Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[B4] Episode 9

🌼

"Ayos ka din, 'no? You really did Inno dirty on that one."

Hindi mapigilan ni Synn ang paghanga sa ginawa nitong pandi-distract kay Inno who they bumped into the mall. Kasama nito si Yoon na halatang-halata na ang pagbubuntis.

As the guy started to interrogate her as to why she was with his cousin, agad tinawagan ni Seven ang tiyahin ng mga ito at pinaalam ang magandang balita. She felt bad but, sometimes sacrifices should be made.

"He deserves that," ani naman ng lalaki. "Kahit pinsan ko siya, kailangan ko pa ring ipaghiganti si Ate Yoon."

"I doubt it if Yoon wants everyone to know about her condition though," aniya. Seven just shrugged before facing the cashier to pay.

She felt a little bad though. Kahit pa badtrip pa rin siya kay Inno after abandoning Yoon, makikita sa mata ng kanyang kaibigan ang saya at pananabik dito. At noon pa man, alam niya rin ang ugali ng lalaki. He's madly in love with her best friend. Kaya nga gulat na gulat siya sa naging pakikipaghiwalay nito over that stupid dare. She did not see him a the sensitive one.

Yes, given that they were the ones at fault, hindi ba dapat ay inintindi muna ng lalaki ang sitwasyon? Why would he dwell so much on his bruised ego? Why would he choose to turn his back at Yoon who he had loved for years just because of that dare?

That's why she can't help but be indifferent around him. But Inno being Inno, he'd easily charm his way back into everyone's good side. Baka matagalan lang sa kanya because like it or not, she holds grudges.

"Kampi ako kay Ate Yoon," sagot naman ni Seven sabay akbay sa kanya. "Saka mahirap na. Baka pangunahan niya pa 'ko tapos ipangalandakan yung relasyon natin."

Napatigil siya't pinangtaasan ito ng kilay.

"Relasyon?" tanong niya dito. "Wala tayong relasyon. The only relationship we have between us is that one of your cousin is one of my best friends' husband."

"Well, I'm also the father of your child," confident nitong sambit. "So it's safe to say that we go beyond friendship."

"What?"

Nagkibit-balikat ito.

"Acquaintances don't spend this much time with each other," panimula nito. "And I believe friends don't necessarily sleep with each other. Gusto mo bang tawagin tayong friends with benefits? Okay lang naman sa'kin pero game ka ba sa ga'nong arrangement?"

She was about to counter whatever it is he was about to say pero naunahan nanaman siya nito. Bakit ba parang ang dami lagi nitong baong salita? Shouldn't guys be less talkative?

"Kaya para maiwasan ang mga issue na ganyan, we're partners," diretsong saad nito. "Because you're not alone. Ako ang magiging partner mo sa lahat ng bagay."

Hindi siya makapagsalita. Maybe it was her hormones but she felt something inside her stir after hearing Seven's words.

Hindi na siya mag-isa. Wala pa man din ang anak niya, hindi na siya ngayon mag-isa. Her heart swelled at that thought. Ang dahilan naman kasi talaga kung iisipin kaya nasa ganitong sitwasyon sila ngayon ay dahil sa kagustuhan niyang magkaron ng makakasama. Someone who wouldn't leave. Iyong tipong hindi na niya mararamdamang mag-isa siya dahil may taong naririyan na sa buhay niya.

Then Seven continued.

"Partner kay baby, partner sa life, kahit nga sa business kung gugustuhin mo eh."

"Business?" Binalingan niya ito ng tingin. Ano nanaman ba ang pinagsasabi nito?

"Monkey business," sagot nito sabay taas baba ng kilay.

Napa-irap tuloy siya. And here she thought he was being serious. Didiga lang pala. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na mapangiti.

"But seriously," anito sabay abot sa kanyang kamay. "Dito lang ako. Sa tabi mo."

Sa gulat niya ay napaatras siya ng kaunti. His eyes stared straight into hers and she felt her heart double in beat.

Stupid pregnancy hormones.

"You won't be alone on my watch. I'm here to stay, Synn."

Ayaw niyang umasa. Ayaw niyang pangahawakan ang mga pangako dahil alam niyang napakadaling masira 'non. She had people in her life who promised to never leave her alone. Who had loved her but still left. Napakahirap magtiwala sa mga salitang alam niya ay walang kasiguruhan.

But why does her heart want to try? Why does it seem so eager to hope?

No. Hindi pwede. Words meant nothing. It's as good as nothing. Tinalikuran niya ito't binawi ang kanyang kamay.

Stop it. He's young. He doesn't know what he's saying. Nasasabi niya lang 'yan ngayon dahil hindi pa nagkakaproblema...

Her heart wanted to scream at her mind. Para na nga siyang baliw dahil tila hindi magkasundo ang daawang parteng iyon ng kanyang sistema. Pagod na pagod na siya sa pandidikta ng kanyang utak sa kanyang puso. Sawang-sawa na din siyang makulong sa pader na inilagay sa palibot nito.

Is this a side effect of pregnancy? Ang maging parang baliw at hindi malaman-laman ang gustong gawin? Ang pagiging indescisive?

Tangina ang sakit sa ulo!

"Tigilan mo nga ako, Severino," singhal niya dito. "Nasasabi mo lang 'yan ngayon. Magbabago din 'yan eventually."

"Ikaw ba ako?" sagot bigla na ikinagulat niya. "Mas marunong ka pa sa'kin eh. I always keep my promises."

"Promises are meant to be broken," she argued.

"Promises are not meant to be broken," kontra naman nito. "They are meant to be fulfilled."

Lumapit ito sa kanya't hinapit ang kanyang baywang. Napasinghap siya.

"Especially when the person you made that promise to is someone special."

Muli ay parang may kung anong bumuhol sa kanyang tiyan. Dumoble din sa bilis ang tibok ng kanyang puso. Agad niya itong tinulak papalayo at nag-iwas ng tingin—tinatago ang unti-unting pamumula ng kanyang mga pisngi.

"Gutom lang 'yan," singhal niya. "San ba masarap kumain dito at nang matigil na 'yang kung anu-anong lumalabas sa bibig mo."

Hindi na ito nakahirit pa dahil dali-dali na niyang binagtas ang daan papunta ng food hall. Medyo nagke-crave siya ng ramen so she made a bee-line towards Ramenagi.

"Ako na magbabayad," aniya pagkaupo. "Tutal sinamahan mo ko kanina."

"Uy, libre ni madam," nakangising sambit nito sabay abot ng menu."Ramen lang ba? Samahan mo na ng dessert mamaya."

Bata pa talaga ito. Naeexcite pa sa libre eh. Napa-irap tuloy siya.

"Fine," aniya sabay baling ng atensyon sa menu. "Mayaman pero nagpapalibre."

"Magulang ko lang ang mayaman, hindi ako," pagtatama naman nito. "At kahit may pera ako pambili nitong mall, hindi ako tatanggi sa libre. Lalo pa kapag galing sa sugar mommy ko."

"Aba—"

Handa na sana siyang ihampas ang menu sa mukha nito pero agad itong umiwas. Isang matalim na tingin ang ibinato niya dito na sinuklian lamang nito ng isang nakakalokong ngisi.

"Hindi mo ako sugar mommy," asik niya dito. "Kapal mo ha. Mukha ba akong matrona, ha? Tatlong taon lang ang tanda ko sayo—"

Bigla niyang narealize ang gusto nitong iparating. Lalo pa't nakita niya ang paglapad ng ngisi nito na animo'y naisahan siya nito.

Nangingkit ang mga mata niya't pinagkrus ang mga bisig bago sumanday sa upuan.

"Alam mo, hindi ko alam kung maiinis ba ako o ma-i-impress sa'yo." Iyon na lang ang nagawa niyang sabihin.

Seven manipulated her. Dahil lagi niya itong sinasabihan na mas "bata" ito sa kanya, he used that against her para bawiin niya iyon. Ngayon ang tatlong taong agwat na sinasabi niya na malaking pagitan nila ay naging maliit na lang dahil sa "sugar mommy" narrative nito.

Talk about using your words against you.

"At least ngayon sigurado na tayong first honor lagi anak natin sa school."

Pagkatapos mag-dinner ay hinatid na siya ni Seven pabalik ng Bulacan.

The days that followed were quite ordinary. Maliban sa paminsan-minsan niyang paglabas para bumili ng groceries, lagi lang siyang nasa loob ng bahay nakakulong at nagsusulat. Natapos niya na nga ang first two installments sa bago niyang series at kasalukuyang sinisimulan ang ikatlo. Hindi niya na nga minsan namamalayang umaga na pala.

Seven would always visit her kahit pa sinabihan niya na itong kaya niya namang mag-isa. Plus, she was already used to the morning sickness at sanay naman siya na walang kasama. But he was so persistent at dala pa halos lahat ng review materials nito araw-araw.

"Alam mo, i-bahay mo na lang kaya ako?" ani bihla ng lalaki kaya't napatigil siya sa pagtipa sa kanyang laptop. "Tutal lagi naman akong nandito, bakit hindi na lang tayo magsama dito?"

Napataas ang kilay niya't napabaling dito.

"Ano nanaman ang nahithit mo umagang-umaga, Severino?"

Umayos ito mula sa pagkakadapa sa kanyang higaan. Oo. Sa sobrang konpurtable nito sa bahay niya ay sa kama niya ito laging tumatambay habang nagbabasa ng reviewer nito.

"Iniisip ko lang kasi, sayang sa gas," dagdag pa nito. "Oo mayaman ako pero nakaka-dagdag ako sa global warming. Mahal ko ang planeta natin. Kahit cool tingnan ang Mars, mas gusto ko namang dito lang sa Earth tumira. Hirap mag-adjust, eh."

Napa-iling na lamang siya't ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Sa isang linggong panggugulo ng lalaki sa kanya, natutunan niyang huwag na lamang itong intindihin dahil siya lang naman din ang mai-istress dito.

Seven is smart. At hindi lang basta matalino. He was clever. Kaya para hindi na siya nito maisahan ay hindi na lang ito pinapansin. It's safer that way. Baka kasi magising na lang siya bigla na nakatira na pala sila sa iisang bubong.

Hindi naman sa ayaw niya sa lalaki because she had already grew accustomed to him pero, she values her privacy. Other than having a baby together, hindi naman sila ga'non ka-close para pumayag siyang patirahin ito sa bahay niya. Mas lalo namang ayaw niyang makipag-bahay-bahayan dito especially when they're not even in a relationship.

Edi gawan ng paraan. Be in a relationship.

Agaf siyang napa-iling. Even her inner voice is starting to act like him. Cons of being with the guy every single day.

"Wala naman kasing pagkaka-iba sa set-up natin ngayon eh," patuloy nito. "Araw-araw akong nandito. Umaga hanggang gabi."

"Wala akong sinabing pumunta ka dito araw-araw. Umaga hanggang gabi," aniya habang tumitipa sa aparatong nasa harapan.

"Alangan namang pabayaan ko kayong mag-ina ko," hirit pa nito. Napa-irap nanaman tuloy siya. "Bilang haligi ng tahanan, dapat ay parati akong nakaagapay sa—"

Hindi niya na ito pinatapos sa sasabihin at iniwan ito sa silid. Kung hindi kasi siya aalis doon ay baka nakumbinsi na siya nitong tumira ito kasama niya.

Having Seven around wasn't bad. Sa katunayan nga ay mas gumaan ng kaunti ang gawain niya dahil ito lagi ang nagluluto. Sa sobrang busy niya kasi sa sinusulat ay hindi niya na napapansin ang oras. Ganoon na siya noon pa man kaya lagi siyang nalilipasan so having him around was quite convenient since hindi siya pwedeng malipasan ng gutom. Pregnancy and all.

Wala talagang masama kung magsasama sila lng dalawa for the mean time. Bukod sa convenient ay mas safe na din iyon para sa kaniya in case of emergencies. They could just set some rules para maging kompurtable para sa—

Bakit parang kinukumbinsi niya na ang sarili niya sa set-up na 'yon? Bakit parang kinukunsidera niya na talaga ang suhestiyon ni Severino? Lihim siyang napamura.

Tanginang pregnancy brain 'to! Ang rupok!

Padabog na inabot niya mula sa pagkakapatong sa may counter ang baso. Dala iyon ay pumunta siya sa tapat ng ref para kumuha ng maiinom. Isasalin na sana niya ang tubig sa baso nang bigla siyang huminto.

Dalhin ko na lang ba 'to sa taas? Baka gusto din ni Seven ng maiinom—

Agad niyang pinigilan ang sarili. May paa ito at kamay. Kaya na nitong kumuha ng sarili nitong maiinom. Siya itong buntis so bakit siya ang mag-aakyat ng tubig para dito?

Kinuha na niya ang tubig at naglakad na pabalik ng kwarto. Dalawang baso na ang dinala niya dahil baka nga nauuhaw na rin ang bwisita niya.

Nakakatatlong baitang pa lang siya sa hagdan nang biglang nakaramdam ng kakaibang pagkahilo. Tila umikot bigla ang paligid kaya't nabitawan niya ang dala. Dire-diretso ang pagtiklop ng kanyang mga binti kaya't hindi niya na nagawang makakapit sa handrail ng hagdanan. Ang matigas na sahig ang sumalubong sa kanyang puwitan.

Mabuti na lamang ay hindi gaanong mataas ang kinahulugan niya. Tatayo na sana siya uli nang bigla ay nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang puson. Takot ang bumalot sa kanyang buong sistema nang may pulang likidong dumaloy sa kanyang binti. Napasigaw siya.

"Baki—fuck! Synn!"

Napaangat siya ng tingin kay Seven na nagmamadaling bumaba ng hagdan papunta sa kinaroroonan niya. Nanginginig man ang kanyang mga kamay ay dahan-dahan niyang hinawakan ang dugong umaagos sa kanyang binti. Tila sinisiguro ko kung totoo ba ang nangyayaring iyon. Tuluyan nang natabunan ng malakas na pagpintig ng kanyang puso ang bawat hiyaw na nagmumula sa kanyang bibig. Naramdaman niya rin ang biglang pag angat ng kanyang mga binti pagkatapos pangkuhin nito.

"Ang baby ko!" Unti-unti na ring nanlalabo ang kanyang paningin. "N-No! H-Hindi pwede hindi—"

"Relax, Synn," anito habang maingat siyang tinatakbo palabas ng bahay patungo ng sasakyan. "Please. Hindi mawawala ang baby natin. I promise—"

"Ang baby ko! Ang baby ko!"

Humigpit ang kapit niya sa braso ng lalaki at pilit nilalabanan ang pandidilim ng paningin.

"Synn, you have to relax—"

Napasigaw nanaman siyang muli nang makaramdam ng matinding sakit sa kanyang puson. Pero baliwala iyon kung ikukumpara sa nararamdamang takot sa posibilidad na mawala ang kanyang anak.

"Shit—Malapit na tayo sa sasakyan..."

Hindi niya na narinig ang sunod pa nitong sasabihin nang tuluyan nang lamunin ng dilim ang kanyang ulirat.

🌼

wala na proofread.
inaantok na ko. ehet.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro