Xiu Minghao
"Mae! Bumaba ka na nga! May naghihintay sa'yo dito!"
"Ne Eomma! Jamsimanyo!!" sigaw ko sa mama ko. Hindi ba nila alam na kakalabas ko lang sa CR?! Aware naman kasi ako na may naghihintay sa akin. Duh.
Nang bumaba na ako, nakita ko si Minghao na prenteng prenteng nakaupo sa sofa. Feeling niya bahay niya 'to. Nakita niya na pababa na ako kaya bigla niya akong nginisian pero inirapan ko lang siya.
"Ano ba kasing pakulo 'to? Ha? Minghao? Ang aga pa eh. Gusto ko pang matulog." Sabi ko sa kanya pero nginisian niya lang ulit ako at binaling ang atensyon kay mama.
"Eommeoni, we'll get going. Hihiramin ko lang po si Mae." Paalam niya. Tumango at ngumiti naman si mama.
"Alagaan mo 'yang anak kong baliw ha?" nakangiti niyang paalam kay Minghao.
"Eomma!!!" singit ko pero tinawanan lang nila akong dalawa. Ang saya nila ha.
Lumabas na kami ng bahay at nagsimulang maglakad. Hinawakan naman niya 'yong kamay ko.
Taena kahit ilang taon na kaming magkasama, hindi ko parin mapigilang kiligin basta hinahawakan niya 'yong kamay ko.
"Sa'n ba tayo pupunta?"
"Sa bahay."
"Ha? Bakit tayo pupunta do'n?"
"Gusto kang makilala ni Mom at Dad." Nakangiting sagot niya pero para akong binuhusan ng napakaraming malamig na tubig. Right. Kahit tatlong taon na kami ni Minghao, hindi ko pa nakikilala 'yong parents niya. Wala din siyang kuya or ate dahil nag-iisang anak lang naman siya.
"A-ano?!!" sigaw ko pero tinawanan niya lang ako.
"'wag kang mag alala. Magugustuhan ka nila. Pangako."
"Pa'no pag hindi?" nag-aalalang tanong ko pero hinalikan niya lang ako sa noo.
"Trust me, okay?" Nakangiting sagot niya sabay hawak sa kamay ko ng mas mahigpit.
Nagpatuloy kami sa paglalakad na hindi kami nag sasalita hanggang sa natanaw ko na 'yong bahay nila.
"'wag nalang kaya muna ngayon Ming? Kinakabahan talaga ako. Promises." Sabi ko sabay tigil sa paglalakad pero kinaladkad niya ako at naglakad ulit kami.
"Wala ng atrasan 'to Mae. Ano ka ba, ayun na 'yong bahay namin oh!" nakangiting sabi niiya sabay turo sa bahay nila. Napairap naman ako.
"Oo. Alam ko. Ilang beses ko na napuntahan 'yang bahay na 'yan!"
"Oh, 'yon naman pala eh."
"Pero, iba na ngayon eh. Nandyan parents mo! Pa'no pag hindi nila ako nagustuhan? Pa'no pag paghihiwalayin tayo? Pa'no pag---" natigil ako sa pag sasalita dahil hinalikan niya ako bigla.
"Mae, mahal kita. Okay? Pag hindi ka nila nagustuhan, I'll make them like you. Kapag paghihiwalayin ta'yo, wala akong gagawin dahil hinding hindi 'yan mangyayari. Algessji?" nakangiting sagot niya habang hinahawakan ang mukha ko. Hindi ko naman mapigilang mapangiti kaya tumango nalang ako kahit sobra sobra na akong kinakabahan.
Hinawakan niya ulit 'yung kamay ko at naglakad na kami papunta sa bahay nila.
Hindi tulad ng nakasanayan ko kapag pupunta ako rito, maraming gwardya ang nakapalibot sa bahay. Bigtime kasi 'tong sila Minghao eh. Hindi nga lang halata.
"Good morning Master." Bati nila kay Mingha. Tumango naman siya pero nagging cold 'yong mukha niya. Anyare dito?
"Aren't you going to greet my wife?" malamig na saad ni Minghao sa kanila at para naman silang binuhusan ng napakalamig na tubig at agad agad silang nag bow sa akin.
"Good day Ma'am!" bati nila sabay bow. Ano 'ko? Santo? Ngumiti naman si Minghao. Feeling satisfied sa ginawa ng mga bodyguards dito.
"G-good morning din." Sabi ko at tumayo naman sila ng matuwid.
Hinila ako ni Minghao papasok sa bahay nila at hindi ko mapigilang mapanganga. Alam kong ilang beses na akong nakapunta dito pero iba ang itsura ng bahay nila ngayon. May red carpet, may mga mesa at iba pa. parang even ang ipinunta namin dito. An gaga aga, nag papa-party? Saya ha.
Napatingin sa amin ang lahat ng tao no'ng pumasok na kami. Nakakahiya. Naka jeans lang ako at simpleng shirt tapos sila, ang bongga ng mga gown at tux. Si Minghao naman, kahit ano pa ang isuot niya alam ko namang bagay sa kanya eh.
May lumapit sa aming babae at lalaki na siguro mga nasa mid-50's na sila. Pinapunta nila kaming dalawa sa private room para mag usap. Pero no'ng nasa tapat na kami ng room, pinaalis nilang dalawa si Minghao.
"M-magandang umaga ho ma'am, sir."
"Magandang umaga din hija, umupo ka." Nakangiting saad ng mommy ni Minghao. 'yong daddy naman niya, ngumiti lang. sa kanya siguro namana ni Minghao ang sagot na ngiti.
"S-salamat po."
"So, ilang taon na kayo ng anak ko?"
"Tatlong taon na po."
"Sa tatlong taon ba, ay minahal mo ang anak ko?" seryosong saad ng mommy ni Minghao. Ano bang klaseng tanong 'yan?
"Alam mo naman siguro ang nangyari sa kanya diba?" pahabol niya pa. tumango naman ako. Siyempre. Alam kong niloko siya ng ex niya at ang habol sa kanya ay pera lang.
"Opo. Alam ko. Kung iniisip niyo po na pera lang ang habol ko sa kanya o sa inyo, nagkakamali po kayo. Mahal ko si Minghao hindi dahil sa luho na meron siya. Kung hindi dahil siya ay si Minghao. Siya ay siya. Minahal ko siya dahil siya si Minghao. Atsaka, hindi po kami aabot ng ganito katagal kung hindi kop o siya mahal." Buong tapang kong sagot sa kanya. Napangiti naman siya at 'yong asawa niya.
"Kung gano'n--" singit ng tatay niya kaya mas kinabahan ako. Ang lalim ng boses eh.
"Welcome to the family, hija. I guarantee you that my son wouldn't hurt you." Nakangiting saad niya pero agad naman akong umiling.
"I'm sorry sir but he hurt me not only once but many times already." nagtaka naman ang mukha nila at naghihintay ng kasunod ko pang sasabihin.
"MINGHAO!!" Sabay nilang sigaw. Nakarinig naman ako ng mga tumatakbong yapak kaya mas lalo akong nag seryoso. Kuno.
"Y-yes?" kinakabahang tanong ni Minghao pagkapasok niya ng room. Pinaupo naman siya ng tatay niya. At sumeryoso ang mukha niya.
"sabi ni Mae ay maraming beses mo na daw siyang sinaktan?" seryosong tanong niya sa anak niya.
"Ha?! When did I ever hurt you?" tanong niya sa akin. Mas sumeryoso naman daw ako.
"EVERY MORNING!!! Hinuhulog mo ako sa kama!" Sigaw ko sa kanya pero imbis na mag explain siya, napahinga siya ng maluwag. I got him there. Hahaha!
"Akala namin kung anon a hija." Sabi ng mommy niya.
"Masakit po kasi sa pwet o sa likod ang mahulog Ma'am eh."
"Please call me Mama and call him Papa." Napangiti naman akong tumatango sa kanila. Legal na legal na talaga ang relasyon namin ni Minghao.
"Pero Anak, 'wag naman sanang gano'n 'yong paraan para mapagising mo 'yong girlfriend mo!" pangaral niya kay Minghao sabay kurot sa tenga.
"Aray My!" daing ni Minghao kaya napatawa ako ng mahina.
"O sya, maiwan muna namin kayo dito. Wag gumawa ng kalokohan ha!" Nakangiting saad ni Papa kaya tumawa kami ni Minghao.
"Eh ilang beses na nga namin ginawa 'yong kalokohan dad eh." Agad naman akong napatigil sa pagtawa at namula. Sinapak ko kaagad si Minghao. Kung anong sinasabi eh!
"Walang hiya ka!!!" Sigaw k okay Minghao pero tumawa lang siya ng mas malakas.
"'wag po kayong maniwala dito!" Paliwanag ko sa kanila pero tumawa lang din sila at lumabas ng pinto. Eh hindi pa naman namin ginawa 'yon eh!
Nang makalabas na ang parents ni Minghao ay sinapak ko siya ulit. Pero patuloy parin siya sa pag tawa.
"Walang hiya ka. Nakakahiya 'yong sinabi mo, alam mo ba?! Tae. Nakakahiya! Pa'no mo nasabing---"
Naputol na naman 'yong sinasabi ko dahil hinalikan na naman niya ako.
"Biro lang 'yon." Nakangiting sabi niya pagkatapos niya akong halikan.
"Mahal na mahal kita Mae." Nakangiti pero sinserong saad ni Minghao sa akin. Hindi ko naman mapigilang mapangiti.
"At mahal na mahal din kita Minghao." Sagot ko. Hinalikan n'ya ako ulit. Bumitaw siya sa halik at napatitig sa mukha ko.
"Kung gusto mo na gawin 'yon, tawagan mo lang ako ha?" pilyong sabi niya na ikinapula ng mukha ko.
"XIU MINGHAAAAAAAAAAAAAO!!! Shut up!!!!"
--
Ne- Yes
Eomma/Emmeoni- Mother
Jamsimanyo- Wait a second (formal) [not sure tho]
Algettji?- Get it?
I'm sorry. I promised (or did I?) na ipagsasabay ko ang update ko but unfortunately, I'm not feeling well and to think na may sayaw kami bukas so yeah. I'll make it up to it. I promise (again).
-Sky
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro