Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

"Svt as your Kapitbahay"

Scoups

-yung kapitbahay mong madalas walang suot na t-shirt kay araw araw busog ka sa pandesal

-laging bumabati sayo ng, "hoy musta na!" (pero hindi naman kayo close, nakiki-fc lang siya)

-yung makapal ang mukha kasi laging nakahiram o nakikihingi sa inyo; hiram ng  plais, hiram ng walis, hiram ng  bangko, hiram ng pambomba sa inodoro, humihingi ng ulam, ultimo toothpaste nanghihingi! Aba! Kulang nalang ikaw ang kuhanin! (sus, payag ka naman)

-tuwing umaga nakikita mo siyang naglilinis ng pinakamamahal niyang motor

-tuwing hapon nakikita mo naman siyang naglalaro ng basketball sa mga tambay roon sa kanto

-Pero kagabi lang--- nakadungaw ka sa bintana ng kwarto mo at nahuli mo siyang nakatitig sayo mula sa labas ng bahay niyo. And the he smiled and winked at you. HALA! >//<

---

Jeonghan

-yung kapitbahay mo na parang invisible

-eh pano ba naman kasi, dalawang beses mo lang siya makita sa isang araw

-tuwing umaga, makikita mo lang siyang lumabas para pumasok sa school

-tuwing hapon, uuwi naman from school

-feeling mo nga, siya na ang girl version ni Sleeping Beauty na laging nakakulong sa bahay

- kapag nakikita siya ng mga kaklase mong lalaki, lagi sayong tinatanong na, "uy sino yung maganda niyong kapitbahay?" Kaya eto ka, laging sumasagot ng, "LALAKI NGA KASI SIYA!"

-Pero isang gabi, naglalakad ka pauwi at nadaanan mo ang isang play ground

-Nagulat ka dahil may lalaking natutulog sa dulo ng padulasan

-for the first time! Nakita mo siya sa labas ng bahay (yun nga lang, tulog na naman jusko!)

-nilapitan mo siya at kinalabit. "Hoy, mr.kapitbahay. Gising! Hindi ka pa ba uuwi?"

-bigla niyang hinawakan ang kamay mo at dumilat.

-nakipagtitigan sya sayo at namangha ka sa napakaganda niyang mukha

-Pagkatapos ay ngumiti siya at sinabing, "Nakatulog ako sa paghihintay sayo (y/n)"

-(paano niya nalaman ang pangalan mo at bakit ka niya hinihintay?!)

---

Joshua

-the always nakangiti

-hindi kayo close pero tuwing umaga, lagi ka niyang binabati ng "Good morning," *insert Eye smile*

-Akala mo may something between you and him

-yun pala, lahat ng tao sa barangay niyo, mapa bata, matanda, lalaki babae o bakla, ay lagi rin niya binabati

-sadyang good boy lang talaga siya

-tuwing umaga, nakikita mo siyang nagba-bike para bumili ng pandesal

-tuwing gabi naman, naririnig mo siyang kumakanta at naggigitara sa terrace nila

-tuwing umaga ng Sunday, maririnig mo naman siyang kumanta ng "Sunday morning rain is falling~" bago siya mag simba

-saludo ka sa paraan niya ng pagdadamit, mukha kasi siyang elegante at naisip mo na baka galing siya sa mayamang pamilya

-mahilig din syang magbigay ng pagkain. Kapag nagluto siya ng pancit, spaghetti o champorado,
kumakatok siya sa bahay niyo at bibigyan kayo

-minsan, kumatok ka sa pinto ng bahay niya para ibalik ang pinahiram niyang mangkok

-nang pagbuksan ka niya ng pinto, nakita mo na nanonood siya ng...

-"Hi (y/n)" *smiles*

-"Ahmm, thank you sa champorado" (binalik ang mangkok)

-"Oh, don't mention it. Medyo matabang yung luto ko no?"

-"Ha? Hindi sakto lang. Ayoko naman ng matamis."

-"but--you're sweet." (bit his lower lip)

-"A-Ano?"

-"N-nothing" (blush) "gusto mo pumasok? Nanonood ako ng Sponge Bob"

---

Jun
-tuwing umaga, boxers lang ang suot

-sa tanghali, boxers parin

-sa gabi boxers parin....

- kahit bumili sa tindahan ni aling nena, naka boxers lang! Ano ba?! NAghihirap ba siya para walang maisuot ng damit?!

-Minsan narinig mo siyang sinisigawan ng nanay niya ng, "hoy Jun! Magsuot ka nga ng t-shirt!"

-Sasagot naman siya ng, "Ayoko po! Mainit masyado! Cause I'm so hot"

-kaya una palang, ang panget na ng impresyon mo sa kaniya

-feeling mo manyak siya na kapitbahay

-kaya kahit bumabati siya sayo, hindi mo siya pinapansin

-tapos araw araw, iba-ibang babae ang nakikita mong pumapasok sa bahay nila (aba matindi!)

-until one time...

-pinakiusapan siya ng mga magulang mo na samahan ka saglit sa bahay isang gabi, dahil wala kang kasama

-Kaya no choice ka kundi papasukin mo siya

-At doon mo nalaman ang tunay niyang ugali

-"(y/n) tignan mo!" (sabay pinakita ang cellphone) "Ang cute ng aso no? Marami pa ako picture ng mga cute animals" (Chuckles cutely) "Ang cute cute nila haha!"

-masyado palang inosente ang loko

-"Alam mo Kuya Jun, akala ko dati manyak ka."

-"grabe ka! Bakit naman?"

-"eh kasi laging may babae sa bahay niyo."

-"Luh. Nanliligaw sakin mga yun."

-"Wow ah. Pogi problems. wala ka ba girlfriend?"

-"W-wala."

-"Bakit naman?"

-(looked at you) "Ikaw kasi matagal ko ng gusto eh." (nahiya, nag blush, nagtago ng mukha, tumili, nagtago sa ilalim ng lamesa niyo)

--

Hoshi

-Anak ni Aling nena.

-nagkikita lang kayo kapag bibili ka sa tindahan nila. At lagi mo siyang inaabutan na kain ng kain habang nanonood ng sayaw ni Taemin ng Shinee (minsan nga nahuhuli mo pa siyang sumasayaw mag-isa at tumitili kapag nakikita si TAemin sa tv)

-naging kaklase mo siya noong elementary at dahil may tindahan sila, siya lagi ang may pinakamaraming baon kapag recess

-ang taba taba niya dati kaya palaging siyang binu-bully ng mga kaklase mo

-crush ka niya dati at kinikilig pa kapag bibili ka sa tindahan nila (minsan nga hindi na pinapabayaran ang binibili mong Happy Mani o maxx candy)

-Pero dahil mataba siya, snob mo lang siya at inis na inis ka pa kapag bumibili ka sa kanila

-hanggang sa nabalitaan mo na lang na lilipat na pala sya sa ibang bansa para mag-aral

-lumipas ang maraming taon at may naririnig ka na pinag uusapan ng mga kaklase mo na cute na lalaking magaling sumayaw sa dance club

-kaya pumunta ka sa dance room ng school at naki-usyoso kung sino ba yung sinasabi nila

-Nakita ka ni Hoshi at napasigaw pa ito ng, "KAPITBAHAY!" sabay tumakbo papunta sayo at niyakap ka

-tinulak mo siya, habang pulang pula ang pisngi mo at tinanong, "S-Sino ka?"

-"It's me, naega Hosh!" (sabay nag-pose)

-dito na magsisimula ang mala-wattpad niyong istorya, titled, "My chubby 10:10 neighbor"

---

Wonwoo

-yung kapitbahay mo na crush ng bayan

-kaya yung mga kaklase mo laging nag-aaya na pumunta sa bahay niyo masilayan lang siya

-Snob ang loko

-always laman ng computer shop

-kung wala sa computer shop, nasa tindahan naman ng libro at nagbabasa ng comics

-hating-gabi na kung umuwi at minsan nakikita mong tumatalon ng bakod ng bahay nila para makapasok

-tuwing magkikita kayo ang palagi niyang tanong sayo ay, "Nandyan ba sila Mama at papa sa bahay? " (excuse me, ginawa ka ba namang taga-alam kung nandyan ang mga magulang niya?!)

-pero aminin mo man o sa hindi, crush mo talaga siya.

-Kaya palagi mong itinatanong sa sarili mo, "Wonwoo, hanggang PANGARAP KA NALANG BA?" (kumanta ng "Pangarap ka na lang ba")

-Isang hapon, nakasabay mo siya sumakay sa tricycle galing school. Magkadikit ang mga braso niya kaya jusko muntik ka na mahimatay!

-nananalangin ka na sana hindi pa kayo makarating sa bahay kaso, kaso sumigaw si Wonwoo ng

-"Manong para po! Dito nalang sa kanto."

-bumaba ang loko sa tapat ng computer shop

-sabi sayo wag kang aasa eh. Wala kasing poreber

-pero eto ang nakakagulat...

-nung magbabayad ka na ng pamasahe, ang sabi ng tricycle driver ay...

-"Ay miss. Binayaran na nung poging lalaki yung pamasahe mo. Sabi pa nga niya, ingatan daw kita eh."

---
Woozi

-makikita mong humihigop ng kape tuwing umaga habang nakatingin sa papasikat na araw mula sa gawing silangan

-yung makikita mong bumabato sa mga pusang galang dahil ninakawan na naman siya ng ulam

-akala mo elementary students lang siya pero nagulat ka dahil nag-da-drive na siya ng kotse!

-wala kang nakikitang kapamilya, kaibigan o sinoman na kasama niya sa bahay bukod sa alaga niyang aso

-tatlong tunog lang ang maririnig mo mula sa bahay niya: kung hindi tunog ng gitara, tunog naman ng piano at ang sweet niyang pagkanta

-kaya naman, hindi mo napapansin, unti unti ka na palang nahuhulog sa masungit mong kapitbahay

-isang araw, naglalakad ka papasok ng school nang may biglang humint na kotse sa tapat

-pag-baba ng bintana, nakita mo siya at inalok ka pang, "Papasok ka ng school? sabay ka na sakin."

-At dahil masyado kang pabebe, sumagot ka naman ng, "Ah eh, nakakahiya naman po."

-kaya sinagot ka niya ng, "Edi wag. Ang arte." sabay sinara ang bintana at hinarurot ang  kotse

-natalsikan ka pa ng gulong ng kotse niya ng putik

-Doon mo na-realize na wala talagang poreber. Boom!

-Wattpad presents, "My bitter neighbor lover"

--

Dokyeom

- yung kapitbahay mong laging nakangiti at tumatawa

-na-flat-an na ng gulong ng motor niya, tatawa parin

-ginagawa mang inodoro ng mga aso ng kapitbahay niyo ang garden niya, tatawa lang siya habang tinatabunan ng lupa ang mga tae

-ka-close niya tatay mo at kakwentuhan ng mga kalokohan

- Mabait naman siya. Ang problema, kapag umaga, dakila siyang noise pollution

-di bale, maganda naman boses niya. Pagtyagaan mo nalang yung mga adlib niya na mala-Tarzan

-magpatitiisan mo pa yung ingay kapag umaga eh.

-pero gabi gabi ata, may kainuman siya (actually kainuman niya tatay mo)

-kapag lasing, nagkakantahan sila

-kung hindi nagkakantahan, nag-iiyakan

-"Father in law, kailan ko po ba pwedeng ligawan ang anak niyo?"

-"Sige bukas, ligawan mo na siya."

-Hala! Matagal ka na pala nirereto ng tatay mo sa kaniya!

--

Mingyu

-yung full package mo na kapitbahay

-sa sobrang sipag mag-linis, pati bakuran niyo nililinis narin niya

-araw araw  may libre kayong ulam galing sa kaniya

-kapag may nasira sa bahay niyo: napundi ang ilaw, kailangan ng magkakabit ng gasul o kaya naman nasira ang gripo, to the rescue si Manong Mingyu

-lagi kang nagtataka kasi kahit ang pogi niya, matangkad tapos madiskarte pa sa buhay, ni isang beses hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend

-nagkaroon tuloy ng chismis na bakla siya

-"Kuya Mingyu bakit ayaw mo pang mag-girlfriend? Lalaki type mo no?"

-(looked at you) "Nasaan mga magulang mo? BAkit ikaw lang mag-isa sa bahay?"

-"Umalis, nag-grocery. Teka, hindi mo pa sinasagot tanong ko. BAkla ka no?"

-(he pulled you closer and kisses you)

-KUYA WAG PO!

--

MInghao

-the super rich kid

-iba ibang kotse gamit niya araw araw

-kahit noong high school, may gamit siya kotse papasok

-hindi siya mabawalan ng School dahil magulang niya may ari ng school

-Lagi kang naiingit dahil latest Iphone ang cellphone niya

-kapag lumabas ng bahay akala mo naka- "Airport FAshion" ang get up. Yun pala bibili lang naman ng yosi sa tindahan

-badboy kung badboy, pero minsan tinutulungan ka niyang mag buhat ng pinamili mong grocery items papunta sa bahay niyo

-isang araw, muntik ka ng mapag-tripan ng mga tambay sa isang kanto

-buti nalang, dumating siya at nag-mala Knight in shining armor

-7 vs. one, siya ang nagwagi.

-"P-Paano kita mapapasalamatan kuya Minghao?"

-(smirked) "It's easy. Be my girlfriend." (pulled you inside his luxurious  sport car)

--

Seungkwan

-the mahilig sa chismis

-bigla ka nalang bubulungan ng chismin at magmamala-Bff mode

-"Uy alam mo yung gwapong matangkad sa kabilang bahay? Bakla daw yun."

-"Uy mare, kilala mo yung bansot sa kabilang bahay? Yung palaging may kasamang aso. Balita ko hiwalay sa asawa niya yun. Tapos ang liit liit pero nagkaroon ng labing dalawang anak jusko!"

-hindi naman talaga kayo close pero sadyang mahilig siya makipag kwentuhan ng buhay ng ibang tao

-sweet siya kapag kailangan niya umutang. Haharanahin ka pa

-pero kapag singilan time na, nawawala nalang na parang bula

-"Yung lalaki talaga sa kabilang bahay, jusko, bakla talaga yung Mingyu na yun"

-"Ay naku Seungkwan! Ikaw ata tong bakla! Crush mo yun no?!"

-"Duh?! Foreigner type ko. Isa pa, hindi ako bakla! Charot!"

--

Vernon

-yung kapitbahay mong hindi marunong maglinis

-akala mo junk shop yung bakuran niya

-hindi rin marunong paghiwalayin ang mga nabubulok sa di nabubulok na basura

-yung mahilig manghiram ng gamit, tapos dalawang taon na hindi pa niya binabalik (kung hindi niya nakalimutan, baka nasira niya o nawawala na)

-PAti yung labada niya, ultimo brief, napupunta sa sampayan niyo

-"KUYA! PAKILINIS NAMAN YUNG BAKURAN MO! NILILIPAD SAMIN MGA BASURA MO! ULTIMO BALAT NG CANDY! ISA PA! MAGPAALAM KA NAMAN KAPAG MAKIKISAMPAY KA! PATI PANTY KO ATA NAKUKUHA MO NA!"

-"Excuse me, can you please speak in English?"

-Okay, simulan mo sa una.

-"Brother! Clean you mess! Your garbage walked toward us! Even candy wrapper! And wave goodbye if you want to hang your clothes to us! You even wear my panty!"

-*NOSE BLEED*

--

Dino

-ang kapitbahay mong kinuhang Presidente ng brgy niyo

-the laging naka- "BAwal po ito."  "PAkiusap sumunod tayo sa rules ng ating pamayanan." "Paki-hiwalay ang di nabubulok sa nabubulok na basura"

-isa sa mga napatupad niyang patakaran ay ang "No loud partying at night"

-Oo, dahil sa kaniya, umiral ang kapayapaan sa paligid

-Spreading "Love and peace" Ika-nga

-pero minsan nagkita kayo sa isang bar

-nahuli mo siya sa gitna ng dance floor

-nag mamala-Michael Jackson!

-"Billy Jean~~~Yaha!~" (hip thrust)

-#Nasaan_ang_dignidad_Mr_President?

--

End...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro