[B4] Episode 4
🌼
one month ago
"Naia? Yoon?"
Humahangos pa si Synn dahil sa pagmamadali. When Naia called her this morning, laking gulat niya nang sabihin nitong nag-away si Inno at Yoon. And that Inno left her friend in the mansion.
Si Inno? Si Inno na patay na patay kay Yoon, iiwan ito?
Saksi siya sa walang kapagurang paghahabol ni Inosencio sa kaibigan niya. Sa pangungulit at panlalandi nito sa babae. Kay naman mahirap talaga para sa kanya ang paniwalaan ang bagay na iyon.
But when Seven showed up on her door step, alam niyang hindi na biro iyon. This shit was real.
Nang bumaling sa kanya ang tatlo--Naia, Yoon and Jarvis, hindi niya inaasahang ga'non na pala kalala ang sitwasyon. Yoon's eyes were bloodshot red and she was a total mess.
"Synn..."
The helplessness in Yoon's voice shot her straight through her chest. Agad niyang niyakap ito ng mahigpit and it broke her when she cried again.
"What happened?" tanong niya dito. "Seven kinda filled me in pero hindi ko masyadong maintindihan. Bakit kayo nag-away ni Inno? Sinaktan mo siya? How?"
Sumama siya kay Seven nang walang halong pagdadalawang isip at kinwentong bumalik nga daw si Inno pero iniwan pa rin doon ang babae. Sinabi rin nito na it was because of a dare. Their dare.
The purpose of that dare wasn't to fool anyone. Ginawa niya lang iyon para matanggal ang inhibitions ni Yoon since napaka-in-denial nito sa nararamdaman para sa lalaki. Sa nakikita niya kasi, may gusto na talaga ang kaibigan niya sa panganay na Montecillo. Pinangungunahan lang ito ng takot at pride.
"Si Renalea..." Yoon answered. Mahina ang boses nito't tila wala nang lakas. "May nagsabi sa kanya tungkol sa dare tapos narecord tayong naguusap."
"What?" naalala niyang napagusapan nga nila iyon at kinwento kay Naia. "Nagalit siya dahil doon? Ni hindi man lang niya naisip that audio recordings can be manipulated to sound bad?"
"It didn't matter, Synn." It pained her to see Yoon so defeated. Mas lalo tuloy uminit ang ulo niya kay Inno. "He believes that I didn't really love him. Na pinaglaruan ko lang daw yung feelings niya. And he... he left me. Iniwan niya na ako."
Kasalanan niya ito. Because of that stupid dare, nasaktan niya ang kaibigan nila. But what pisses her off ay dahil si Inno, sarado ang isipan. If he really loved Yoon he would've listened.
"Fuck him!" bulalas niya. "Duwag siya. Wala naman pala siyang bayag eh. It was just a simple nudge. You have trust issues and you just needed a little push kaya ga'non."
She might sound like she's justifying this whole thing because she is. Hindi kaya ni Yoon sumugal that time. Lito pa ito at nagbubulag-bulagan sa totoong nararamdaman niya. Tinulungan niya lang naman ito. Nila ni Aki. But it seems like Inno took it the wrong way. Damn it.
"Saka, you already liked him before. Hindi niya ba alam 'yon?!"
Yoon fell for Inno years ago. Pero dahil babaero and lalaki, umatras si Yoon at pinaniwala ang sariling hindi na magbabago ang lalaki. Yoon taught herself how to hate the man that's why she always brushed him off kahit naman alam na ng lahat na mag gusto ang mga ito sa isa't isa.
"Don't waste your tears on a coward like him." She may sound cold since tinuring niya na ring kaibigan si Inno pero, he deserves it. Tangina nito dahil hindi man lang marunong makinig. "You don't deserve to be treated like this, Yoon. Kung hindi niya kayang pakinggan ang paliwanag mo at pinapairal niya ang pesteng ego niya, then to hell with him! You can stay at my place for the mean time. Ready naman na in a few days yung condo mo, right? I'll help you move in--"
"But I don't want him to leave me, Synn." Nangunot ang kanyang noo sa sinabi nito. Her eyes were red and puffy but it still had hope. Hope na babalik ang lalaki dito. "I love him. Gagawin ko ang lahat para lang pakinggan niya ako. Pupuntahan ko siya. Magmamakaawa ako--"
Unbelievable!
"Are you even hearing yourself, Eunice?!" Tumaas na ang tono ng boses niya. She was shocked and disappointed dahil kung magsalita ito ay parang hindi na ito ang Yoon na kilala niya.
Where's the strong and independent Eunice Arabella Suarez she knew? Dahil sa nakikita niya ngayon, parang masyado na itong lulong kay Inno. Like she was going to die if the man leaves her.
"But he already gave up, Yoon," giit niya dito. He already left, damn it! "Hindi ka iiyak na parang tanga diyan kung hindi."
"Synn--"
"Tanga?" Yoon suddenly eyed her. Tumigil ito sa pagiiyak at tila may halong galit ang salitang binitawan. "So tanga na pala ang taong nagmamahal?"
Shit. Hindi 'yon ang ibig nsabihin niya--
"Anong alam mo, Solyn? Na-in love ka na ba?" She rolled her eyes at her friend. So ako na ang kalaban niya ngayon? "So what right fo you have to tell me that I'm stupid?!"
"You know I didn't mean it that way--"
"Whose fault was it in the first place?!" Mukhang sa kanya na binabato nito ang frustrations. "Sino ba yung may ingenious idea sa 'dare' na 'yon? Diba Ikaw?"
Nangunot ang noo niya. Oo. Ideya niya nga 'yon. Pero bakit pag-alis ni Inno eh parang kasalanan niya pa? Siya ba may hawak ng utang ng putanginang 'yon?!
"You keep saying that you're happy being single but in reality, you're alone and miserable," bato pa nito sa kanya. "Kaya dinadamay mo ako--"
Hindi niya napigilan ang sarili't sinampal ang babae. This isn't Yoon. Hindi ito ang kaibigan niya. Hindi ganito kadesperada ang kaibigan niya.
"'Yan. Para magising ka sa katotohanan," sambit niya dito. Gulat ang lahat sa nagawa niya. But she needed to do that. Kailangan niyang pabalikin sa tamang huwisyo ang kaibigan niyang nilamon na ng takot. "I know you're frustrated but you have no right to attack me like that."
Alam niya naman 'yon eh. She's alone. She's miserable. But it was her choice. Mas pinili niyang maging mag-isa at miserable kesa naman ang mabuhay sa isang huwad na kasiyahan.
"O eh, ano ngayon kung mag-isa ako? Miserable? Sorry kung naisipan ko lang naman magsuggest since masyado kang pabebe at ayaw mo pa umamin na may gusto ka kay Inno. Malay ko ba kung kakagat ka. So don't blame this on me nor Arika. Because this is all on you and your fucking trust issues!"
Agad niyang tinalikuran ito ay umalis. Nagmamalasakit lang naman siya. Gusto niya lang naman itong tulungan. Mali ba iyon? Mali bang tumulong?
"Synn!" rinig niyang tawag sa kanya ng isang pamilyar na tinig. It was Seven. Sumunod ito sa kanya palabas ng bahay. "Wait!"
"Leave me alone!" bulyaw niya dito habang patuloy lang sa paglalakad. Alam niyang walang naliligaw na taxi sa lugar kaya't lalakarin niya na lang palabas ng subdivision.
Pero hindi pa man siya nakakalayo ay pinihit siya nito paharap pagkatapos mahawakan ang kamay niya. Nangunot ang noo niya't nanatili ang tingin sa magkahawak nilang kamay.
"Ihahatid na kita," sambit nito.
"No need--"
Seven did not let her continue. Hinila siya nito patungo sa itim na kotseng nakaparada sa tapat ng mansyon.
"Ano ba! Kaya ko umuwi ng mag-isa!"
"Oo pero magtipid ka naman!"
Nangunot ang noo niya sa sinabi nito. Ano daw? Magtipid? Huh?
"Magtipid ka ng pamasahe," anito. "Mahirap na ang buhay ngayon. Mahal na ang kilo ng bigas!"
Naguguluhang napatingin siya dito habang hinihintay siyang sumakas sa passenger's seat na ito mismo ang nagbukas ng pinto.
"Sakay ka na."
Siguro dahil sa pagkagulat at pagkalito kaya hindi na siya nakipagtalo at sumakay na lang. Agad nitong sinarhan ang pinto bago sumakay sa driver's seat at paandarin ang kotse.
She still can't believe Yoon had the audacity to pin everything on her. Na para bang siya pa ang may kasalanan kung bakit iniwan siya ng boyfriend niyang gago.
Tahimik lang sila habang binabagtas ang daan papuntang Bulacan. Her legs were crossed and her arms were folded as her gaze were glued outside the window. Hindi pa rin siya makapaniwalang nasabi 'yon sa kanya ni Yoon. Of all people, si kaibigan niya pa ang gaganon sa kanya.
"She didn't mean it," ani bigla ni Seven. "Angry people say things they don't mean."
"Hindi niya 'yon sasabihin kung hindi niya 'yon iniisip," sagot niya naman. "But whatever. I don't care. Bahala siya sa buhay niya. Kung gusto niya maghabol sa isang gagong lalaki, then go the fuck ahead. The hell I care!"
Napatikhim ito. Right. Pinsan nito ang tinawag niyang gago.
"Ang gago ng kuya mo," sinabi niya na lang. "Tangina."
"Common knowledge na 'yan," simpleng sagot nito.
"Ang gaga ni Yoon. Ako pa sinisi. Bwiset."
"It's a tie. Bagay nga sila."
Lihim siyang napangiti sa sinabi nito. Napatingin siyang muli sa bintana at nakita ang mgakakasunod na inuman. That's exactly what she needs right now. Kailangan niya ng alak sa sistema niya.
"Drop me off sa may Aura," bigla niyang utos sa lalaki. "I'm not going home tonight."
Kitang-kita niya ang pagkunot ng noo nito.
"Ha? Bakit?"
"Wala ka na 'don," mataray niyang sagot.
"Ang daya naman! Sama ako."
Napangiwi siya. Ano 'to, bata?
"What? Close ba tayo?"
"Kino-close," sagot nito. "Gusto mo uminom 'no? Sama ako. Tagal ko na din hindi uminom eh."
"Bawal ang alak sa mga bata."
"I don't hear a 'no' so..."
Napairap na lang siya.
🌼
"Tama na 'yan, Synn. Nakakarami ka na."
"No!" sigaw niya agad at pilit na inaabot pabalik sa kanyang kamay ang alak. Hindi niya na mabilang kung nakakailang shot na ba siya but she didn't really care. Gusto niya uminom kaya iinom pa siya. "Give that back! Give me back my d... drink!"
"Lasing ka na," ani Seven. "You're slurring!"
Medyo nahihilo na siya but she felt fine. She's fine.
"Ako ba ikaw?" singhal niya dito. "I said I'm okay. Mas marunong ka pa sa'kin--whoops!"
Muntik na siyang mahulog mula sa kinauupuan. Buti na lang at naagapan iyon ni Seven at nahapit siya nito sa kanyang baywang.
"Ayan. Hindi daw lasing," anito sabay lapag ng shot glass sa mesa. Napangisi siya't agad na kinuha ang maliit na baso sa mesa. "Hey!"
Inisang lagok niya iyon at napapikit. Sa totoo lang ay wala na siyang malasahan. Ni nga hindi na siya nag-abalang sabayan iyon ng asin at lemon eh.
"Utu-uto," natatawang sambit niya dito. "Kala mo mahuhulog ako, 'no?"
Umiiling na binawi ni Seven ang baso mula sa kamay niya.
"Talino mo, 'no? Ni hindi mo alam na tubig 'yang shina-shot mo."
Hindi niya gaanong naintindihan ang sinasabi nito kaya tumawa na lang siya. Tawa lang siya ng tawa. Aabutin niya sana yung bote sa ibabaw ng mesa pero agad namang kinuha iyon ni Seven.
"That's it. I'm bringing you home." sambit nito sabay hinila siya patayo. "Patay ako kina Ate Naia kapag nalaman nilang gumagapang ka na pauwi."
"KJ mo! Boo!" hiyaw niya habang inaalalayan siya nito palabas ng establishimento. Little did he know, she managed no knick the bottle of Cuervo na naiwan nila sa mesa. Bayad naman na 'yon so why not, diba?
Yakap niya ang bote ng alak nang ipinasok siya ni Seven sa passenger's seat ng kotse. Nang sumakay naman ito sa driver's seat ay saka lang nito napansin ang bitbit niyang souvenir.
"What the--" agad nitong hinablot sa kamay niya ang pinakaiingatang bote.
"Hey! That's mine!" bulalas niya sabay abot sa kinuha nito. But Seven was taller and well, bigger, than her kaya't madaling nailayo nito ang inumin sa kanya. "Minsan na nga lang ako uminom!"
"Hindi na nga kasi pwede. Baka halayin mo pa ako mamaya kasi lasing na lasing ka," anito habang pinipigilan siya. "Piniprotektahan ko lang ang puri ko."
She scoffed then rolled her eyes. "As if there's anything left to protect."
"Grabe ka! Nakakasakit ka naman ng feelings. Pure kaya ako—huy!"
She ignored what he was saying and straddled on his lap just so she could reach the bottle. Siguro nga ay tama ito at lasing na nga siya. Wala na kasi siya matinong pagiisip at ang naging number one goal niya nang mga sandaling iyon ay ang makuha ang pinakamamahal niyang bote.
"Lord," narinig niyang bulong ng lalaki habang inilaayo nito sa kanya ang hawak sa isang kamay habang abala naman ang kabila sa pagpigil sa kanya. "Bigyan niyo po ako ng lakas."
"Ibigay mo na lang kasi sa'kin 'yan!"
"Alin ba? Yung puri ko o yung bote?" Tila nahihirapan nitong sambit.
"Aanhin ko ba yang puri mo? Nakakain ba yan?" Tuloy pa rin ang pagabot niya sa bote.
"Oo—shit!"
She was basically grinding on top of him kakaabot ng inumin. Maya-maya ay ibinaba nito ang bote kaya agad niya iyong naabot. Naramdaman niya na lang ang kamay nito sa magkabila niyang baywang.
"Yes!" hiyaw niya nang makuha ang bote. When she landed on his hips, may iba siyang matigas na naramdaman mula dito. Then she felt something inside her suddenly churn. Napatingin siya dito and blinked twice.
Truth be told, the guy is freaking handsome. It was like he's came straight out of a chick flick. Grabe. Ang gwapo talaga nito. Kaya hindi niya masisisi ang mga babaeng nagkakandarapa dito.
"Tangina..." rinig niyang bulong ni Seven bago itulak siya pabalik sa passenger's seat. But she didn't budge. Nanatiling nakapako ang paningin niya sa lalaki.
He's so damn attractive. His eyes... His eyes bore through her like he was looking deep into her soul. His lips curved perfectly into a soft wave that somewhat hypnotizes her. Dahan-dahang lumapit ang kanyang mukha sa mukha nito.
"Synn..." bulong nito na para bang hirap na hirap na ito.
Why? Hindi ba gusto niya 'to? He said he liked her so... bakit hindi?
Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi at idinampi ang mga labi dito. Narinig niya ang marahang pag-ungol nito bago hawakan sa magkabilang balikat at maingat na itulak siya palayo.
"Synn, lasing ka na—"
"Oh just shut up," putol niya agad dito. "I've been dying to do this since college."
She did not give him any chance to decline. She leaned in again and kissed him.
Maybe she is miserable. But at least she won't be alone tonight.
🌼
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro