Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Wonder 2 : Transferee

Nagising ako nang marinig na tumunog ang aking cellphone. Pupungas-pungas akong bumangon para kuhain ito. Nakita 'kong si mama pala ang tumatawag.

"Hello, Raisha anak!"

"Oh ma, napatawag ka?"

"Kamusta ka dyan? Wala namang nangyari sayong masama?"

Saglit ako natahimik. I wanted to tell her what happened yesterday. How I exchange my life and freedom to save others but no words came out of my mouth.

"Raisha?" napapitlag nang magsalitang muli si mama.

"Ayos lang po ako ma, kagigising ko lang din." sagot ko. Tumayo na ako sa higaan at nag-inat habang kausap pa rin si mama.

"Bilisan mo dyan at mag-almusal ka na Raisha,"

"Opo ma, maliligo tsaka magbibihis lang ako tapos didiretso na sa canteen." Ni-loudspeaker ko ang cellphone at nilapag sa lamesa para ayusin ang higaan.

"Nasaan po pala si papa? Si Ethan?" dugtong ko.

"Umalis ang papa mo may lakad. Sinabay na niyang hinatid ang kapatid mo sa eskwelahan."

Tumango ako. "Kayo po ma? Kamusta?"

"Ayos lang naman ako rito anak. Ikaw ang umayos diyan ha."

"Ay opo naman ma anong akala niyo sakin pasaway?"

"Hindi naman, pasaway na pasaway lang." she chuckled.

"Korni mo mama ha." At sinabayan ko ito sa pagtawa. After a few minutes, she ended the call saying that her kumare is calling her. I already miss her, them.

It's already 7 am and my class will start at 8 am sharp. But before that, I still need to go to the canteen to eat my breakfast.

I quickly grabbed my towel and then enter the cr.

After doing kinds of stuff on myself I locked my dorm and headed to the canteen.

Habang naglalakad ay iniisip ko kung pupunta ba ako mamaya sa library. Hanggang ngayon kasi ay hindi ako makapaniwala na nangyari lahat ng iyon. That's just a dream right?

But this tattoo is evidence that it is not a dream. I sighed.

I reached the canteen and ordered my food. Habang kumakain ay hindi ko mapigilang pagmasdan ang paligid. All the students are busy eating their breakfast while greeting their friends with a good morning. They all look happy. I sad smile formed on my lips

I think I was like that at my previous school. But yeah not anymore because we transferred here.

Habang inaalala ang mga nakaraan ay hindi ko namalayang naubos ko na pala ang kinakain ko. Nilinisan ko ang lamesa at nilagay ang pinagkainan ko sa dropping station ng canteen.

Nang marating ko ang classroom ay agad akong naupo sa upuan ko. May mga ilang minutes pa ang lumipas ngunit wala pa rin ang adviser namin. Kaya muli ko na namang pinagmasdan ang paligid.

Actually ako lang ata ang nakaupo rito dahil lahat ng mga kaklase ko ay nasa harapan.

Kanya-kanya sila ng grupo. Sa harapan ko ay mga Barbie dolls. Well, yan ang tawag ko sakanila dahil walang araw na hindi nawawala sakanila ang make-up, designer bags, and clothes. Syempre pati ang pagsasalita ng conyo ay nasa kanila na rin.

Sa gitnang parte naman ay mga matatalino or mga nerds. One time narinig ko yung mga usapan nila at mga banat na may mathematical equation at jusq talaga namang nakaka-nosebleed. Parang mas gusto ko na lang umiyak kesa marinig ang banat nila. 

At sa kanang parte ko naman ay yung mga lalaking maiingay. Nagpupustahan pa ata ang mga ito. I call them dumb because they all look dumb for me. Kung ano-ano kasing kalokohan ang ginagawa at napakaingay. Kung sasawayin mo naman sila pa itong galit. Sarap batukan eh!

Ako lang ata ang normal dito. Hays

"Good morning class! I'm sorry I'm late." Napatayo kaming lahat ng biglang pumasok ang adviser namin.

"Good morning po," we greeted.

Pinaupo na kami nito bago magsalita. "I'm late because I fetch your new classmate. Please come in."

Pumasok ang lalaking katulad namin ay nakasuot ng uniform at may dalang arnis I think? Matangkad ito at kulay brown ang buhok na may onting highlights ng blonde.

Pumunta ito sa gitna at nagsalita. "Uhm, hello! I'm Rei Valdez, 18 years old. Nice to meet you all." nahihiya nitong pakilala.

The Barbie dolls seem to fantasize about him. Well, he's handsome I can't deny it. But he's more handsome-wait bakit ko biglang naisip ang bastos na iyon?

"You can now sit Mr. Valdez. Kahit saan."

Napasimangot ako nang mapili niyang maupo sa tabi ko. Napilitan tuloy akong alisin ang bag ko sa upuan na iyon. Tsk.

"Hi! I'm Rei." he extends his hand while smiling.

"Raisha." I flatly said while eyeing the seat he occupied and then accepting his hand.

Nang magsimulang magdiscuss ang adviser namin itong katabi ko ay halatang nag-e-enjoy sa discussion habang ako ay bored na bored dito. Boring naman kasi talaga ang subject ng adviser namin, philosophy. Well, para sa akin oo ewan ko lang sakanila.

Another thing is ayaw ko din talaga 'tong subject na ito dahil nagtatawag siya, ampangit kabonding ni ma'am.

But I think this is the best dahil ayoko pang pumunta sa library.

Natapos ang dalawang klase na puro hikab lang ang ambag ko at minsan tawa kapag nagpapatawa ang teacher namin. Iniisip ko kung mag-aaral pa ba ko o tatawa at hihikab na lang.

Tamad akong tumayo sa upuan at naglakad papuntang canteen. Paalis na sana ako ng classroom ng may biglang nagsalita sa likod ko.

"Puwedeng sumabay?" tanong sa akin nung transferee. Dahil mukhang wala pa talaga itong kakilala at mukhang ako lang ata ay tumango ako at hinayaan siyang sumabay sakin.

Sabay kaming naglakad papuntang canteen. "So Raisha can I call you Rai?" tanong niya. Tiningnan ko siya saglit bago sumagot. "Sure!"

"Cool isn't it? They call me Rei while I call you Rai bagay hindi ba?"

"Korni mo pare." I replied.

He chuckled. "Just kidding ang tahimik kasi ng atmosphere natin."

Hindi ko namalayang narating na pala namin ang canteen. Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang lugar para makahanap ng bakanteng upuan hanggang sa madako ang paningin ko sa kumakaway na babae.

She's Stella Amethyst. I thought amethyst was her second name but I was wrong it was her surname. Ever since my first day here, she's been the one who approached me. Even though we're not in the same section she doesn't forget to join me every break time.

She's very kind, sweet and soft. Yung tipong hindi makabasag ng pinggan at sobrang hinhin pa ng boses. But when she's with me lumalabas ang jolly side niya. She's also famous here and has a lot of admirers and friends.

But I still don't consider her my friend but I also consider her my friend. Gulo noh, pero that's what I feel.

Agad akong naglakad papunta sakanya dahil doon na lang ang bakanteng lamesa. Mabuti na lamang at nireserba niya ako.

"Hi Raish-Sino siya?" she politely asked.

"I'm Rei Valdez a transferee, sumama lang ako kay Rai dahil siya pa lang ang kakilala ko." he extend his hand and smiled

"Oh, I see, nice to meet you Rei! I'm Stella, Raisha's friend." she accepts his hand.

Matagal pang nagtitigan ang dalawa. I rolled my eyes. "Are you just gonna stare each other there for a long time? Sabihin niyo lang, gusto ko na kasi kumain." I said.

Agad nawala ang pagtititigan nila. "Eto namang si Raisha panira!"

Kung akala niyo na sobrang hinhin nito ay nagkakamali kayo, nabudol na rin ako niyan dati. 

"Ako na mag-o-order ladies anong sainyo?" Rei interrupted.

"Sandwich tsaka juice na lang. Thanks!" Stella said.

Tumingin sakin si Rei "Ganon din pero tubig." Akmang iaabot ko ang bayad sakanya nang tumanggi ito. Libre daw niya. Natuwa naman ako dahil libre na lang ang bumubuhay sakin sa panahon ngayon. HAHAHA

Nang makaalis ito papuntang counter ay siya namang mahinang pagtili ni Stella sa tabi ko. Kunot noo ko itong tiningnan.

"Bakit ang gwapo niya Raisha?"

"Kasi hindi siya pangit?" I answered.

Hinampas ako niya. "Ano ba yan Raisha ang saya mo talaga kausap 'no?" sarkatisko niyang sambit.

"Slight lang." she rolled her eyes. I chuckled.

Mabilis nakabalik sa amin si Rei ika niya ay kaunti na lang ang pila kaya ganoon. Nagsimula na kaming kumain nang magsalita si Stella.

"Ay alam niyo bang natagpuan na si Melissa kaninang umaga?

"Saan?" tanong ko.

"Sa labas ng library, natagpuan siyang walang malay ng mga staff."

"Melissa? Bakit anong nangyari?" Rei asked.

"Ay oo nga pala ngayon ka pa lang naano dito. Nawala si Melissa dahil pumunta siya sa isa sa mga seven wonders dito sa kaden high." she explained.

"Seven wonders?"

"Yep. Pumunta siya sa libray noong nakaraang araw. Bigla siyang nawala at nalaman nilang sa library ang huling punta nito kaya inisip agad nila dito na kinuha siya ng seventh wonder."

"Ang seventh wonder ay nasa library, tinatawag nila itong 'The Depths of library' dahil kapag pumunta ka rito nang saktong ala sais may lilitaw na pinto at may magpapakita sayong halimaw at kukuhain ka." medyo may alangan ito sa pagsabi at may bahid ng takot ang mata.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil mismong ako ay nakausap ang nilalang na iyon. Ang pinagkaibahan lang ay hindi ako nito kinuha at hindi ko nakita ang itsurang tinutukoy ni Stella at iba pa.

For a moment I saw Rei lose his smile and become serious. But when he noticed my gaze he immediately smile.

"Mabuti naman at nakita na siya." sinabi ko na lang.

"Ano pa ang ibang wonders?"

"Well, uhm, hindi ko sila kabisado lahat eh pero bukod sa seventh wonder may alam pa kong isa."

"Ano?"

"Sixth Wonder, 'The Wishing Room'. Ang sabi nila sa college building ay mayroong cr kung saan pwede ka magwish."

"Sa cr talaga?" I asked. I mean sinong magwiwish sa cr? Pwede naman sa mga classroom, cr talaga?

Ngumiwi ito. "Yep. But I don't know if it's true or not kasi wala pa akong nababalitaang may nagwish doon. Nalaman ko lang 'yon dahil may nakapagsabi sa akin mula sa college building." she explained.

Napaisip ako kung maaari akong humiling na mawala ang bond o kontrata sa pagitan namin ni K? I just don't want to stay like this. I don't want to be his maid for a lifetime. I want to break free from his damn contract.

"Paano daw hihiling doon?" Rei asked.

"Hmm...may sasabihin ka raw na pangalan eh tapos kakatok ng tatlong beses.. I think her name is Eli? Emi? Uh, no it's Eri!"

"Paano? Just say her name and viola matutupad na yung wish?"

"Hmm, hindi ko na alam eh 'yon lang yung nasabi sa akin." Tumango ako

***

Time really flies fast. Uwian na at heto na naman ako katulad kahapon ay patungo sa library.

Maaga kaming pinauwi ngayon dahil may meeting daw ang mga teachers. Hindi ko na rin nakita si Rei paglabas ng pinto. I thought he'll approach me.

Matapos ang break time kanina hindi na mawala sa isip ko ang sinabi ni Stella. Napatunayan kong totoo ang seventh wonder, maaring totoo rin ang sixth wonder. The question is should I really go there or not?

My other side says no because there might be danger I'll face but the other one says yes.

Like I said I want to break free from that contract. Kasi hindi naman dapat mangyayari iyon, pumunta lang ako roon para tingnan kung totoo pero hindi naman kinaya ng konsensya ko na iwan ang mga taong kinuha niya. Heto tuloy ako at namomoblema kung paano makawala.

I sighed when I reached the library. There's still a lot of students here unlike yesterday. I'm not sure kung magpapakita yung pinto dahil nagpakita lang ito kahapon ng mag ala sais. Kibit balikat kong inakyat ang second floor.

Pagkaayat ko ay hinanap ko yung pinto pero wala ito dito. Paano ito? Hindi ako puwedeng umuwi ng late katulad kahapon. Hindi na naman ako makakakain ng hapunan kapag nagkataon.

"Bakit ka nakatulala diyan? Madami kang lilinisin ngayon." Napatalon ako nang may bumulong. Nilingon ko ito at nakita si K.

As usual, he's smiling brightly. I rolled my eyes. "Nasaan ang pinto?"

"It will not appear now because it's not yet six pm. Come I'll show you the way."

Nagtungo kami sa kanang dulo ng parte ng shelves. May medyo kalakihang painting ang nakadikit sa pader. May kinalikot na kung ano si K dito kaya nagulat na lang ako nang may nagpakitang lagusan. A secret door!

Bahagyang namangha ako dahil dati ko pang pangarap makakita ng ganito sa totoong buhay. Tuwing nagbabasa ako ng mga nobela ay laging may ganitong eksena. Kaya simula noon ay gusto ko na itong maranasan.

Sumalubong sa akin ang madilim na daanan pumasok na roon ang bastos kaya sinundan ko siya.

Napaigtad ako nang biglang sumarado ang lagusan, mas lalo tuloy dumilim dito. Yung dilim na as in wala ka talagang makikita.

"You can hug me if you want." he playfully said.

"Mamatay na yumakap sayo."

"Yes, mamamatay sa kilig."

"Tsk. Di mo sure." Iritable kong sagot.

"Well if you say so... ikaw rin baka may biglang humawak sayo."

Natigilan ako sa sinabi niya, hindi ko itatanggi na takot ako sa dilim pero mas maigi nang mamatay dito sa takot kesa humawak sa bastos na to.

Nagsimula akong maglakad. "Wala bang ilaw dito?"

"Ilaw? Kailangan ba yon? Kita ko naman ang daan."

"So tingin mo kita ko rin?" I sarcastically said

"That's why I'm telling you that you can hug me or humawak man lang sa'kin."

"Sinong niloko mo?"Sa tingin ko ay may maitim itong balak kaya niya ako pinapayakap o hawak sakanya. This damn perverted ghost!

Matapos ko iyong sabihin ay namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi ko tuloy mapigilang pansinin ang paligid. Napakadilim talaga rito at ang hirap maglakad. Nakahawak ako sa dingding para naman masuportahan ang sarili.

Napatigil ako ng maalalang dala ko pala ang cellphone ko at may flashlight ito. Minsan talaga ay mapapahamak ako sa kabobohan ko. Hays.

Tumigil ako saglit sa paglalakad para kuhain ang cellphone sa bag pero biglang may naramdaman akong kumakaluskos sa gilid.

Bumilis ang tibok ng puso ko na sinabayan ng pagkataranta kaya noong nakuha ko na ang hinahanap ko ay nadulas ito sa aking kamay.

"Shit!" I panicked.

I bend down my knees to find my phone in the ground. Nakailang kapa pa ako bago ko ito mahawakan. Nakahinga ako ng maluwag nang mahanap ko ito. Binuksan ko na ang flashlight. Pero kasabay nang pagbukas ko ay siyang may humawak sa...sa-

"Bastos!" he's holding my ass!

Agad akong tumayo at tinapat ang flashlight dito. Inosente itong tumingin sa akin.

Dali-dali akong lumapit dito at hinila ang buhok. "Apaka bastos mo talagang kingina ka gago!" Gigil kong hila sa buhok niya.

"A-Aray Raisha! B-Bitawan mo buhok ko! M-Masakit." maluha-luha nitong pagmamakaawa. Sinong tangang bibitawan ang buhok ng bastos na 'to?

"Hindi kita bibitawan hangga't hindi tayo nakakarating doon!"

"Raisha!" He exclaimed.

"Tara!" Hila ko sa buhok niya.

He lead the way while I'm still holding his hair. Medyo nakaangat ang kamay ko dahil nakalutang ito. Niluwagan ko na rin ang pagkakahawak sa buhok nito pero hindi ko pa rin binitawan.

Finally after ng ilang minutong paglalakad ay narating na rin namin ang library nito. Katulad kahapon ay makalat ito at madaming alikabok. Kung sa labas nitong kwarto na ito ay punong puno ng mga alikabok, mas marami dito.

Binitawan ko na ang buhok niya at nilibot ang sarili sa lugar. "Fvck kala ko mauubusan na ko ng buhok." I heard him mumble. I chuckled a little, enough from him not to hear it.

Binaba ko ang aking bag sa isang bakanteng upuan at tinalian ang buhok.

"Nasaan ang panglinis?" tanong ko.

Tinuro niya kung saan ito na agad kong kinuha. Sa dami ng kalat na mayroon dito tingin ko ay hindi ko ito matatapos ngayon.

Tiningnan ko ang relo ko, 4:30 pm pa lang at may dalawang oras pa ako para maglinis.

Sinimulan kong pulutin muna ang mga kalat na nasa sahig at tsaka nilagay sa basurahan. Pagkatapos non ay winalisan ko ang mga natitirang dumi at alikabok.

I saw him in my peripheral vision sitting on the chair, feet up on the table while reading a book.

Itutuloy ko na sana ang paglilinis when something reminds me. The sixth wonder.

"So...bakit may seven wonders ang Kaden High? I asked.

Nakita kong nawala ang tingin nito sa binabasa niya. "It's better for you not to know." 

"Why?" I curiously asked.

"You wouldn't want to be involved." Bakit? Hindi pa ba ako involved? I have a contract with you!

"Hindi pa ba ako involved sa lagay na 'to?"

"Your business is only with me so in short you're only involved in the seventh wonder."

Bumuka ang bibig ko ngunit sinira ulit dahil wala na akong masabi.

"Then tell me at least one of the wonders," I said. Not breaking the stare in his eyes.

Tumaas ang dalawang kamay nito. "Okay fine, which one?"

"Hmm, the sixth wonder," I said. Biglang sumeryoso ang mukha niya.

"Don't ever think of going there Raisha, I'm telling you it's not what you think." nagbabanta nitong sambit.

"What are you saying? Curious lang ako."

He sighed. "Just don't go there. And hindi ko pwedeng sabihin sayo kung ano ang ginagawa nang ibang wonders at kung anong mangyayari kapag na-encounter mo ang isa sakanila. The only thing I can tell you is don't go there and the remaining wonders. It's better for you to go here, only in seventh wonder."

Napakunot ako ng noo. " Bakit hindi mo pwedeng sabihin?"

"There's a rule that binds us together, one of the rules states that we should not tell to others what's happening in each wonder. Now that I answered all of your questions, continue what you're doing." he ended the conversation.

Tumango na lang ako at hindi sumagot sakanya. I'm not convinced, mayroong bahagi sa aking hindi naniniwala pero meron ding naniniwala. He's warning me not to go there. But I can't missed the opportunity. Kapag nakahiling ako doon ay mawawala na ang kung ano mang koneksyon sa aming dalawa.

Tinuloy ko ang paglilinis hanggang sa mag alas sais na. Tinabi ko ang mga gamit na ginamit ko kanina at pinunasan ang sariling pawis.

Muli kong tiningnan ang relo at saktong alas sais na. "Pwede na ko dumaan sa pinto?" tanong ko.

Tumango ito

"Sige, alis na ko." Paalam ko.

Binuksan ko ang pinto at akmang isasara ko na nang muli itong magsalita. "Raisha, I'm telling you don't ever think of going there." he warned.

"O-Okay." Alangan kong sagot.

Ano bang meron sa sixth wonder? Bakit pinagbabawalan niya akong pumunta doon?

***

charmyxx

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro