Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[B4] Episode 7

🌼

"You're around four weeks long, Mrs. Montecillo," ani ng inirekumendang Ob-Gyn ni Seven kay Synn.

Medyo kinabahan siya sa rekomendasyon nito dahil baka nadulas ito't nasabi sa mga pinsan o kapatid ang kalagayan niya. But he assured her that his family has no clue about her condition. Only Cole knows about it.

Ayon kay Seven, Cole is his cousin. Their cousin. Anak daw ni Miss Saturn Montecillo sa pagkadalaga kaya't hindi gaanong ipinapaalam sa kahit sino.

So when they decided to tell her about Cole's real parentage, the girl joked na wala na daw siyang kawala sa kuya nito. Nagkataon daw kasi na ang mga totoong nakakaalam ng katauhan niya maliban sa mga pinsan ay ang nakakatuluyan ng mga kuya nito.

Joke's on her 'coz she and Seven won't end up together. Masyadong malayo ang personalities nila at edad. They simply don't jive together.

Magkasama sila ni Seven sa clinic ngayon para kumpirmahin kung talaga nga bang buntis siya. Gusto sanang sumama ni Snow pero ayaw niyang magtaka si Winter. Bilin niya kasi sa kapatid na huwag munang sabihin ang kalagayan niya sa kakambal nito. Siya na lang ang magsasabi dito kapag okay na ang lahat.

"It's Miss Cortez, actually," pagtatama niya kay Dr. Marquez. "We're not together."

"Oh," anang matanda at bagaman halata sa utsura nito ang pagkalito ay tumango na lamang. "We can schedule for an ultrasound this coming Friday. Mas maiging makita din natin ang kalagayan dinadala mo, Miss Cortez."

"Great."

As they both walk out of the room ay parang wala lang na nangyari. Parang hindi magbabago ang buong buhay nila dahil sa bata.

"Gusto mo kumain?" tanong ni Seven habang naglalakad na sila papunta ng parking. "Are craving?"

Napatingin siya dito at napaangat ng kilay nang makitang sobrang lapad ng ngisi niyo. Alam na niya ang susunod nitong sasabihin.

"Don't," sabay tingin ng masama dito. "Don't you dare say it."

Pero parang wala lang dito ang matalim niyang titig at sa halip ay mas lumapad pa ang ngisi nito.

Magsasalita na sana ito pero pinandilatan niya ito. Still, he grinned like an idiot and continued.

"Craving for me?"

Napa-facepalm na lamang siya at lihim na humiling na kinin na lamang ng lupa.

This guy, really.

Nang marating nila ang kotse nito, nagulat siya nang unahan siya nitong buksan ang pinto. Napataas tuloy siya ng kilay.

"Sabi ni lolo, dapat daw pinagbubuksan ng pinto ang babae," pagdadahilan nito.

"I can open my own—"

"Door. I know," putol nito sa kanya na nakapagpa-busangot sa kanya.

"Smart-ass," she spat. "May kamay ako. Hindi din ako baldado. Anong akala mo sakin, hindi marunong magbukas ng sarili kong pinto?!"

Pero imbes na magalit o ma-offend ang lalaki, tumawa lang ito at hinawakan ang magkabila niyang balikat bago itulak papasok ng kotse.

"Pasok na," anito. "Hindi naman mababawasan pagkababae mo kapag tumanggap ka ng tulong galing sakin eh."

Pinaningkitan niya ito ng mata't pinagcrus ang mga braso. Seven just smirked before closing the door.

Napa-irap siya. Bakit walang epekto dito ang mananaray niya? Feeling ba nito eh najo-joke lang siya?

"What the f—"

Nanlaki ang kanyang mga mata nang bigla nitong nilapit ang mukha sa kanya. Hinila nito ang seatbelt at maayos na ni-lock. Lumapad naman ang ngisi nito nang mapansin ang pagsinghap niya. Naramdaman niya ang pag-init ng kanyang mga pisngi.

"Akala mo hahalikan kita, 'no?" Lalong nag-init ang pisngi niya sa tanong nito.

"W-What?! Hindi 'no!"

"Sus. Wag ka na mahiya. Tama ka naman eh."

Nanlaki ang mata niya nang bigla siya nito nakawan ng halik sa pisngi. Panigurado ay mukha na siya ngayong kamatis sa sobrang pula.

"Tara!" ani pa nito na parang walang nangyari. "Drive thru muna tayo sa McDo bako kita iuwi sa bahay mo. Libre ko kasi masaya ako ngayon."

Gusto niyang hampasin ito. Gusto niyang batukan. Naiinis siya dito pero wala siyang magawa. Kaya kinagat niya na lang ang seatbelt at iyon ang pinanggigilan.

"Sa next life ko sana maging seatbelt na lang ako," biglang sambit ni Seven. Napakunot tuloy siya ng noo. "Para kinakagat mo 'ko."

"Alam mo, ikaw, hahampasin na talaga kita," banta niya dito.

"Okay lang basta be gentle," sagot naman nito sabay kindat.

Aabutin niya na sana ang suot niyang sandals para ibato dito pero tumatawang hinawakan ni Seven ang isang kamay niya.

"Bitawan mo nga ako," asik niya sa lalaki.

"Ayoko nga," parang batang paslit na sagot nito. "Kahit anong mangyari, hindi kita bibitawan."

Isang matalim na tingin ang binato niya dito. Bakit parang may laman yung sinabi nito? Parang may ibang kahulugan.

Napaismid na lang siya't tumingin sa labas ng bintana. Feeling niya kasi kung ipagpapatuloy niya ang pakikipag-usap sa lalaking 'to ay mauubusan siya ng pasensya.

Hindi nagtagal at nakarating na sila sa sikat na fast food chain at umorder ito ng kung anu-ano.

"Ano sa'yo?" tanong nito na ikinabigla niya. Ang buong akala niya kasi ay sinama na siya nito sa sobrang dami ng binanggit kanina. "Wag mong sabihin na ako ha. Baka maulit nanaman yung sa parking lot. Umagang tapat o."

Nanggigigil na kinurot niya ito sa tagiliran kayat nakapasigaw ito.

"Dahan-dahan lang naman sa pagpisil be—"

Nanlaki ang mata niya't agad itong pinaghahampas. Nakabukas pa maman yung bintana at sigurado siyang rinig sila sa speaker na pinagsasabihan ng order. Nakakahiya!

Muli niya itong kinurot ng pagkalakas.

"Benjo! Aray ko naman Benjo!"

Tangina talaga nito.

Humalikip kip siya sa kanyang upuan at tumingin na lang sa ibang direksyon. Nakakahiya talagang kasama 'to. Sarap sabunutan.

"Here's your order sir."

Napatingin siya sa may binta katabi ni Seven at ayon nga, inaaboy na ng isang crew ang sandamakmak na chicken nuggets, fries, spaghetti at kung anu-ano pang inorder nito. At may happy meal pang kasama!

"Grown-up, my ass," bulong niya sabay irap.

"Hala, bastos!" anito pagkalapag ng pagkain. "Mamaya na sa condo, Benjo. Masyado kang excited."

Rinig na rinig niya ang naging pagsinghap ng crew kaya tiningnan niya ito't pinagtaasan ng kilay. Agad namang inilayo nito ang tingin at bumalik na sa trabaho.

"Sungit mo naman ngayon, Benjo. Chill ka lang. Ikaw lang mahal ko," ani Seven kaya't nahampas niya nanaman ito.

Tumawa lang ang lalaki't dumiretso na sila pabalik ng Bulacan. Hindi niya na namalayang nakatulog siya sa buong biyahe.

"Good morning baby girl," bati nito sa kanya. Buti na lang ay napigilan niya ang sariling subtukin ito dahil sa pagkagulat. "Kamusta tulog? Grabe ha. May laway pa."

"What?!" bulalas niya sabay upo ng maayos at apot sa sunshield para tingnan ang repleksyon niya sa maliit na salamin doon.

"Don't worry. Tanggap kita kahit naglalaway ka tapos humihilik," dagdag pa nito. "Ako din naman eh."

Isang matalim na tingin ang ibinato niya dito bago bumaba ng kotse. Hindi na siya nagpaalam dahil para saan pa? Baka bumanat nanaman ito at lalo pang uminit ang ulo niya.

Pagdating sa may gate ay sak niya lang naalala ang dalang bag. Pigpihit niya pabalik sa sasakyan ay naroon na't naksunod sa kanya si Seven. Suot nito ang tote bag niya sa isang balikat.

"Ang cute naman nitong bag mo," komento nito habang naglalakad papalapit sa kanya. "Parang kinuha mo lang yung sako ng semento sa may construction site."

Napa-irap siya. Seven and his jokes are really getting in her nerves. Inilahad niya ang kamay para sa bag.

"Akin na," utos niya dito. Nag-pout ang lalaki't iniiwas iyon sa kanya.

"Yoko nga," sagot nito sabay belat. Nasapo niya ang kanyang ulo sabay masahe sa kanyang sentido.

Great. The father of my child is worse than a five-year old.

"Can you at least give my my keys?" ani niya na lang. Pagod na siya eh.

"Kiss?" ulit nito.

"Yes, keys."

"Okay. Kiss."

Lumapit ito sa kanya at bigla na lang siyang hinalikan. She was about to push him but he had already wrapped his arm around her waist. In short, she was trapped. Or, she just wanted it to happen.

Siguro dahil buntis siya kaya hindi niya gustong lumayo. They do say pregnant women's hormones start to go haywire. Mas uminit pa ang kanyang pakiramdam nag hapitin pa siya nito ng mas malapit.

Naghahabol na siya ng hininga nang sa wakas ay pakawalan siya nito. Ang gago nakangisi pa habang pinupunas ang nude pink lipstick na nalipat dito.

"Kiss pa?" pangaasar nito.

"Susi," pagtatama niya sabay hablot ng bag niya mula dito. "Umuwi ka na."

Ramdam niya pa rin ang pagiinit ng kanyang mukha kahit nakapasok na siya ng bahay niya. Pati buong katawan niya.

Nag-replay nanaman sa kanyang isipan ang biglang paghalik nito sa kanya. The was he moved his lips according to her liking hust shows how much of an expert he is when it comes to kissing. Ramdam na ramdam niya pa rin ang mga labi nito at hindi mabigilan ang kung anong bumubuhol sa kanyang tiyan.

Seven was built like he was a gift to womankind. Matangkad, gwapo, matikas. He could rival every male protagonist she had made and win with just one smile. Bonus points dahil old money rich pa ito.

But he was a kid. Hindi sineseryoso ang mga bagay-bagay sa paligid. At masyado ring pilosopo. Madalas ay nakakapikon na.

Her mind then distracted her of images from that one night. She clearly remembered the way his vein-y hands followed the contours of her body, how his lips trailed her spine and how he rained soft kisses on her neck.

Unconsciously, her hands went straight to her neck as she felt her insides somersault. Her pregnancy hormones are all over the place. Her pregnancy brain yelling at her to call him back and lock them both inside her room—shit.

Cold shower. She needs a freaking cold shower now.

🌼

Mabilis na limipas ang mga araw. Sa sobrang bilis, hindi niya namalayang Biyernes na pala kung hindi pa siya binulabog ni Severino. He called multiple times and texted her nonstop. Napilitan na lang din siya papasukin ito ng bahay niya dahil ayaw niyo tantanan ang doorbell niya.

"Ultrasound day," pagdadahilan nito sabay kibit-balikat. "Ngayon ka naka-schedule. Kapag di tayo nakaabot matatagalan pa bago tayo makapagpa-schedule uli."

"Alam ko ang schedule ko," sagot niya naman. "At mamayang alas-tres pa 'yon. Hindi ka ata marunong magbasa ng orasan. Alas-nuebe pa lang ng umaga."

"Excited na kasi ako eh," pagdadahilan nito. "Sak baka gusto mo dumaan sa mall. Tingin tayo gamit ni baby."

Napakunot ang noo niya. But she did find it adorable that he's excited and all. Hindi halatang napipilitan lang ito.

"It's too early for that," sagot niya. "Bibili ako ng gamit kapag alam ko na ang kasarian ng anak ko."

"Anak natin," pagtatama nito. "At bibili tayo ng gamit ni baby. Siguro selfish ka nung bata ka. Di ka marunong gumamit ng pangmadamin pronouns. Writer ka sa lagay na 'yan?"

Sinamaan niya ito ng tingin. Just when she's starting to see his good side, bigla nanaman nitong ibubuka ang bibig at kung anu-anong walang kakwentahan ang sinasabi.

"Well, hindi magbabago ang schedule ko kaya maghintay ka diyan," mataray niyang saad. "I have a deadline to catch so please, don't bother me. After lunch na tayo lumuwas."

"Otey," sagot nito. Napairap na lamang siya bago ito tinalukuran para bumalik na siya sa kanyang kwarto.

Medyo inaantok na siya dahil maaga siyang nagising kanina. Nakatulog kasi siya ng alas sais ng gani kahapon kaya't alas tres ng umaga'y nagising na siya agad. It was kinda a good thing dahil nakapagtrabaho siya't nakapagtapos ng labing-limang chapters.

"Uy, ang cute naman ng kwarto mo. Daisies ba 'yan?"

Nagulat na lang siya nang magsalita si Seven sa likuran niya. Hindi niya napansing nakasunod na pala ito sa kanya.

"Sinong maysabi sa'yo na pwede kang pumasok dito sa kwarto ko?!" bulalas niya dito sabay tulak palabas. "You're not allowed here!"

"Hala ang unfair mo naman. Ikaw nga nakapasok na sa kwarto ko sa condo tapos ako bawal sa room mo. Daya," tila nagtatampong sambit nito. "Makikitambay lang naman ako eh. Promise. Di kita gagambalain."

"I highly doubt that." Pinagkrus niya ang mga braso't itinaas ang isang kilay. "I don't trust you after the stunt you pulled last time."

"Sabi mo kasi 'kiss' eh. Malay ko bang 'susi' pala ibig mong sabihin."

She rolled her eyes at him. "And what made you think I'd want to get a 'kiss' from you, huh?"

"Hindi ko din naman inakala na magkaka-baby tayo but here we are..." Kumibit-balikat pa ito.

"Ugh. Whatever."

Bakit pa kasi siya nakikipagdiskusyon dito eh alam niya lang namang wala itong kwenta kung sumagot? Napabuntong-hininga siya't tinalikuran na lang ito bago dumiretso sa kanyang table.

"Just don't touch anything in my room."

"Not even you?" makahulugang tanong nito. Pinanlakihan niya ito ng mata.

"Especially not me!"

Agad tumawa ang lalaki at itinaas ang dalawang kamay na animo ay sumusuko.

"Okay, okay," anito. "I won't touch anything."

"Good."

"But you're very welcome to touch me."

Nakatitig ito sa kanya na parang nangaakit: sinabayan pa ng kindat.

Jesus, Mary, Joseph. Bless me for I'm about to sin...

🌼
kelangan ko mag-update
para kay Yelo 🥺👉🏻👈🏻

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro