Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#107 "Ode to you in Manila" (tagalog imagines)

"Hindi ka na nga naka-attend ng concert, nawala pa yung phone mo," ang sabi ng kaibigan mo na inaasahan mong mag-co-comfort sana sayo.

Today is Feb 9, 2020. Katatapos lang ng concert ng sikat na kpop group na Seventeen, with the theme Ode to you in Manila. Matagal mo ng plano na makapunta at makitang muli ang iyong iniidolo. Iyon ay kung natupad mo lang sana ang pangako mong ipon. Sadyang ang hirap kasing huwag gumastos pagdating sa pagkain.

Kaya ayon, hindi ka nakaattend. Pero nag team labas ka naman dahil gusto mong ma-meet ang mga carat friends na nakilala mo online. Mula alas dyis hanggang matapos ang concert ay nasa labas ka ng Moa; nag -aabang sa mga carats o sa mismong mga members na baka sumilip mula sa kanilang van.

In the end, nakita mo nga ang mga kaibigan mo, pero ni anino ng Sebongs, WALA.

May susunod na taon pa. Hindi ito ang last time. Tama- Ang pangako mo sa sarili.

Tuloy tuloy na sana ang pagiging positibo mo. Ngunit, tuluyang gumuho ang iyong damdamin nang mapagtantong nawawala pala ang iyong cellphone.

Mga pictures, kanta; lahat ng yan nawala ng parang bula!

"Bakit ang malas malas ko?!" hiyaw mo nalang buong gabi. Kinabukasan nga ay parang tinubuan ng rayuma ang mga mata mo dahil sa pamamaga kakaiyak.

Pero malas ka nga ba talaga?

Ang sagot ay... hindi.

Wala sa iyong kabatiran na may nakapulot pala ng cellphone mo at nagpaplanong ibalik sayo ito.

"Mweo, haneun geoya?(what are you doing?)" Tanong ni Vernon, isa sa mga rapper ng kpop group na Seventeen, doon sa kanilang cute na composer.

Nakaupo ang cute composer na to sa higaan nila sa hotel habang hawak hawak ang isang cellphone.

"Naneun i selleolla jeohareul sushib (I picked up this cellphone)," sagot ni Woozi na winawagayway pa ang cellphone na napulot.

"Oh? Jinjja? (really?)"Vernon gasped.

"Ne,(yes)" pagtango ni Woozi. "Gwaribue juneun geol kkambbakhaesne (I forgot to give this to the management)."

"Oh no. Urineun geot Philippines  ddeonalgeoya (we are going to leave Phillipines soon)," komento ni Vernon. "Keugeol deorajo. (You should give it back.)"

Tinapik niya ang braso ni Woozi saka naglakad papalabas.

Wala namang balak si Woozi na mangielam sa gamit ng may gamit. Pero kung gusto niya itong ibalik, kailangan niyang buksan ang cellphone para makakuha ng impormasyon. Kaya binuksan niya ito. Sakto naman ay walang password na hinihingi. Ngunit napahinto parin sya ng bigla makita ang litrato ng mukha nya na siyang wallpaper ng cellphone.

"Igeo naya (this is me.)" Bulong nya sa sarili. Di pa nga niya napigilang ngumiti sa tuwa habang sinasambit ang mga salitang, "Nae paeni suyo (my fan owns this.)"

He is right. Isang mapalad na carat na Woozi bias ang may ari ng cellphone na napulot nya. Magic diba? Out of the thousands person na pumunta sa Moa, dumako sa lalaking pinapangarap mong maging asawa ang iyong cellphone!

Nagpatuloy sya sa pangangalikot at napadpad sa gallery. Ang una niyang napansin ay ang mga collection mo ng pictures niya. He blushed when he saw pictures of him showing his great build body. Well, natural lang naman na mag save ng sexy pictures ng bias mo diba?

"Ahem," he forged a cough bago pumunta naman sa messenger app mo. He opened the wifi and connected your phone to the hotel's wifi. Buti nalang mabilis wifi sa hotel ng Pilipinas. Muli siyang bumalik sa sa messenger app. Saktong pagbukas niya ay may nag chat ng...

"Hoy sino ka?! Bat naopen mo account ni (y/n)! Ibalik mo cellphone niya!" Ang sabi ng nagchat.

Of course, hindi siya naintindihan ni Woozi.

"Moseun mareul haneun geoya? (What is she saying?)" Woozi blabbered.  "Jinggudeul irang yaehi halkka? (Should I chat her friends?)"  Pag-aalinlangan niya. Pagkatapos ng ilang segundo ay nagpasya din siyang mag reply ng: "I Don't understand you. Speak in English."

Syempre gumamit siya ng google translation. Medyo hindi rin kasi siya fluent da English.

"Okay. Who are you? My friend, give my friend back phone!" Reply ng nasa kabilang linya.

Napakunot ng noo si Woozi ng tignan ang translation nito sa Google. Mukha kasing hindi rin mahusay sa English ang kausap niya. Pero naintindihan naman nya ang nais nitong sabihin.

Kaya sumagot sya ng, "I picked up this phone. I will give it back. I will leaving Philippines soon so please pick up her phone as soon as possible."

Ang plano ni Woozi ay ipapaabot nalang sa isa sa mga manager nila ang phone. Ayaw rin naman nya na magkaroon sya ng scandal or issue. Pero naisip rin nya na busy ang nha staffs sa panahong ito. Ang ibang members rin ay nagpapahinga sa kaniya kaniyanv kwarto. At tutal, kasalanan naman niya na naiuwi ang phone mo sa hotel, mas maganda siguro na sya na ang personal na mag sauli.

Kaya tumayo si Woozi, nagsuot ng sombrero, jacket at facemask. Hindi naman siguro weird na nakamask sya dahil maraming tao ang naka-mask ngayon para iwas hawa sa kumakalat na Corona virus.

"I am the owner of the phone you picked up. Where are you? Can we meet right now?" Tumunog ang notification at binasa ni Woozi ang bagong message.

"Let's meet in front of Manila hotel. I saw a park near by. I am wearing mask and blue baseball cap," Woozi replied.

Lalabas na sana siya ng kwarto kaso napindot ang isang application sa cellphone ng di sinasadya. Ito ay ang memo pad app kung saan ka nagsusulat ng diary.

Tagalog ang salita sa diary mo kaya wala naman sanang dahilan para mapatigil si Woozi. Kaso, nakita niya ang sariling pangalan sa gitna ng pangungusap.

So, he copy paste your diary and translate it using google. At ganito ang lumabas:

"Feb.8,2020. Today is Seventeen Concert here in Manila. But I wouldn't attend. It hurt me so much that I won't see my Sebongs who gave me a lot of inspiration, especially Woozi who composed songs; songs that make me happy when I'm sad. Songs that make me sad yet comfort me to move on. And songs to realized what true love is. If I will have a chance, please let me see Woozi. Let me thank him in person. Let me say how much I love him, not only as a man, but a person bringing hope to my life."

Ilang minutong napatulala si Woozi sa nabasa. Hanggang sa bigla nalang tumulo ang luha nito sa magkahalong lungkot at saya.

Hindi niya inakalang ganito na lamang ang dulot ng kaniyang nilikhang musika para sa iba.

Ilang beses pa nga nyang pinunasan ang luha bago nagpasyang lumabas at pumunta sa park kung saan niyo napag usapang magkita.

After a few minutes, he spotted a cute girl walking around the area. Palinga linga ito, kaliwa kanan, kanan kaliwa. Halatang may hinahanap.

So your action itself made him think that you are the person he was waiting for.

Lumapit si Woozi sa iyo. Muntik ka pa ngang mapasigaw dahil inakala mong holdaper ang lumapit. Buti nalang mabilis mong naalala na nakamask ang mga tao dahil sa kumakalat na virus.

"Ahmm hi. Are you a foreigner?" Tanong mo. Halata mo kasi sa makinis at maputi nyang balat.

Napayuko si Woozi, nag-aalinlangan na baka makilala mo siya. Imbes na sagutin ang tanong mo ay inabot lang nya ang cellphone.

"Oh my god! Yung cellphone ko! Huhu salamat!" Nagtatalon mong pagsasaya habang niyayakap ang cellphone. "Thank you so much!"

Tumango si Woozi at humakbang palayo. Subalit...

"Waah I miss you Woozi!" You exclaimed while looking at the wallpaper on your phone screen.

Napatigil si Woozi at naalala ang nabasang wish mo sa diary.

Nagdedebate sa kaniyang isip kung magpapakilala ba sya o aalis na lamang.

He clenched his fist, taking a deep breathe bago bigla humarap uli sayo.

"Yah! I bimil-eul yuji hasigessseubnikka?( hey! Will you keep this a secret?)" ang tanong ni Woozi na kumuha ng iyong atensyon.

May tatlong bagay na pumukaw ng interes mo: una, koreano pala siya. Pangalawa, medyo naintindihan mo ang sinabi nya dahil palagi kang nakakapakinig ng korean words sa mga kanta or korean drama. At pangatlo... parang kilala mo kung sino ang nagmamay-ari ng boses na ito.

"Ha? Keep this a secret?" Tugon mo. Mabuti na lamang at ready ka sa pag-eenglish. Taray.

"Ne. Secret. Yagsog hal su? (Can you promise?) Yagsog. Promise." Lumapit siya sayo at inalok ang pinky finger.

Wala kang tiwala sa mga estranghero. Pero kusa ka nalang nakipag pinky promise sa kaniya.

Tulala at wala ka pa sa sarili nang ibaba niya ang suot na mask. Nanlaki ang mga mata mo, at muntik ng lumaglag ang mga ito sa lupa!

"Annyeong," bati ni Woozi. Hindi siya makangiti dahil medyo nahihiya siya. Pero sapat na ang makita ang kaniyang mukha para atakihin ka sa puso.

Syempre pinigilan mong atakihin sa pagkakataong to. Sayang ang moment.

"Nananaginip ba ko?" Bulong mo sa sarili.

"Mweoragu? (What?)" Woozi frowned.

Nakatulala ka lang sa kaniya, habang pabilis ng pabilis ang tibok ng iyong puso.

Hindi ka nga nakapunta ng concert, pero heto ang iyong iniidolo na nakatayo ng malapitan sa harap mo. Daig mo pa ang mga naka VIP section kagabi sa concert hall!

"W-Woozi. Right?" Nauutal mong sambit.

Woozi scratched his nape. Nahihiya siyang napakagat labi kasabay ng pagtango.

Kung pwede mo nga lang syang sunggaban at halikan na ay kanina mo pa ginawa.

"Well, concert. You. Uhmm," utal utal ni Woozi na di alam pano sasabihin sa English ang nais ipahiwatig. "Can't. No attend. So you wish. Right? You say to me. Now."

Bagama't di tumpak ang pagkakaayos ng sentence nya ay naintindihan mo ito. Bigla mo naalala na parang himala ang mga salita na gusto mong sabihin sa kaniya.

"Thank you. I wanna say thank you for giving us good music," You said, clasping the phone in your hand. "And also... I... I to you... I..."

I love you. Yan ang gusto mong sabihin. Pero parang may bato sa lalamunan mo kaya't di mo ito mabitawan. Ano ba?! Sabihin mo na! Kailan ka pa magkakaroon ng pagkakataon na sabihin ito!

Mismong ikaw ay nagagalit na sa sarili.

"I..." palagi mong sambit.

Kaya naman, Si Woozi na ang nagpatuloy. "I love you too, our carat."

He is not a cheesy guy. Malayo sa character niya na sabihin to. But he can't help it. Masyado syang natouch sa nabasa mula sa diary mo kaya tinugon na niya ang iyong confession.

"I love you. I love you Woozi," ang buong tapang mong sabi bago tumulo ang luha sayong mga mata.

Woozi chuckled, bago dahan dahan niyang pinunasan ang luha mo. "Naenyeon-eneun konseoteue chamseoghasibsio." Ang sabi niya, pulling his hand back. "Dasi olgeyo. Naneun gunjung-eseo dangsin-eul chaj-eul geos-ibnida. Geugeos-eun yagsog-ibnida."

Ngumiti siya sayo, isinuot ang mask at tumakbo palayo.

Hindi mo naintindihan ang huli niyang sinabi. Pero nanginginig mong binuksan ang cellphone. Laking gulat mo na pinalitan ni Woozi ang wallpaper mo ng bagong picture; picture na kinuhanan niya mismo gamit ang cellphone mo.

Aren't you curious kung ano ang huli niyang sinabi?

It was these:

"Next year, make sure you'll attend in our concert. And I will definitely find you in the middle of the crowd. That's a promise."

------

A/n: This is my gift for a special friend who lost her cellphone at Ode to you in Manila. Alay ko rin to sa mga di naka attend ng concert. hope this give you some inspiration💜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro