Svt as your childhood friends
Scoups
-Siya ng kababata mong kung tawagin mo noon ay "Berting"
-bata palang kayo paborito na niyang magpapak ng toothpaste
-siya pa nga ang nagturo sayo na kapag nagsisipilyo ka, dapat lulunukin mo ang bula
-kapag binu-bully ka ng ibang bata, siya ang taga-rescue
-Kapag napunta sa taas ng bubong o sa puno ang laruan mo, handa siyang umakyat para kuhanin ito
-he is like a very good brother
-gumawa pa nga siya ng tree house doon sa secret place niyo
-"Berting Berting, ano lalaruin natin ngayon?"
-"Laro tayo ng Bahay-bahayan. Ako ang tatay, ikaw ang nanay. Tara sa tree house!"
-----
Jeonghan
-kung tawagin mo noon ay "Juan"
-siya yung kapag naglaro kayo, ikaw lagi ang taya
-at kapag malapit na siya ma-taya, sisigaw siya ng "Taympers!"
-O kaya naman, "Uwian na!"
-hindi mo siya madalas nakikitang makipaglaro sa mga batang lalaki
-madalas nakikita mo lang siyang nakatambay sa ilalim ng puno ng bayabas at nakanganga
-"Hoy Juan tamad! Laro tayo ng tagu-taguan."
-"Ayoko nga. Matutulog nalang ako. Nakakapagod kaya tumakbo."
-"Bahala ka. sabi ni Berting sasali daw siya."
-"TEKA SALI AKO!"
-------
Joshua
-na kung tawagin mo noon ay "Jose"
-siya yung kalaro mo na taga ibang barangay at dumadayo pa sa barangay niyo para makipaglaro
-actually kaklase mo siya since kinder garten
-parang mapaglaro nga ang tadhana dahil palagi kayong magclassmate
-pumupunta siya sa bahay mo using a bike
-inaangkas ka niya papuntang school
-o kaya naman papuntang simbahan
-minsan, gumagala pa kayong dalawa sa malayong lugar gamit ang bike niya
-pag-uwi mo tuloy sa bahay, palo sa puwet ang abot mo kay tatay
-"Jose, turuan mo akong mag-bike."
-"Sige. Basta may kondisyon."
-"Ano yun?"
- (his little hands cupped your cheeks) "Paglaki natin, ako ang papakasalan mo ha" (eyes smile)
------
Jun
-na kung tawagin mo ay "Jun-Jun"
-hangga't maaari, ayaw mo siyang makalaro
-ang bata bata niyo pa kasing dalawa, lagi ka niyang inaalok ng, "Hoy, can you be my girlfriend?"
-Kapag nakikipaglaro ka kay Berting ng bahay-bahay, palagi siyang sisingit at sisigaw ng..
-"Ako dapat ang tatay at ikaw ang nanay! At gusto ko marami tayong baby!"
-"Jun-Jun! Ayaw kitang kalaro! Lagi kang bigla nanghahalik sa lips! BAstos ka!"
-*smirks* "Bakit ayaw mo i-kiss kita?"
-"Oo! Bakit mo ba ako kini-kiss?"
-"Lasang lollipop kasi yung labi mo."
-"Talaga?" (tinikman ang sariling labi) Hindi naman ah."
"Hindi ba? Halika lapit ka dito, titikman ko ulit para sure."
---------
Hoshi
-na kung tawagin mo noon ay "Alfredo Jr" (Alfredo kasi pangalan ng tatay niya)
-tinatawag mo lang siyang "Alfredo Jr" para mang asar
-at success ka naman kasi umiiyak siya
-"Sabing hindi ako si Alfredo jr! Isa akong prinsipe! Prinsipe! Waaaah! Totoy oh! Si ano po inaaway ako!"
-medyo chubby siya
-kasi kada makita mo siya palagi siyang kumakain
-sila kasi yung may ari ng tindahan sa kabilang kanto
-"Alfredo, este, prinsipe, pahingi naman krimstix."
-at nagpa-uto naman siya
-madalas mong panggigilan ang cute chubby cheeks niya
-mahilig rin siya mag alaga ng manok
-minsan, pupunta pa siya sa inyo para ipakita ang sisiw na alaga niya
-"Alfredo Jr, bakit ba palagi ka nalang nagdadala ng sisiw dito?"
-"Eh kasi, gusto ko pinapakita sayo ang mga bago nating baby. Hehehe" (cute chuckles)
---------
Wonwoo
-na kung tawagin mo ay "Rodolpo"
-tahimik lang siyang bata
-dahil hindi pa uso ang online games noon, paghahanap lang ng gagamba ang ginagawa niya at pag gagawa ng bahay ng gagamba sa box ng posporo
-kung hindi naghahap ng gagamba, makikita mo naman siya sa taas ng puno at nagbabasa ng libro
-"Rodolpo! Bumaba ka na diyan sa puno at maglaro tayo!"
-(looked at you, poker face) "Ayoko. Hindi pa ko tapos magbasa ng libro"
-"BInabasa mo na naman ba yung idol mo? Ano nga ba uli pangalan nun? Yung... nagsisimula sa letter "O". O...?"
-"Audrey Hepburn."
-"Oo tama! Yung Audrey Hepburn mo. Mahilig ka talaga sa Burn no? Kaya kay BAste ka lang nakikipaglaro eh."
-(Bumaba ng puno, looked at you with a serious face) "Ikaw kaya...." (messes your hair) "Ikaw kaya ang Audrey Hepburn ng buhay ko. TAra laro tayo ng BAtuhang bola. Isali natin si Baste. Siya ang babatuhin sa gitna *smirks*"
==
Woozi
-na kung tawagin mo ay Totoy
-mas maliit kasi siya sayo
-pero kahit siya ang pinakamaliit sa mga kalaro mo, siya ang bully
-nambabato
-sinasakyan sa likod si Pedro at ginagawang kabayo
-nanghahampas ng walis tambo
-nangangagat ng ibang bata
-"Totoy umuwi ka na nga! Pinapaiyak mo lahat ng kalaro natin eh!"
-"Bleh! (dinilaan ka) Panget ka naman. Hahaha!"
-"Pandak na naman!"
-(kumuha ng walis tambo)
-"waaahh! Mama si Totoy niaaway ako!"
------
Seokmin
-na kung tawagin mo ay Pedro
-yung ginagawang kabayo ni Totoy
-mag pagka-uto uto rin kasi to eh
-"Pedro alam mo ba na kinakain ang kulangot? "
-(kinain kulangot niya) "Aba! Maalat alat!" (ngiting tagumpay)
-siya yung kulang nalang ata, sigawan ng nanay niya na dalhin na ang drawer niya sa bahay niyo
-paano ba naman kasi, umagang umaga, pupunta na sa tapat ng bahay niyo at aalukin kang maglaro
-kahit siya ang palaging taya, okay lang sa kaniya
-"Pedro, kilala mo ba kung sino pumatay kay Magellan?"
-"HIndi eh. Teka, uuwi muna ako. TAtanong ko kay tatay. BAka siya ang pumatay."
-----
Mingyu
-na kung tawagin mo noon ay "Baste"
-actually naging close lang kayo kasi lagi siyang kasama ni Rodolpo
-Kumbaga, parang siya ang taga-sunod ni Rodolpo
-at kapag naglaro kayo, siya lagi ang taya
-pero kung tutuusin, mabait naman si Baste
-lagi ka niya binibigyan ng lemon square cheese cake
-siya rin gumagawa ng assignment mo
-at pinagtatanggol ka rin niya kay totoy kahit na ilang beses sya kagatin ni totoy at sabihan ng, "HIGANTENG BAKLA!"
-pero nagtataka ka rin kasi nahihiya siya makipaglaro sayo kapag wala si rodolpo
-"Baste, bakit kapag wala si Rodolpo ayaw mo na makipaglaro sakin? "
-(napakamot sa batok) "May tinatago kasi ako kay Rodolpo eh."
-"Ano yun?"
-"DI niya kasi alam, crush kita. Shsshh wag ka maingay ah. Kaya lang ako nakikipaglaro sa kaniya kasi crush kita. wag mo ko susumbong. Baka hindi na niya ko bati."
---
Minghao
-na kung tawagin mo ay Caloy
-inggit ka sa kaniya kasi laging kumpleto laruan niya
-rich kid eh
-ikaw lagi taga bawal kapag naririnig mo siya nagmumura
-"Uy Caloy, bad words yan."
-"Okay. Sorry. Pero p*&%^* kasi ni Jun-Jun. Lagi siya gusto maging tatay kapag naglalaro tayo ng bahay bahayan"
-At dahil gusto niya maging cool, lagi siya may dalang baril-barilan
-ginagaya pa niya si Oppa Cardo ng FPJ "Ang probinsyano"
-"BEng beng beng!~"
-"Caloy, feeling cardo ka na naman."
-"(Y/n) laro tayo. Ako police, si Jun-Jun ang rapist. Ikaw sasagipin ko."
----
Seungkwan
-na kung tawagin mo ay "Tomas"
-"Thomas and friends" ika-nga kapag kayo ang magkasama
-kasama mo siyang maglaro ng beauty contest, lutu lutuan, o paper dolls
-sinusuot rin niya palda mo at sasayaw ng "Spaghetti pababa" ng sexbombs
-tapos, minsan na siya nahospital
-kasi lumunok ng bato at sumigaw ba naman ng "Darna!~"
-at kapag natalo sya sa laro, mabilis mapikon
-"Tomas! Ikaw taya!"
-"Wala wala! Madaya!" (nagtakip ng tenga) "Ayoko na! Uwian na! La la la la! Manalo matalo cute parin ako!"
---
Vernon
-na kung tawagin mo ay Anghelo
-actually tuwing bakasyon lang kayo nagkikita
-nakatira kasi siya sa State
-so nagkikita lang kayo kapag uuwi siya ng Pinas para magbakasyon
-hindi kayo nagkakaintindihan kasi "dog" at "cat" lang ang alam mong english
-BUti nalang kasama mo si Tomas. At least may kasama kang translator
-kaso naiiba nga lang ang translation
-Anghelo: "(y/n) I think you are cute."
-"Anong sabi niya Tomas?"
-Tomas: "sabi niya ang cute ko daw."
-"Weh? BAkit narinig ko pangalan ko?"
-"Gaga. Katunog lang ng english pangalan mo."
-isa si Anghelo sa dahilan kung bakit laging naka-dikit sayo si Tomas
-lam na diz
-"(y/N) I think I can't go back here again. BUt I'll promise that I'll be back when I am a grown up. And I will marry you."
-(tingin kay Tomas) "Ano namang sabi niya?"
-Tomas: "sabi niya, hindi na daw siya babalik kasi ang panget mo."
----
Dino
-na kung tawagin mo ay "Boy"
-siya ang pinakabata sa mga kalaro mo
-madalas kumakain siyang Boy bawang habang pinapanood kayo maglaro
-tulo uhog (sipon) pa habang laging nagmamakaawa, "Sali ako!"
-pero dahil masyado pa siya baby, tinatakasan niyo pa siya
-kaya naiiwan siya sa bahay at umiiyak
-kapag tinatanong mo siya kung ano pangarap niya, ang sasagutin niya ay, "Gusto doctor ako balang awaw. Para po ako tulong sakit kapwa ko!"
-he might be a baby for you
-pero... hintayin mo lang kapag nagbinata na siya...
-dahil ang susunod na threads ni author ay may pamagat na, "Svt as your childhood friends season 2. (meeting your childhood friends after 10 years)"
-are you ready?
to be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro