Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Wonder 1 : The seventh wonder

Naglalakad akong mag-isa papuntang classroom. I'm wearing the famous school uniform which is white long sleeves with a necktie that's similar to my skirt, the knee plaid cream white skirt. I'm also wearing black stockings para makagalaw ako ng komportable at white rubber shoes.

Ever since na nag-transfer ako dito ay wala pa akong nagiging kaibigan. Though meron isang babaeng nag-approach sa akin pero hindi pa kami ganoon ka-close. I'm an introvert person just so you know. I'm having a hard time dealing with people.

Narating ko ang tapat ng classroom, pumasok ako at umupo sa upuan ko na malapit sa bintana. Wala pa ang adviser namin kaya maiingay pa ang mga kaklase ko.

As usual nakarinig na naman ako ng mga kwento tungkol sa seven wonders. Sa lahat ng wonders na iyon ang library ang pinakasikat. I think. Ang tawag pa nila dito ay 'The Depths of Library'. Ito ang seventh wonder ng school. Hindi ko pa alam ang sixth to first dahil yung seventh lang ang kadalasang naririnig ko.

Kapag daw pumunta ka sa second floor ng library at nagawi sa pinakadulong parte nito ay may makikita ka daw na puting pinto. At kapag pinasok mo ay may sasalubong sayo'ng madilim na paligid at may magpapakitang nakaitim na nilalang.

Sounds unbelievable for a person like me who doesn't believe in supernatural beings. Mas kapani-paniwala pa ang science dahil may evidences at explanations ito.

Wala pa raw nakakabalik mula rito kaya nagtataka ako kung saan nila nakukuha ang ganung kwento kung wala naman palang nakakabalik. Diba parang ang imposible?

Kaya napagdesisyunan kong puntahan ito mamayang uwian at tingnan kung totoo ba talaga ito. To see is to believe ika nga.

Gusto ko ding malaman kung bakit nawawala ang mga estudyanteng napupunta roon. Malay natin kung hindi naman pala wonders ang dahilan no'n. Baka may taong ginagamit ang wonders na 'yon para makagawa nang masama o pag-tripan ang ibang estyudante.

Natigil ako sa pag-iisip nang makita kong pumasok na ang adviser namin. Napabuntong-hininga na lang ako bago tuluyang ilabas ang notebook at makinig.

***

Uwian na at heto ako naglalakad patungo sa library. Kaunti na rin ang mga estyudanteng nakikita ko sa daan, pasado alas-sais na rin kasi ng hapon. Malamang ang iba ay nasa kani-kanilang dormitory para magbihis at magpahinga o di kaya'y papunta na sa canteen.

Isa sa mga rule dito sa Kaden High ay ang pagkain sa hapunan. Ang canteen ay hanggang 7:30 lang, kapag lumagpas ka sa oras na iyon ay hindi ka makakapasok sa canteen at ang masaklap pa ay hindi ka nakapaghapunan. Pero dahil nandito ako para i-discover kung totoo nga ba ang seventh wonder, I think I'm sacrificing my supper.

Pero sa tingin ko naman ay hindi ito totoo kaya hindi rin ako magtatagal doon. Iniisip ko rin kung sakali na totoo nga iyon anong gagawin ko?

Wala naman akong maisip gawin. Hays.

Hindi ko namalayang nakapasok na ako sa loob ng library at tinitingnan ang paligid. May mga estudyante pa rin dito pero kakaunti na lang at ang iba ay paalis na.

Nagtungo ako ng hagdan papuntang second floor. Inakyat ko ito at sumalubong sa akin ang maalikabok na parte ng library. Wala masyadong nagpupuntang estudyante dito dahil halos lahat ng mga information na kailangan nila ay nasa ibabang shelf. Though meron pa rin naman dito  kahit papaano.

Medyo may kadiliman ang ibang parte dahil ang ilaw ay narito lang sa gitna. Madilim sa magkabilang dulo.

Hinanap ko ang cellphone ko sa bag para gawing flashlight. Sinimulan kong hanapin ang sinasabi nilang pinto pero kahit nakarating na ako sa magkabilang dulo nitong floor ay wala pa rin akong nahahanap.

Siguro nga ay hindi talaga ito totoo.

Dahil sa wala naman akong makitang kakaiba napagdesisyunan ko nang umalis. Hindi ako makapaniwala na pinaniwalaan ko talaga ang mga sabi sabi nila. Tsk.

Tiningnan ko ang relo at saktong ala sais nang may naramdaman akong kakaiba. I'm starting to feel eerie and the cold atmosphere. Tumataas na rin ang balahibo ko.

Kaya sinimulan ko nang maglakad pababa dahil sa kilabot. But suddenly my peripheral vision caught something. A white door.

Eto ba iyong sinasabi nilang pinto? Saglit ko itong tinitigan bago unti-unting nilalapitan. Ignoring all the chilly vibes I feel.

Dahan-dahan 'kong nilapit ang kanang kamay sa door knob. My hands are shaking and I can't deny the nervousness I feel. Huminga ako nang malalim at pikit matang binuksan ang pinto.

Nang wala akong naramdamang kakaiba minulat ko ang aking mata.

"Huh?"

Wala naman kasing kung ano rito, medyo madilim pero may makikita ka naman kahit papaano. Sa katunayan nga ay isa rin siyang shelves na may mga lumang libro pero bukod doon ay wala nang iba.

Sinilip ko rin ang labas para tingnan kung may iba pa bang kulay puting pinto dahil baka mali lang itong napuntahan ko. Ngunit wala akong nakita. Kaya naman binalik ko ang ulo sa loob at ganoon na lamang ang gulat ko nang may makita akong lalaki dito.

Shit! Wala ito dito kanina!

"S-Sino ka?" utal kong tanong. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod at medyo madilim pa sa kwartong ito.

Kinakabahan man ay sinubukan 'kong magsalita.

"I-Ikaw siguro ang d-dahilan kung b-bakit nawawala ang mga estudyanteng n-napupunta dito 'no?" lakas-loob kong tanong.

Unti-unti itong lumingon sa akin. Kabado akong napakapit sa hamba ng pintuan at handa na para tumakbo. Ngunit sa sandaling tatakbo na ay tuluyang nakalingon ito kaya pinikit ko ang aking mata. Para akong napako sa kinatatayuan dahil sa kaba.

Naramdaman 'kong nagsimula itong maglakad papunta sa akin. "Fvck! Legs move!" I shouted in my head but still can't move.

"What are you doing?"

Unti-unti kong binuksan mata ko at tiningnan ito. Saglit akong natigilan.

Magkalapit ang mukha namin at kaunting galaw lang ay magdidikit ito. Isa pang gumulat sa akin ay ang mga paa niya.

"L-Lumulutang ka!" nanlalaking matang sigaw ko.

Lumayo ito at kamot ulong sumagot. "Uh, yes."

Dahan-dahan akong umatras palabas nang pinto. Ngunit bigla itong nagsara. Agad akong napalingon sa lalaki.

He's smiling sweetly at me!

"Buksan mo ang pinto!" sigaw ko habang hinahampas ito.

"Tulungan niyo ko!"

Umiling ito at ipinitik ang kamay. Unti-unting nagka-ilaw sa paligid at doon ko lamang siya nakita ng malinaw at ang buong lugar.

Tinigil ko ang pagkabog sa pinto at tiningnan ang lalaki. Akala ko ba ay halimaw ang kukuha? Bakit mukhang anghel ang isang 'to?

I can't deny it he's gorgeous! Those long eyelashes, pointed nose, and pinkish lips. Hell, he can attract all the girls he wants! But he is freaking floating! And I'm trapped here!

Nakasuot ito ng school uniform at itim na hoodie. He has this playful aura yet terrifying.

Inalis ko ang tingin sakanya at tiningnan ang paligid. Katulad sa labas ay library ito pero mas maliit. Medyo may kalumaan ang mga libro rito kumpara sa labas na updated naman pero punong puno ng alikabok.

Dumako naman ang paningin ko sa shelf sa likuran niya. Napansin ko kasing napakaraming garapon at parang may maliliit na bagay ang nasa loob. Noong una ay hindi ko malaman kung anong laman nito ngunit habang tinitingnan ko ng maigi ay tsaka ko lamang na-realize kung ano ang laman no'n.

It's human! Maliit na tao sa loob ng garapon!

"Like what you're seeing?" he asked. Baliw ba siya? Sinong magugustuhan ang gano'n?

"Should I put you in one of those jars?"

Napaatras ako dahil sa sinabi niya. I can feel my heart pounding rapidly, beads of sweat are already forming on my forehead and neck. I'm scared.

"What did you do? Ilabas mo sila diyan!" I exclaimed. Never mind the danger I might face.

"Hindi...pwede." He playfully said to me. Muli itong lumapit sa akin at sa pagkakataong ito ay inikutan niya ako. He's checking me head to toe. Sniffing me at the side of my neck and...and-

"What the heck are you doing?!" I yelled.

Tila nalusaw ang takot at kaba na naramdaman ko kanina. Napalitan ito ng inis dahil ang isa nitong kamay ay nasa kanang dibdib ko at pinipisil pa ito.

Hindi ko alam kung anong reaksyon ang gagawin ko basta ang alam ko na lang ay sinugod ko ito.

"Bastos ka! Gago!" Sabay sampal ko sakanya.

Niyakap ko ang sarili at tiningnan siya nang masama. I have never experienced being harassed but this man...no this creature did it like an easy pie. I will not forgive him!

Nanlalaking matang tumingin naman ito sakin. "H-Hindi tumagos ang kamay mo!" He said. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng bastos na to.

"Mama mo tumagos kamay!" singhal ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili kaya lumapit ako sakanya at sinabunutan. Gigil na gigil kong hinila ang buhok nito upang makaganti sa ginawa niya.

"A-Aray! Bitawan mo ko!"

"Ayoko!"

"Bitawan mo ko!"

"Ayoko! Gago ka!"

"Sabi ng bitawan mo ko eh!

"Sabi ng ayoko eh!"

Bigla akong umangat sa kinatatayuan ko. Pinalutang ako ng gago.

Agad akong napatingin sakanya.

"Ibaba mo ko!" Nagpa-panic kong sigaw.

"Bitawan mo muna ako." sagot niya. Hindi ko pa rin kasi binibitawan ang buhok niya.

"Ibaba mo muna ako!"

"Bitaw muna."

Dahil sa inis ay mas lalo ko itong sinabunutan. Dahil sa lakas na rin nang pagkasabunot ko ay nawalan ito ng balanse kaya nahulog kami.

"A-Aray" saad ko habang sapo ang noo. Paano ba naman ay dumiretso ang mukha ko pagkabagsak. Jusq naman oh!

Bumangon ako agad at tiningnan ang lalaki. Sapo sapo nito ang ulo at masamang nakatingin sa akin.

Sinamaan ko rin ito ng tingin. "Bastos! Ilabas mo na sila!"

Hindi ko alam kung anong nangyari pero tila bumalik sa dati ang kilabot na nararamdaman ko.

Tumayo ito at biglang sumeryoso ang mukha.

"Are you ordering me? The seventh wonder?"

Tulala akong nakatingin sakanya. Ngayon lang nagsink-in sa akin na nandito pala ako para malaman kung totoo ang seventh wonder. Ngayon ko lang rin naisip ang mga ginawa ko sakanya. Mamamatay na ba ko?

"Scared?" He playfully asked again at muli na namang akong inikutan.

Tila napako ako sa kinatatayuan ko. "What did you say again?" he asked

"I-Ilabas mo s-sila." lakas loob 'kong sagot.

"It's not easy." Tuluyan itong lumayo sakin. Napahinga naman ako ng maluwag.

"W-What do you mean it's not?"

"Give and take. What will you give to me in exchange for them?"

Napaisip ako.

I'm not a hero. Nandito lang ako dahil gusto kong malaman kung totoo ang sinasabi nila. Ngayong napatunayan ko na ay wala ng dahilan para manatili pa rito. Pero habang nakikita ko ang mga taong nasa garapon at ang mga itsura nitong tila nanghihina na at hindi ko kaya. I want to save them.

"Bago ko sagutin 'yan, itutulad mo ba ako sakanila?" May pag-aalinlangan kong tanong.

Saglit itong nag-isip "Nope."

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"Because you're unique?"

"In what way?"

"Well, you can touch me," he said

"And you can see my true form."

"What?"

"Ang mga taong nagpupunta dito ay nakikita ang isa kong itsura. Which is the one they're describing to. But then you came and suddenly saw my true beautiful form."

May pagkamayabang din pala ang bastos na to. But I'm surprised myself because after all the fear I feel, I'm now talking to him casually.

Pinagkrus ko ang aking braso. "Very well then." I said. Kinuha ko ang mga alahas na nakasuot sa akin at pera upang ibigay ito sakanya.

His forehead creased. "Woman you don't understand what I'm saying."

"You're asking me to free their lives. And as an exchange, I need your life."

Wait...what?!

"Gago ka ba?"

"You can't? Then leave bago pa kita matulad sakanila."

Unti-unti ako nitong tinutulak palabas. "S-Sandali!" Ngunit hindi pa rin ito tumitigil. Muli na naman akong napatingin sa mga tao sa garapon.

"Fine! I'll do it!" Pikit mata kong sagot kaya tumigil ito sa pagtulak.

Tila lumiwanag ang mga mata nito sa aking sinabi. "It's settled then, your life in exchange of their lives."

Oh geez, what am I doing? I'm putting my life in danger!

Pinitik nitong muli ang kaniyang daliri. Sabay-sabay na nabuksan ang mga garapon at lumabas ang mga tao rito. Mga walang malay na nakahiga sa lapag.

"Anong mangyayari sakanila?"

"They will be found here tomorrow."

Magaan ang loob na tumango ako sa kanya. At least now alam kong nasa mabuting lagay na sila.

"Sa akin? Anong mangyayari?" Muli na namang nabuhay ang kaba sa aking dibdib.

Kamot ulong nagisip ito. "Hmm, you'll be my maid." He said

What? Maid? Nababaliw na ba to?

"Nababaliw ka na? Bakit maid?!"

"Bakit ayaw mo? Gusto mo mas mahirap?" Unti-unti itong lumapit habang ako ay paatras nang paatras. Natigil lang ako dahil pader na ang nasa likod ko. He towered me and trapped with his hands.

"U-Umalis ka dyan." Hindi ko kaya ang ginagawa nito, my heart beat is increasing and my hands are shaking. Nangangatal na rin ang labi ko. He's making me look at his eyes!

Pabaling-baling ako nang tingin dahil ayaw kong salubungin ang mata neto but he put his finger on my chin and move it so our eyes will meet.

There's something in his eyes that makes me want to look at them forever. It's very gentle and calming.

He then lowered his head on my ears. "Willing naman akong mag-isip ng iba pa." Bulong nito.

Nang makabawi ay tinulak ko siya ng malakas. "Bastos ka talaga!" Hampas ko rito sabay irap.

Tinaas nito ang dalawang kamay. "Easy woman, I won't bite you."

Umasim ang mukha ko dahil sa sinabi nito.

"So as I was saying you'll be my maid dahil matagal ko nang gustong linisin ang lugar na ito pero natagos lang ang kamay ko."

"Nakakairita sa mata ang lugar na ito ever since na napunta ako rito."

This is not what I'm expecting. I thought he'll kill me, take me as he did to others, or do something terrifying. But look at it now. Paglilinis lang pala ang gagawin ko. Hindi na rin siguro masama.

May pag-aalinlangan man ay tumango ako. "Okay. I will accept it. Pero bastos ka pa rin." An amused smile formed in his lips.

"But are you sure there's nothing else?" dagdag ko.

Umiling ito. "Pero bago iyon we need to seal a contract."

"A contract?"

Tumango ito at umalis sa harapan ko. Nagtungo ito sa wooden table sa kaliwang bahagi ko at may kinuha sa drawer.

Ipinakita niya sa akin ang isang lumang papel. May mga sulat at simbolong nakalagay dito na hindi ko maintindihan. Sa baba nito ay may nakalagay na box. Hula ko ay dito pipirma.

"Ano ang mga nakasulat?" tanong ko.

"It stated here, from now on you will be my maid until the last breath of your life-"

"Wait! Ano to habang buhay? Pano naman ako, yung kalayaan ko?!"

"My, my, I thought you understand everything before you said yes. Yes, it is a lifetime, your life in exchange for them. You can't do anything about it."

Nanghihinang napaupo ako sa sahig. I can't believe this is happening to me right now. If I only knew, I wouldn't be here.

"To continue, -from now on we will share bonds, a bond that will signify our contract."

Something formed at my upper chest, it was a bird with chains on its leg.

A/n: if you see the photo below imagine the bird does have a chain on its leg. Thank you!


"Ano to? Bakit nagkaron ako ng ganito?" I asked him.

"That symbolizes our contract. Look I have one too." I looked at his chest, he was right he have to. Pero hindi kami parehas dahilang sakanya ay isang hawla. "You're the bird and I am your chain and cage. That means your freedom is no longer yours."

Ilang beses ko na itong narinig sakanya simula kanina pa pero heto ako at hindi pa rin tanggap. Ano na lang mangyayari sa buhay ko? Madami akong gustong gawin pero dahil sa pagiging isang bayani, at least for me ay nangyari ito.

Malungkot akong ngumiti.

"Remember that you can't run away from me and from your responsibility in this library. You'll always be back here, beside me if you do." he continued.

"Now-" naglabas ito ng maliit na dagger mula sa bulsa niya. "-i need your blood to seal the contract."

Dahan-dahan kong kinuha ang dagger sakanya at sinugatan ang sarili. Napapikit ako sa hapdi at tuluyan nang idinikit ang dugo sa papel.

"To seal the contract completely I need to do this." he quickly grabbed my waist and then kissed me.

Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso. All the fear, doubt, pain, and regret that I feel are now gone because of his soft and gentle kiss. I can feel butterflies in my stomach too.

Nanatili akong nakadilat habang pinagmamasdan itong nakapikit. What's happening to me? I shouldn't feel this. I should be mad at him, yes!

Itutulak ko na sana ito ngunit naunahan niya ko dahil kusa siyang umalis. Ngunit bago ito tuluyang humiwalay ay may ibinulong ito sakin. "Your lips taste strawberry, I like it."

"Bastos!" Sigaw ko. Hinawakan ko ang labi at pinunasan ito gamit ang uniform ko. Hinawakan na nga niya ako sa dibdib ngayon naman ay hinalikan ano bang pinapatunayan ng bastos na to?!

Dahil sa inis ay nilapitan ko agad ito at sinabunutan.

"A-Aray naman! Kanina ka pa ah!"

"Ikaw din kanina ka pa!"

"Tsaka sino ba kasing hindi gagawin ito?! Kanina hiwakan mo yung ano ko tapos ngayon hinalikan mo ko! Gago ka talaga!" Inis na inis kong sambit

"G-Ginawa ko yon para sa contract! Tingnan mo oh!"

Napatingin ako sa tinuro nito. Nagliliwanag ngayon ang papel at unti-unting nagpira-piraso hanggang sa mawala. Hindi ko rin namalayang napabitaw na ako sa buhok niya habang pinagmamasdan ang papel.

"San 'yon napunta?" tanong ko rito.

Nakakapit ito sa kanyang ulo at sumagot sa akin. "Sa dimensyon kung saan nakalagay ang mga nabubuong kontrata."

Tipid akong tumango rito at tiningnan ang aking relo.

"Oh, shit!" Nabulalas ko ng malakas.

It's already 7:30pm! Ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Hindi na ko makakapasok sa canteen! Akala ko ay mabilis lang ako rito. Yung pagkain ko! T_T

Nagmamadali kong kinuha ang bag ko sa gilid. Patakbo akong lumabas ng pinto. Susubukan ko pa ring pumunta roon dahil baka pwede pa akong humabol.

"Hey wait! Don't forget you need to clean here tomorrow! And what's your name?"

Napatigil ako at tumingin sakanya. "I'm Raisha. You?"

Saglit itong natigilan. "I'm Ka-you can call me K."

K? Weird.

***
charmyxx

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro