[B4] Episode 16
🌼
"Akala ko talaga ako yung yayakapin mo. Nag-expect ako, Synn. Nag-expect ako."
Kanina pa nakaalis sina Cole at Snow pero nag-aamok pa rin si Seven sa nangyari. Though he looked kinda happy that she finally opened up to her sister, nagtatampo pa rin ito dahil nung tumayo siya mula sa pagkakaupo at tumakbo papalapit dito ay inakala nitong ito ang yayakapin niya.
"Kelan pa kita niyakap ng ga'non, aber?" She was sitting by the kitchen counter while Seven was washing the dishes. "Why are you even expecting something I've never even done."
"Masama bang mangarap, ha? Ha?"
Hindi niya mapigilan ang sariling matawa sa pagaamok nito. Mukha talaga itong five-year old na naagawan ng candy o ng laruan. He was all whiny and pouty. Sarap kurutin ng pisngi at panggigilan.
"Ulol," she said while rolling her eyes. Tinalikuran na rin niya ito upang bumalik sa upuan at magsimula muling magsulat.
Lately she's been quite inspired. Hindi niya man sigurado kung ano ba ang totoong dahilan ngunit nasisiguro niyang malaking parte doon si Seven. And no, she's not in love with the guy. He's still too young for her but she can see herself being really good friends with him in the long run.
"Ano 'yan?" maya-maya ay tanong nito sa kanya. Naka-upo ito sa sahig habang nakasalumbaba sa coffee table na ginagamit niyang patungan ng kanyang laptop. "Share mo naman."
"I'm writing," sagot niya dito without even looking at him. Tuloy lang din ang mga daliri niya sa pagtipa sa kanyang laptop.
"No," anito. "You're typing."
Napahinto tuloy siya sa ginagawa at napabaling dito. He was grinning like he usually does—the one where his mouth forms a boxy smile, thinking he just outsmarted her or something. Napailing na lamang ako at lihim na natawa dito.
"You're prettier when you smile," bigla nitong sambit. Hindi na ito nakangisi sa halip ay nakatitig sa kanya na para bang in love na in love ito. "You should smile more."
"So are you saying I'm not pretty when I don't smile?" Taas kilay niyang tanong dito. She was just messing with him but her questions was kind of half-meant.
"No," sagot naman agad nito. "Diba graduate ka ng 'Creative Writing'? Kaya nga 'prettier' yung ginamit kong adjective to express that you are already 'pretty' but that 'prettiness' intensifies when you're smiling."
"But isn't that subjective?" Akala ata nito ay papatalo siya sa pamimilosopo nito. "It could be 'just pretty' and not exactly 'pretty'."
Naningkit naman agad ang mga mata nito—hindi naman siguro galit, at umupo ng maayos. Pinigalan kong mabuti ang sarili na huwag tumawa ng malakas.
"Kinulang ka ba sa aruga nung bata ka?" tanong nito na nakapag-pataas muli ng kanyang kilay dito.
"What does that have to do with our argument?"
"Hindi ka kasi marunong tumanggap ng compliment," asik nito sabay iling. "Feeling ko, madami namang nagagandahan sa'yo mula bata ka so bakit parang hindi ka pa sanay na sinsabihan kang maganda ka? Tinitipid ka ba ng pagmamahal noon?"
Hindi niya sigurado kung seryoso ba ito sa tanong o sadyang sarcastic lang talaga ito. But nonetheless, he asked so she should answer too.
"Hindi." She folded her arms and leaned a bit sa couch na nasa likuran nila. Nakaupo lang din kasi siya sa carpet. "I've been called pretty since the day I was born so that compliment kinda gets old as time passes."
Blangkong napatingin sa kanya si Seven kaya't sinagot niya ito ng isang kibit-balikat.
"What? I just answered your question."
Seven grimaced making her chuckle. "Sana all. Sana all tinatawag na pretty since the day I was born."
Nakakatawa ang itsura nito kaya't naisipan niya pang mas asarin ito at sakyan ang trip.
"Bakit? Gusto mo rin ba tawaging pretty, ha?"
Mukhang nakatunog naman ito sa pinaplano niyang pang-aasar kaya't pinilantik nita ang kunyaring mahabang buhok at itiniklop ang mga braso.
"Wag na," maarte nitong tugon. "That compliment kinda gets old as time passes."
Tuluyan na siyang napahalakhak ng malakas at hindi na iyon napigilan. She even snorted kaya napatakip siya agad sa kanyang bibig.
"Ay may baboy!" pang-aasar ni Seven sabay tawa rin ng malakas. Hinapas niya ito sa balikat dahil sa mapang-asar nitong tawa at pagturo sa kanya. "Isa pa nga! Oink oink!"
"Ang gago mo talaga Severino!" bulyaw niya dito sabay hampas muli.
Nung una ay hindi ito umiiwas pero kinalaunan ay dinadakip na nito ang mga kamay niya. Dahil doon, mas nilalakasan niya ang bawat hampas dito. Para kahit hindi man tumama yung iba, bawing bawi naman sa matiya-tiyambahang makalusot.
"Bwiset ka—"
Dulot siguro ng pwersang inilagay niya sa pag-atake ay napasubsob siya dito nang umiwas ito patalikod. Sakto namang nawalan ito ng panimbang kaya't on instinct ay napakapit ito sa kanyang braso. Nadala tuloy siya nito sa pagkatumba at pumaibabaw dito. Napasinghap siya sa gulat at napapikit. Seven's arms automatically wrapped around her petite body protectively.
"Weird. Ang familiar nitong posisyon natin," anito kaya't napamulat agad siya ng mata.
He was—yet again, sporting that signature grin of his. Her heart started to beat erratically. Para bang kasali siya sa isang marathon o di naman kaya ay hinahabol ng mga zombie sa bilis ng tibok ng kanyang puso. Tila wala na rin siyang marinig sa paligid kundi ang dagundong sa kanyang dibdib. She felt almost out of breath as their eyes met.
"Ikaw ha, Synn," pukaw nito bigla sa kanya. "Ang aggressive mo. Okay lang naman sakin since tao lang ako. Marupok. Pero kailangan natin tawagan si Dra. Marquez just to make sure it's okay on your part—aray! Joke lang!"
Napa-irap siya sabay tulak dito palayo. "Ewan ko sa'yo. Bastos."
"Ikaw kaya 'tong umatake sa'kin," tumatawang depensa nito sa sarili. "Dinedepensahan ko lang yung sarili ko."
Tinapunan niya tuloy ito ng isang masamang tingin.
"Sa laki mong 'yan, takot ka sa mga hampas ko?"
"Synn," anito sabay tayo at patong ng kamay sa kanyang ulo. Their height difference was really big dahil halos sa may dibdib lang siya nito abot. "Kahit maliit ka, huwag mong maliitin ang sarili mo. Lagi mong tandaan, walang maliit na hindi nakakapuwing."
Napamaang siya sa sinabi nito at agad na hinapas paalis sa pagkakapatong sa kanyang ulo ang kamay nito. She propped both her arms on her hips and threw deadly glared at the guy. And yes, nakatingala siya dito.
"I can kill ytou in your sleep, you know?"
Agad itong napangiwi at umatras. "Itatago ko na lahat ng kutsilyo dito sa condo—"
"Oh, baby," tumawa siya na pang-demonyo. "I'm a writer. I know many ways to kill a guy and hide their bodies too."
Napalunok naman agad si Seven.
"Hindi ko alam kung maiihi ba ako sa takot o sa kilig," anito habang naglalakad paatras. "Tinawag mo akong baby pero may karugtong na kill tapos hide bodies. Pero gusto ko pa makita yung mga future anak natin so wait lang at itatago ko na muna lahat ng pwede maging murder weapon dito sa condo."
Seven headed straight to the kitchen while she was left there standing—dumbfounded, with her own words.
Bakit ang natural nung katagang "baby" sa pandinig niya? At sa sobrang pagkagulat niya'y di niya napansin na "mga" ang sinabi nitong anak nila.
🌼
"Putangina naman o!" bulalas ni Synn sabay sapo ng kanyang noo.
Ilang oras na siyang pabalik-balik sa isang chapter dahil hindi niya magawang sundan ang eksenang nasulat.
Well actually, may nasusulat naman siya pero nakukulangan talaga siya sa kilig factor. Ilang beses din niyang inuulit-ulit sa kanyang isipan ang tagpong iyon sa gitna ng dalawang bida ngunit tila wala sa kanyang epekto iyon. She felt that the pureness and rawness of the scene wasn't given justice at all.
Ang tagpong gusto niya ang magiging pivotal moment para sa mga bida. It would be that breaking point where the leading lady would finally put her walls down and finally let the leading man inside her heart.
She envisions it to be a dance between them but it was just too plain. Wala siya nung tinatawag na "it" factor. Parang masyado nang natural ang ganoong eksena sa mga romance novels.
"Ano 'yan?"
Muntik na siyang mapasigaw sa sobrang pagkagulat. Pano ba naman, bigla bigla na lang sumusulpot itong si Seven sa likuran niya.
"Will you stop doing that?!" bulalas niya habang sapo ang dibdib. Feeling niya nga ay naihi siya ng onti. Damn pregnancy and her currently shallow bladder. "Alam mong hindi ako pwedeng ma-stress."
"Kanina pa ako nasa likuran mo," paliwanag naman agad nito. "Di mo lang ako napansin sa sobrang tutok mo diyan sa ginagawa mo."
Umupo ito sa tabi niya at mas inilapit ang mukha sa screen ng kanyang laptop upang basahin ang kung anumang nandoon.
"Nobela mo?" tanong nito nang mapagtanto ang kanyang pinagkakaabalahan. "Bago ba 'to? Hindi pamilyar sa'kin characters."
"Oo, bago," aniya sabay buntong-hininga. "And I'm currently stuck."
"Saan? Dito?" Tinuro nito ang parte kung saan naguusap na ng masinsinan ang dalawang bida. "Okay naman ah. Alone time."
"Hindi ko na kasi alam ang isusunod," aniya dito.
Since they've been living together and having a baby to add, hindi na siya nag-atubiling sabihin ang kanyang hinaing sa lalaki. So far naman kasi ay may naitutulong din naman ito kadalasan sa mga problemang kinahaharap niya.
"Do you have a particular scene in mind?" tanong nito. Napataas tuloy siya ng isang kilay. "I mean, ano ba yung objective nila sa eksenang 'to? Are they supposed to stay there? Are they trapped?"
"Hindi naman trapped," pagtatama niya. "Stranded lang siguro hanggang tumila yung ulan."
"Saan ba sila pupunta?"
"Sa prom dapat," paliwanag niya. "Kaibigan ng nakatatandang kapatid ng bidang babae 'yung lalaking kasama niya. Ihahatid niya dapat yung babae sa prom nito pero ayun nga, inabot sila ng ulan sa daan. Tapos, nasiraan pa yung kotse nila."
"Oof!" anas nito. "That sucks. Ang dami pa namang magagandang pwede mangyari sa mga prom. First dance... First kiss... First—"
"Hep hep hep!" Sapo niya agad sa bibig nito. "Huwag mo na ituloy 'yang sasabihin mo. Strictly PG-13 ang storyang 'to."
"Ha? Eh 'diba madalas ng mga kwento mo eh medyo... medyo may porn—aray!"
"Anong porn ka diyan?!" bulalas niya dito pagkatapos itong hampasin. "It's called making love. It adds up to the passion and feeling of the story. Pero itong nobela kong bago, high school ang setting kaya di pa pwede."
"Ay ga'non ba?" anito sabay kamot sa batok. "Sayang naman. Ang galing mo pa naman magsulat ng ga'non. Kaya nga nagulat ako nung malaman kong first time mo sa'kin—"
"Eh ano naman ngayon?" putol niya sa sasabihin nito. Kahit pa sabihing magkakaanak na silang dalawa, naiilang pa rin siyang pag-usapan ang bagay na iyon sa harap mismo nito. "I have a wild imagination. At nareresearch naman 'yon sa internet."
"Pero iba pa rin kapag naeexperience mo firsthand," pangangatwiran nito.
Hindi niya makakaila na tama nga ang gustong iparating nito. It was a totally different feeling and she wasn't even sure if her writing before did justice on the act. Pero siyempre, hindi niya iyon aaminin dito.
"Bale na-establish mo naman na pala yung storya mo," patuloy nito. "Anong problema?"
"Hindi ko sigurado kung okay yung isusunod ko. O kung bagay ba," sagot niya. "Feeling ko masyadong cliché."
Biglang gumuhit ang isang malapad na ngiti sa bibig nito. Damn he looked ten times more attractive with his eye glasses on.
"Don't you know that the most romantic stories are the cliché ones?" saad nito. "It's called a classic for a reason. Siguro kailangan mo na lang lagyan ng sarili mong twist."
Napabusangot siya dito. Alam naman niya kasi 'yon. It's just that...
"But I can't seem to get the feeling right," imporma niya dito. "Ang corny ng kinakalabasan."
"Hmm..." napahawak ito sa baba nito. "Is that so? Madali lang 'yan."
Bigla itong tumayo at dinukot mula sa bulsa ang telepono. Tumipa ito saglit bago punuin ng isang pamilyar na kanta ang silid. Pagtama ng kanilang mga mata ay ngumiti ito bago inilahad ang kamay.
"May I have this dance?"
Hindi niya alam kung paano magre-react sa tanong nito. More so sa inaalok nitong pag-sayaw. Ngunit ang puso niya, hindi na magkandamayaw sa pagdagundong sa kanyang dibdib.
What the heck is this guy even doing?
"Synn, medyo nakakangalay," anito nang nakalahad pa rin ang kamay. "Alam kong gwapo ako pero sana huwag mo naman akong ipahiya sa mga ninuno ko."
Napatingin siya sa kamay nito. Should she?
Well, I did.
At mas lalong lumapas ang ngiti ng lalaki. Nang tuluyang makatayo siya't hinapit siya nito bigla papalapit. Akala niya ay maiipit ang kanyang tiyan ngunit naging maingat naman ang lalaki at dahan-dahang iniabot ang kanyang mga kamay. Ipinatong nito ang mga iyon sa balikat nito't pagkatapos ay pinulupot ang sariling mga kamay sa kanyang baywang.
She felt her heart hammering inside her chest. Bakit ba ga'non? Was it because she was pregnant? Pregnancy can easy make anyone's system go haywire because of the thing called hormones.
Seven held her closer. Sakto naman pumaba ang kanyang mga kamay sa dibdib nito. Their eyes met each other's.
Bigla itong kumanta.
"Can I go where you go?"
Napatingin siyang muli dito. He was smiling while singing. Hindi rin maputol ang tingin nito sa kanya habang masuyo siyang isinasayaw sa saliw ng musikang kinakanta nito. She didn't even know he knew how to sing. Beautifully at that.
"Can we always be this close?" muli nanaman itong tumitig sa kanya. Tila biglang nagback-flip ang kanyang puso. "Forever and ever."
Her imagination then transported her to the scene she had been imagining. But instead of the main character of the fic, it was Seven and her. Dancing together in the rain while he sang for her beautifully.
"And ah, take me out, and take me home..."
Seven suddenly tucked the loose strands of her hair behind her ear then cupped her face. He was still singing.
"Forever and ever. You're my, my, my, my..."
"Lover."
And then she tiptoed to kiss him.
It was the perfect way to end the scene and the best way to start letting herself fall for him.
🌼
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro