Chapter 5
Lian's POV
Naririnig ko na ang musikang nasa dako roon.
Masayang musika na nagpapa-indak sa mga kabataan, mga dalaga't binata na noo'y pumapanhik na sa disco ground o tinatawag nilang baylehan. Nakikita ko ang mga excited na mga teenager na sabay-sabay na naglalakad sa bakanteng basketbolan malapit sa tahanan ni nanay Serena.
May trapal ito at may mga adornong nakasabit na ilaw, if I'm not mistaken it is an improvise discoball lights. May malalaki rin na music box na dinig na dinig ang nakakaindak na retro sounds, lalo pa at nag-eecho ang music nito sa malapad na lugar ng niyogan.
Napangiti ako natutunghayan, iba talaga ang pinoy, napakamadiskarte. Kahit anong pwedeng paraan na pwedeng magamit ay ginagawa talaga, gaya na lang ng sayawan dito, never in my entire life na ini-magine na pwede palang gawin ang mga iyon. I think they're all set.
Mayamaya pa ay naisipan kong makiusyoso sa bintana, sumiksik sa isipan ko na pwede naman siguro akong pumunta roon, diba? why not?
Bago pa magsuhistyon ang sarili kong isip ay nakapagbihis na ako, hinihintay ko na lang si nanay Serena na noo'y nasa kwarto pa nito.
Besperas na ng piyesta ngayon at bukas na ang pinaghahandaan ng lahat. Ang araw ng pasasalamat sa kanilang patron, na si Sr. Labrador. Kaya naman maraming mga manggagawa ni nanay Serena ang nandito sa bahay ngayon at nag-aasikaso sa mga lulutuin. Mayroong mga lalaki sa labas na naghihiwa at nag-aasikaso sa leletsonin para kinabukasan. May mga dalagita rin na nagdedesinyo sa labas ng bahay at nagsasabit ng dekorasyon na mga bulaklak.
Kaya naman malaya kaming makakapuntang dalawa ni nanay sa disco ngayon. Sinipat ko pa ang wall clock na nakasabit sa sala, mag aalas-otso na ng gabi. Kinatok ko ang pinto ng kwarto ni nanay bago magsalita.
"Nay, halika na. Alis na tayo," sabi ko pa na bakas ang excitement sa boses.
Lumabas si nanay ng hindi nakabihis, dahil doon ay kumunot ang noo ko. Bakit kaya hindi nakapagbihis si nanay? Akala ko'y magdidisco kami ngayon. Satsat ng isipan ko.
"Hala dhay oy. Pasensya kaayo, gipahuwat tika, pero ansakit man ng rayuma ko, hindi siguro ako makasama, tapos tumawag si Karding aantayin ko raw ang magdedeliver ng mga softdrinks." Saad nito sa akin na hinahapo pa ang tuhod.
"Gan'on po ba? Pero 'nay hindi ko po alam, paano po pumunta roon," sabi ko pa kahit hindi naman kalayuan, ang tinutumbok ko lang ay hindi ko alam kung paano makihalubilo roon, ngayon pa't first time ko pa sa ganoong lugar.
"Hoy dhay kadako na nimo, anlaki-laki mo na, sige na punta ka lang d'on, pasamahan kita kina Ynes at Dorina, okey ba 'yon?" Sabi nito habang tinuturo ang mga dalagita na nasa pintuan at nagsasabit ng banderitas.
Kumaway ito sa gawi ng mga dalagita at tinawag ang mga ito. "Inday Dorina, halika! Inday Ynes! Dali!" Kaway nito sa mga dalagita.
Tumugon naman ang mga dalagita at kemeng pumunta sa aming gawi. "Samahan n'yo muna si ate Lian ninyo, magdisco muna kaayo ha, tapos na naman 'yan diba?" Sabi ni nanay habang nakanguso sa dekorasyon.
Sabay na tumango ang mga ito at noo'y ngumiti na tila naka-jackpot prize na kung ano, dahil kasunod n'on ay nag-apir pa ang mga ito sa aming harapan.
"Ayos! Makakadisco na tayo!" Sambit ng dalawa na parang naghahanda rin sa pagpunta roon.
"Oh sige na, alis na kayo! Ingatan n'yo si ate n'yo ha," bilin pa ni nanay Serena sa dalawang dalagita na noo'y abot batok na nakangiti sa akin. Parang mga weirdo eh. Ngumiti lang din ako sa mga ito.
Nakahawak sa magkabilang braso ko ang dalawang dalagita na tila isa akong preso at ayaw nilang pakawalan, habang nag-uusap ng bisaya na naiintindihan ko naman ang ilan.
Sabi pa ng dalawa, "Buti na lang natapos natin agad, kaya makakadisko tayo, ang bait talaga ni Aling Serena.."
"Oo mabait talaga yun.." Interapsyon ko dito.
"Hala, nakakaintindi ka po ng bisaya?" Tanong ni Ynes habang nakahawak sa bibig ang kamay nito. "Oo alam ko, kinalakihan ko na sa amin na makarinig ng ganoong lengguahe, dahil na rin kay nanay Serena.." Sabi ko habang nakangiti pa rin sa dalawa.
Marahang tinanggal nila ang kanilang mga kamay sa aking braso at nag-crossed arms.
"Sus ate, kanina pa kami nagsasalita, alam mo pala pinagsasasabi namin! Nahiya tuloy kami," sabi pa ni Dorina, dahil habang papunta palang kami sa highway ay panay puri ang mga ito sa akin na kesyo maputi raw ako, maganda at para nga daw akong model sa hitsura kong balingkinitan at may kurbang pangangatawan.
Mas lumapad pa ang pagngiti ko dahil nakyukyutan ako sa dalawa. Inabot ko ang mga pisngi nito at marahang pinisil ang mga iyon.
"Sus ninyo mga inday!" Satsat ko sa mga ito at muli'y napatawa ako dahil sa ganoon parin ka-shocked ang mga reaksyon nito sa akin. Nang dahil doon, ay mas lalong naging close ako sa mga dalagita kahit ang mga agwat ng edad nami'y halatang malayo talaga. I am twenty four habang nasa kinse pa si Ynes at katorse naman si Dorina. Magkaibigan ang mga ito, at siguro'y magkapit bahay rin, nene ang mga ito kung manamit kahit na aminadong hanga ako sa height ng mga ito, matatangkad ang mga ito na kung titingnan ay parang magkasing edad lang sa akin. Hindi nga sila makapaniwala na twenty four na ako, sabi'y parang eighteen lang daw ako sa mukha ko. Sino ba naman ang makaka guess sa edad ko? Bukod sa curvy at payat na pangangatawan ko, ay medyo katamtaman lang din ang height mayroon ako, baby face raw kahit na stress. Sabi pa nila sa akin. Marami ang nagsasabi na magkamukha kami ni Christine Hermosa, 'yong kilalang artista. Pagpasok sa diskohan ay makikita ang napakaraming mga binata at dalaga. Karamihan ay nakapalda, naka dress na bulaklakin. Simpleng-simple lang talaga. Ibang iba sa nakasanayan ko sa bar na halos lumuwa na ang mga suso ng mga babaeng nagsasayaw. "Halika na ate, sayaw na tayo!" Aya ni Dorina sa'kin na noo'y umiindak sa beat ng musika.
...itutuloy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro