Wonder 10 : Student Council's former President
"That's all for our today's class, you may now take your break." our teacher in philosophy said as she gathered her things and then walked out of our classroom.
Nagsitayuan na ang mga kaklase ko ganon din kami ni Rei. Habang inaayos ang gamit ay biglang sumagi sa isip ko kung ano yung ginawa ko sa puso ng sixth wonder.
K said that it is easy to break because it's like a glass pero bakit nahirapan si Rei na sirain ito? Anong mahika ang sinasabi ni Rei na nakabalot doon? Another mystery to solve is the voice I've heard that time. For some reason it was very familiar.
"Rai? Ayos ka lang? Kanina ka pa tulala dyan," rinig kong saad ni Rei ng makabalik ako sa ulirat. I gave him a small smile before fixing my things again.
"I'm fine, let's go?" I asked him. Tumango ito.
Pagkadating sa canteen ay as usual hinanap ng mata ko si Stella. Sa mga nakalipas na araw ay siya ang lagi kong kasama lalo na kapag break time. Kahapon lang siguro hindi kami nagkasabay may ginagawa siguro?
But anyway sa mga araw na iyon ay hindi ko itatanggi na naging komportable na ako sakanya. It's like we're sisters sometimes. Kung dati ay ilag ako dito dahil sa trust issues ko sa mga dati kong kaibigan ngayon, I can say that little by little I'm conquering it.
Nang madating ang lamesa ay nanlalaki ang mata nitong nakatingin sa likod ko. I sighed, bago ko pala makalimutan she confessed to me that she have a crush on Rei.
"Ay Rei! Buti naman pumasok ka na!" bungad niya nang makalapit kami sakanya. Kita ko ang kaunting pagpula ng mukha nito. Juiceko kilig na kilig ang babaeng 'to.
"Ah...oo may inasikaso lang," saad ni Rei sabay kamot sa batok. Agad na tumayo si Stella para bigyan ito ng mauupuan. Seriously?
"Uhh...ako na nakakahiya,"
"Ano ka ba ayos lang! Tsaka eto na oh nakuha ko na,"
"Salamat,"
"Nasaan yung sa'kin?" Singit ko
"Nandon oh kumuha ka na lang," turo nito sa kabilang lamesa. Tingnan mo 'tong babaeng 'to dumating lang si Rei kinalimutan na ko.
Nakasimangot akong naglakad papuntang kabilang lamesa at kinuha ang upuan bago bumalik sakanila.
"So Rei ano ba yung ginawa mo?" Rinig kong tanong ni Stella pagka-upo ko. Bigla kaming nagkatinginan ni Rei ngunit agad ding umiwas ng tingin.
"Ahh...ano tungkol lang iyon sa pamilya namin,"
"Ahh ganon..." Tango-tanong sagot ni Stella.
"Eh ikaw? Kahapon hindi kita nakasabay ha, anong ganap mo?" singit ko.
"Kahapon lang naman ah eto naman miss mo agad ako?" she chuckled
"Hindi lang ako sanay na walang maingay sa tabi ko." sagot ko na kinasimangot niya.
"Kahit kailan ka talaga Raisha!" reklamo niya na tinawanan ko lang
"Pero kasi busy ako kahapon mayroon pinapagawa sa amin si Ms. Saveda sa theater room." buntong-hininga nito. "Tsaka mahirap rin talaga maging parte ng student council," dagdag pa niya
"Part ka pala ng student council?!" gulat kong tanong
"Ay gulat na gulat? Parang hindi estyudante ng Kaden High?"
"Emz sorry na lumilipad isip ko."
"Nako Raisha, so ayon na nga Ms. Saveda pointed us to decorate the theater room dahil may event daw sa Monday," she said.
"Bakit hindi mga taga theater club ang gumawa non?" Tanong ko
"Nagpa-practice kasi sila doon sa gym kasi nga diba may event,"
"Tapos? Anong meron?"
"Didn't you know? The fifth wonder resides in the theater room,"
Nagkatinginan kaming bigla ni Rei. I promised to myself that I will never be involved to another wonders again.
"Tapos?" I asked
Bumuntong-hininga ito. "Recently nagiging active na naman ang mga wonders. Diba noong nakaraan lang ay nakuha si Melissa ng seventh wonder? Mabuti na lang at natagpuan pa siya ulit," bigla itong napatingin sa akin.
"Diba pumunta ka sa sixth wonder?"
Bigla akong nawalan ng salita sa sinabi nito. Should I say what happened? Mukha namang mapagkakatiwalaan siya. I was about to open my mouth when someone hit me. "Aray!" usal ko ng malakas dahil sa sakit. Tiningnan ko ng masama si Rei. Bwct na 'to!
"Anong aray? May masakit ba sayo Rai?" nag-aalalang tanong sa akin ni Stella.
Muli kong tiningnan si Rei na pinanlalakihan ako ng mata ngayon. "A-ah w-wala t-tumama lang yung paa ko sa ilalim ng lamesa. Ini-sway sway ko kasi...hehe," palusot ko dito.
"Pfft.." rinig kong pagpipigil ni Rei ng tawa sa tabi ko. Mamaya 'to sakin!
"Baliw! Anong sway sway? LT ka talaga minsan Rai!" saad ni Stella sabay tawa. Ang kaninang pagpipigil ni Rei ng tawa ay lumabas na. Masama kong tiningnan ang dalawa.
"Mga gago!" sabay irap sa dalawa.
"Tawa-tawa kayo dyan wala pa tayong pagkain hoy!"
"Hala oo nga pala! Ako na mag-order," Stella volunteered
"Are you sure? Do you want me to accompany you?" tanong naman ni Rei. Namula ang pisngi ni Stella dahil sa sinabi nito.
"H-ha, hindi ako na hahaha...sige order m-muna ako," mabilis pero utal nitong saad. Awit kiligin ang gaga.
Nang makalayo ito ay binalingan ko na si Rei at sinuntok ito sa kanang braso. "Masakit!" he exclaimed
"Bawi lang! Masakit kaya yung ginawa mo kanina!" singhal ko dito
"Kasi naman wag mo sabihin baka madamay pa siya."
Saglit akong natigilan. "Oo nga noh," sabay hampas ko ulit dito. "Aray! Para saan 'yon?!"
Nginitian ko ito ng matamis "Pero masakit pa rin yung ginawa mo kanina," sabay irap ko dito.
"Here's our food!" tumayo ako para tulungan si Stella dalhin yung mga pagkain.
"So ano Raisha? Natuloy ka sa sixth wonder?"
Umiling ako. "Tinamad ako," pagsisinungaling ko.
"Huh? Eh pinasunod ko pa naman doon si Rei kasi nag-aalala ako,"
Oh...I remember that. I was in the necklace that time.
"Sinundan mo ba Rei? Buti hindi ka napahamak?"
"Ano...hindi ako natuloy kasi nakasalubong ko rin siya sa quadrangle,"
"Ahh... ganon ba, mabuti na lang at hindi kayo natuloy," sagot nito
"Pero ano pala yung kini-kwento mo kanina? Active na ulit ang mga wonders?" singit ko
"Ah...yon ba. Ayon na nga active na ulit sila."
"Bakit hindi ba sila active dati?"
"Okay, let me tell you the fifth wonder first,"
"The fifth wonder is in the theater room. Specifically in the piano at the stage. They said that when the clock strikes at 2pm the piano will play on it's own,"
Err...creepy.
"Tapos?" tanong ni Rei
"Hmm...I'm not sure ha but some says the melody of the piano can put you into deep sleep na kahit anong gawin sa'yo ay hindi ka magigising." she said with a low voice
The fifth wonder is very intriguing but as I've said I won't involved myself to another wonders anymore. Isa pa ay mas curious ako sa sinasabi niyang active.
"May nabiktima na ba ng fifth wonder?"
"Well meron daw. Kilala niyo ba si Kelvin? Yung third year?"
"Mukha bang alam namin? Transferee kaya kami," I jokingly said
"Ayy oo nga pala! Sorry na," she chuckled
"So ayon na nga may groupings keme daw sila doon tapos naiwan siya mag-isa then boom ayon hanggang ngayon nasa ospital comatose,"
"Pero may nagsasabi rin na baka inabangan siya ng isang grupo para pagtulungan. Ewan ko lang," kibit-balikat nito
"Nag-aalala lang kami dahil baka may mapahamak. Eh lima lang kaming gagawa doon, nasa stage pa naman yung piano."
"Kung ganoon pala bakit hindi mo sabihin sa teacher niyo?"
Lumapit ito sa gitna namin ni Rei kaya lumapit na rin kami. "The teachers doesn't know about the wonders. For some reason only the students knows about it," bulong nito
Sabay na kumunot ang noo namin ni Rei nang lumayo si Stella.
"Bakit? Tsaka bakit mo binulong?" naguguluhan kong tanong. Why do I feel like the situation is getting serious?
"Sabi nila kapag daw narinig ng isa sa mga wonders na balak silang sabihin sa mga teachers ay kukuhain nila ang estyudante at papatayin,"
Napaatras ako sa sinabi nito. Ano ba talagang mayroon sa eskwelahang ito?
"Okay since bago lang kayo dito I'll tell you the rules that the student council made two years ago," lumapit ako sakanya at binigay ang atensyon maging si Rei ay ganoon din ang ginawa.
"Three years ago the student council discovered something on the library. It was the president who discovered it. Ang sabi ay nagbabasa raw siya doon at inabutan ng alas-sais ng gabi. May nagpakitang puting pinto, pinasok niya ito at may nakilala siyang nilalang dito."
"He became friends with the creature."
"Anong nilalang iyon?" biglang tanong ni Rei. Kibit-balikat balikat namang sumagot si Stella. "Walang may alam kung anong nilalang iyon, tanging mga parte lang ng student council noon."
"After being friend with the creature, sunod-sunod na siyang naka-encounter nang mga paranormal activity sa iba't ibang parte nitong Kaden High." kinilabutan ako sa sinabi nito. What if that creature is a ghost?
"Eh anong connect niyan doon sa sinasabi mong active?" tanong ko
"Listen, before the former president of student council befriend with the creature at the library, may mga nangyayari nang kababalaghan noon dito sa Kaden High."
"So meaning, noong naging kaibigan na niya ang sinasabi mong nilalang tsaka lang natigil ang mga kababalaghan na nangyayari sa Kaden High?"
Nagkatinginan kami ni Rei. "Paano? Anong nangyari?"
Nag-aalangan itong tumingin sa amin. "I don't know if this is true or not ha but rumors says he formed a contract with the creature so that they will not disturb the students here."
"So that means they're not active for a year? Then why are they active now?" tanong ni Rei
"Nawala na lang bigla ang president."
"What? Bakit?"
"Wala ring may alam eh,"
"Ibig sabihin tsaka lang nanggulo ulit ang mga wonders dahil biglang nawala na lang ang president?"
"Mismo," sagot ni Stella habang nginunguya ang pagkain nito.
Anong mayroon sa dating president? Anong klaseng nilalang ang nakilala niya? Bakit niya ito kinaibigan? Anong kontrata ang ginawa nila? Hindi kaya katulad ito sa akin? I formed a contract with one of the wonders too. Biglang may sumagi sa isip ko kaya muli kong tiningnan si Stella.
"Wala pang wonders dati?" kunot-noo kong tanong
Tumigil ito sa pagkain ganon din si Rei na ngayon ay nakatingin sa akin. "They said that the president is the one who named them seven wonders, in Tagalog ang pitong kababalaghan na kaniyang nakilala noong naging kaibigan niya ang nilalang na sinasabi ko."
Hindi ko alam pero bigla na naman nanaas ang balahibo ko. Bakit biglang nawala ang president? Nasaan na siya ngayon? Anong kinalaman ng exorcist sa seven wonders? Saan ba talaga sila nagmula?
Isa pang katanungan na bumabagabag sa akin ay kung bakit hindi pwede sabihin sa mga teachers ang tungkol sa mga wonders? Bakit mamamatay kapag may nagsabi sakanila? Ano bang eskwelahan ito?
Andaming naglalarong katanungan sa isip ko. For some reason I want to unfold the mysteries about seven wonders. Pero ayoko ng ipahamak ang sarili ko.
Tiningnan ko si Rei at pinagmasdan ito. Bakit siya nandito? I mean why does he want to destroy the seven wonders? What is his goal in the first place, going here? Should I ask him?
Iniling ko ang aking ulo dahil sa mga naiisip. Hindi ko na dapat pasakitin ang ulo ko sa mga nangyayari after all wala naman akong mapapala kung makikialam pa ako.
Buntong-hininga kong pinagpatuloy ang pagkain. Pupunta pa pala ako sa library mamaya para maglinis.
***
Note: short update coz ayaw ako lubayan ni writer's block T_T btw all of the chapters are still unedited, I'll fix it soon so pls bare with me. thank you
charmyxx
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro