Wonder 9 : Cleanse
One week has passed since our last encounter with the sixth wonder. Andaming nangyari na hindi ko inaasahan. Si Rei ay halos apat na araw ring hindi pumasok. Ako naman ay balik sa dati, taga-linis ng library. Hayys
Naiintindihan ko si Rei dahil kaya nangyari kay Eri ang maging wonder ay dahil sa exorcist na pinangakuan siya ng tulong.
Maging ako ay nag-iba ang tingin sakanila. Pero slight lang naman. Naniniwala pa rin ako na hindi lahat ng mga exorcists ay ganoon.
Mabuti na lang din at walang nakaalam na galing kami sa college building. Normal lang kaming nakalabas doon bukod sa mga nagtatakang tingin ng mga estyudante dahil sa sugat ni Rei.
Buntong-hininga akong nagpatuloy sa paglalakad. Papunta ako ngayon sa classroom para syempre pumasok sa klase. Bukod sa nandito pa rin sa utak ko ang mga nangyari, hindi rin mawala sa isip ko ang pagsalo sa akin ni K.
"K?"
Naguguluhan akong humiwalay sa pagkakabuhat niya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang magsalubong ang aming mata. Bakit ganito? Ano ba 'tong nararamdaman ko?
"Are you okay?" he asked as he touches my face with his two hands, spatting it to see if I have scratches.
"Rai! Ayos ka lang?" sigaw ni Rei mula sa malayo. Iniwas ko ang tingin kay K at tinuon ang paningin kay Rei. Akala ko ay siya ang sasalo sa akin. Pinipigilan niya ngayon ang mga vines na papunta sa amin gamit ang staff niya.
"I already told you she will not succeed," sabay kaming tatlo lumingon nang marinig ang boses ni Eri.
She chuckled devilishly while smirking on us. Rei and K looked at me with their complicated looks. Huh?
"Uhh... actually eto siya," nag-aalangan kong inangat ang pulang bato na nagsisilbing puso ng isang wonder mula sa aking bulsa.
I thought hindi ko na ito makukuha dahil sa paghila sa akin ng malakas nung mga ugat. But luckily nakuha ko ito.
"Ibalik mo 'yan!" nagagalit na sigaw ni Eri.
Tinago ko ito sa aking likod. Hindi niya pwedeng makuha ito. "Sinabi nang ibalik mo!" the vines suddenly grow into a big and thick vines with so many thorns.
"Patay, ibalik ko na kaya?" I stupidly said.
"Are you dumb?" he asked.
I rolled my eyes on him "Of course not! Di mo alam yung joke?"
"Mukha bang joke 'tong nangyayari?"
"May sinabi ba kong joke 'to?"
"May sinabi rin ba kong sinabi mo?"
"Gusto mo masabunutan ulit?"
"Try m-"
"Kalmahan niyo lang papalapit na yung mga ugat," pagpapatigil sa amin ni Rei. Nilingon ko tuloy ang tinutukoy niya at nanlalaking matang nagsalita. "Gago, tumakbo na tayo!" I exclaimed
Sinimulan ko nang tumakbo na sinundan ng dalawa. Hawak ko ang bato ng mahigpit upang hindi ko mabitawan. Ngunit biglang may pumulupot sa paa ko at inangat ako pataas.
Nabitawan ko ang bato "Shit! Yung bato!" I screamed. Pero natulala ang dalawa sa akin.
"Ano ba?! Nabitawan ko yung bato bakit kayo nakatulala dyan?!" sigaw ko sa dalawa
"Pink..."
"Polka dots..."
Saglit akong napakunot-noo sa sinabi nila. Pero agad nanlaki ang mata ko nang ma-realize kung bakit sila nagkakaganon.
"Mga gago bastos!" muli kong sigaw sa dalawa. Paano ba naman since nakalambitin ako sa ere yung palda ko bumagsak! Bwisit! Kita tuloy ang suot kong panty! Fck ba't ko ba kinalimutang mag-cycling?! Krazy Raisha
Natauhan ang dalawa nang sigawan ko ulit ang mga ito. Agad na kinuha ni Rei ang nabitawan kong bato bago pa makuha ng mga ugat ni Eri.
Biglang gumalaw ang mga ugat papalapit ka Eri habang nakalambitin pa rin ako. Fvck! Parang halos lahat ng dugo ko ay napunta na sa ulo ko.
Bumaliktad ang pwesto ko, ngayon naman ay nakapulupot pa rin sa akin ang mga ugat ngunit sa may tyan ko na banda at nakalutang pa rin ako. Napatigil ako sa pagbalikwas ng may biglang tumutok sa gilid ng leeg ko. It was a sharpened vine!
My hands are trembling with a sudden fear. I can feel the beads of sweat are forming in my head. "Give that back or I will take her life," nagbabanta nitong saad.
Rei is now holding the heart tightly with his bare hand. While K is on his guarding position. Mukhang naalarma ang dalawa dahil sa biglang pagsasalita ni Eri.
"Six calm down you're not your usual self," pagpapakalma ni K sakanya. Ramdam kong mas lalong nagalit si Eri sa sinabi nito dahil mas lumapit ang matulis na ugat sa gilid ng leeg ko. Isang maling galaw lang ay mamamatay ako nito.
"You think I'll be with my usual self when this is happening?! I feel betrayed Seven!" she screamed.
Humigpit ang pulupot sa akin ng ugat kaya napaungol ako sa sakit. Bwct kailan ba 'to matatapos?!
"Give me back my heart!"
Bigla akong bumagsak sa sahig pagkasigaw nito. Hiniwa pala ni K ang nakapulupot sa akin at dali-dali akong inakay papunta kay Rei.
"Did you destroyed it?" K asked
"Hindi, hindi kaya protektado ito ng isang mahika," sagot ni Rei.
"Fvck!"
Sa gitna nang mga nangyayari biglang may nagsalita sa aking isip.
"Cleanse..."
"Use it..."
Cleanse? Use it? Ano 'to?
Suddenly I looked at the heart and there's a urge telling me to touch it and say the word cleanse. I didn't fight it. So I get the heart on Rei's hand, they're looking at me intently with a confused look.
Pinagdaop ko ang aking dalawang kamay na parang nagdadasal at inilagay sa pagitang ng dalawang kamay ko na magkadaop ang bato. The heart of the sixth wonder.
"The vines are coming,"
"I don't know what Raisha's doing but let's protect her,"
Pinikit ko ang aking mata at inilapit ang pinagdaop kong kamay sa aking bibig. "With the blessing of the light, guide me as I cleanse this life," I said and then kiss my hands.
"Cleanse," I mentally said
There's a light coming from the stone engulfed all of us. Sa sobrang liwanag ay nabitawan ko ito at umatras.
Suddenly the whole area is like being suck by the stone. It's like a black hole, pulling all the things in this place.
"Nooo!" kasabay nang pag-sigaw ni Eri a tuluyan nang nahigop ng bato ang buong lugar. Biglang kaming bumagsak ng hindi inaasahan.
Nandito na muli kami sa cr. Agad akong tumayo upang tingnan ang dalawa.
"Ayos lang ba kayo?" unang nakabangon si Rei na hawak hawak ang kanang braso. Dinaluhan ko ito at tiningnan kung mayroon ba siyang sugat.
Inangat ko ang sleeves ng uniform niya at nanlalaking matang tiningnan siya pabalik. "Anlalim ng sugat mo! Saan mo 'yan nakuha? Mukhang ayos ka pa kanina,"
"Diyan lang, pagkabagsak natin may salamin na basag nabubog lang ako," he said
"Sige sige kailangan mong madala sa infirmary ngayo-teka na saan si K? K?!"
"I'm here, miss me already?" lumingon ako patalikod para makita ito.
"Mamatay na maka-miss sayo," I said and then rolled my eyes. Muli kong binalik ang tingin kay Rei at inakbay ang kaliwa nitong braso sa akin.
"Tara na," I said while looking at K
"I'm not going, I have a business here," he said. What business?
My forehead creased while looking at him "What? Why?" he asked
"Wala. Sige mauna na kami. Ano...ahm...mag-ingat ka," sabay iwas ko ng tingin. Ngunit hindi nakawala sa aking mata ang natutuwang ngiti nito. Tsk
Tuluyan na kaming lumabas ni Rei sa cr a dumiretso sa clinic. Mabuti na lang at walang nakahuli sa amin at hindi nagtanong ang nurse kung saan nakuha ni Rei ang sugat niya.
After the nurse cleaned his wound, she advised him to stay there for an hour for monitoring. So I was forced to get back at my dorm even if I want to stay on him.
Buntong-hininga akong pumasok sa dorm at dumiretso sa kama. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Ang daming nangyari. Akala ko sa mga fantasy books lang ako makakabasa ng ganito pero naranasan ko talaga mismo sa totoong buhay.
Bigla kong naalala ang ginawa ko kanina sa bato. Napaupo tuloy ako ng wala sa oras. Paano ko 'yon nagawa? At kanino o sinong boses ang nagsalita sa utak ko? Minumulto kaya ako? Pero kung ganon edi hindi namin masisira ang bato. Naguguluhan akong umiiling sa sarili.
Muli akong humiga, tsaka ko na lang siguro iisipin 'yon baka nga coincidence lang eh. Unti-unti ay nararamdaman kong bumibigat ang talukap ng mata ko hanggang sa tuluyan na nga akong pumikit.
Nakarating na ako sa tapat ng classroom at napakunot ang noo dahil sa ingay ng mga kaklase ko. I mean dati pa naman silang maiingay pero iba ngayon. Magkakasama lahat ng grupo na nabanggit ko. Anong meron?
Dumiretso ako sa upuan ko at namilog ang mata nang mapansing nakaupo sa tabi nito si Rei. Dali-dali akong umupo sa tabi niya.
"Kamusta?" bungad kong tanong. He looked at me and smile a little. "I'm fine...so far," he said. Tinanguan ko lang ito. "Ano palang meron? Bakit ang ingay nila?" tanong ko
"School festival?" he answered
"Yes! School festival!" I exclaimed. Biglang napatingin sa akin lahat ng tao sa classroom. Dahan-dahan tuloy akong napaupo dahil sa hiya.
I heard Rei chuckled. "Anong nakakatawa?"
"Wala naman...Pfft," pagpipigil nito ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"But why do you look excited?" he asked
"Wala kasi masyadong gagawin, makakapagbasa ako buong maghapon sa dorm," I answered
"Isn't that boring?"
"Kung boring edi sana hindi ako magiging excited sa school festival noh?" I said sarcastically
Ginulo nito ang buhok ko. "Eto naman laging galit nagbibiro lang eh,"
"Bakit mo ginulo yung buhok ko?!" reklamo ko na tinawanan lang nito. Tsk
"Good morning class,"
"Good morning Ma'am!"
"Wow, nakikita ko sainyo ang pagka-excited ha," natutuwang saad ng adviser namin.
"Today our agenda is to talk about the school festival. Though it's still next month but the early the better right?" she smiled
"So first I'll explain to you the what's the school festival. I know some of you knows it already but we have to transferee here so I'll explain it shortly,"
"The day of school festival is also the day that Kaden High is founded. So instead of calling it foundation day, the principal changed it to school festival. Magtatagal ang school festival nang isang linggo. Four days para sa mga activities, contest pageants and three days para makapag-ikot at makapagpahinga kayo,"
"So here's the schedule of it," nagsimula siyang magsulat sa blackboard. I can't help but to feel excited about it. After all paborito ko ang ganitong ganap sa eskwelahan.
"For the first day of the festival is the open ceremony. Magkakaroon ng intermission number but all of the section need to participate. So for your section I need two representative one girl and one boy, sinong may gusto?" she asked
"Reminder this is mandatory so I really need a representative from your section," she explained
Bigla na namang umingay ang buong klase. They're talking about who'll be the representative. Minute passed when the two of my classmates raised their hands.
"Okay so Mr. Romero will be one of our representative, isa na lang sa mga babae...Sino?" he's my classmate from dumb group.
Biglang tumaas ang isang kamay ng kaklase kong babae galing sa barbie dolls. "Ako na po Ma'am," she said softly
Ngumiti ang adviser namin. "That settles then. Mr. Romero and Ms. Salamanca will be your section representative. Your practice will start on next monday be sure to participate okay? And don't worry excused na kayo noon sa subject ko," sana ol, sana ol na lang talaga T_T
"Bakit nakasimangot ka?" nagulat ako nang may biglang nagsalita sa kanan ko. Si K!
Nakalutang ito na parang nakadapa at nakalagay ang kamay sa gilid ng kaniyang mukha.
"Bakit ka nanggugulat?!"
"Malay ko sayo, nasobrahan ka siguro sa kape?" kibit-balikat nitong sagot
"Bakit ka nandito?" tanong ko
"Hindi ba pwedeng na-miss lang kita?"
"Kahit kailan napaka-korni mo," biglang umubo sa tabi ko si Rei. Napunta ang tingin sakanya ni K at sumimangot ito.
"Bakit nandito 'yan?" tanong niya.
"Klase ko 'to bakit hindi ako magiging dito?" sagot ni Rei na inirapan lang ni K.
Muli itong tumingin sa akin "Don't forget your duty, madumi na ang library," he just said and then vanished to thin air. Hindi ko naman makakalimutan 'yon.
"For the second day, dito na magsisimulang magbukas iyong mga booths. So sa first day open ceremony lang wala masyadong gagawin. After the ceremony you can have your free time. Pero sa second day booths na. Any idea kung anong booth ang gagawin niyo?" she asked
Nagkatinginan ang mga kaklase ko. Someone from the nerd group raised a hand. "I suggest that we should do a cafe. But the twist is our product will be inspired sa mga sikat na K-pop groups ngayon or anime,"
"That's a good suggestion Mr. Lazaro since hindi pa ito nakukuha ng ibang section, may iba pa bang gustong mag-suggest?" in fairness ha gusto ko yung suggestion niya. Feeling ko makaka-attract kami ng madaming costumer non.
Umiling ang mga kaklase ko. "Okay so your section boot will be cafe. Now let's talk about what Mr. Lazaro said. What will be the theme of your cafe? Inspired by K-pop or anime?" she asked us.
Kung ako ang tatanungin mas magandang halo na lang. Madami kasing fan ng K-pop at the same time mga weebs or otakus.
Madaming nagtaas sa K-pop ganoon din sa anime. But someone raised a hand. "Ma'am what if pagsamahin na lang since madami namang fan nung dalawa?" everyone agreed. That's exactly what I'm thinking.
Tumango-tango ang adviser namin. "That's a nice idea every one agree naman diba?" she asked us na tinanguan namin.
"Okay so you're booth will be a cafe and your theme is both inspired in K-pop and anime. You'll have the rest of the weeks next month to prepare dahil ang school festival naman ay mangyayari sa huling week ng buwan, understand?"
"Yes, Ma'am!"
"Punta naman tayo sa third day. This day will be the contest day. Like singing contest, dancing, writing, and many more. Any volunteers to the said contests?"
Sunod-sunod na nagsitaasan ng kamay nila sa mga contest na binabanggit ng adviser namin. Habang ako naman ay bored na nakatingin sakanila.
"Singing contest na lang any volunteers?" our adviser suddenly asked. Bigla akong kinabahan.
"Wala? Hmm...magtatawag ako," tiningnan kami nito isa-isa hanggang sa dumako ang tingin niya sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin.
"Ms. Muehrey, I heard you've been part of the choir in your place before, are you interested? I hope you do because no one here does want to volunteer and this is also mandatory," she said while smiling.
Gusto kong sumimangot pero baka magalit pa ito. Matagal na akong hindi kumakanta kasi bigla na lang ako nawalan ng gana. I don't think I'll be fit in this competition.
She's still smiling on me and my classmates together with Rei are now waiting for my answer. By the look of their faces I think they're praying that I should say yes.
Buntong-hininga akong unti-unting tumango. "Okay po," I just answered.
Napapalakpak ito. "That's it! Ms. Muehrey will be our representative in singing contest. I hope you support your classmates by the day of the contest,"
"Dumako naman tayo sa pang-apat na araw. Dito magaganap ang pageant, so any representative?"
One of the girl in barbie dolls raised a hand. I think she's the leader of the group. "Okay, so Ms. Laveda will be your section representative. Any concerns? Clarification?" umiling kami
"The fifth and sixth day will be your free day which means you can do anything you want. And as for seventh day it will be the closing ceremony, all of you are required to attend understand?"
"Yes po,"
"Opo,"
Tumango ito "That's all for today goodbye class! Have a great day!" she bid us goodbye and we did the same.
"Magaling ka pa lang kumanta," Rei said
Umiling ako "Hindi naman sakto lang tsaka wag mo ko sabihan ng magaling baka maniwala ako," I chuckled na tinawanan lang nito.
May mga klase pa akong dapat i-attend bago makapunta sa library magdadala na lang siguro ako ng pagkain mamaya para hindi gutumin. Sana naman hindi ganoon kakalat sa lugar ni K. T_T
***
charmyxx
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro