[B4] Episode 12
🌼
"Sabi ko naman kasi sa'yo, mag-iingat ka. Ang tigas talaga ng ulo mo."
"How should I know na bagong labas lang galing sa oven yung tray?" naiiyak na sagot ng kanyang kapatid habang binabalot ni Cole ng basang tuwalya ang napasong kamay nito.
"Excited ka kasi masyado sa cookies, eh," dagdag pang pagalit ng kaibigan nito. "Tatlo lang naman tayong kakain. Hindi ka mauubusan."
"Hindi naman ako kukuha eh! Itatabi ko lang naman sa tamang lalagyan yung cookies!" depensa agad nito. "Kung bakit mo naman kasi bat na lang iniwan sa counter."
"Nag-CR lang ako saglit, nakialam ka na agad," umiiling na saad ni Cole.
Though Cole looked a bit irritated because all the freshly baked cookies fell on the kitchen floor, maingat pa rin nitong inasikaso ang paso sa kamay ng kapatid niya. Synn couldn't help but smile to herself dahil naaalala niya ang mga kaibigan. But if it were Yoon, baka umulan na ng mura.
"Sabi ko naman kasi sayong ako na eh," aniya naman sa kapatid na naluluha na. "Hawak ko na yung oven mitts eh."
"Pero ate you shouldn't move too much," Snow said pouting havang nakatingin sa kanya. "Baka makasama kay baby ang sobrang stress."
Napahugot siya ng malalim na hininga. Hindi naman nakakastress ang pagkuha ng cookies. Why do people keep treating her like she's an invalid?
"Teka lang at kukuha ako ng ointment sa banyo," ani Cole sabay masuyong ibinabaw ang kamay ng kapatid niya sa may kitchen counter. Naputol 'non ang paglilintaya niya sa isipan. "Huwag kang gagalaw diyan ha. Baka kung ano nanaman gawin mo."
"Ako na nga 'tong nasaktan, ako pa 'tong pinapagalitan mo!" Umiiyak na talaga ang kapatid niya. Napabuntong-hininga lamang si Cole then gently patted her head bago tinungo ang banyo. Snow secretly smiled.
Natigilan siya. What did she just see? Bakit parang... parang may iba? Agad siyang napatingin sa kapatid niya na saktong napatingin din sa kanya. She clearly saw how she blushed a bit before averting her gaze.
"Snow—"
Nagulat silang pareho nang biglang tumunog ang lock ng pinto. Niluwa niyon si Seven na nagulat nang makita ang kapatid niya.
"Kuya Seven!" agad na bati ni Snow sa lalaki. Wow. Close ba sila? "I came here with Cole. I hope I didn't intrude or something. I just really missed my sister kaya sumama ako when I heard you commissioned her to look after Ate."
Napatingin saglit sa kanya si Seven bago sinuklian ng ngiti ang kanyang kapatid. Tuluyan na itong nakapasok sa unit at nagtanggal ng sapatos.
"Ah, wala namang problema," sagot agad ni Seven. "Welcome na welcome dito sa condo ang pamilya ni Synn. Nagmerienda na ba kayo?"
"Umm..." nakagat naman agad ni Snow ang pangibabang labi nito bago nag-excuse at sumunod kay Cole sa banyo.
Nagtatakang napabaling sa kanya ang lalaki animo nagtatanong kung anong problema.
"Napaso nung tray si Snow kaya nahulog yung binake ni Cole na cookies," paliwanag niya. "Meron pa namang cookie dough kaya pwede pa magsalang ng panibagong batch. Gutom ka na ba?"
"Medyo," anito sabay ngisi. His signature boxy-smirk-smile. "May dala akong buko pie. May nagtitinda doon sa labas ng review center kaya binili ko na. Baka kako gusto mo."
Inisip niya muna saglit kung nagke-crave ba siya ng buko pie. Sa totoo lang, gusto niya talaga yung cookies. Pero mukhang maghihintay pa siya ng ilang minuto bago makapagluto ng panibagong batch kaya pwede na siguro yung buko pie.
"Magbihis ka na 'don," aniya at kinuha mula dito ang hawak. "Ako na nito—"
Iniiwas agad ni Seven ang kahon sa kanya.
"Ako na," anito. "Pahinga ka na muna doon sa sala. Hihiwain pa 'to kaya baka mahilo ka pa kapag yumuko."
Agad kumunot ang noo niya. Simpleng task lang naman 'yon. Mukha bang hindi niya kaya maghiwa ng buko pie? Wala ba siyang kamay?
"Ako ang hihiwa niyan." Seryoso at may pinalidad ang tono ng kanyang pananalita.
"Pero Synn—"
"Bingi ka ba o sadyang bobo ka lang talaga?" bulalas niya dito na ikinagulat nito. "Sinabing ako na diyan eh! Hindi ako imbalido kaya pumasok ka ng kwarto at magbihis ka na 'don! Ako na dito!"
Maging siya ay nagulat sa biglang pagtaas ng boses niya. Medyo nangingig din ang kamay niya dahil sa naipong inis sa kanyang sistema.
Dahan-dahang ibinaba ni Seven ang hawak na buko pie at agad na sumunod sa utos niya. Napansin din niya na nakatingin sa kanila sina Cole at Snow na kagagaling lang sa banyo. May hawak pa nga ang una na isang tub ng petroleum jelly.
Nag-iwas agad siya ng tingin at sinimulan na ang pag-hiwa ng buko pie. Maya-maya ay napansin niya na lamang ang pagtulo ng kanyang luha sa kamay.
"Ate, are you okay—"
Padabog na binitawan niya ang hawak at dire-diretsong naglakad papalabas ng pinto. Narinig niya ang pagtawag nina Cole at Snow pero hindi siya lumingon. Pumasok siya sa elevator at pinindot ang G doon. She needed to breathe. Masyado nanaman siya nao-overwhelm ng sarili niyang emosyon.
She went straight to the coffee shop nearby and sat on an empty chair near the glass window.
Naiiyak siya dahil nakokonsensya siya sa sinabi kay Seven. He was tired for his lectures tapos nagmagandang loob pa itong bilhan siya ng miryenda and yet she called him dumb. Napaka-unreasonable niya sa part na 'yon.
Fuck this! Fuck these hormones!
Pinunasan siya ang luhang kanina pa dumadaloy sa kanya pisngi. She folder her arms while glancing outside. Maya-maya ay naramdaman niyang may umupo sa harapan niya.
"That seat's taken—"
Nagulat siya nang makitang si Severino pala ang umupo sa kanyang harapan.
"I'm sorry," anito. She was again shocked by his actions kaya muli ay naiyak nanaman siya. Tuloy ay tumayo ito at tumabi sa kanya't niyakap siya.
Bakit ito nagsosorry? Wala naman itong ginawang kasalanan. Sa totoo nga ay siya 'tong tinotoyo at simpleng pagtulong nito maging ng kapatid ay minamasama niya. Nagmamalasakit lang naman ito.
"I forgot how self-sufficient and independent you are," patuloy pa nito. "Ayoko lang kasi mapagod o ma-stress ka. Iniingatan ko lang din si baby. Promise, sa susunod makikinig na ako."
Napatingin siya dito habang masuyong hinahaplos nito ang kanyang buhok. Para tuloy siyang batang pinapatahan nito. Late niya nang napansin na iba na ang bigat ng bawa tibok ng kanyang puso.
Kakaiba ang pakiramdam sa loob ng mga bisig nito. It was warm and familiar feeling. Parang ayaw na niyang umalis sa pagkakakulong doon.
"Do you want to buy something here?" tanong nito maya-maya. She had already calmed down. "Madami silang pastries. Nagbebake na din sa taas sina Cole. We can buy some drinks too if you want."
She felt like a five-year old being bribed with food. But oddly, she found it okay. Hindi na siya naiirita dito. She held on to his shirt as he continued to hug her. Umiling siya dahil sa totoo lang ay nababahuan na siya sa paligid. Nasinghot nanaman kasi niya ang amoy ng kape kaya't pakiramdam niya ay maduduwal siya.
Buti na lang at nilalabanan ng pabango ni Seven ang paligid. She liked his smell. Medyo fruity iyon pero masculine. Hindi tulad ng pabango nito before.
"Nagbago ka ng perfume?" tanong niya bigla. Tumingin ito sa kanya.
"Hindi naman," sagot agad nito. Sininghot pa nito ang sarili. "Yung dati pa rin yung gamit ko."
"Bakit ang bango?" tanong niya uli sabay amoy sa suot nito. "Ang bango talaga."
Napansin niyang pinagtitinginan nanaman sila ng mga tao sa paligid. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa ayos nila. Nakayapos sa kanya si Seven habang siya naman ay sinisinghot-singhot ito. Mukha silang teenagers na naglalandian after mag-LQ.
Bagaman labag sa kanyang kalooban ay bumitiw siya dito. Bumalik na din sila pagkatapos bumili ng maiinom.
"Ate! Are you okay na?" bungad sa kanya ni Snow ng makabalik na sila sa taas. Maging si Cole ay nagaalalang sinalubong sila.
"Ate Synn, nabake na namin yung cookies," pagbigay alam nito. "Nagtimpla na din ako ng juice. Sabi nitong si Nyebe mahilig ka daw sa iced tea."
Ngumiti siya sabay tango. Bumitaw siya mula sa pagkakahawak kay Seven sumama kina Cole papunta sa may sofa. Nakapatong na sa coffee table yung pagkain. Even the buko pie was neatly cut and served.
"May binili akong milk tea. Baka gusto niyo," ani Seven sabag lapag ng dala sa ibabaw ng mesa.
Nagkwentuhan sila hanggang mag-alas siyete. Naglaro din sila ng uno cards para maaliw. If not for her brother Winter calling Snow, wala pa atang balak ang kapatid niya umalis.
"I'll visit you again soon, ate," pangako ni Snow pagkabitiw sa kanilang mahigpit na yakpan. "Free naman ako usually kapag hapon kaya I can keep you company while kuya Seven is away."
Alam na rin nito ang nangyari sa kanya. Nagtanong kasi kanina si Cole kung bakit daw ba ang OA ng kuya Seven niya to the point na nanuhol pa ito ng magbabantay sa kanya. Mas OA pa daw ito kina Jarvis at Inno.
"Ako rin, Ate Synn," sambit naman ni Cole. "I'll keep you company when I'm free."
Napangiti siya at tuluyan nang nagpaalam sa dalawa. Nang matapos maghugas ng pinagkainan si Seven ay umupo ito sa harap ng study table at binuksan ang laptop. Siya naman ay humiga sa may sofa at inabot ang librong binabasa kanina.
Habang nagbabasa ay hindi niya maiwasang sumilip-silip sa lalaki. Suot pa rin nito ang Tshirt nitong mabango. Kanina niya pa gustong lumapit dito pero hindi niya magawa dahil baka kung ano ang isipin nito. Saka, nakakahiya rin dahil mukhang abala itong mag-aral.
Biglang humarap sa kanya si Seven at nagtama ang kanilang mga mata. Agad siyang nagtago sa libro para hindi nito mahuli. But hearing him chuckle a bit meant she failed in the art of subtlety. Narinig niya ang pagsara ng laptop nito pagkatapos ay ang magaang mga yabag nito papalapit sa kanya. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin.
Masuyong ngumiti ito sa kanya bago umupo sa may paanan niya na katapat lamang ng kinahihigaan. Ihinilig pa nito ang katawan sa sofa bago bigyan ng espasyo sa sa tabi nito. He lightly patted his shoulder.
"Halika na dito," anito sabay ngisi. "Hiya ka pang magsabi. Dito ka na, o. Naglagay na uli ako nung pabango para sa'yo."
"I'm fine," aniya. "Mag-aral ka na muna. Importante 'yan."
"Mas importante ka," banat nito na ikinairap niya. But she was smiling. "Besides, I have my tablet with me. Dito na lang muna ako magbabasa."
Ipinakita nito ang hawak na tablet. Dahil doon, hindi na siya nagdalawang-isip pa't agad na lumapit dito. Tumabi siya dito sa may sofa at inalay ang kaliwang parte ng katawan bilang unan niya.
Sa itsura nila ngayon ay maaaring mapagkamalan talag silang magkasintahan. Seven was semi-hugging her while he was reading on his tablet. Siya naman ay tahimik na isiniksik ang sarili sa tagiliran nito habang inaamoy amoy ang damit nito.
Siguro naman ay maiintindihan nitong dahil lamang sa buntis siya't naaattract sa amoy nito kaya siya lumalapit dito. If not for his smell, she would've locked herself inside his room for as long she could.
Hindi niya na namalayang nakatulog na pala siya. Nagising lamang siya dahil sa sunod-sunod na katok mula sa pinto. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at nadiskubre na kung paano sila nakaposisyon kagabi ay ganoon pa rin ang itsura nila ni Severino ngayon.
Hindi ba ito nangalay? Medyo may kabigatan pa naman siya. Pumainlang nanamang muli ang doorbell ng condo ni Seven.
Napatingin siya sa screen ng kanyang telepono. Who would be visiting Seven this early? Could it be Cole and Snow again? Wala ba silang mga pasok?
Tumayo siya at nagmamadaling tinungo ang maingay na pinto. Sinilip niya muna kung sino ang nandoon dahil baka isa nanaman sa mga pinsan nito ang bumulaga sa kanya. She can't let anybody know about her current situation.
Napasinghap siya nang makita sa kabilang dako ng pinto ang kaibigang si Naia. Karga nito ang anak habang kinakausap si Jarvis.
"Do you think Seven will be okay babysitting Mavi? Baka busy mag-review yung tao."
"Do you want to leave Mavi with Uno, instead?" balik tanong ni Jarvis sa asawa nito.
Natutop niya ang kanyang bibig. Ano raw? Paaalagaan kay Seven si Mavi? Mahuhuli sila! And she can't hide her growing tummy dahil medyo maumbok na iyon!
Nagmamadaling bumalik siya sa may sala at ginising si Seven.
"Severino!" pasigaw na bulong niya dito. "Wake up!"
Nangunot ang noo ng natutulog na si Seven bago dahan-dahang iminulat ang mga mata. Agad na lumanding ang tingin nito sa kanya kaya't ngumiti ito agad.
"Good morni—"
Hindi niya na ipinagpatuloy ito sa pagsasalita at agad na hinila patayo. Medyo nag-rolling pa ito pababa ng sofa bago tumayo at sumunod da kanya.
"Shit."
Oo. Shit talaga. Anong gagawin nila ngayon?
🌼
happy birthday ate rhen!
di mo to makikita kasi
di ka updated ki seven 😂😂
wuv yu 😚
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro