Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[B4] Episode 8

🌼

"Will you stop staring at other people? Nangmumukha kang ewan sa pinaggagagawa mo."

Synn tugged the sleeve of Seven's shirt dahil kanina pa ito nakatingin babaeng katapat nila. Nagbabasa ito ng maternity book habang hinihimas ang malaki na nitong tiyan.

"Nagseselos ka ba, baby? Relax. Iniimagine ko lang kung ano magiging itsura mo kapag ganyan na rin kalaki ang tiyan mo," anito sabay akbay pa sa kanya.

Agad naman siyang umiwas dito sabay irap. Ano nanaman ba kasi ang pinagsasabi nito? Selos? As if! Bakit naman siya magseselos eh wala namang namamagitan sa kanila. Other than them having a baby, walang emotional attachment sa pagitan nila. At least on her end, that is.

"Bahala ka na nga diyan," singhal niya dito. At binuksan ang dalang supot ng biniling mamon. Nadaanan nila iyon kanina at bigla siyang natakam kaya naman binili niya agad. "Kapag sinuntok ka ng asawa niyan dahil sa katititig mo, huwag kang iiyak sa'kin."

"Yun ay kung may asawa," anito. "Sinong matinong lalaki ang hahayaang mag-isa magpa-check up ang asawa niya? Tapos mukhang kabuwanan pa, o. Tsk."

"Buntis siya hindi baldado," asik niya agad dito. Pabulong lang para hindi sila mapansin ng babaeng pinaguusapan nila. "She can very much take care of herself."

"Wala naman akong sinabing di niya kaya alagaan sarili niya," depensa naman agad nito. "Bawal na ba yung mag-ambag ka ng moral support? Tingnan mo ko. Di lang magandang genes ambag ko sa baby natin. Pati suporta, kalinga at pagmamahal—"

Nagsisimula nanaman ito sa pamimilosopo kaya't pinigilan niya na lang ito sa pagsasalita gamit ng pagkaing hawak. Pwersahang isinubo niya dito ang parte ng mamon na kinakain at iniwan iyong nakasaksak sa bibig nito.

"Dami mong sinasabi."

Pagkatapos 'non ay pinagkrus niya ang mga binti at binuklit na lang ang magazine na dinampot niya sa mesa. Mas mabuti na lang na huwag pansinin ang lalaki kesa naman ma-stress siya sa kakulitan nitong daig pa pang-kinder.

But it would be a lie if she said she didn't appreciate him coming with her for the baby's first ultrasound. Ang totoo kasi niyan, kinakabahan siya. Her nerves are all over the place but she tried her best to not make it obvious.

Pa'no ba naman kasi, kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya. What if her baby's not doing well? Paano kung mahina ang kapit nito? Or worst, paano kung wala itong heartbeat?

Napatingin siyang muli sa pinto ng ultrasound room. Hinihintay na lang nila yung doktor na dumating who, according to Seven, is already on her way. Sa katunayan nga ay nasa vicinity lang ito dahil may kinailangan lang daw daanan.

Bigla siyang natigilan nang maramdaman ang pagsakop ng kamay nito sa kanina pa nang lalmig niyang kamay. Napatingin tuloy siya dito at pinagtaasan ito kilay.

"Pa-tiyansing," pagbibiro nito sabay higpit ng kapit sa kamay niya. Hindi niya na lang tuloy binawi iyon at napa-irap na lang.

Maya-maya ay dumating na ang doktor niya't pinapaaok na sila sa loob ng silid. Pinahiga siya nito sa isang hospital bed na may katabing kakaibang aparato.

"How are you feeling, Miss Cortez?" pangangamusta sa kanya ng doktor. "Are you experiencing headaches lately?"

Agad siyang tumango bilang tugon habang nakahiga sa kama. Nakaangat ng kaunti ang parteng sa may ulo kaya't halos nakaupo lang naman din siya. Nakatayo lang sa may tabi niya si Seven. He was unusually quiet. Hawak nanaman nito ang kamay niya.

Hinayaan niya na lang ito dahil mukhang tensed na din ito.

"Mild headaches come and go, doc," page-elaborate niya. "Usually bago ako masuka."

Tumango-tango lamang ang doktora habang may kung anong kinakalikot sa aparato.

"Hala bakit hindi mo sa'kin sinasabi 'yan?" nakabusangot na asik ng lalaki. "I could've given you a massage or something. Hay. Feeling ko ang useless kong tatay. Hindi ko man lang ikaw maalagaan."

Muli, napa-irap na lamang ako sa ka-dramahan nito. "Hindi kita tatay."

"Tatay ng anak natin," paliwanag agad nito. "Hindi ako pwede maging tatay mo kasi aasawahin pa kita. Ano 'yon, incest? No. Pero pwede mo naman akong tawaging Da--"

"Doc, normal po ba 'yung migraine?" putol niya sa pinagsasabi ng katabi. Mukhang nakulangan nanaman sa kalinga kaya kung anu-ano ang pinagsasabi nito. Minsan matino naman ito pero madalas ay nakakahiya itong kasama dahil sa tabas ng dila. 

"I see. Those are normal signs of morning sickness," paliwanag ng doktor na hindi maitago ang ngisi. "But if the headaches starts to intensify, notify me."

She just nodded. Maya-maya ay ibinaba na nito ng kaunti ang ulunan niya at nililis paitaas ang laylayan ng kanyang suot na pang-itaas--exposing her abdomen. 

Bigla ay nagsimula nanaman ang kaba sa kanyang dibdib. Feeling niya nga ay kung hindi fully air-conditioned ang silid eh kanina pa siya pinagpapawisan. 

Napansin siya ang paghigpit muli ng hawak ni Seven sa kamay niya kaya't napatingin siya dito. And he did the most "Seven" thing to do--he winked at her. Mukhang ang go-to reaction niya talaga sa mga ga'nong gawain ng lalaki ay ang mapairap. She rolled her eyes at him as if it was on stimuli. 

"We'll just spread this on your belly," imporma ng doktor pertaining to the bottle she's currently holding.

May nozzle itong parang pang-ketchup container. Tuloy, nag-crave siya bigla for some strawberries. And... ketchup. Maybe she can stop by the grocery later to buy some.

Impit siyang napatili nang maramdaman ang malamig na likido sa kanyang tiyan. Nagulat siya dahil nga saglit siyang na-distract nung ketchup. Sinamaan niya agad ng tingin si Seven na natawa sa nangyari.

"Don't worry, Miss Cortez, you'll get used to it," nakangiting sambit ng doktor. "That's a natural reaction for first timers."

Then, may kinuha ang doktor na parang malaking razor pero walang blade. May kung anong-cord na naguugnay dito at sa aparatong nasa tapat ngayon ni Doc. May pinindot-pindot pa ito sa keyboard bago idinikit ang hawak sa kanyang tiyan. 

Ginalaw-galaw nito sa ibabaw ng kayang puson ang mukhang pang-ultrasound na mukhang razor. Tila may hinahanap itong doon. Medyo nakikiliti siya dahil sa likidong kumakalat ngayon sa may tiyan niya.

"And... there!" ani ng doktor at pinaharap sa kanila ang imaheng nasa maliit na screen. It was a black and white image na hindi niya actually maintindihan. 

What was she suppose to see there? Nasaan ang anak niya?

"This small spot right here," anito sabay turo sa maliit na bilog sa screen. "That's your baby."

"'Yan ba ang baby namin?" biglang tanong ni Seven na hindi niya namalayang lumapit na pala ng kaunti para tingnan din ang screen. "Ang cool naman! Bilog! Parang pokemon."

Tumawa ang kanyang doktor sa nasabi ng lalaki. "Nasa early stage pa lang ang baby niyo, Mr. Montecillo. In a few months, your baby will soon develop into a full grown fetus at maaari niyo nang malaman ang kasarian nito. As of now, your baby is healthy at wala naman akong nakikitang deficiencies sa lining ng uterine wall ni Miss Cortez."

Nanatili siyang nakatitig sa maliit na screen. That small blot on the screen is her baby. Sa hindi niya maintindihang dahilan, nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Liban doon ay unti-unting pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. 

Then, Dr. Marquez turned a knob on the machine. Literal na tumigil ang pag-inog ng mundo niya nang marinig ang mabilis na tibok ng puso ng kanyang anak. Tuluyan nang kumawala ang mga luhang pinipigilan niya. The sound of her baby's heartbeat broke all her walls and she felt her own heart swell. 

Her baby's indeed there. Magiging nanay na siya. Hindi na siya magiging mag-isa habang-buhay.

Naramdaman niya ang pagkulong sa kanya ni Seven sa bisig nito. She didn't even bother complaining and just cried. Magkakaanak na siya. 

"Congratulations, Miss Cortez, Mr. Montecillo," ani ng Doktor bago ito nagpaalam saglit at binigyan nila ng privacy. 

She couldn't stop crying. Sobrang saya niya. This trumps the feeling she had when she released her first full-length novel. O nung grumaduate siya. Iba. Iba ang sayang dulot na malamang may buhay na nabubuo sa iyong sinapupunan. It was an unexplainable feeling of fulfillment. 

Nang mag-angat siya ng tingin, nakita niyang nakatitig lang din sa screen si Seven. Nakatulala ito sa screen habang dahan-dahang hinahaplos nito ang kanyang buhok. 

Oo nga pala't hindi lang siya ang magiging magulang sa silid na iyon. It was the both of them. Ano kaya ang nararamdaman nito ngayon? Siya kasi, matagal niya nang pinaplano na magkaanak kaya't masaya siya. 

But Seven...

She practically dragged him into this so she's sure he's not ready yet. At bata pa ito. Kaka-graduate pa lang at naghahanda para sa board exam. He still had a lot of better things to do than be a father. Masyado pang maaga para dito ang magkaroon ng gan'to kalaking responsibilidad...

Muli siyang naiyak. Hindi niya mapigilan ang sariling ma-guilty. This was all her fault. Kung hindi lang kasi siya nagpadala sa init ng katawan. If she hadn't succumb to her urges brought by her drunkeness, hindi sana ito madadamay. Siya yung nakakatanda pero siya pa ang nagpahamak dito--

"I can hear the gears in your head working overtime," ani bigla ng lalaki. 

Napaangat siya ng tingin dito and he immediately cupped her face. Isang malapad na ngiti ang iginawad nito sa kanya. 

"I'm fine," sambit nito. "But I would be lying if I say I'm not overwhelmed by this. Pero masaya ako. Do not overthink this. Masaya akong magkakaanak tayo. Hindi ba't sinabi ko sa'yo that 'I got you'? I very much intend to keep that promise, Solyn."

With all arguments thrown out of the window and only sheer joy left inside her heart, she cried again. Kasabay ng walang tigil na pag-agos ng luha sa kanyang mga mata ay ang pagyapos sa kanya ng lalaki. She felt safe. She felt secured. She felt... 

Happy. 

After tiring her hormonal self from crying, binigyan lamang siya ng kaunting reminders at iba't ibang vitamins that would ensure her a healthy pregnancy. May kaunting paalala ding binigay si Dr. Marquez kay Seven at mahigpit na ibinilin ang mga bawal sa kanya. After the check-up ay dinaanan na nila ang mga gamot bago siya nito ihatid pabalik sa Bulacan. 

"Pwede dumaan muna tayo sa mall saglit?" tanong bigla ni Seven habang nagmamaneho. "May bibilhin lang ako para kay Ate Naia. Saka kay Mavi na rin. Saglit lang, promise."

"Uh, sure," sagot niya na lang. As if she had a choice. Hindi rin naman kasi siya makatatanggi dahil ito ang nagmamaneho ng sasakyan. Isa pa, gusto niya rin tumingin-tingin ng mga gamit pambata. Para makapagsimula na siyang mag-budget for her own little one. 

Pagdating sa may parking ay agad bumaba si Seven ng sasakyan at tinulungan siyang makababa. 

"OA mo," asik niya agad dito. "I'm six weeks pregnant. Not six months. Kaya ko sarili ko."

"Nagpapractice na ako para kapag six months ka nang buntis, master ko na ang pag-aalalay sa'yo," pagdadahilan nito. "O, dahan-dahan. Baka ma-slide ka tapos tumambling si charmander diyan sa tiyan mo."

Napakunot agad ang noo niya. "Ano? Charmander?"

Ngumisi ito ng pagkalapad. "Starting pokemon tapos pinakamalakas."

Sinamaan niya agad ng tingin ang lalaki.

"My baby is not a Charmander!" bulalas niya dito. Nasaan na ba ang ballpen niya para masaksak ito? "Gago ka ba?!"

"Oh eh di sige. Si Pikachu na lang--"

Tinanggal niya sa pagkakasabit mula sa kanyang balikat ang dalang tote bag at pinaghahampas gamit 'non si Severino. How dare he call her baby a pokemon!?

"Walang hiya ka!" singhal niya dito. "Anong akala mo sa anak ko, yellow na daga?!"

"Bilog kasi dun sa ultra-sound eh parang poke-ball," dahilan nito habang umiiwas sa mga hampas niya. "Saka anong masama kay Pikachu? Cute nga eh--"

"Aba gago ka talaga--"

"Seven?" 

Natigilan siya sa sana'y paghampas muli kay Severino nang may isang babaeng nakatingin sa kanila sa may di kalayuan. Halos sabay silang dalawa napatingin ni Seven dito. 

"Oh my gosh! Ikaw nga!" 

Hindi niya alam kung dahil ba sa inis kay Seven o dahil sa nakakairitang boses nito kaya't napa-irap siya. Daig pa may megaphone sa bibig nito sa sobrang lakas ng boses nito. Idagdag pa na parang sosyalin ang babae dahil tadtad ng designer ang suot nito. And she hated over-the-top socialites na halos isampal sa pagmumukha ng ibang tao na can afford sila. 

"Uh, hello," sagot bigla ng lalaki. She was about to roll her eyes at him and leave to give them space for their mini-reunion but she did not expect the next words that came out of his mouth. "Sino ka nga uli?" 

Buti na lang talaga at naiharang niya agad ang kamay sa sariling bibig kundi baka pumainlang sa buong parking lot ang malakas niyang tawa. Kitang-kita din niya ang biglang pamumula ng pisngi ng babae sa pagkapahiya. 

"O-OMG, Seven! You're so palabiro talaga," alanganing sambit na lamang nito hoping to salvage the remaining dignity she had. Tumawa pa ito ng pilit kaya mas naging awkward tuloy. Tumalikod na lang siya't nag-iwas ng tingin dahil kawawa naman ito. "G-Ganyan ka na talaga since high school. I can't believe na joker ka pa rin. Anyway, regards na lang kay Box, okay? I have to go na. Bye!"

Habang papalayo na ang babae ay dahan-dahan siyang humarap kay Seven na naka-kunot ang noo. Bahid sa mukha nito ang pagkalito at para bang inaalala pa rin kung sino ang babae ngunit hindi talaga nito ito maalala. Natabunan tuloy yung inis niya dito dahil mukha itong constipated na ewan. She laughed so hard she almost peed herself.

 "Ang gago mo," aniya habang patuloy na tumatawa. "Kakilala mo ata nung high school 'yon. Crush ka ata."

"Kakilala?" kunot-noong tanong nito. "Ahh. Baka naging teacher ko. Alam mo naman ako, madaming nagkaka-crush na mas matanda sa akin."

Natigil ang pagtawa niya at agad itong tiningnan ng masama. He was smirking so widely sabay hawak sa kanyang kamay.

"Tara na nga. Baka makasalubong din natin yung janitor sa school namin. May utang pa kong bente 'don."

Hindi hormones ang dahilan ng mood swings niya. It was him. Si Severino Montecillo ang salarin.

🌼

patawad. ang tagal kong hindi nagsulat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro