Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[B4] Episode 13

🌼

"Should I hide inside the bathroom?" nagpapanic na bulong ni Synn kay Seven. Hindi pa rin nila pinagbubuksan ang mag-asawa.

"No," pabulong din nitong sagot. "Baka may maki-CR sa kanila. Doon na lang sa kwarto ko."

"Huh? Baka pumasok sila 'don!" mahinang bulalas niya.

"Hindi 'yan," pagkumbinsi nito sa kanya. "Bakit naman sila papasok sa kwarto eh private 'yon?"

May punto ito kaya nagmamadaling tinungo niya ang kwarto nito. Kitang-kita niya rin an ginulo-gulo ni Seven ang buhok nito na para bang bagong gising pa lang ito.

Sinara niya ng maigi ang pinto at idiniin niya ang tenga dito para madinig ang sadya ng dalawa kay Seven. Paaalagaan daw si Mavi pero bakit?

Hindi niya gaanong marinig ang pinaguusapan pero dinig naman ang pagbukas ng pintuan ng condo. Nadinig niya rin ang mga yabag nito na sa tingin niya't papunta ng sala.

"Sorry to barge in on you like this, Seven," ani ng malumanay na tinig ni Naia. "Ngayon pala kasi yung flight namin papuntang New York. Jarvis booked it a day early. Hindi namin maiwan si Mavi sa mansyon kasi hindi pa nakakauwi si Tita Saturn from Hongkong. Bukas pa daw na hapon siya darating."

"Mahal ko si Mavi pero... bakit ako?" tanong bigla no Seven.

"Bakit hindi ikaw?" Naia countered. Medyo natawa siya because her friend sounded like she was about to fight him.

"Sabi ko nga po Ate. Ako na magbabantay kay Mavi."

"Isang araw lang naman, Seven," ani Jarvis. Sa tono ng pananalita nito ay parang nagmamakaawa ito. Maybe because Naia sounded pissed. "Dos is out of town. Si Box may lipad. We wouldn't bother you if only we had a choice. Alam kasi naming busy ka sa review mo but we're kind of desperate."

"If only you checked the dates, 'no?" Naia's voice was super sarcastic. Naiimagine niya ang paghalukipkip ng asawa nito.

Naia may be nice but she's kinda like a mom. Strict when it comes to time and schedules.

Hindi na siya nakinig pa sa usapan ng tatlo at pumanhik na sa higaan. Bigla nanaman kasi siyang nakaramdam ng kaunting hilo.

She sighed as she sat on Seven's bed and then laid down. Maya-maya pa'y gumulong siya sa kanyang tagiliran at inabot ang isanh unan mula doon. Sininghot singhit niya iyon pero nalungkot siya nang hindi maamoy ang pamilyar na pabango ng lalaki.

Oo nga pala't siya ang natutulog dito, hindi si Seven. Should she ask him to sleep next to her next time?

Napabalikwas siya nang marinig bigla ang pagbukas ng pinto ng kwarto. Nakahinga siya ng maluwag nang si Seven ang niluwa ng pinto karga ang ilang buwang bulang na pamangkin.

"Looks like the cat's out of the bag," ani Seven sa kanya. "Okay lang naman kasi di pa naman kayang magsumbong nitong si Mavi. Say hello to your ninang Synn, buddy."

Bigla siyang nakaramdam ng tuwa nang makita ang inaanak. Mavi was getting bigger and bigger. Sa hula niya ay malapit na itong mag pito o walong buwan.

"Hi Mavi!" Masuyo niyang bati sa bata na agad naman siyang namukhaan kaya't nagpakarga.

Mavi wasn't like any other kid na takot sa tao o umiiyak sa mga hindi kilala. She remembered joking to Naia noong binisita niya ito at ang bata months ago na hindi mahihirapan ang kidnapper kunin 'tong si Mavi dahil kusa itong sasama dito. She remembered how Naia almost cried imagining her child being kidnapped.

"Ipapa-training ko na 'tong si Mavi kay Dos para maging suplado," naaalala niyang sambit nito na ikinatawa niya.

"Careful," ani Seven nang abutin sa kanya nito si Mavi. "Medyo mabigat na siya."

"Nakaupo naman kami dito sa higaan mo," aniya sabay irap. Binaling niya na ang atensyon sa napaka-cute niyang inaanak. "Baby, how are you?"

Tumawa ang paslit habang subo nito ang maliit na makamao. Tama nga si Seven. Medyo mabigat na nga ito pero bearable naman. Pinaupo niya sa kandungan si Mavi nang nakaharap sa kanya.

"Did you eat na?"

Sa tantiya niya ay kumakain na ito ng soft foods. Kita na rin ang dalawang maliit na ngipin mukhang bagong tubo pa lang. Bumaling siya kay Seven.

"May dala ba sina Naia na pagkain at gatas para kay Mavi?" tanong niya dito. Agad namang tumango ang lalaki.

"But I don't think he's hungry, though," komento nito sabay mahinang kinurot ang matabang pisngi nito. "Ayusin ko lang yung playpen niya. It's playtime na kasi."

Nang marinig ni Mavi ang tinabi ng tiyuhin ay parang naintindihan nito ang ibig nitong sabihin. The kid clapped his hands and made "carry me" gestures towards Seven. Agad naman itong kinarga muli ng lalaki.

"'Don na lang tayo sa sala, okay lang ba sa'yo?" tanong nito. Tumango naman agad ako at sumama sa dalawa.

Habang inaayos ni Seven ang playpen ng bata—na hindi niya lubos maisip na talagang binitbit pala ng mag-asawa, ay nasa kandungan niya si Mavi at nilalaro.

"Look at this, Mavi. A duck!" masigla niyang sambit habang ginagalaw galaw sa harapan nito ang rubber duck na kasama sa mga laruang bitbit nina Jarvis.

Grabe. Napaka-spoiled naman talaga nitong inaanak niya. Isang araw lang naman makiki-sleep over pero parang bitbit na ang buong bahay.

That or talagang gusto lang pahirapan ni Naia ang asawa dahil sa pagkakamaling nagawa. She would've done the same kung pumalpak din si Seven—

Bigla siyang natigilan at agad na napa-iling. Ano ba ang pinagiisip niya? Why was she even comparing her and Seven with Naia and Jarvis. Mag-asawa yung dalawa. Sila ay...

Co-parents? Donor and donee?

Whatever. Basta hindi sila pareho nina Naia. They're not married and they don't have any relationship. The only thing that ties them together is the baby. Nothing more, nothing less.

"Done," ani Seven sabay pinatayo ang playpen ni Mavi. Naayos na din nito ang mat sa ilalim 'non. Bumaling ito sa kanila at ngumiti. "Tara na, Mavi. Let's play!"

Pumalakpak agad si Mavi at sumigaw na animo ginagaya nito si Severino. Bagkaabot niya dito sa lalaki ay agad itong gumapang papunta sa isang bola.

"You didn't even break a sweat," aniya. Tinutukoy niya ay ang mabilis na pagkumpuni nito sa aparato na parang nalingat lang siya saglit ay natapos na nito agad agad. "Must be because you're an architect."

"Apprentice pa lang," pagtatama nito havang nilalaro-laro ang bolang kanina pahinahabol ni Mavi. "Pero oo, in a few months kung papalarin."

Seven grinned again. Hindi talaga mapalis sa mukha nito ang mala-kahong ngiti nito. Usually ay weird iyon tingnan sa ibang tao pero sa mukha nito, it fit quite nice. He looked really charming with it being his signature expression.

"Alam mo, kung ipagpapatuloy mo 'yang pagtitig mo sa'kin iisipin kong crush mo na din ako," anito na ikinapula naman agad niya.

Matagal na ba siyang nakatulala dito? Well, she was just appreciating her baby's father's face. At least malaki ang tiyansang magiging gifted sa itsura ang magiging anak namin. And probably smart since architecture isn't an easy course.

Napa-irap na lang siya. She couldn't help but smile, though.

"Hala naka-ngiti si Miss Sungit!" bulalas nito na para bang isang himala ang naging pag-ngiti niya. "Totoo ba 'to? O isang magandang panaginip lang? Kung sino man ang gigising sakin, mananapak talaga 'ko."

"Siraulo," umiiling ko asik bago inabot ang libro sa may side table at iniangat ang mga binti sa sofa. "Kung anu-ano nanaman pinagsasabi mo 'jan."

Tumawa nanaman ito bago muling humarap kay Mavi.

"Grabe talaga 'tong ninang mo, Mavi. Ngiti pa lang nakakbihag na. Kaya hulog na hulog na tuloy ako."

Nakatingin naman sa kanya ang bata animo naiintindihan ang sinasabi niya. Napailing na lang siya't ibinalik ang atensyon sa hawak na libro.

"Okay lang 'yan, Mavi. Kahit sinusungitan ako ng ninang mo, crush ako niyan. Magkakapinsan ka na nga eh."

"Feeling ko medyo makapal 'tong librong hawak ko. Ano sa tingin mo Severino?" Itinabi niya ng kaunti ang libro at tinginan ang lalaki. She grinned at him sarcastically. "Gusto mo mabitin patiwarik?"

OA na suminghap ito sabay sapo ng dibdib. "Grabe, ang hardcore mo naman Miss Cortez! Wag dito. May bata."

Umiiling na binalik niya ang atensyon sa nakabukas na libro. Siguro kapag hindi niya ito pinatulan ay mapapagod na lang ito sa mga pinagsasasabi.

Pagkalipas ng ilang oras ay nakatulog na si Mavi dahil sa pagod. Sino ba naman ang hindi make-K.O. sa halos tatlong oras na paglalaro nito at ng tiyuhin. Sakto naman dahil katatapos niya lang magluto ng pang tanghalian.

"Matatanggal na ata ang braso ko," komento ni Severino habang minamasahe ang braso nito. "Bato ba pinapakain nina Kuya sa anak nila?"

"Sino ba naman kasi ang maysabi na gawin mong airplane yung bata?" aniya habang nilalgyan ng plato at kubyertos ang hapag. "Kinarga mo pa hanggang makatulog."

"Kung nakita mo lang kung pano siya magpaawa kapag binababa ko, 'di mo din makakayang bitawan si Mavi," pagdadahilan nito.

Hindi niya napigilang natawa dahil mukha talagang napagod ito sa ginawa. Nakonsensya din siya ng kaunti dahil imbes na tumulong sa pag-aalaga ay bigla siyang nakatulog. Nagising lang siya nang biglang nakaramdam ng gutom.

"Seven, hindi pwede yung lagi mo lang sinusunod kung ano ang gusto nung bata," pangaral niya dito. Hawak niya pa ang tinidor sa kamay. "Baka maging spoiled. You have to put your foot down at times para hindi masanay."

"But he loved it. Ayoko umiyak yung bata. Ang sama sa pakiramdam," nakabusangot nitong saad. "Kahit maputol pa yung braso ko kakakarga sa kanya, I'd still do it."

"Oh dear Lord," umiiling niyang sambit sabay nasapo ang noo. Mukhang alam niya na ang magiging kapalaran ng anak niya. Spoiled ng tatay, kontrabida ang nanay. "I swear, if you do that to our child, babalatan kita ng buhay."

Bigla itong napatingin sa kanya at hininto ang pagmamasahe sa sariling balikat.

"Did you just say our child?" Tila gulat nitong sambit. "As in, anak natin?"

Hindi niya alam ang isasagot sa sinabi nito. It was just a slip of the tongue. Babawiin niya sana pero nang magtama ang kanilang mga mata ay kitang-kita doon ang sobrang kasiyahan. It was too adorable to yank it away from him.

"Ikaw ang tatay, hindi ba?" balik niya na lang dito. Kunwari hindi big deal. "Anong gusto mo sabihin ko, anak namin?"

Kaunti na lang at parang mapupunit na ang bibig nito sa sobrang lapad ng ngiti nito. Hindi nga mapalis iyon kahit kumakain na sila. Was he really that happy? Masyado bang big deal 'yon?

"Kelan ba uli schedule ng klase mo?" Pag-iiba niya. "Wag mo nang gamabalain si Cole. Kaya ko naman."

"Sa Wednesday uli," sagot nito. "Sige sasabihan ko si Cole. Para naman makatilid ako. Ang mahal ng TF 'non eh."

"TF? As in, talent fee?" Tumango ito. "Magkano?"

"Hindi magkano. Ano," pagtatama nito sabay bunot ng telepono sa bulsa nito. May pinindot pindot muna ito bago hinarap sa kanya ang screen. Nanlaki ang mata niya sa nakita.

It was a picture of Cole smiling sheepishly while pointing at what seems to be a brand new macbook. Nakamaang na bumaling siya sa lalaki.

"Severino!"

"I had to do it or else wala kang kasama dito," depensa agad nito sa sarili. "I can't risk it. Kahit isang daang macbook pa 'yan, gagawin ko."

Muli siyang napairap. "Alam mo ikaw, napaka-gastador mo. Mahilig na mang-spoil, magastos pa. You should be more firm and frugal. Money does not grow on trees, you know."

"Saan ba gawa ang pera? Diba sa papel? So technically, money does grown on trees," pamimilosopo nito.

Handa na sana siyang tusukon ito gamit ng tinidor nang bigla itong magsalita uli.

"Sira na kasi yung laptop ni Cole," paliwanag nito. "She had to get a new one. Ang patakaran kasi ni Tita Saturn is that if you need something, you should earn it. Cole's selling cookies para makapag-ipon but she badly needed it asap so I made a deal with her. Isang batch ng cookies na dito sa condo gawa kapalit ng macbook."

"But isn't that... too much?" aniya. "I mean, hindi naman sa pinapakialaman kita pero, you could've just gave her money. Yung sakto lang sa special cookies. If she's already saving up for the laptop, hindi ba dapat suportahan mo na lang siya by giving enough lang. Not the whole thing."

"Sakto lang 'yon," sagot nito na para bang may point ang sinasabi. "Cole is the only girl in our family. At para na kaming magkakapatid na magpipinsan. So based on your ideology, oo. Sakto lang ang isang laptop bilang kabayaran sa cookies na pinagpaguran niya."

Ibang klase talaga itong si Severino. Huli na pero di pa rin kulong. Isn't that the main definition of spoiling people? Napailing na lang siya. Mukhang magiging spoiled talaga ang anak nila.

"Besides..."

Nag-angat ito bigla ng mukha at nagtama ang kanilang mga mata. The intensity of his gaze was very powerful. Her heart made a quick somersault.

"I'd do everything for family. You included."

🌼

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro