[B4] Episode 11
🌼
Tahimik lang si Synn hanggang sa makauwi sila ni Seven sa condo nito. After Seven said his piece about the wall around her heart, sakto namang dumating na ang inorder nila kaya't swerteng nakaiwas siya sa subject na iyon.
She would be lying if she says that it didn't have an effect on her. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at hindi siya mapakali. But she was good at hiding her emotions and looking calm kaya hindi iyon nahalata ni Severino.
Hindi na nabuksan ang topic na iyon even after they ate. Bigla din kasing may tumawag dito kaya't nadistract na din ata ito.
When they got home, diretso siya agad nagkulong sa kwarto nito. She was using that room while Seven used the sofa outside which doubles as a make-shift bed. It was a good thing that she's pregnant kaya nakagawa siya ng rason para magkulong sa kwarto nito. But every now and then ay napapatakbo siya sa banyo at siyempre, parang tutang nakasunod palagi si Seven.
"You should really stop eating that parmesan chicken," bulong nito habang dahan-dahang hinihimas ang kanyang likuran. Hawak nito sa kabilang kamay ang kanyang buhok. "Hindi ata gusto ni baby."
"Hindi gusto but it's the only thing she wants to eat."
"She?" tanong nito. "Sure ka?"
"I have a feeling," sagot niya naman. "Feeling ko babae ang baby ko."
"Feeling ko lalaki," kontra naman nito. "Lalaki ang baby natin."
Napa-irap siya. Hindi talaga ata ito marunong magpatalo.
"I'm just saying, malakas ang dugo ng mga Montecillo," anito na para bang nagpapaliwanag. "Sa bawat henerasyon namin, isa lang lagi ang babae. Look at Tita Saturn. Nagiisa siyang babae. Sa aming magpipinsan, si Cole lang. Hindi naman ata bunso 'tong baby natin kaya malaki ang chance na lalaki siya. And based on the position you wanted—"
Nanlaki agad ang mga mata niya't tinapalan ang bibig nito. How can he be so vulgar with his words?
"Okay, okay!" aniya at idiniin pa ang kamay da bibig nito. "Stop bringing up the past and just move on from it. Wala din naman akong preferred gender ng bata. He or she can be whoever he or she wants to be."
Naramdaman niya ang pagngisi ng lalaki ka kamay niya bago nito hinalikan bigla ang palad niya. Tila ba napaso ang kamay niya sa ginawa nito kaya't agad niyang tinanggal iyon.
"Grabe. Diring-diri?" ani ng lalaki habang nakabusangot. Pinag-krus nito bigla ang mga braso sa tapat ng dibdib. "Pagkatapos mong pagsawaan ang katawan ko. I feel used. Nakakasakit ng feelings."
Napairap nanaman siya't inismiran ito. "Arte mo."
Sa totoo lang, hindi niya alam kung paano ba dapat umakto sa harap nito ngayong malinaw pa sa tubig nitong pinaliwanag ang totoong nararamdaman nito sa kanya. Hindi niya rin ito magagawang iwasan habang-buhay dahil may anak silang nagsisilbing tali sa pagitan nilang dalawa. If only he was an asshole who'd leave after finding out he's going to be a father. Pero hindi eh. Matino ito at responsable.
Nababaliw na ata talaga siya dahil sa iniisip na 'yon. Pero sino ba ang hindi mababaliw sa ganitong sitwasyon? She planned having a child with a guy who'd be willing to co-parent without the "feelings". Simple lang 'yon. Pero mukhang hindi talaga siya malakas sa langit dahil sa isang komplikadong relasyon pa siya mapapasok.
Seven has feelings for her but she doesn't. Malamang aasa ito na mahuhulog siya dito. Ayaw pa naman niyang magpaasa. And paano kung gamitin pa nito ang bata para maikulong siya sa kasal?
Napailing siya. Sa maigsing panahon na magkasama sila, siguro naman ay kilala niya na ito. And Seven's not the type of guy who pressures someone into something they do not like. At sinabi din naman nitong hindi siya nito pini-pressure.
Pero bakit ba napepressure pa din siya?
Tumayo siya sa mula sa pagkakaupo sa may sala at binagtas ang daan papunta ng kusina para kumuha ng tubig. Wala si Seven dahil may pasok ito sa review. Kung naririto kasi iyon, malamang ay nakipag-unahan na iyon sa kanya. He is dependable. Kaso minsan, OA na. He'd go on and on about accidentally slipping o mapatid sa kung saan. Masyado atang na-trauma noong nahulog siya sa hagdan. Buti na lang at ilang hakbang lang naman ang kusina mula sa sala ng condo. Wala ding hagdanan tulad ng sa townhouse niya sa Bulacan kaya ligtas siya.
Speaking of, kamusta na kaya ang bahay niya sa Bulacan? Basta niya na lang yon iniwan at walang pinagbilinan man lang.
Baka sa weekend pwede ako sumaglit...
Umalingawngaw sa tahimik na silid ang pagkabasag ng basong kanina'y hawak-hawak niya pa lamang. Sapo ang noo'y itinukod niya ang kabilang kamay sa may kitchen counter. Bigla nanaman kasing umikot ang kanyang paligid at sumakit ang sintido.
Buong akala niya'y okay na siya mula pabigla-biglang pananakit ng ulo ngunit hindi pa pala. Ilang linggo na rin kasing hindi siya inaatake ng migraine kaya kampante na siya't maging si Seven. Kaya nga nakumbinsi niya na itong pumasok eh.
Pinilit niyang huwag mag-panic at dahan-dahang naglakad pabalik ng sala para makaupo sa sofa. Mamaya niya na lang iisiping linisin ang nabasag na baso kapag okay na siya. Ihinilig niya ang ulo sa backrest ng sofa at pinikit ang mga mata. Kahit walang nakikita ay ramdam niya ang pagikot ng kanyang paligid. Pagila-bigla din ang pagkirot ng kanyang ulo.
Pregnancy sucks.
Kung bakit ba kasi it looked so easy nung si Naia ang nakikita niyang buntis. Napaka-glowing nito at para bang walang iniindang sakit. Lagi din naka-ngiti na para bang hindi man lang dumadaan sa mood swings. Ang swerte pa ng bruha dahil kinasal pa ito sa taong mahal na mahal nito. Kaya siguro blooming.
Si Yoon naman kahit mag-isa noon, mukhang wala ring iniindang sakit ng ulo at nakakamatay na morning sickness. Partida pa dahil dalawa ang dala-dala nito. And now that Inno's in the picture again, she can just imagine how pampered that friend of hers would be. Isa pa din namang OA iyong si Inno. If not the most.
She couldn't help but heave a sigh. Ang swerte din naman talaga ng mga kaibigan niya. They have already found their own sets of happily ever after. Though she always say na hindi niya kailangan ng lalaki, gusto din niya naman ng happy ending. Hindi niya sinasabing kailangan niya ng lalaki. What she really want is the "happy" part. Iyong sumaya siya. So her brain made the rash decision of getting herself pregnant because a baby is always equated to happiness. Napahawak siya sa kanyang tiyan at ngumiti.
Nine months nga lang munang suffering but I'll get there.
Maya-maya ay narinig niya ang biglang pagbukas ng pinto. Awtomatikong napadilat siya't napatingin sa wallclock. Alas-tres pa lang ng hapon. Sa pagkakaalala niya ay alas-singko pa matatapos ang review ni Severino.
Dahan-dahan siyang tumayo para silipin kung si Seven nga ba ang dumating. Wala din namang nabanggit ito na may bibisitang kung sino sa condo nito.
"Ate Synn?"
Nagulat siya nang biglang narinig ang pamilyar na boses ni Cole. How did she know na dito siya ngayon tumutuloy sa condo ni Seven? Agad siyang naglakad patungo sa kinaroroonan ng babae.
"Ate!"
Laking gulat niya nang bumungad sa kanyang harapan ang kapatid na si Snow. Kasama nga nito si Cole na may dalang mga plastic bag.
"Snow, Cole," aniya habang yakap ng kapatid. "Anong... anong ginagawa niy dito? Umalis si Seven eh."
"We're here to babysit you," pilyang sagot nit Cole sabay ngisi. "Worried po kasi si Kuya Seven baka daw may mangyari sa'yo habang wala siya. So nag magandang loob po ako at pumayag since wala naman na po akong pasok."
That guy, really. Napaka-OA talaga. Hindi niya namalayang nakangiti na pala siya habang umiiling.
"Actually po, ako lang dapat magbabantay sa'yo today pero nung narinig nitong si Nyebe, nagpumilit sumama."
"I'm her sister," pagdadahilan agad ni Snow na ikinairap ng una. "I have the right to come and take care of her, too!"
"And you have a date," balik naman agad nito sa kapatid niya. "Pang-limang beses mo nang hindi sinisipot si Shin sa mga lakad niyo. I swear kapag ako nanaman ang kinulit 'non, kakalbuhin na talaga kita."
"Mas importante ang ate ko," malditang sagot ni Snow. Pinagkrus pa nito ang mga braso sabay taas ng isang kilay. "Why do you keep on pairing us, Cole? Akala ko ba I'm you girlfriend? Bakit mo ako pinapamigay sa iba?"
Cole looked at Snow bizzarely before shaking her head. Iniwan nito ang huli kasama niya para ayusin ang mga pinamiling gamit. Napatingin tuloy siya sa kapatid na kanina pa nakangisi.
"She likes Shin," anito bigla animo nag-eexplain. "Ewan ko ba diyan. Pinupush ako kay Shin para maka-move on na siya. Masokista ata 'yang pinsan ng boyfriend mo, ate. Sana hindi ganon si Kuya Seven."
"He's not--" Napahinto siya bigla sa sasabihin. If she were to tell her sister na hindi sila ni Seven, panigurado ay magtatanong ito kung paano siya nabuntis. Alangan namang sabihin niya na one night stand lang 'yon. Or, hiniram niya yung semilya nito para makuha yung kasiyahang hinahanap niya. That sounded wrong on all angles. "Nag-miryenda na ba kayo?"
"Hindi pa, ate. But Cole bought some ingredients. She'll bake some cookies daw." Kumapit ito sa braso niya habang naglalakad papunta ng sala. The mere mention of cookies made her mouth water. Napatingin tuloy siya kay Cole na abalang nagaayos ng mga gagamitin.
"You should help her," aniya. "You love baking, right? I miss your brownies."
Kitang-kita niya ang pagliwanag ng mukha ng kapatid. Parang tuwang-tuwa ito nang sabihin niyang miss na niya ang luto nito.
"I'll make you some next time I visit!" excited nitong sambit. Natawa naman niya dahil itinaas pa nito ang kamay sabay suntok sa ere. Snow is really the sweetest. Napaka-lambing at bibo. No wonder guys easily fall for her.
"Hoy Nyebe," tawag dito ni Cole na ngayon ay naka-kunot na ang noo. "Tinext mo ba si Shin kung nasan tayo?"
"No," tanggi agad nito. Medyo high-pitched kaya alam niyang nagsisinungaling ang kapatid niya. "B-Bakit?"
Naniningkit ang mga mata ni Cole nang bumaling sa kapatid niya. Snow immediately looked away at hinila pa siya paupo ng sofa.
"So, ate," bigla nitong sambit--clearly ignoring Cole's daggering stares. "How are you? How's my pamangkin? Are you eating well? Is kuya Seven treating you well? When are you two planning to get married? Maid of honor dapat ako ate since I'm your sister! Church wedding or beach? I'm sure Kuya Seven can afforn either kasi he's a Montecillo."
Feeling niya ay bumalik ang dakit ng ulo niya sa sunod-sunod na tanong sa kanya ni Snow. She's like that sometimes. Pero kapag sa ibang tao ay napaka-mahiyain nito. She's soft-spoken and quite the shy type of girl.
"Snow," maya-maya ay tawag pansin niya dito pagkatapos siya nitong i-update tungkol sa buhay nito. "You... you didn't say anything to Winter, right? Or... kina mama?"
Umiling ito agad kaya't nakahinga siya ng maluwag.
"That's good."
"Bakit, ate? Are you... are you not planning on telling them?" tila naguguluhang tanong nito. "Kung hindi ko aksidenteng nalaman, hindi mo din ba sa'kin sasabihin?"
Nag-iwas siya ng tingin dito. Snow was right. Wala naman talaga siyang balak sabihin ang kalagayan niya sa mga ito. When she left Pampanga, she cut off all connections she had with her family. Including her brother and sister. Pero hindi niya kayang tiisin si Snow. She can't fully turn her back against her siblings.
"Alam mo, ate, I'm really trying to understand you and your choices," mahinahong sambit nito. "I know naman that Daddy's too harsh when forced you to take Political Science but... hindi ba it's too much naman a reason for you to abandon us? You can do creative writing naman after right? Don't you... don't you love us?"
Her heart felt heavier after hearing Snow question her love for them. But she can't tell her the truth. Kapag nalaman kasi nito ang totoong dahilan kung bakit siya nag-layas, maaring masira na talaga ang pamilya nila. She can't do that to Snow and Winter. Lalong-lalo na sa mommy nila. She can't break the perfect family her mom fought for.
"Snow..." Pinisil niya ng kaunti ang kamay nito. "Mahal ko kayo. Ikaw, si Winter... si mama. Mahal na mahal ko kayo. It's just that... I want to... I want to be free. Gusto kong mabuhay ng hindi sinasakal ni Papa. You know how c-controlling he is."
"Pero ate--"
"I will tell them someday," putol niya dito. "Kay mama at Winter. Sasabihin ko ang tungkol dito sa kanila when the time comes. Hindi muna ngayon. H-Hindi pa kasi ako pwede maggagagalaw."
"Pano si Papa?"
She stilled. Would she tell him? Sasabihin niya ba sa kanyang ama ang kalagayan niya?
"No...Not now, Snow," pagsisinungaling niya. "Bawal kasi ako ma-stress. And I'm sure magagalit si papa kapag nalaman niya."
"Okay, ate," mahinang sambit ng kanyang kapatid. "At your own pace."
"Thank you, Snow," aniya sabay yakap dito.
Gagawin niya ang lahat para maprotektahan ang mga kapatid niya. Even if it meant she'd have to carry that bastard's secret to the grave.
🌼
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro