloy, paki-tuli nga tong manok ko! BUhwahwhhahaha"

-lasing na to -_-

---

Wonwoo

-Andito na ang pinaka hihintay ng lahat!

-ang magpapasaya ng gabi ng inuman ng barkada!

-Introducing.......*drum rolls* ....

-The main joker of the group....

-Jeon Wonwoo!

-Wohooooo *clap clap*

-Actually... kailangan na nating bumalik sa realidad

-Dahil ang lalaki na ito... ang tunay na mais ng barkada

-Yung bumabanat ng corny na jokes habang nag -iinuman

-"Mingyu may naisip akong brand ng alak kapag ikaw ang may ari, ...Black horse, pfffttt!"

-Hindi pa lasing yan huh.

-"Pare nagkaroon ako ng alipunga noong isang linggo. ALIPUNGA... asawa ni ALIPUNGO. PFFFTT!"

-takaw away to kapag lasing

-mahilig mang asar eh

-"Woozi, tol, sabi nila kapag lasing tumatangkad daw yung ibang tao sa paningin. Tayo ka nga. Baka gumana."

-Siya din yung kapag nalasing, mahilig mag paswit sa dumadaang babae

-"Pssst. psst" (ngumiti sa babae) "Hi?" *winked*

-tapos, siya din yung mahilig mag-deny na lasi na siya

-"HINDI AKO LASING! SABING HINDI EH! TIGNAN NIYO, KAYA KO PANG LUMAKAD NG DIRETSO"

-(tumayo, naglakad, pero susuray suray)

-hanggang sa bigla siyang nawala sa mapa

-Ayun, nahulog  sa kanal!

---

Woozi

-napilitan lang talaga si Koya Uji na sumama sa inuman

-hindi kasi mahilig sa alak to

-pero  dahil pumunta na siya, sinubukan na niyang tumungga ng isang bote ng red horse

-tahimik lang siya

-namumula

- at nakikinig sa kwentuhan ng mga lasenggero niyang kaibigan

-hanggang sa mapapatayo na ito

-pupunta sa isang sulok at susuka

-pagbalik niya... simulan na ang part party!

-kasi legit na tong lasing at baliw

-sumasayaw na yan ng Pamela one.

-tumatawa ng malakas

-pinagtatawanan ang umiiyak niyang kabarkada na si Jun

-"HAhah! Kawawa ka naman! TUlo sipon! Haha!"

-tapos kapag naiihi to, kukunin ang isang baso, tatalikod at doon iihi. Sabay nilagay sa lamesa

-kaya goodluck sa sinumang kaibigan niya na makakatikim ng kaniyang katas.. este... ihi. *evil smile*

---

Dokyeom

-una sa lahat, si Dk ang tipo ng lalaki na laging hindi naglalabas ng pera kapag may inuman ang barkada

-bakit ba?!

-masarap kaya ang libre!

-actually, once in a blue moon lang siya manlibre sa inuman (kapag broken hearted)

-malakas din tong uminom, lalo na't favorite niya ang alak (le tag red HORSE)

-katulad ito ni pareng Hoshi, kung makatawa, abot hanggang kabilang bayan

-"Hahahahahahahah!"

-"Hahahah!"

-"Hahahahah!"

-sige pa Seok, tawa pa!

-"Hahahaha!"

-Kapag tapos na siya tumawa sa mga kwento ng kaniyang lasing na kaibigan, it is his time to shine naman

-"Mga pare, wag kayo magugulat. Pero noong isang linggo, nakakita akong SYOKOY  sa dalampasigan. Oo totoo yun!" *serious face*

-*ininom ang isang baso na may lamang kulang yellow na liquid

-*napahinto*

-*nilasahan ang ininom*

-"Teka, bakit ang lansa nito? LAsang... lasang.. ihi. Hahahahah! kakaibang alak to ah. Organic"

-So .. sa kaniya napunta ang katas-- este... ihi ni Uji. *face palm*

---

Mingyu

-taga-luto ng pulutan

-madalas nasa kusina

-buong inuman sesyon laging nasa kusina

-taga-handa ng  alak

-taga- pag refill ng yelo

-lagi nalang siya siya siya!

-don't worry..., gusto naman niya na pinagsisilbihan ang mga kabarkada

-lalo na kapag sinasabihan siya ng: "Uy Gyu, sarap ng pulutan na ginawa mo ah"

-*pabebeng ngiti*

-nagpa-uto naman siya.

-pero kahit nagluluto o naghahanda, tumutungga yan ng bote boteng alak

-lakas ma-hot ng kusinerong tumutungga ng red horse, sabay tutulo ang alak mula sa kaniyang labi, pababa sa kaniyang adams apple, down to his collar bone. Ugh *lib bite*

-at dahil nagmamadali, ginagamit niyang pot holder yung t-shirt na hinubad ni Seungcheol

-ginagamit narin niya yung pampunas ng pawis

-Siya yung hindi nalalasing

-at taga timpla ng kape sa mga matira matibay

-"Wonwoo, kape ka muna oh. Bago ka umuwi. Amoy kanal ka na. Gusto mo paliguan narin kita?"

--

Minghao

-sa bahay niya nag-iinuman ang barkada

-galing kasi siyang abroad

-at dahil umuwi siya, nag inuman ang magkakaibigan

-siya na ang bahala sa alak

-nag dadala pa nga siya ng imported na alak na galing sa ibang bansa

-kapag may kulang, dudukot sa wallet yan at magsasabing...

-"Kulang na ba ang alak? wait, bili pa tayo. Pati yelo."

-galante si kuya

-siya yung nagsasabing, "mga loko loko, lasing na kayo! MAg si uwi na nga kayo!"
-malakas siyang uminom

-at hindi siya madaling malasing

-masaya lang siya na nakikita ang mga kaibigan niya na sama-sama at nagkwekwentuhan

-medyo nagiging emosyonal to at palihim na naiiyak

-(sorry pero nakaka-miss talaga si Minghao T^T)

-at dahil sa bahay niya nag inuman... ibig sabihin... siya din ang magliligpit ng lahat ng kalat...

-saklap

--

Seungkwan

-spell B.A.N.G.K.A

-bangko... asawa ni bangka

-lol! haha

-siya kasi yung bangka ng usapan

-means, bida ng kwentuhan

-"Uy alam niyo ba ang chismis?! Yung si Carding na kaklase natin noong elementary, trans gender na ngayon! Aba nakakaloka. Pinatanggal yung ano niya. Gosh!"

-taga pag dala ng chismis.. bow

-akala niyo ba mga babae ang mahilig sa chismis?

-Subukan niyo makinig sa usapan ng mga lasing.. malalaman niyo na mas tsimoso ang mga lalaki

-okay balik tayo kay Seungwkwan

-ayun nga... wala tong ginawa kundi ang magpatawa at mag dadada sa inuman

-matatahimik lang to kapag may dumating na masarap na pulutan

-*kumain ng crispy pata* (nagsasalita kahit puro mantika ang labi)

-at kapag nalasing na.....

-sumisigaw to ng malutong na, "oH MY GOSH!"

-goodluck sa mga kapitbahay.

---

Vernon

-ang taga tawa sa mga kwento ng lasing

-wala lang tong ginawa kung hindi tumawa

-ngumuya ng chichirya

-uminom ng bongga

-at muling tumawa

-kain lang ng kain, pwero lang sa mani

-hindi siya kasi kumakain ng mani

-oh, anong iniisip mo? Paki linis ang utak please, bago tayo magpatuloy. -_-

-kung mayroon Wonwoo na dine-deny na lasing na siya...

-si Kuya Vernon naman ang aminadong lasing na siya

-"lasing na ko mga pare, lasing na ko."

-tapos tatayo siya..

-bubuksan ang zipper

-iihi sa gulong ng kotse ni Minghao

-feeling dog, aba!

---

Dino

-dakilang utusan

-taga bili ng yelo

-taga kuha ng baso

-taga refill ng tubig

-aba, nakakuha sila ng waiter! Petmalu

-kawawa naman si maknae

-de joke, mahal niya kasi  kabarkada niya

-mahal batukan

-hahaha

-iyon nga, dahil hindi na siya baby, pwede na siya uminom with hyungs

-sagad sagaran uminom kasi excited siya

-pero kapag nalasing na... lumalabas na ang lahat ng hinanakit niya

-"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako baby!"

-lahat ng sama ng loob niya, inilalabas na niya

-pati yung reklamo niya sa gf niya, na minu-minuto nag tetext ng, "babe, gabi na. Uwi ka na"

-"Yung gf ko, di-nate ko kahapon. Walang hiya, kasama pa barkada niya. NApa-gastos ako ng malaki!"

-(le text his gf) "Hi babe. Pauwi na ko. I love you."

-pero ang totoo, nagsisimula palang naman siyang uminom

---==

-ngayon... nalaman na natin kung paano mag inuman ang labing tatlong oppa na ito

-sa susunod na threads.... tignan naman natin kung paano sila uuwi ng lasing

-uuwi sa bahay mo ng lasing.

-Are you ready? ^_~

==

To be continued ...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro