"Svt as your older Brother"
Scoups
-yung kuya na ginagawa kang treasure hunter
-"nakita mo ba yung medyas ko? Napansin mo yung t-shirt na hinubad ko rito? Yung belt ko, pakihanap nga."
-Kapag kaharap ka, sinasabi niyang mas maganda ka kaysa sa girlfriend niya. Pero kapag tumalikod ka, ikaw nalang ang pangalawa. Lol
-hindi ka pa nga nakakaligo, pinagpaplantsa ka na ng polo niya
-sinusugod ang ex mo na nanloko sayo at binubugbog. Laki ba naman ng biceps niya kung hindi sabog labi nun
-nagpapatulong sayo mag curl ups. Witwiw
-laging nagpapahalik sa cheek bago ka umalis
-mahilig mag back hug at sumandal sa likod mo
-kapag naubusan ng toothpaste, " Oy! Naubusan tayo ng toothpaste! Kuha ka nga ng 7 dun sa wallet ko! Mamili ka ng Colgate!"
---
Jeonghan
- ang kuya mong nag aanyong anghel sa harap ng inyong magulang
-"Wag po kayong mag-alala, maglilinis po kami ng bahay."
-Pagkaalis ng mga magulang niyo, "Oy, narinig mo yun? Maglinis ka ah. Gawa ka narin ng miryenda."
- Palagi kayong nagtatalo kung sino maghuhugas ng plato. In the end, ikaw naghugas at siya naman, nanonood ng tv, habang nakahiga sa sofa at nakataas pa paa sa center table. Wow life
-Yung sobrang hirap gisingin sa umaga! Dinaganan mo ng lahat, tulog parin
-"Gisingin mo ako kapag kakain na."
-"Kuya! Andiyan Girlfriend mo!"
-"Sabihin mo, pumasok nalang sa kwarto! Nakakatamad bumaba!"
-Binabasa ang diary mo, walangjo! "Hahahah!~ Ang baduy ng diary mo! Crush mo pala si ano ah!"
-Kapag nawala ang gamit mo, lakad ka lang ng unti, andun sa kwarto niya~
- "Kuya, nasaan yung skin face mask ko?~!"
- Lumabas siya ng naka face mask, " Kinuha ko. Okay lang yan, mas maganda naman ako sayo."
---
Jisoo
-Gentle na kuya
-Palagi kang tinetext o tinatawagan kung nasaan ka
-Binibigyan ka ng curfew sa pag uwi
-Kapag nagkamali ka, sinesermunan ka niya sa mahinahon na paraan kaya sobrang nakaka-guilty
-Tinuturuan ka niyang mag gitara para may ka-jamming siya
- Siya na ang pinaka perfect na kuya para sayo, not until.... nahuli mo siyang...
-"kuya! Anong magazine yang tinitignan mo?~~!!!!"
-"Shssssh," then he smirked. (may tinatago rin palang kalokohan, aigoo)
---
Jun
-lahat ng naging kaibigan mo, naging girlfriend niya. hanep!
-"Uy, sino yung kasama mo kanina? Ang ganda ah. Type ko, pahingi nga ng number."
-Dinadala ang gf niya sa kwarto niya. Ang malala, hindi pa nagsasara ng pinto kaya nagtatakip ka nalang ng mata at nag susuot ng head phone
-mahilig makakita ng mga babaeng maikli ang suot, pero kapag ikaw nakita niyang maikli ang damit, babantaan ka niya ng... "Magpalit ka nga! Kapag nakita pa kitang suot yan, susunugin ko drawer mo!"
- Umattend ng P.T.A meeting mo sa school ng naka-shades pa at nagpapogi lang.
-"hirap maging pogi, lahat ng kaklase mo, dinumog ako. Hay, buhay nga naman."
-"Sis, sexy mo ata ngayon."
-"Naku tigil tigilan mo ko kuya! Humanap ka ng chix mo sa labas!"
---
Hoshi
-muntik ng lumawlaw ang pisngi mo sa kakagigil at kakapisil niya. Feeling nya ata, ikaw lang ang cute sa mundo, eh siya din naman eh..huhuhuhu
-Nung kinder garten ka, hatid sundo ka niya dahil ayaw ka niyang maligaw. Ngayong malaki na kayo, hatid sundo ka rin niya para magpalibre ng street foods. "Sis, fishball lang oh, sige na. Buing buing!"
-Sayo pinapabigay ang lover letter para sa crush niya
-ibibili ka ng ice cream kapag heart broken ka
=Short tempered, kaya lagi kayo nagkakainitan. Pero after 5 minutes, bati na uli kayo
-Mahilig kang kilitiin hanggang sa hindi ka na makahinga
-gusto mo siyang takutin? Bigyan mo lang ng hilaw ng chicken... *evil smile*
---
Wonwoo
-Libangan lang naman niyang pikunin ka. Oh di ba, astig. Haha
-tinutukso sayo ang pinakapanget na lalaki na nakilala niya. Kinukwento pa itsura ng anak niyo at paano mo siya hahalikan sa kasal. Eeew
-HIndi ka man lang pinapakilala sa gf niya at sasabihing katulong ka lang nila
-Binubuking ka sa crush mo
-Pinagliligpit ka ng kwarto niya
-kapag may ka-date ka, biglang susulpot at manggugulo.
-akala mo siya na pinaka bwuset na kuya sa buong mundo
-Pero bago ka matulog sa gabi, kinukumutan ka niya, hahalikan sa noo at bubulong ng, " Goodnight sis. mahal na mahal ka ni kuya."
--
Woozi
-ilang taon na ang lumipas, hindi parin kayo close
-kapag naiwan kayo sa bahay, akala mo nasa ibang planeta kayo sa sobrang tahimik
-nakahead phone lang at hindi ka kinakausap
-ayaw ng madaldal
-"oh eto pera, humanap ka ng kausap mo."
-nagtataka ka kung bakit wal apa siyang gf. Kinakabahan kang, beki si kuya
-yun pala, nabasa mo sa diary niya na nag ka gf na siya at hinihiling niya na dumating ang time na maging close kayo. Awwww, cheesy din pala siya, di lang halata
----
Seokmin
-torpe na kuyang nakikita mo lang gumugulong sa kama kapag kinikilig
-laging missing in action
-ikaw ang lost and found ng mga magulang mo kapag nawawala siya
-"Wala po sa bahay si kuya! naggagala kasama ang barkada!"
-"oo na, uuwi na ako!" Pero lumipas ang ilang oras, wala parin siya
-Sinusundo mo sa computer shop para kumain ng tanghalian
-Sinusundo mo naman sa billiard-ran para kumain ng hapunan.
-nagdadala ng barkada sa bahay, maglalaro, manonood, magpapadeliver ng pizza, matutulog at bandang huli, ikaw taga linis!
-Umaga gabi, kumakanta siya. Maganda naman ang boses niya pero kapag nagrereview ka, nagpapasak ka nalang ng bulak sa tenga
-pasaway man si kuya, tanggal lahat ng hinanakit mo kapag hindi niya nalilimutang bigyan ka ng halik sa pisngi. "bye bye baby ko. Swerte ni kuya sayo!"
---
Mingyu
-Nasa kama ka palang, naririnig mo na ang sermon niya.
-"ayan, nagpupuyat ka kasi. Tapos tanghali ka na gumising, gawain ba ng matino yan? Babae ka pa naman."
-HInahati niya gawain niyo sa bahay. pero in the end, tinatakasan mo
-araw araw may general cleaning. naman oh!
-Chinecheck niya grades mo at kung may assignment ka. MInsan tinututor ka pa niya
-"bawal mag boyfriend!"
-Daig pa nanay mo kapag nagsermon sa tuwing uuwi ka ng gabi
-pag alis mo sa kama, at pagbalik mo, himalang nakatupi na ang kumot
-laging masarap ang pagkain kapag siya ang naghain
-ayaw ng makalat sa bahay, pero si kuya, medyo salaula. PInupunas ba naman sayo yung kamay na binahingan niya! My god!
-crush siya ng bayan kaya wag kang magtaka kung bakit nagkalat ang plastik sa daan
---
Minghao
-Mula pagkabata, kasama mo na sa kalokohan
-walang mabubuking, kapag kayo ang magkasama sa actingan
-kalaro mo ng boxing at wrestling noong bata pa kayo. Muntik ka ng lumaking tomboy
-marami kayong picture ng Jeje days niyo
-Pwede ka namang mag boyfriend. pero binabantaan niya ang mga manliligaw mo na papatayin niya sila kapag sinaktan ka. Ayun, natatakot lang sa kaniya at umaatras na
-Spoiled ka sa luho mo. Binibili niya lahat ng gusto mo
-Yung kuyang handang pahiramin ka ng pambili ng ticket at samahan ka sa concert
-kasama mong nag do-doorbell sa malalaking bahay. tapos kapag lumabas na ang may ari, tatakbo kayo!
-inaaya kang uminom kapag na heart broken
---
Seungkwan
-Wag kang magkakamaling magsabi ng sikreto sa kaniya. Mabubuking ka in 0.00 second
-umaattend palagi ng P.T.A meeting mo sa school
-"Everyone, listen. I nominated myself, a very great person, as your President. Boto niyo ko kung hindi.."
-kapag nawala ang pagkain mo, asahan siya ang salarin
-lagi kang sinasama sa pamamalengke. nagulat ka dahil sobrang galing niya tumawad ng presyo!
-Nagulat ka na crush din siya ng bayan. Yun pala, magaling mangharana.
-minsan mong nahuling sinusuot ang palda mo. hala! My gosh! Kimbap be kidding! No way!
---
Vernon
-Spell G.R.O.S.S
-ikaw pa minsan nagpapa alala na hindi pa siya naliligo
-matatawag na himala kapag nakita mo siyang naglinis ng kwarto
-hanap dito, hanap doon, hirap na hirap kang tulungan siyang hanapin ang wallet sa gubat niyang kwarto
-one day millionaire. Kapag may pera siya ikaw unang nililibre, hindi ang barkada.
-he wants to make you proud sa kabila ng pagkukulang niya. Owwwww. sweet kuya.
---
Dino
-Maalaga ngunit palaging stress na kuya
-Pagkagising mo, nakahanda na ang pagkain. mismong pampaligo mo, ready na!
-Seryosong bagay ang kinukwento sayo. About sa buhay kapag nag asawa ka agad, kapag nakipaglandian ka agad at nabuntis at kung ano ano pa. Araw araw, may SOna
-siya taga bigay ng baon mo
-nilalabhan niya uniform mo kapag pagod ka na galing school para may suotin ka bukas
-naghahatid ng lunch box sa school mo
-maraming bilin bago umalis.
-"Yung gasul, isara mo. Tanggalin mo lahat ng saksak ng kuryente ah. Yung tubig, patayin mo."
-siya ang tipo ng kuya, na kapag nagpakasal na, isang timba ang luhang iiiyak mo! T^T
End...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro