[B4] Episode 10
🌼
"The baby's fine, Mr. Montecillo. But she needs to rest. Bawal muna pong mag-gagalaw si Miss Cortez."
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata nang marinig ang pamilyar na tinig ng kanyang doktor. Agad na bumungad sa kanyang harapan ay ang nakakasilaw na liwanag at amoy anesthesia ng paligid.
Nasaan ba siya? Nasa ospital?
Then she remembered. Ang pagkakahilo niya. Ang pagkahulog sa hagdan. Ang dugo. Muling nabuhay sa kanyang dibdib ang kaba at takot.
"Is my baby safe?" Bagaman nanghihina ay napasigaw pa rin siya't pilit na bumangon. Agad bumaling sa kanya si Seven at ang doktor. "Tell me. Is my baby okay?"
Tumango naman ang doktor at tinapik tapik ng kaunti ang kanyang kamay.
"Huwag kang mag-alala, Miss Cortez. As I've said to Mr. Montecillo, okay ang bata. Malakas at palaban ito tulad ng mommy niya."
Relief washed her at hindi niya napigilang mapaiyak. Seven wrapped his arm around her and his warmth helped her calm down a bit.
"But, you have to be careful next time," paalala ng doktor. "Kahit malakas ang pagkakakapit ng bata, kailangan mo mag-ingat parati. Avoid strenuous activities and stress. Occassional headaches and dizziness is unavoidable kaya I advice na dapat ay parati kang may kasama."
"Opo, doc," si Seven ang sumagot para sa kanya. Napaangat siya ng tingin dito. "Kasalanan ko po 'to kasi hinayaan ko siyang bumaba ng mag-isa."
Kitang kita niya ang pagsisisi sa mukha ni Seven nang tumingin siya sa naguusap. He looked like a total mess at medyo maputla din ang mga labi nito. May kaunting bahid pa ng dugo ang suot na pang-itaas.
"It was an accident, Mr. Montecillo," ani ng doktor. "Hindi maiiwasan ang mga ganitong pangyayari lalo pa't nasa first trimester pa lamang si Miss Cortez. For now, kahit malayo naman siya sa panganib, I advise to put her on bed rest for the next two to three weeks just to be su--"
"I can't," putol niya agad sa doktor. "Marami po akong trabahong kailangang tapusin—"
"Opo, doc. Full bed rest," putol naman sa kanya ng katabi. Muli ay bumaling siya dito't pinandilatan ito. "Hindi ko na rin po hahayaang mawala siya sa paningin ko."
Tila nakampante naman ang doktor niya't napangiti sa sinabi ni Seven. Magsasalita pa sana siya ngunit biglang pumasok ang isang nurse at tinawag ito.
"You know I can't rest—"
"Wala kang choice." Muli ay pinutol nito ang sasabihin niya. Rude. "Doctor's orders. Pwede ka naman magtype sa higaan pero siyempre, may schedule. Masama kay baby ang radiation."
"I have to eat, don't I?" pagdadahilan niya dito. "Unlike you, I don't have parents who gives me money. I need to earn to live."
Napansin siya ang biglang pag-iba ng ekspresyon ng mukha ni Seven. Dagling dumilim ang itsura nito at inilayo ang tingin sa kanya.
Bakit? Offensive ba ang sinabi niya? It was true. Since hindi pa naman ito nagtatrabaho, siyempre sa magulang pa rin nito ito umaasa.
"I can provide for myself," tipid nitong sambit bago huminga ng malalim at muling tumingin sa kanya. Ngumisi ito. "Kung gusto mo nga eh sumama ka pa. Kaya kita pakainin ng breakfast, lunch at dinner. Kahit in between snacks pa nga at midnight snack eh."
Hindi siya sumagot at pinagmasdan lang ng maigi ang lalaki. Although he made that out as a joke, hindi makakaila ang pagiiba ng mood nito. Did she really offend him?
Whatever. She almost died. Her baby almost died. She has a free bitch pass for the day.
They stayed in the hospital for the night and she got discharged the day after. Sa condo muna nito sila dumiretso dahil mas madali ang access niya sa kanyang OB kumpara sa kung nasa Bulacan sila. Naisip niya rin na mas okay 'yon dahil walang stairs sa condo nito. Na-trauma na kasi ata siya sa mga hagdan dahil sa nangyari.
Isang linggo na ang lumipas at hindi pa rin sila gaanong nag-iimikan ni Seven maliban sa paminsan-minsang pagtanong nito kung nagugutom ba siya o kung may masakit sa kanya. Madalas rin lang itong nakasubsob sa mga binabasang mga libro o kung hindi naman ay nakatutok sa laptop nito. Nag-aaral. Siguro ay nasanay siya sa kakulitan nito kaya medyo nanibago siyang bigla. It felt weird and awkward. Though she craved for silence for the past weeks that she was with Seven's annoying ass, napakabigat pala sa pakiramdam kapag tahimik ito. In short, ang lakas nitong makapagpa-konsensya.
Katulad na lang ngayon. Nasa sala sila't abala ito sa tapat ng laptop nito habang may mga libong nakabuklat sa tabi. Mula sa posisyon niya sa may sofa ay kitang-kita niya ang itsura nitong mukhang sobrang seryoso sa ginagawa. He was typing and moving his mouse a lot while occassionaly flipping the book next to him. Naaaninag niya rin mula sa salamin nito ang makulay na mga linya at kung anu-anong hugis. Hindi niya maintindihan kung ano ang pinagkakaabalahan nito pero malaki ang posibilidad na gumagawa ito ng plano.
Pasimple niya lang na sinisilip ang lalaki habang nagkukunwaring nagbabasa ng libro. Nang bigla itong huminto sa ginagawa ay agad niyang itinago ang mukha.
"Are you craving for something tonight?" tanong nito bigla.
Nagkunwari siyang hindi ito naririnig at inabala ang sarili sa pagbuklit ng librong hawak. Napasinghap siya nang bigla itong lumapit sa kanya't ibinaliktad ang hawak na libro. Biglang nag-init ang kanyang mga pisngi.
"Hindi ganyan magbasa ng libro," ani pa nito bago ibinalik ang hawak sa tamang direksyon. "Bakit kanina mo pa ko minamanyak? Crush mo na 'ko?"
"Ano ka, high school?"
"O, eh di gusto. Gusto mo na 'ko?"
Inirapan niya ito. "Feeling mo."
"Feeling ko tama ako," hirit nito bago tumayo. "Gusto mo ba kumain sa labas? Maaga pa naman. Bukas pa 'yung mall diyan sa malapit."
Her ears perked up with the mere mention of going out. Kahit pa sabihing introvert siya, gusto niya pa rin namang lumabas-labas. Burong-buro na kasi siya sa loob ng condo nito tapos hindi pa sila nag-uusap masyado.
"Wow ha," komento nito nang makita ang excitement niya. "Excited maka-date ako. Wag ka masyado pahalata. Kinikilig ako."
Gusto niyang hampasin ito ng hawak niyang libro pero hindi niya ginawa. Mahirap man aminin but she missed that. Yung mga pasimpleng hirit nito. And as much as she hate to admit it, hearing his voice in a teasing manner made her feel a lot better.
Pero sobrang saglit lang pala nang tagpong 'yon. Tahimik nanaman ito nang makarating sila sa may basement kung saan naka-park ang sasakyan nito. Even though the mall was just a ten-minute walk from his place, he insisted that they take the car. Mahirap na daw at baka ma-stress siya at duguin. After agreeing to him, it was all cricket sounds again.
Should she just apologize? Offensive ba talaga yung sinabi niya dito?
"Seven," pukaw niya dito.
"Hmm?"
Napakapit siya saglit sa seatbelt. Hindi naman siya masyadong ma-pride na tao and she knows how to admit when she's wrong. Pero... pero offensive ba talaga 'yon?
"I..." Napakagat siya sa kanyang labi.
"You?"
"I... I'm sorry."
Kitang-kita niya ang pagkunot ng noo nito.
"You're sorry because?"
"Uhm... basta," pagdadahilan niya na lang. "Basta sorry."
"Basta? Meron bang ga'non? Nagsosorry lang ng walang dahilan?"
"Basta nga kasi," inis niyang sambit. "Sorry."
"Ga'non? Eh 'di apology not accepted," sagot naman nito kaya't napatingin siya agad dito. Sakto namang bumaling ito sa kanya. "Bakit ko naman ia-accept ang 'basta' lang na sorry. Malay ko ba kung nagso-sorry ka kasi hinalay mo ako ng walang kamalay-malay. O tumae ka pala tapos nabara mo yung cr sa condo. Dapat alam ko kung ano 'yon bago ko pag-isipan kung papatawarin kita o hindi."
Napasapo siya sa kanyang noo. Seryoso ba talaga ito? Nanahimik na lang siya uli dahil sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano kakausapin ang lalaki. Galit ba 'to o hindi? He seems to throwing teases like he normally does kaya hindi naman siguro talaga ito na-offend. But why does it feel like he's not the usual Seven she knows? Parang may iba talaga.
"Nevermind," sabi na lang niya sabay tingin sa labas ng bintana.
Usually, she knows how to handle people around her. She knows how to read people's emotions well dahil nga manunulat siya. Pero bakit itong si Seven na inakala niyang napaka-transparent na tao eh parang iba? He's so hard to read. He gives the most unexpected answers to questions and does things different from how others would. It's like he's this novel where each chapter there's a surprise waiting for you. Yung tipong hindi mo pa rin mahuhulaan kung ano na ba ang susunod na mangyayari kahit pa napaka-cliche ng plot.
"I'm a freelancer," bigla na lang nitong sambit pagkatapos umorder. They're currently in a Chinese Restaurant. "I earn a lot from that. May stocks din ako dahil na-curious ako nung college and I'm earning from the dividends. I saved up most of my allowance doon kasi na-addict ako ng slight sa stock exchange."
So tama nga ang hinala niya. He was indeed offended.
"I don't really get offended kapag sinasabihan akong umaasa ako sa pera ng mga magulang ko," dagdag pa nito animo nababasa ang kanyang iniisip. "Even if it's not entirely true, ga'non naman talaga ang iniisip ng karamihan kaya wala lang 'yon sa'kin."
"Then why were you giving me the silent treatment?" diretsong tanong niya dito.
"Ewan ko," sagot agad nito. "Nung nanggaling kasi sa'yo, masakit."
Napabuntong-hininga siya. Right. Nasobrahan nanaman ang pagiging prangka niya and only a few people can handle that side of her. She also sometimes forget na hindi pa ga'non ka-matured itong si Seven so real-talk can sometimes be taken differently.
"I'm sorry," aniya na lang. "Pasensya na if I forget to filter my words sometimes."
"It's fine," ani naman nito ngumiti. "Hindi ko naman kontrolado ang opinyon ng mga tao sa'kin. Especially you. Siguro motivation ko na lang 'yon para mas galingan pa."
"You're already good," diretsong sagot niya without even thinking. Kitang-kita nanaman niya ang pag-ngisi nito. She rolled her eyes. "Alam mo, ikaw. Seryoso yung usapan, binababoy mo."
"Wala naman akong sinasabi, ah!" depensa agad nito.
"Walang sinasabi pero 'yang ngisi mo, meron."
"Hala!" Nag-kunwari pa itong inosente. "Ikaw lang nagiisip ng kalaswaan sa atin. Ako dito yung bata, remember?"
Napailing na lang siya't napasalumbaba sa mesa habang hinihintay ang pagkain. Medyo nagugutom na rin kasi talaga siya. Busy siya sa pagbabasa ng naiwang menu nang biglang mapansin ang pagtitig ni Seven. Nakasalumbaba rin ito tulad niya at nakangisi.
"O? Anong problema mo?"
"Wala naman. Ang ganda lang ng view."
Blangko ang naging expresyon niya at pinagtama ang kanilang mga mata. He was still smiling cheekily while she... she's literally screaming on the inside. That line was so cheesy but because she currently has pregnancy brain, kinilig siya. Pero slight lang.
Okay, it wasn't just slight. Kinilig talaga siya. Pero hindi nito pwedeng malaman 'yon. Baka kung ano nanaman ang isipin nito.
"Tumigil ka nga diyan," asik niya dito bago ibalik ang atensyon sa menu. "Para kang tanga."
"PeRe kEnG teNgE," pang-uuya nito. "Uyy, kinikilig. Crush niya talaga ako."
"Sa sobrang kilig gusto kita saksakin," singhal niya. "Ikaw siguro yung may crush sa'kin. Tutal ikaw yung utak five-year old--"
"Matagal na." Natigil siya bigla sa ginagawa at napatingin kay Seven. Dama niya ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya at pagbaliktad ng kung ano sa tiyan niya.
Tumambling ba 'yung anak niya?
"Gusto kita, Synn," seryosong saad nito. "Hindi pa ba 'yon obvious?"
"H-Ha?" Ano nanaman ba ang pinagsasabi nito?
"Hatdog," dugtong naman nito. "Paulit-ulit na lang ba?"
Inilayo niya ang tingin dito. "Malay ko ba kung nagjo-joke ka."
"You're pregnant. With my child. Joke pa ba 'yon?" pagbabalik nito sa kanya.
"What happened between us was because we were both drunk. Lasing tayo pareho. Tawag ng laman, ga'non," she denied.
"Bakit ba mas marunong ka pa sa'kin?" bwelta nanaman ng lalaki. "I like you, Synn. Malinaw pa 'yan sa Wilkin's Distilled. Why can't you just accept the fact that I like you?"
"Because you're too young for me!" she blurted out. "Alam mo, paikot-ikot lang tayo."
"Ikaw itong paikot-ikot." Seven pushed his hair back and clicked his tongue as he leaned back to his seat. "What's so wrong with me liking you? Wala naman akong sinasabi na gustuhin mo rin ako. I'm just letting you know that I have feelings for you."
"But I don't," asik niya.
"Di mo sure."
"Seven! Masasaktan ka lang."
"I don't care," pilit nito. "Part 'yan ng pagmamahal."
"Mahal?" Bigla siyang nag-panic nang marinig iyon. "Akala ko ba, gusto mo lang ako? Pa'nong naging mahal?"
"Crush, gusto, mahal. All of the above," seryosong sambit nito. "Kung para sa'yo, it was sex, sa akin, hindi. I made love to you. And that baby inside you was made out of love. My love for this stubborn writer named Solyn Natalia Cortez."
Napamaang siya. Was he really confessing his love to her?
"You can't be serious--"
"But I am. I am in love with you, Synn."
"You don't even know me!"
Nangunot ang noo nito. "I've known you for years."
"That's not what I mean!"
"Eh di ano?"
"You don't even know the real me. Do you even know my favorite flower? Color? Song? Where I come from?" Hindi ito sumagot. "See? We're mere acquaintances, Seven. Maybe you are infatuated with me because I pose as a challenge to you dahil hindi kita gusto. Or nagagandahan ka lang sa'kin. Love isn't like that. And yes, mas marunong ako sa'yo because I'm fucking older than you--"
"Daisies. Yellow. Ocean Eyes. You're actually from Pampanga not Bulacan," bigla nitong sambit. "You like your coffee strong but you always eat something sweet with it to balance it out. You're very observant because you like incorporating a slice of reality to your novels. You love describing characters in detail and every dialogue they deliver holds a piece of you in it."
Nagtamang muli ang kanilang mga mata. the serious glint in Seven's eyes was kinda scary but there was something in it that screamed sincerity. Para bang ipinaparating nito sa kanya na mali ang kung anumang nabuong opinyon niya dito.
"As I've told you, I'm not here to force myself to you," patuloy nito sabay buntong-hininga. "Alam kong may malaking pader ka na ihinarang diyan sa puso mo. For what reason, I won't force you to tell me. Wala rin akong balak gibain 'yon because you built that for a reason."
Inabot nito ang kamay niya't masuyo iyong hinawakan.
"But, I am willing to wait on the other side to break it when you finally decide that you don't need it anymore."
🌼
hindi ko na alam san patungo 'to.
patawad. ehet.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro