Kapag Gusto Mo Kumopya sa Test
Scoups
You: Pssst... Hoy (kinalabit siya) pakopya naman oh. Pssst sge na.
Scoups: (humarap sayo) Ha?
You: pakopya naman oh. Please?
Scoups: Sige. Anong number ba?
You: Sa 34, Yung tanong na "what do you call to the process by which green plants and some other organisms use sunlight to sythesize foods from carbon dioxide and water?
Scoups: Ahhh iyon ba? (tumingin sa papel) Coca cola spirit.
You: Ha? (nagtaka)
Scoups: diba yung coca cola may espiritu? kapag binuksan mo may carbon yun.
You: Ahhh (nods, naniwala, sinulat) Eh yung number 7, "what do you call to the duct by which urine passes from the kidney to the bladder?"
Scoups: Ah iyon naman ay... (tinignan ag sagot) "SPG" sagot dun.
You: What?
Scoups: kasi... (bumulong) diba sabi sa urine? Edi sa loob ng tut tut yun. Spg yun. Okay?
You: Ahhh (napatango) salamat ah. Talagang henyo ka (thumbs up)
---
Jeonghan
You: Pssssst... Hoy (kinalabit siya) pakopya naman oh. pssst sige na.
Jeonghan: (natutulog)
You: hoy gising! (inalog mo)
Jeonghan: hmmmm (nagising, nagpunas ng labi) ano ba?
You: Pakopya naman oh. sa number 45
jeonghan: Aish (inabot sayo test paper, natulog uli)
You: (kinuha) 45, 45 , 45 asan ka? Eto! (pointed your finger) Oh? Ano ba to? Letter "c" or letter "d"? (pinagkadidin mo ang hawak sa test paper) Hoy Jeonghan.... ano to?
Jeonghan: (natutulog lang)
You: bahala na nga (sinagot ang letter "d")
(nagcheck ng paper. mali ka sa number 45 pero si jeonghan tama)
You: Hoy! Minali mo ko sa number 45 no!
Jeonghan: aba, ikaw nalang nangongopya, galit ka pa.
You: Nakalagay sa papel mo letter "d" tapos "c" pala.
Jeonghan: Ha? "C" kaya nakalagay dun.
you: weh? (hinablot papel niya) tignan mo letter.....Oh? (napatigil) letter c nga. eh bakit kanina.... teka... ano tong nakabakat sa papel mo?
jeonghan: (tinignan) ay tanga. Laway ko yan. bumakat lang kaya parang letter d. Ngayon tuyo na.
--
Jisoo
You: Pssssst... Hoy (kinalabit siya) pakopya naman oh. pssst sige na.
Jisoo: (tumingin sayo) no no no. sabi ni teacher bawal kopyahan.
You: To naman, minsan lang ako kokopya sayo. Sige na kasi.
Jisoo: Di pwede.
You: Aish... (inagaw mo papel niya) Oh? (nagtaka) (tumingin kay Jisoo)
(wala kahit isa pang sagot si Jisoo)
Jisoo: Surprise! (hand gesture pa) wala pa ko sagot. Haha. pakikalabit nga si Jeonghan. pakisabi, pakopya ako.
You: -_-
---
Jun
You: Pssssst... Hoy (kinalabit siya) pakopya naman oh. pssst sige na.
Jun: anong number ba? (serious)
You: 36
Jun: Ahhh, (tumingin sa test paper, tumingin sayo) Kiss.
You: A-Ano?! (blushes) loko ka ba? Ano sa tingin mo? ibibigay ko first kiss ko para lang sa isang sagot. Wag na uy.
Jun: (poker face) Loka. "Kiss" ang sagot. (tinalikuran ka) Assumming.
You: (napatigil) (binasa ang tanong) "sign of love, sexual desire, reverence or greeting" (natulala) (tumitig ng masama sa teacher) akala ko ba values education subject namin?
--
Hoshi
You: Pssssst... Hoy (kinalabit siya) pakopya naman oh. pssst sige na.
Hoshi: Oh? why?
You: ano sagot sa number 11?
Hoshi: (binasa) "sino pumatay kay lapu-lapu?" Aha, madali lang sagot. Actually, ito kauna unahan kong nasagutan eh.
You: talaga? (excited) sino nga ba?
Hoshi: (tumingin muna sa paligid, bumulong sayo) Si... Ma.......
You: Ma...?
hoshi: si Manuel.
You: Manuel? (napaisip) sure ka?
hoshi: Oo. pinatay ni Manuel yung lapu-lapu.
You: paano ka nakakasigurado? Parang di ko matandaan na siya nga.
Hoshi: haha! Ako lang ata pinagpalang makaalam ng sagot na yun. KAsi kanina.. (bumulong uli) ulam namin isda na "lapu-lapu". Nakita ko kamo, tinaga ni tatay yung ulo. Ayun patay.
You: Ha? Anong konek kay Manuel?
hoshi: Pangalan ng tatay ko Manuel. Shssh ka lang ah.
You: (poker face)
--
Wonwoo
You: Pssssst... Hoy (kinalabit siya) pakopya naman oh. pssst sige na.
Wonwoo: (tumingin sayo, nakasuot pa ng salamin #geniuseffect)
You: Ano sagot sa 21?
Wonwoo:(tinignan)
You: Yung "anong tawag doon sa mga nilalang na nakatira sa ibang planeta?" ang unang letra ay "A" at ang huli naman Ay "N"
Wonwoo: (leans closer)
You: (blushes)
Wonwoo: (whispered: Audrey Hepburn)
You: (napanganga)
---
Woozi
You: Pssst,... Hoy (kinalabit siya) pakopya naman oh. pssst, sige na.
Woozi: (tumingin sayo) Asa you. (looked away)
You: Tsss, sungit. (inambahan mo)
~~~~Pooooot~~~~
(nautot si Woozi, ikaw lang nakarinig)
Woozi: (blushes, looked at you)
You: (bumaon ilong habang nakatulala ka sa kaniya)
classmate: sino yun?! Ang baho naman oh! Walang galang!
You: (evil smile kay Woozi) Si ano ayung umutot... si..
Woozi: Aish... (binigay agad papel) (bumulong: ayan na. Wag mo na ipalandakan) HAy oo nga! Sino ba yung walang galang na umutot?! (nakitakip ng ilong)
--
Seokmin
You: Pssst,... Hoy (kinalabit siya) pakopya naman oh. pssst, sige na.
Seokmin: Ha? hahaha. Sorry kahit isang sagot wala pa ko eh.
You: what?! (naawa ka) isang minuto nalang matatapos na test. Aish, ito na... (inabot papel mo) kopyahin mo na lahat. bilisan mo!
Seokmin: (maluha luha) uy salamat! (nagmadaling kopyahin papel mo) ayan tapos na (binalik)
(lumipas ang ilang oras)
You: HOy! (tumakbo papunta kay Seokmin) di ba kumopya ka sakin? bakit zero ang score mo?
Seokmin: (napakamot ng batok) hahaha. Nakopya ko kasi..... pati pangalan mo.
---
Mingyu
You: Pssst,... Hoy (kinalabit siya) pakopya naman oh. pssst, sige na.
Mingyu: Di ka nagreview no? hay naku.
You: yabang nito. sige na. 1-10 lang naman.
Mingyu: a,c,d,b,a, c, b, d, d, a ang sagot.
You: (sinulat)
Mingyu: Yun lang di mo alam sagot? (payabang effect) Buti nalang may matalino kang katabi.
You: tss... alam ko yun. Tinatamad lang ako magmatalino pero matalino rin ako.
(lumipas ang isang oras)
Classmate niyo: Oy, bakit ang baba ng score niyo ni Mingyu? 1-10, mali kayo.
Mingyu: (looked away, sumipol pa)
You: (tumingin ng masama kay Mingyu) KAsi naman..... fill in the blanks pala yung tanong... Yung matalino kong katabi, choose the letter ang ginawa.
Mingyu: Aba, kokopya kopya ka tapos aangal.
--
Minghao
You: Pssst,... Hoy (kinalabit siya) pakopya naman oh. pssst, sige na.
Minghao: (looks at you)
You: Hao, ano sagot sa number 3?
MInghao: (sumenyas na lumapit ka)
You: (nilapit mo tenga mo sa kaniya)
Minghao: (bumulong) " I love you".
You: (tumingin sa kaniya)
Minghao: (tumingin agad sa teacher habang namumula ang pisngi)
You: (napangiti habang namumula rin)
---
Seungkwan
You: Pssst,... Hoy (kinalabit siya) pakopya naman oh. pssst, sige na.
Seungkwan: (nakatitig sayo)
You: hoy (pinitik ang hangin)
Seungkwan: (natauhan, tinakpan agad ang sagot)
You: wow damot. Pakopya.
Seungkwan: Loko ka.
You: Ha?
Seungkwan: kanina pa nga kita hinihintay na magsagot ulit. bilisan mo, bagal mo.
You: (tinignan mo ang papel niya at sayo, parehong pareho kayo ng sagot) -_-.....?
---
Vernon
You: Pssst,... Hoy (kinalabit siya) pakopya naman oh. pssst, sige na.
Vernon: (tumingin sayo) A-Ahh... sure. (ibibigay sana ang papel sayo)
(kaso nahulog ang test paper niya)
Vernon: Ooops...
(pupulutin niyong dalawa, kaso, nagkahawakan kayo ng kamay, kaya napahinto kayo pareho)
You: (looked at him)
Vernon: (blushes)
(nang matauhan kayo ay agad kayong tatayo, pero nagka-untugan kayo)
You: Ahhh! (napahawak sa ulo)
Vernon: Ahhh! (napahawak din sa ulo) sorry. Ito na crush (inabot ulit papel)
You: (napatigil) H-Ha?
Vernon: (nanlaki mata) wala. (umupo agad ay umiba ng tingin, namumula ang mga pisngi)
--
Dino
You: Pssst,... Hoy (kinalabit siya) pakopya naman oh. pssst, sige na.
Dino: Po? Okay. (binigay papel)
You: (binasa sagot niya) "coca cola spirit, SPG, Manuel,, Audrey Hepburn," (looks at him) Dino....
Dino: Yeah?
You: Kanino ka nangopya?
Dino: sa buong kaklase natin. sana maka-lerfect ako. hehe.
You: (scratches your nape)
--
End
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro