Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Wen Junhui

Pagkatapops nito, supposedly kay Hoshi. Pero ang nagawa ko is kay Wonwoo and Jihoon. Kaya ihahabol ko nalang ang Hoshi. Mian. It's supposed to be according to their age pero na'excite ako sa makakabasa sa imagine kay Wonwoo at Jihoon eh. sorna ;-;

Enjoy reading~


--


"Jun!"

"Jun, ano ba!"

"Wen Junhui!!!!!"

Ilang beses na kitang tinawag pero hindi ka lumilingon. Siguro nakasuot ka na naman ng headset kaya sinundan kita.

No'ng lalapit n asana ako sa'yo, biglang may humalik sa labi mo. Labi mong dapat ako lang ang nakakahalik.

Hindi na ako nakapagpigil at hinarap na kita sa akin.

"Junhui, sino 'to?" tanong ko sa'yo habang tinuturo ang babae mo. Naiiyak na ako pero pilit kong pinapatatag ang sarili ko. Pero anong ginawa mo? Tinignan mo lang ako ng blangko.

"Siya ang girlfriend ko. Eh ikaw? Sino ka?"

***

"Junhui!!!!" bigla mong sigaw. Kakagising mo lang pero basa yung mukha mo.

"Oh bakit? Tsaka, bago ka magsalita, maghilamos ka muna. Napuna nan g laway mo 'yong mukha mo eh." Sagot ko sa kanya pero pinunasan niya lang gamit ang kumot namin. Napakaburara talaga.

"Jun, niloloko mo ba ako?" tanong niya habang nakatingin sa kawalan at parang naiiyak na.

"Junhui, please. Sagutin mo ako." Hindi ko siya sinagot at tinignan ko lang siya na parang siya na ang pinakaweirdong babaeng nakilala ko.

"Ano bang pinagsasabi mo d'yan?"

"Sagutin mo nalang ang tanong ko. Parang awa mo na."

"Hindi." Sagot ko matapos ang isang minute ang lumipas.

"Ba't naman kita lolokohin, aber?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Humihikbi nalang siya sa kama.

Do'n ko na siya nilapitan.

"Anong nangyari? Ba't ka umiiyak?" pag aalala ko at niyakap siya.

"Shh. Wala akong iba, okay? Ikaw lang sapat na. Sulido dos ako."

"Ang jeje mo."

"Ano ba kasi ang nangyari, honeypiesugarplumpumpiampiamkinyou'remysweetypie ko?"

"Ang baduy mo." Sabi niya habang pinupunasan ang luha niya. Luha niya pala 'yon. 'di pala laway.

"Pero seryoso. Ano ba'ng nangyari?"

"May ibang babae ka daw at hindi mo ako kilala." Iyak niya sabay yakap sa akin.

HEHEZ kinikilig ako ano ba

"Panaginip mo lang 'yon. Hindi 'yon mangyayari. Okay?" paglalambing ko sa kanya.

"Pero sabi nila kapag gano'n daw ang panaginip mo, magkakatotoo daw." Ngawa niya pa. Letse ang oa ng babaeng 'to. Pasalamat siya mahal ko siya.

"Totohanin ko kapag binigyan mo ako ng rason bakit ako magloloko. Alam mo kasi, mahal na mahal kita. Kahit para lang tayong magbarkada at minsan lang kita nilalambing. Mahal na mahal kita. Kaya 'wag mo ng isipin 'yon. Okay?"

"Puta ang corny mo."

Ang taas taas nung sinabi 'yan lang ang sinagot? Pakshet mong babae ka. Nakuuu! Pasalamat ka talaga at mahal kita!

---

jusq ang korni. pasensya na at sabaw ang utak ko ngayon dahil sa major ko. ;-;

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: