Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[B4] Episode 2

🌼

"She'll be fine, Sammy. I caught her just on time."

Pagmulat ng mga mata ni Synn ay ang nagaalalang mukha ni Mara ang bumungad sa kanya. Katabi nito ang kapatid na si Akihiro. Iginala niya ang paningin sa paligid. They're not in a bar anymore.

"Na... Nasaan ako?" tanong niya agad sa dalawa't bumangon.

"Sa condo ko," sagot ng lalaki sabay alalay sa kanya. "It's just a few blocks away kaya dito na kita dinala. Tinawagan ko na din itong si Sammy."

"Synn, okay ka lang ba?" tanong sa kanya ni Mara. "Sabi ko eh sa ospital ka dalhin kaso sabi nitong si Hiro baka pagod ka lang daw."

"I'm a licensed nurse. I'd know if it was something serious," depensa naman agad ng lalaki bago bumaling sa kanya. "Are you having enough sleep, Synn? Malaki ang tiyansang nahimatay ka dahil sa low blood pressure."

Medyo hindi pa rumerehistro sa isipan niya ang mga naganap. Medyo nahihilo pa siya ng kaunti kaya naitukod niya ang kamay sa may sofa at na napahawak sa ulo. She slept well the other day. The whole fucking day.

"Have you had your dinner?" tanong naman ni Mara. She genuinely looked concerned. "Baka kaya ka hinimatay dahil nalipasan ka?"

"Hindi pa," sagot niya. Pero hindi naman siya gutom. Kakamiryenda niya pa lang kasama ni Jam kanina kaya alam niyang hindi dahil sa gutom kaya siya nawalan ng malay.

"Oh my God," ani Mara. "Sorry, Synn. It's my fault--"

"Hindi," agad niyang putol sa babae. "Kakagaling ko lang sa meeting kasama ng editor ko at nagmiryenda kami. So I'm pretty full when I got here. Baka dahil 'don sa naamoy ko sa coffee shop kaya ako nahilo."

"Yung Arabica?" naguguluhang tanong ni Akihiro. "That's odd. A lot of people find that scent quite good. Ikaw lang ang kilala kong hindi ata gusto ang amoy na 'yon."

Kumunot naman agad ang noo niya.

"It's not Arabica," pagtatama niya dito. "Alam ko ang kape ko. I love off of coffee because of the nature of my work. Masangsang yung naamoy ko kanina bago ako nahilo."

"Really?" nagtatakang ani muli ng lalaki. "Wala akong ibang naamoy. Pero baka nga namali lang din ako. My sense of smell's a bit faulty these days."

Maya-maya ay nagpaalam na sa kanila si Akihiro. Mauuna na daw muna ito dahil nasa bar na daw ang mga kaibigan nito. Iniwan nito sa pangangalaga ng kapatid ang tinutuluyan at sinabing huwag mahihiya't doon muna sila tumuloy habang hindi pa siya okay. But she couldn't intrude just like that. She barely knew the guy.

"Are you sure you'll be fine, Synn?" ani Mara na nagaalala pa rin sa kanya. "Hiro said we can stay."

"It's fine, Mara," nakangiting sambit niya dito. "I couldn't possibly intrude. Raincheck na lang sa susunod mong layover yung inom, ha? Kailangan ko lang siguro ipahinga 'to."

"Oh, about that. I won't be flying anytime soon," anito. "So, if you feel like hanging out, just give me a call. I'll do the same when you're already okay. Or if George is back in town."

"Sige," yumapos siya dito at bago magpaalam. "I'll see you when I can. Mauna na ako."

Tumango ito at pumara na siya ng taxi. Napagdesisyonan niyang huwag na muna sa Bulacan ngayon umuwi dahil kahit papano'y nangangamba siyang maulit nanaman ang nangyari sa kanya kanina. Wala pa man din siyang kasama kaya mas delikado.

Ilang minuto lang ang kinailangang lumipas bago niya narating ang condominium ng kapatid niyang si Snow. Pipindutin niya pa lang sana ang mga numero sa electronic keypad ng pinto nang bigla na lamang itong bumukas. Nagulat siya nang makita kung sino ang bumungad sa kanya.

"Winter!"

Maging ito ay nagulat. Pero agad iyong nalusaw at nilayo ang tingin sa kanya.

"What are you doing here," malamig nitong sambit.

"Uh... Snow told me I could stay here for the night," paliwanag niya sa nakababatang kapatid. Ang sabi ni Snow ay hindi na ito dito tumutuloy. "She said no one was staying over so I could crash. Pero... Nevermind. I can leave. Maaga pa naman--"

"May kinuha lang ako," saad nito bago siya nilampasan. "You can stay. I'm leaving anyway."

Hindi na siya nakapagsalita dahil dire-diretso lang itong naglakad sa pasilyo patungo sa elevator. Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago pumasok muli sa loob ng unit.

Like Snow, the room was decorated as simple as possible. White and wood tones ang prominente doon na may kaunting accents ng rose gold. There were a few pictures that was hung on the wall but they were mostly of Snow and her friends. Meron ding isang picture kung saan hinahalikan nito ang kakambal sa pisngi at ang tila hindi masaya ang lalaki sa ginawa nito. May isa namang nakayapos ito sa daddy nila at isa din sa kanilang ina. There was't any picture of her though. At naiintindihan niya iyon. She was the family's disappointment. A big fat liar who ruined the "perfect" family they once had.

Nilapag niya ang dalang tote bag sa maliit na sofa bago ibinagsak ang sarili sa bakanteng espasyo sa tabi nito. Nahihilo pa rin siya. Ang weird lang talaga dahil pakiramdam niya ngayon ay pagod na pagod siya lagi.

Napahawak siya sa kanyang sentido at dahan-dahang minasahe iyon. Lately she's been having headaches too. Baka magkakaron na din siya kaya ga'non. She does experience mild headaches whenever that time of the month draws near.

She did her nightly routine and changed her clothes. Meron siyang mga naiwang gamit at supplies doon dahil madalas ay nagagabihan ang mga meetings niya kasama ang mga co-writers at editors.

Bigla niyang naalala si Aki. Ang nagiisang babaeng kaya sabayan ang pag-inom niya. Sa katunayan, hindi niya sigurado kung sino ba sa kanilang dalawa ang unang tutumba kung mag one on one sila eh. Ika nga ni Yoon, trained na masyado ang mga atay nila. Kaya nga inaabot sila minsang nga umaga sa labas. Hinahatid din siya nito sa condo ng kapatid o di naman kaya ay sa Bulacan pa mismo at doon na rin nakikitulog.

Pero ngayon, hindi na nila magagawa 'yon. Because she's gone. She's gone and she'll never come back.

Sapo ang kanyang bibig ay napaupo siya sa sahig habang umiiyak. For some reason, she can't keep her emotions in check today. Sobrang bigat din ng kanyang dibdib at pakiramdam niya'y hindi niya kakayanin kung tuluyan niyang pipigilan ang sarili.

She's alone so... It's okay to be weak, right? Okay lang naman umiyak, hindi ba?

"Crying is not a sign of weakness. It's just our body's way of washing stress away."

Weird, but it did make sense. Mas nakakagaan naman talaga ng pakiramdam ang pag-iyak. So she cried. She cried until she got hungry.

Dahil may kainan naman malapit, naisipan niya na lang lumabas kesa mag-order. She was craving for some chicken at kung tama ang naaalala niya, may malapit na bilihan ng chicken wings doon.

"Good evening ma'am. May I take your order?"

Walang gaanong tao sa loob ng restaurant na kanyang pinuntahan kaya't sa counter siya dumiretso. Pero kahit nagke-crave siya kanina ng manok eh parang nawala 'yon bigla ngayon.

"Ma'am?"

Mukhang bagiging impatient na ang nasa counter. Pero wala eh. Walang appealing sa menu para sa maarte niyang tastebuds.

"Um—"

"Synn?"

Oh great. Hindi naman siya friendly pero bakit parang ang benta niya today?

Nanlaki ang kanyang mata't napasinghap nang makita si Severino Montecillo—most notably known as the persistent kid Seven, sa may entrance ng restaurant. Mukhang kakapasok lang nito. Damn he looked really good in his brown cardigan over his white shirt and a pair of khaki colored shorts. Simple pero maporma.

But having a face like his, kahit siguro trash bag ang suoting nito ay maganda pa ring tingnan dito. He had a perfectly symmetrical face. Chiseled jawline and well-defined eyebrows. His lips curved perfectly that matched his almond-shaped eyes. He was handsome. Too handsome, in fact.

"Uh... Seven," aniya't alanganing napangiti. "Hi. Err... long time no see?"

It wasn't really a long time since she saw the guy. Siguro mga isang buwan na ang nakalilipas nung huli niya itong makita. Nung nag-away sila ni Yoon. Nung nilunod niya ang sarili niya sa alak at...

"You didn't call," anito na tila nagaakusa. "Hinintay ko yung tawag mo."

"Bakit?" tanong niya dito. "Why would I call you?"

"Because..." the kid scratched his nape. "Hala hindi ako nainform na question and answer portion pala 'to. Di ako ready."

Napairap siya. Hindi niya talaga kayang seryosohin ang batang ito.

"I was asking you a decent question—"

"Gusto ko lang malaman kung okay ka," sagot nito. "Ano kasi... um, nagaalala lang ako. Saka, baka gusto mo uli ng makakausap."

She folded her arms and rolled her eyes again.

"Seven, dederetsohin na kita," aniya sabay tingin ng diretso sa lalaki. "I blocked your number from my phone after that night. Dahil mali. Whatever happened between us the other night won't and shouldn't have happened in the first place. Kaya hindi na mauulit 'yon, okay? It was a one-time thing—"

"Hindi yon isa. Limang beses kaya 'yon—"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito kaya't agad niyang tinakpan ang bibig nito't hinila palabas ng restaurant. Biglang bumalik sa kanyang isipan ang mga kaganapan ng gabing iyon. Napamura siya sa kanyang isipan.

Ah, shit. This guy, really.

"You know what I mean, Seven," seryoso niyang sambit. "That was a mistake. You're practically in the same age-group as my younger brother! Tangina kasi ng alkohol eh! Pahamak!"

Nang matapos siya sa paglilintaya ay napabaling siya sa tahimik na si Seven. He was just staring at her—more like studying her. Tinaasan niya ito ng isang kilay.

"What?" she spat.

But instead of answering, sinalat nito ang ulo niya which made her step back on reflex. Pero lumapit pa rin ito at ginawa ang balak kanina.

"Hindi ka naman gaanong mainit," anito pero nakakunot pa rin ang noo. Then tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Medyo namumutla ka. Are you feeling well?"

Unconsciously ay napahawak siya sa kanyang mga labi.

"I'm fine," sagot niya dito. She didn't want to explain to him but she did it anyway. "Nahihilo lang ako ng konti."

Tumingin ito sa relo. Then back at her.

"Hindi ka pa nagdidinner?"

"Hindi pa," sagot niya naman agad.

"Bakit? Pasado alas diyes na."

"I can say the same to you," asik niya sabay pinagcrus ang mga braso. "Hypocrite."

"Touché."

"And besides, nandito na nga ako para kumain," aniya. "Actually, magoorder na dapat ako kaso tinawag mo ako bigla."

"Then let's eat together," anito bigla. "Wala naman ata masama kung kakain tayong magkasabay, hindi ba?"

"Kid, how many times do I have to say it before you understand what I'm saying? I won't date you."

Kailangan niya nang diretsohin ito dahil ayaw nitong tumigil. He was so persistent! His expression didn't change much but he wasn't smiling.

"But you did fuck me," he blatantly said causing her to gasp. "I'm pretty sure I made it very clear that night that I wasn't a kid."

Hindi siya nakasagot agad. Why did he need to spell that out? Oo nag-sex sila. She was lonely, furious and desperate. Hindi siya nagiisip ng matino nung panahong iyon kaya niya lang nagawa 'yon.

It's not like Seven's bad or anything. He's actually a pretty decent man and very good looking. But the problem here is that, he's three years younger than her. Tatlong taon. She's practically his older sister!

"Dinner lang naman, Synn," patuloy nito sabay ngisi. "Why so worked up? Natatakot ka bang ma-hulog sa charms ko?"

Muli nanaman siyang napairap. Bakit ba ang hirap kausapin nito? Ang hirap din basahin? He'd always answer the most unexpected responses to her questions. Ang weird lang.

"Sige tuloy. Para hindi ka mamroblema, I won't flirt with you while we eat. Okay ba 'yon?"

Tinaasan niya ito ng isang kilay. Should she trust his word for it? Napabuntong-hininga siya.

"Fine," aniya at inalis sa pagkaka-krus ang mga braso. "Hindi ako pumapayag dahil naniniwala ako diyan sa sinasabi mo. Pumapayag lang ako dahil gutom na ako."

"Ako din, gutom na," he said while smiling—this weird boxy smile of his.

Pumasok na sila sa loob at nauna na siyang umorder. She got the soy garlic variant while Seven got the spicy ones.

"I can pay for my own food," aniya nang bigla itong maglabas ng pera.

"I know you can," sagot naman nito. "Pero sigurado akong mumultuhin ako ng Lolo Isidro ko kapag pinabayad kita. A Montecillo never lets the lady pay."

"Now that's just sexist," komento niya.

"Oo. Kasi isipin mo, kawawa kaming mga lalaki. Maghihirap kami kakabayad eh may pera naman kayo."

"They why not let me pay, then?"

"Takot kasi ako sa multo."

Again she rolled her eyes. Hindi niya talaga maintindihan ang batang ito. Hindi niya rin alam kung kelan ba ito seryoso dahil kadalasan ay puro biro ang lumalabas sa bibig nito.

Naupo sila sa may tabi ng glass curtain na nagsisilbing pagitan ng labas at loob ng kainan.

Nang ma-serve na sa kanila ang pagkain ay bigla siyang naglaway sa inorder ni Seven. For some reason, ay parang mas gusto niya iyon. She wasn't really a fan of spicy food but... ewan niya ba. Natakam siya bigla.

"Do you want to switch?" tanong nito kaya't agad siyang napatingin dito.

"Huh?"

"Ang sabi ko, gusto mo palit tayo ng pagkain," ulit nito.

"Ah, wag na. Okay lang—"

But it was too late. Seven already switched their plates.

"Ako gusto ko nitong soy garlic eh. Akin na lang," nakangising saad nito.

She wasn't dumb. Alam niyang ginawa nito iyon para sa kanya. She wasn't naive. But she wasn't that easy to impress either.

"You don't need to impress me," asik ko sabay dampot ng isang pirasong chicken wing.

"I know," sagot naman agad ni Seven bago muling ngumisi. "'Coz you're already impressed."

She rolled her eyes again. Kahit kailan talaga, ang hangin nito.

But where's the lie, though?

🌼

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro