[B4] Episode 6
🌼
Nagising kinaumagahan si Synn na maga ang mga mata. Pagmulat niya ay ang nahihimbing na si Seven ang bumungad sa kanya't and nakayapos nitong braso sa kanyang maliit na katawan.
So she fell asleep last night while crying. Hindi niya ugaling umiyak sa harap ng ibang tao ngunit hindi niya napigilan ang samu't-saring emosyon dulot nang dalawang guhit sa maliit na aparato.
Nagdadalang-tao siya. Magkakaron na siya ng anak. Hindi na siya mag-isa.
Dahan-dahan niyang inangat ang braso ng nahihimbing na lalaki at pasimpleng yumakag patungong banyo.
Ramdam niya ang pagbaliktad ng kanyang sikmura. Gusto niyang magmura sa sobrang inis dahil napaka-unfair sa mga babae na sila lang ang nakakadanas ng ganitong abala habang ang mga lalaki eh andun at natutulog lang.
"What the—"
Nagulat siya nang may biglang may humawi ng kanyang buhok palikod. Napatingin siya agad sa likuran kung saan nakita niya si Seven na humikab pa habang inaayos ang pagkakahawak da kanyang buhok.
Magsasalita sana siya ngunit naunahan nanaman siya ng tiyan. Bumaliktad nanaman iyon kaya't iniharap niya ang mukha sa bukana ng toilet bowl at inilabas ang kung anong tirang pagkain sa kanyang tiyan.
Maingat na inangat ni Seven ang dulo ng kanyang buhok upang hindi madumihan havang nagduduwal siya. Naramdaman niya rin ang paghaplos nito sa kanyang likuran.
"War flashbacks," anito. "Parang may hangover lang o."
Napatingin tuloy siya dito't sinamaan ito ng tingin. Agad namang nanlaki ang mata nito at inilayo ang tingin. He still had her hair in his hand.
Siguro ay halos sampung minuto sila sa loob ng banyo. Nang sa wakas ay umayos na ang lagay ng kanyang tiyan, bigla na lang siyang nakaamoy ng bacon. Pancakes and bacon.
"Ano yon?" tanong niya bigla kay Seven habang sumisinghot-singhot. Para tuloy siyang aso na hinahanap ang amoy sa paligid. "Bacon ba 'yon?"
"Bacon?" balik naman nito sa kanya. Inamoy din nito ang sarili. "Di naman ako amoy baboy."
Napairap siya. "Not you, genius. May naaamoy akong nagluluto ng bacon!"
"Huh?" suminghot-singhot din ito palapit sa kanya. "Wala naman. Wala akong naaamoy."
"Meron!" tinulak niya ito at lumapit aa may dingding. "Baka yung katabing unit mo nagluluto."
Kunot-noo itong lumapit sa kanya at tumayo sa may likuran niya. Kumaibabaw ito sa kanya at pasimpleng idinikit ang katawan sa likuran niya. Para tuloy itong nakayakap.
"Wala naman—aray!"
Bigla niya itong siniko dahil pasimpleng imi-iskor nanaman sa kanya. Rinig niya pa ang mahinang pagtawa niyo habang sapo ang nasaktang tadyang.
"Na-dislocate ata ribs ko," anito pagkatapos.
Umiiling na napairap siya dito bago inilayo ang sarili sa dingding at naglakad na patungo ng kusina. Medyo may mapaklang lasa pa ang kanyang bibig kaya kilangan niyang mag-toothbrush muli.
"Gusto mo bang magpa-check up?" biglang tanong ni Seven habang nagtu-toothbrush siya. "Pwede ko tanungin si kuya Jarvis kung sino tumingin kay Ate Naia—"
"No!" agad niyang pigil dito.
Hindi niya alam kung bakit pero ayaw niya munang ipaalam sa kaibigan ang kalagayan niya. In fact, ayaw niya munang may ibang makaalam liban sa kanilang dalawa.
Pansin niya ang pagkunot ng noo nito. Napabuntong-hininga siya't tinapos muna ang ginagawa bago hilahin ito pabalik sa maliit na sala ng condo. Huminga siya muli ng malalim bago tinapatan ang kanina pang mga nagtatanong na titig nito.
"Seven," seryosong sambit niya. "Sinabi mo kagabi that you got me, right?"
Bagaman nalilito ay tumango ito.
"Great. Thank you for that. But I don't really need your help—"
"Let me stop you there," putol agad ni Seven. "Hindi ko ugaling hindi patapusin ang kausap ko pero ngayon pa lang, Synn, sinasabi ko sa'yo na hindi ako papayag na mag-isa ka lang diyan sa pagbubuntis mo. I meant what I've said last night. I got you. Pananagutan kita."
"The thing is, Seven, ayoko," diretsong sambit niya. "Ayokong panagutan mo ako. Ayokong matali ka sa responsibilidad na 'to. You're young. Madami ka pang pwede gawin sa buhay mo—"
"And I can still do all those things with you and our baby in the picture," putol nitong muli sa kanya. "Come on, Synn. You can't expect me to just let you do all of this alone."
"Pero kaya ko 'to—"
"I know you can but I want to be there for you."
First time niyang makitang sobrang seryoso ni Seven. Bigla ay may kung anong bumubuhol sa kanyang tiyan. Napaiwas siya ng tingin dito.
Should she? Hindi parte ng plano niya na isama ang ama ng magiging anak sa buhay niya. That's why she wanted a one night stand. Walang lugar sa buhay niya ang sinumang lalaki dahil ayaw niyang maging mas kumplikado pa ang sitwasyon.
Takot siya. Takot siya sa mga maaaring mangyari. Sa posibilidad na kapag nasanay siya'y bigla na lang itong umurong.
"Synn—"
"Let's say you do stay," diretsong sambit niya. "What assurance do I have that you wouldn't leave? Na hindi mo iiwan ang bata?"
She fiddled with her hands a bit and looked away. Sa ngayon ay nasasabi lang nito ang mga iyon dahil hindi pa nito nararanasan ang pagaalaga ng bata. But when things go south, panigurado ay uurong ito. Or in the long run, maaaring sisihin nito ang bata dahil inagaw nito ang oras na nakalaan para sa sarili nito.
Ayaw niyang maramdaman iyon ng anak niya. Ang kamuhian ng magulang. Ang sisihin sa pagkawala ng oras para sa sarili. Ayaw niyang maranasan ng anak niya ang ginawa sa kanya ng kaniyang ama.
"Plus, you didn't plan this. I did this. Ako yung gustong magkaanak," dagdag niya. Her hands were shaking dahil sa hindi inaasahang pagkakabuhay ng masasakit niyang alaala na pilit niyang ibinaon sa limot. "I'm basically a predator for doing this to you."
"Predator? Isang 'rawr' nga diyan."
Napairap siya.
"See? This is exactly why," she muttered as she folded her arms. "Bata ka pa, Seven. You can't even last a serious conversation. How'd you expect me to trust you with this responsibility—"
"Nag-joke lang, hindi na kaya pagkatiwalaan?" balik nito agad sa kanya. "And no, you're not a predator. It was as consensual as much as it can be."
Maya-maya pa'y hinawakan nitong bigla ang kamay niya.
"Relax, Synn," patuloy nito. "I'm not asking you to marry me. Yet. Ikaw lang ang makakapagdesisyon sa bagay na 'yon. All I want is to be there for you and help you along the way. I'm not pressuring you to be with me."
Napatingin siya dito. Ngumiti si Seven sa kanya habang dahan-dahang minamasahe ang kamay niyang hawak nito. It's as if he knew she was already panicking and is trying to calm her down.
Muli nanamang may kung anong bumubuhol sa kanyang tiyan. But this time, umaakyat na ito sa kanyang dibdib.
"Though I'd very much like to date you if you'd let me," bigla nitong dagdag kaya't napairap nanaman siya. Ngunit ngayon, may isang munting ngiti na gumuhit sa kanyang mga labi.
May magagawa pa ba siya?
"Fine," aniya't binawi ang kamay mula dito. "Do whatever you want to do. Bahala ka na."
Ngumisi ng pagkalapad si Seven at diretsong tumingin sa kanya. Para tuloy siyang nalulunod sa mga mata nito. Why did he suddenly look more attractive to her?
"Which one?" tanong nito sabay laput sa kanya. "Panagutan ka o i-date ka? Pero kung ako ang tatanungin, I'll go with both."
She rolled her eyes before pushing him away. Tumawa lang ito.
"I need to go," aniya sabay tayo. "May kailangan pa akong ipasa sa editor ko."
"Hatid na kita," agad naman nitong sambit. Tumayo na din nito at inabot ang kung ano sa mesa. Susi siguro.
"Kaya ko—"
"Tara na." Nagulat siya nang bigla na lang siya nitong hapitin papalapit at alalayan patungo sa may pinto. "Dahan-dahan. Baka mapatid ka. Baka maalog utak ni baby."
Gusto niyang hatawin ng dos por dos ang lalaki sa sobrang kulit. But then again, that's Seven. A weird kid but a caring one. Wala naman siyang dapat ipag-alala.
Right?
"Hindi pa nga—"
Napasinghap siya nang buksan nito ang pinto at mukha ng kapatid niyang si Snow ang bumungad sa kanya. May kasama din itong babae. Pamilyar ito ngunit hindi niya maalala kung sino.
"Ate?!" bulalas nito.
"Snow!"
"Cole?"
"Wait lang. Mamaya na attendance. Natatae na ako. Tabi."
Dire-diretso ang babaeng kasama ni Snow sa loob ng condo kaya't napatingin kaming lahat dito. Kilala ba ito ni Seven? Is she someone close to him or something? Maya-maya pa'y bumalik ang atensyon niya sa kapatid na gulat na gulat.
"Ate, anong ginagawa mo dito?" tanong nito nang makabawi sa pagkagulat. "Akala ko sa condo ka matutulog?"
Dumako ang tingin nito kay Seven at tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Hindi ko alam na sa ibang condo ka pala makikitulog," makahulugang saad nito habang nakatingin kay Seven. "Is he your boyfriend?"
"No!"
"Malapit na."
Napatingin siya sa lalaki at pinandilatan ito. Muli ay bumaling siya sa kapatid.
"It's a long, complicated story," aniya sa kapatid. "Ikaw, bakit ka nandito?"
"Nakaramdam ng sama ng loob si Cole kaya sabi niya, makiki-cr siya. Sakto naman na malapit daw itong condo ng kakilala niya so we went straight here," paliwanag nito.
So that means close nga ang babaeng kasama nito kay Seven. Since she's that comfortable with him. Ano kaya ang relasyon ng dalawa? Are they together? Friends? Nililigawan?
Bakit pala siya curious? Bakit gusto niyang malaman kung anong klaseng ugnayan meron ang dalawa?
I don't care. Really.
Pero kung girlfriend nga talaga nito ang babae, paano na siya? Este, ang anak nila? Did he just cheat? Kailangan niyang i-klaro ang lahat dito dahil baka maging ugat pa ito ng paghihiwalay nila.
Or kung nililigawan ito ng lalaki, baka ma-bad shot ito at hindi na sagutin si Seven.
Weirdly, she didn't find that as something to actually worry about.
"Akala ko nga boyfriend niya ang pupuntahan niya dito 'coz I know she's an only child," patuloy nito. Then bumaling ito muli kay Seven. "Oh my God! Are you two-timing my best friend and my sister?!"
Nanlaki naman agad ang mata ni Seven.
"Ha?!" bulalas nito.
"Hatdog," walang-kwentang sagot naman ng kapatid niya. "Tatagalugin ko para maintindihan mo. Pinagsasabay mo ba si Cole at Ate Synn? Aba, kahit may itsura ka, that doesn't give you the right to cheat."
"Wala akong niloloko," depensa agad ni Seven. "Hindi kami ni Cole."
"Eh di ano?" Nakapamaywang na tanong ni Snow. "Kung hindi ka niya boyfriend, ano ka ba niya? Huwag mo sabihing kapatid ha dahil alam kong nagiisang anak si Cole."
"Hindi ko siya kapatid. We're uh... friends?"
Nagtaas ng kilay si Snow. Clearly she's not buying it. And so was she. Kaano-ano ba kasi nito ang babae at parang hindi makasagot ng maayos itong si Severino?!
"Bakit hindi muna tayo pumasok sa loob?" Ani na lamang ng lalaki. Napakamot pa ito sa batok. "Mukhang matatagalan pa si Cole sa banyo."
Pumasok siyang muli sa maliit na sala kasama ni Snow. Her sister was still bombarding her—and Seven with tons of questions kaya siguro nagpaalam ang lalaki na ikukuha daw ito ng inumin.
So much for having her back. Tanong pa nga lang ng kapatid niya ay mababahag na ang buntot nito. Paano kung si Winter pa kaya ang makaharap nito?
That made her freeze for a moment. Ano na lang ang sasabihin ng mga ito kapag nalaman nilang nagpabuntis siya sa isang estranghero. Seven's not entirely a stranger but he's not her friend either. Pinsan lang ito ng asawa ng best friend niya. A mere acquaintance who accidentally knocked her up because she was too stupid not to use a condom.
Napaka-ulirang kapatid niya talaga. Naglayas na nga, nagpabuntis pa. To think that she's not even a teenager anymore.
"Ate, medyo maputla ka," puna ni Snow maya-maya. "Anemic ka ba? Are you slaving too much on your novels? Alam mo namang dad will take you back basta umuwi ka lang sa atin. Hindi niya man sinasabi, I'm sure he misses you."
She couldn't help herself scoff at that statement. Miss? Unlikely. She's the black sheep of the family. Suwail. And she's the reason why his relationship with their mom is on the edge.
"Nah, I'm good," simpleng sagot niya dito.
Bagaman napakalaki ng kasalanan ng kanyang ama sa kanilang lahat, what Snow and Winter doesn't know won't hurt them. Dahil oras na malaman ng dalawa ang totoo, paniguradong magiiba na ang tingin ng mga ito dito. Mawawasak nang tuluyan ang pamilyang pinaghirapang buuin ng kanilang ina.
"Masakit lang puson ko kaya siguro gan'to—"
"Masakit puson mo?!" nagaalalang tanong ni Seven na saktong kakalapit lang sa may sala. Agad nitong nilapag ang dalang juice at baso bago lumapit sa kanya't naupo sa tabi niya. "Gano ba kasakit? Dalhin kita sa ospital. Teka yung susi ko—"
Hinakan niya ito sa may braso at muling pinaupo. Tiningnan niya ito saglit—sinusubukang senyasan na huwag maging OA, bago muling bumaling sa kapatid na kunot na kunot ang noo.
"Wh—"
Nagulat silang tatlo nang biglang bumukas ng pinto ng banyo. Niluwa 'non ang medyo tulalang si Cole. May hawak itong kung ano sa kamay.
"Grabe ka Anikka ha," ani Seven. "Dito pa talaga sa condo ko nagkalat. Doon ka na lang dapat kay Yvo—"
Nagulat siya nang binato siya ng isang matalim na tingin ng babae. Teka. Hindi pala sa kanya. Kay Seven ito nakatingin.
"Kuya," anito sabay dahan-dahang inangat ang kung anong hawak. "Kanino 'to?"
"Alin—shit! Anikka—"
Nanlaki ang kanyang mga mata't natutop ang sariling bibig nang mamukhaan ang kung anong hawak nito.
It was her pregnancy test kit!
"Two lines," anito sabay baling sa kanya. "Is this... is this yours? Sa'yo ba ang pregnancy test kit na 'to?"
Snow gasped.
Damn it, Severino! Bakit hindi mo tinapon ng maayos 'yan?!
So much for secrecy. She's fucking screwed.
🌼
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro