Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Wonder 14 : Hypnotize and Deep sleep

It's creepy smile sent shiver down our spines. Katulad nang mga nakaraan 'kong encounter sa seventh at sixth wonder ay talagang nanindig ang balahibo ko sakanila. Magmula sa seventh wonder na kinontrata ako hanggang sa sixth wonder na hinilingan ko para mawala ang kontrata sa pagitan namin ni K. But it turns out ako pa 'tong napahamak. Me and my curiosity. Napailing ako.

"Rei, what are we gonna do?" nag-aalala kong tanong.

"Just stay still. I'm here don't worry." comforting me. I didn't budge nor complain. After all I trust him. Simula nang iligtas ako nito sa sixth wonder ay napatunayan kong mapagkakatiwalaan talaga siya.

Pinapakalma ko sa tabi si Stella. Maging ang mga kasama nito ay hindi na rin makapagsalita. Ang kaninang mapaglarong si Kolas ay tahimik na. Si Ian naman ay makikita mong may takot na sa mata. Samantalang si Mikey ay ganon pa rin, walang reaksyon. Ano kaya ang nasa isip 'non? Habang si Freia naman ay naglalakad papalapit kung nasaan ang fifth wonder ngayon.

Teka, bakit siya lumalapit?!

"Freia!" sabay na sigaw nila Stella at Ian.

"What are you doing Freia?!" Kolas said in a frustrated voice.

"She's hypnotized." napatalon ako nang may biglang nagsalita sa likod ko malapit sa tenga.

Sino pa ba ang mahilig gumawa ng ganito? Malamang si K.

"Glad you're here." Rei replied through low voice because Stella might hear him.

K rolled his eyes. "Whatever."

"How did you know we're here?" nakakunot-noo kong tanong.

"Our bond, did you forget?"

Ay meganon? Charot.

Bago makasagot ay sumingit na si Rei. "What do you mean by hypnotized?" he asked

Nanatili ang maririin na tingin sa akin ni K ng ilang segundo bago mapunta kay Rei. Makatitig kala mo may ginawang masama. Sabunutan kita eh char.

Stella still doesn't have an idea even if she's just right beside us. After all she's busy by getting Freia's attention.

Hindi na lang ako nakisali sa usapan nila dahil baka sa pagkakataong 'to mahalata ni Stella.

The fifth wonder is still playing the piano. While Freia is now beside him. Her eyes is not the same anymore. Her expression is also blank too. Bakit sa lahat ng tao dito siya lang ang na-hypnotize?

"Hypnotism is his ability, he can control anyone by just playing any instruments especially piano," he explained

"Pero bakit si Freia pa lang ang naaapektuhan?" kunot-noo kong tanong

"Because she have a weak heart,"

"Weak heart?" I asked once again.

"Yes, we all know that every humans are hiding weakness deep in their hearts. Malay mo may nangyayari sakanya ngayon, maybe she's vulnerable right now that's why she's the first one affected by Fifth's ability."

"What about us?" singit na naman ni Rei. Hulaan ko siguro noong mga elementary days nito mahilig siyang sumingit. Buti na lang hindi ako ganon. Char.

"Us? Do we have us?" tugon naman ni K.

"Ehemz, bromance," tikhim ko

Napalingon sa akin ang dalawa at tiningnan ako ng masama. "What?" patay-malisya kong tanong, pinipigilang matawa sa ganitong sitwasyon.

"Nicolas! Anong nangyayari sa'yo?!" tsaka ko lang napansin na wala na pala sa tabi ko si Stella.

Kolas is now walking towards the fifth wonder. Just like Freia's eyes his eyes is also blank too. Parang robot ito na walang pakiramdam at tila naglalakad lang sa kawalan.

"We'll be like them if we don't stop Five. I mean they'll be like them," K continued

"They? Meaning sila lang maaapektuhan?"

"Yes? I think? or maybe not,"

"Huh? Gulo mo!" Batok ko rito.

Hinawakan nito ang ulo at mangiyak-ngiyak na tumingin sa akin. "Masakit!" ang OA ha!

"Ang gulo mo kasi eh!" mariin kong bulong.

"Ayos kasi!"

"Eto na nga oh!"

"We'll not be like them because as far as I know Rei's staff can protect us. Your talisman can be a help too."

"And?"

"We'll be like them if Rei cannot hold it until we can get outside the wonder."

"What do you mean by we? Pati rin ikaw? I thought-" naguguluhang tanong ni Rei.

"We, ba sinabi ko?"

"Ano ka ba lutang?"

"Sorry na! Kayo lang pala," he added

"Edi makakaalis tayo rito? Paano sila Freia at Kolas?"

"Hindi natin sila mababawi ngayon. Kapag mas lalo pa tayong lumapit matutulad kayo sakanila,"

"Then we should get going. Habang hindi pa sila na-"

"Ian!" we turned our heads as we heard a loud scream again from Stella's mouth. I moved my face to the direction she's looking at. It was Ian. And just like Freia and Kolas, he was walking mindlessly towards the fifth wonder.

Sinundan ito ni Stella at hinila ang kamay. "Stella!" nag-aalalang tawag ko rito.

Walang reaksyong napatingin ang mga walang buhay na mata ni Ian sakanya. "Ian, anong nangyayari sa'yo?!" she said desperately.

Walang nakuhang sagot si Stella mula sakanya sa halip ay binalik lang nito ang tingin sa fifth wonder at nagpatuloy sa paglalakad.

The fifth wonder is still playing the piano. The only difference is it's more irritating to hear because of its strange tones. Habang patagal nang patagal ang pananatili namin dito ay nakakahilo ang tunog na nanggagaling sa pagtugtog niya.

"We should move," aniya ni Rei sa seryosong boses.

He let his staff out from his bag. While I'm just holding my bag containing the white talisman in case of emergency.

K released his dagger, the one he's always using and put it inside his hoodie. "Go get frog and the boy now," he said with an authorative voice.

Kikilos na sana ako nang ma-realize ang sinabi nito. Frog?

"Frog?" takha kong tanong.

"Yes frog, the one you're calling Stella," he said in a bored tone.

Napanganga ako sa sinabi nito. At kailan pa naging frog si Stella? For sure kapag narinig niya ito ay aawayin niya si K. Jusq

Umiling na lang ako at hinayaan ito. Niyaya ko na si Rei upang puntahan sila Stella at Mikey. Didiretso sana ako kay Stella nang sabihin ni Rei na siya na.

Sabagay baka mas madalian nga siyang yayain paalis si Stella kaysa sa akin. Kaso bakit naman kay Mikey pa ako napunta? Ang sungit nito! T_T

"U-Uh...hi?" I said.

Agad naman itong lumingon sa akin. Kunot-noong nakatingin. Para naman naghahamon ng away. Jusme.

"We should a-ano...alis na here," kabado kong sambit. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Usually kasi kapag kumakausap ako ng hindi kakilala makapal mukha ko. Charot.

Pero nakaka-intimidate talaga ang isang 'to sarap batukan. Charot ulit baka mamaya kainin niya ako ng buhay.

Pinilig ko ang ulo sa mga naiisip. Nasa kalagitnaan na nga ng problema naisip ko pa magloko. Jusme ka talaga Raisha.

"Alis na tayo," muli kong sambit ngunit nakatingin pa rin ito at hindi nagsasalita. Gusto kong sabihin kung pipe ba siya kaso baka mamaya anak pala 'to ng mafia boss tapos ipapatay ako. I mentally laughed because of my thoughts.

"Are you crazy?" he suddenly speaked. Wow! Nagsasalita pala ang isang 'to?

Tsaka what's wrong with this man? Ang ganda ko naman para tawaging crazy. Hindi niya ba ma-appreciate 'yon?

The music from the piano is starting to get violent. My ears are hearing sharp tunes too. It hurts.

"Tara na," muli kong yaya dito ngunit nakatingin lang ito sa akin at hindi na naman nagsasalita. Plano niya bang mag-stay dito? Kasi kung oo edi wow. Char

At dahil nga hindi na naman ito nagsasalita ay hindi ko na mapagilan ang aking sarili. "Estatwa ka ba?"

"Do I look like a statue?" pambabara nito. Aba! Nagsalita na rin! Binara pa ako walangya.

"Nagsasalita ka naman pala eh. Tara na umalis na tayo rito," hihilain ko na sana ito nang biglang sumigaw si Rei.

"Raisha! Si Stella!" napalingon ako dito at tiningnan ang tinutukoy.

Stella is now just like them. Fvck!

Mabilis kong hinila si Mikey. Hindi kami pwedeng magtagal dito dahil baka matulad kami sakanila.

Nagkatinginan kami ni Rei at nagtanguan. He formed a barrier from his staff by swinging it back in forth. While I'm still holding Mikey and gripping my bag where the talisman is located. And K is behind us.

The fifth wonder suddenly stopped playing the piano. "Where do you think you're going?" anang nito sa isang batang boses.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. His voice is like a child. I mean he's really a child. Kung titingnan ay talaga mga nasa twelve years old lang ata ito.

"So it's true, you're helping a human and an exorcist...Seven," his icy yet little voice echoed the whole theater.

K didn't say a word. Instead he stare at him intently and turn his back. "What are you doing? You supposed to help me to get them." mariing sambit nito.

"Why would I?" balik na sagot ni K.

"Because you should,"

"Sino ka ba para utusan ako?" nang-iinis nitong sagot

"I'll let One know this, mark my words Seven." he said with a greeted teeth. Jusq na bata 'to. Nakakatakot!

I saw K smirked. "We'll see five, we'll see."

Mikey doesn't have an idea who's the fifth wonder talking to. Of course he wouldn't. No one sees K beside us and the wonders.

Imbes na sagutin ang sinabi ni K ay muli itong nagpatugtog ng piano. I heard K cursed under his breath. Kumalabog naman ang dibdib ko. Something's wrong.

"A-Ano? Anong nangyayari?" kinakabahan kong tanong.

Suddenly an erotic and smooth music entered our ears. It wasn't violent like before instead it is more like a lullaby. Lullaby that is sang for babies. It's like making us to go to the bed and sleep.

"Parang inaantok ako." Hikab ko. Nabitawan ko si Mikey dahil sa nararamdaman. Bakit naman bigla akong inantok? Sa kalagitnaan talaga ha.

"Inaantok din ba kayo?" tanong ko sa dalawa habang papungas-pungas ng mata. Nanlalabo ang paningin ko habang nililingon kung nasaan si Mikey. Kailangan na naming makaalis.

Nakarinig ako ng kalabog na parang may bumagsak sa aking likod. Nanlaki ang mata ko ng makitang si Mikey ito. Agad ko itong dinaluhan at tinawag ang dalawa.

Pero habang tinatapik ito ay ang pag-ikot ng paningin ko. Ano ba talagang nangyayari? The fifth wonder is still playing the piano, habang patagal nang patagal ay parang gusto ko na talagang matulog.

I saw Rei and K approaching us quickly. He's swaying his staff but I can see difficulty in his face.

"Bumagsak siya," sambit ko nang makalapit ito.

"Kaya mo pa ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Rei.

Dahan-dahan akong tumango. "Faster, we need to get out or all of you will put into deep sleep." pagmamadali ni K

Sa kabila ng pagka-antok ay nagawa ko pang magtanong. "Deep sleep?"

"Yes, the one he's playing right now will make you into deep sleep. It's his another ability," sagot niya.

What? Hindi nga ako na-hypnotize pero naaapektuhan naman ako ng isa niyang ability? Krazy.

Kaya pala inaantok ako? Pero bakit hindi naaapektuhan si Rei?

"Bakit si Rei?"

"I am affected too, but I'm with my staff. So no need to worry." he said. But still I can see that he's having a hard time.

Tanging tango na lamang ang sinagot ko. I motioned my hands to Mikey telling them to pick him up so that we can get out of here.

Nang maakay na nila ito ay inalalayan naman nila akong tumayo. Kumapit ako sa balikat ni K at medyo pina-una sila. Nang makalapit sa pinto ay agad nila itong binuksan. Naunang lumabas si Rei habang akay si Mikey sumunod naman si K.

Ngunit nang ako na ang lalabas ay bigla akong napapikit dahil sa pagkahilo. The next thing I knew is they're calling my name and everything went black.

***
charmyxx

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro