[B4] Episode 1
🌼
Isang malalim na buntong-hininga ang binitawan ni Solyn at palihim na sinundan ng tingin ang lalaking naglapag ng kape sa kabilang sulok ng kanyang mesa. Something was scribbled on it but she wasn't a tad bit interested kung ano man ang nakasulat doon.
"I saw that," komento ng isang pamilyar na tinig sa may likuran niya. She could sence a wide grin with that sentence.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang binabasang libro at bumaling dito.
"You're late. Traffic nanaman ba sa Edsa, Ms. Jam?"
Natawa lamang ang babae bago umupo sa bakanteng upuan sa tapat niya. She shamelessly took the coffee and took a sip from it.
"You know, Synn," simula nito. "If I had a face like yours, paniguradong hindi ako magugutom o mauuhaw habang buhay."
"I can very much buy my own drink and food, Miss Jam," seryosong sabit niya. "I don't need a man to take care of me."
"Well, technically, yes," pag-sang ayon nito. "Sa katunayan nga eh babae pa ang nagaalaga sa mga kalalakihan. But being pampered by a man isn't that bad. Especially the hot ones."
Kumindat pa ito.
Hindi niya maitago ang munting ngiti na paunti-unting gumuguhit sa kanyang mga labi. Napailing na lamang siya at nilabas ang hinihingi nitong kopya ng bago niyang akda.
"Here," aniya sabay tulak sa envelop papalapit sa babae. "Pinirmahan ko na 'yung kontrata sa spin-off ng Tales of Heartbreak series."
"Hay salamat!" bulalas nito sabay hatak agad sa binigay niya. "Akala namin eh sa ibang pub house mo 'to isa-sign."
Biglang nangunot ang kanyang noo. What gave her that idea?
Tila nabasa naman agad nito ang kanyang ekspresyon kaya't muli itong nagsalita.
"Usap-usapan kasi sa Twitter eh," anito. "May picture ka kasama ni Mr. Sibal. Diba kanya yung Marchessa Publishing? So 'yon. Umikot balita na pumirma ka ng deal sa kanila."
Mariin siyang napapikit. Kaklase niya ang lalaki noong high school at nagkataong nagmessage ito sa kanya. Okay naman ito kausap at sa pagkakatanda niya'y disenteng tao naman din. So she said yes when he asked her out. Nga lang ay hindi na iyon nasundan because the dude was boring as fuck.
"Kaklase ko 'yon si Henry nung high school," she said with her forehead creased. "He never mentioned to me that he owned Marchessa."
"O? So fake news pala talaga 'yon," anito. "Buti naman. Medyo kinabahan ako 'don."
"I would never leave SAY Creatives," saad niya. "Kayo lang yung sumubok sa akin nung mga panahong walang publishing house ang gustong kumuha sa mga libro ko. I'm a loyal person and I will stay faithful to the ones who first believed in me."
"Weh? Pero aminin mo, nagustuhan mo yung additional percentage na nilagay sa royalties," biro nito. Napairap siya bago ngumiti.
"Hindi ko itatanggi 'yan," prangka niyang sagot. "Aside from loyalty, I need to pay mu bills."
Napangisi naman si Jam sa naging sagot ko. Sanay na ito sa kaprangkahan niya at base sa sinabi nito noon sa kanya, kasama iyon sa nagustuhan nito sa mga ugali niya.
Though weirdly enough, nasa top 3 iyon ng mga bagay na ayaw naman ng karamihan sa kanya.
They say she's too honest. Well, jokes on them but she's actually a big fat liar. Maraming bagay siyang itinatago sa lahat na kahit sina Naia at Yoon ay hindi alam. Si Aki naman ay aksidenteng nalaman ang tungkol sa family background niya noong nasa kolehiyo pa sila.
But her secret was kept as a secret dahil alam ng kaibigan niya ang nangyari. Ang pinagdaanan niya't hinarap.
That girl might look like she's a tattle tail but in reality, she knows how to keep secrets very well. That or nakalimutan lang nito ang mga kinwento niya tungkol sa kanyang pamilya at ang dahilan ng paglalayas niya.
Hindi niya na malalaman kung alin ba sa dalawa dahil bigla ay iniwan sila nito. She gave up on life and didn't even tell them that she was having a hard time. Nandoon naman sila—siya, na handang makinig lagi sa mga problema nito. Pero mas pinili pa rin nitong sarilihin ang pinagdaraanan at kalauna'y mamaalam.
It sucks because, I didn't want to say goodbye to her.
Alam niya namang lahat ng tao ay kinakailangang mamaalam. Ngunit, hindi niya lang inakalang ganito kaaga. Mahirap tanggapin eh. Hindi niya kayang tanggapin.
Tangina mo, Aki. Ang daya mo.
"So I'll expect the first draft within the next two months?" pukaw bigla sa kanya ni Jam. "Or... sooner?"
"Okay yung two months," sagot niya agad dito. "First draft pa lang naman."
"Yup, yup!" Ngumiti ito sa kanya. "But I'm guessing you'd finish it in less than two months. Ikaw pa ba? Daig mo pa kalabaw kung kumayod eh."
"Sira."
Pagkatapos magkamustahan at kumain ng merienda ay nagpaalam na si Jam. Susunduin pa daw kasi nito ang anak na nasa elementarya dahil wala naman daw ibang susundo sa bata.
Jam is a single parent of an eight-year old kid. Nabuntis daw kasi ito ng boyfriend noong college pa pang sila tapos tinakbuhan. Wala daw itong ibang choice kundi buhayin ang bata dahil kasalanan ang magpa-abort.
Alam niyang mare-revoke ang pagiging graduate niya mula sa isang Catholic school pero, kung hindi niya pa namang kayang buhayin ang bata ng mag-isa, bakit hindi? Dahil kung halibawa eh binuhay niya yung bata tapos kinalaunan eh kamumuhian lang naman, huwag na lang. Kawawa naman kasi yung bata kung lalaki itong kulang sa pagmamahal at aruga.
Though there are many possible arguments against her stand on the subject matter, hindi naman din siya ang magdedesisyon sa bagay na iyon. Iyong taong involved doon. Iyong babae.
So isa lang naman talaga gusto niyang ipunto. She simply wants every woman to have a choice. It is whether to keep the baby or not. It should be their right. Hindi iyong napipilitan lang silang huwag ipalaglag ang bata dahil iyon ang sinasabing "tama" ng sosyodad.
Kaya siya, kapag magkakaanak siya, she'd be a hundred percent sure first before having one. Hindi siya mahilig sa surprises dahil gusto niya ay handa siya lagi. Especially this.
"You keep saying that you're happy being single but in reality, you're alone and miserable. Kaya dinadamay mo ako!"
Nang isampal ni Yoon sa kanya kamakailan ang katotohanang iyon, 'don lang siya nagising at naisip na tama nga ito. Na kahit anong panloloko ang gawin niya sa kanyang sarili, hindi siya masayang mag-isa. Na kahit anong gawin niyang pagkumbinsi sa sarili, iba pa rin ang pakiramdam nang may sasalubong sayo pagkatapos ng mahabang araw sa trabaho.
So she decided to start her own family. To bear a child she'd love and take care of for the rest of her life. Boyfriends leave, husbands cheat. But your child will love you for as long as they live.
Iba't-ibang reaksyon ang nakuha niya mula sa mga kaibigan. Ni wala pa nga daw siyang boyfriend so paano siya magkakaroon ng anak?
Simple. Have unprotected sex.
Maaaring masamain ng iba ang pinaplano niya dahil alam niyang hindi lang basta-basta ang pagkakaroon ng anak. But she already had everything planned out. She has enough savings para sa kanya at sa bata hanggang sa umabot ito ng pre-school.
And besides, may regular siyang kinikita sa mga royalties ng kanyang mga libro. Marami din siyang stocks and dividends nung na-bore siya't sinubukan pasukin ang stock trading.
Pero hindi naman siya basta-basta lang makikipag-sex sa kung sinu-sino. Of course she had to have qualifications para sa magiging ama ng kanyang anak. Good genes to match with hers.
"Hello, Synn? It's Mara."
Nagulat siya nang biglang makatanggap ng tawag mula sa babae. Mara is Aki's half-sister and they've been in touch for the past months. Alam din nito ang binabalak niya kaya't may ilan na rin itong nireto sa kanyang mga piloto at kapwa flight attendant. Pero unang beses pa lang siya nitong tawagan sa telepono niya imbes na sa facebook messenger tulad ng dati.
Was she back in the country?
"Mara? Mara Buencamino?" paniniguro niya. "How did you get my number?"
"Yes, Synn. Ako 'to. I got your number from Naia. Galing kasi ako sa mansyon ng mga Montecillo kanina," paliwanag nito. "I was wondering if you'd like to have a few drinks with me later? May pasalubong din akong dala para sa'yo."
Napangiti siya. Of course she'd agree. Matagal tagal na din siyang hindi nakakainim kasama ng mga kaibigan niya. Yung isa eh busy itago ang anak sa tatay tapos yung isa naman eh kakapanganak lang. bakit parang lahat ng kaibigan niya ay nagsisibuntisan?
She could ask George to join with them though. Okay din naman sa inuman ang babae.
"Tawagan ba natin si George?" tanong niya sa babae. "I bet she's down drinking."
"I already did," ani Mara sa kabilang linya. Nahihimigan niya ang panghihinayang sa boses nito. "Kaso nasa Palawan daw siya ngayon eh. Wrong timing."
"Okay then. I'll see you in a bit."
Pagkababa sa tawag ay agad naman niyang tinawagan si Snow—ang nakababatang kapatid na babae. May tinutuluyan itong condo malapit sa BGC kaya't pwede siyang makitulog muna doon. Sana lang ay wala itong kasama.
"Ate!" bungad agad nito sa kanya. "Are you in Manila?"
"Yup," sagot niya agad. "How'd you know?"
"You called, eh," sagot nito in her usual cheery voice.
Bigla siyang nakonsensya. Tumatawag lang siya dito kapag nasa Maynila siya o kung makikitulog sa condo nito. Ganon na ba siya kasamang kapatid dito? She sighed.
"I uh... I just called to ask if how are you?" she didn't sound sincere.
Alam niyang hindi niya dapat dinadamay ang mga kapatid sa galit niya sa kanilang ama. It wasn't fair for them. Pero hindi niya kayang magsinungaling sa mga ito. Lalo na kay Winter. Kaya nga hinayaan niya na lang na mamuhi ito sa kanya kesa naman mahirapan din tulad niya nang malaman ang katotohanan.
Kilala ang pamilya ng mg Cortez sa Pampanga lalo na sa larangan ng politika. Her grandfather was governor before he died and was succeeded by her uncle. Ang ama niya maman ay naging congressman sa distrito. Ang isang pinsan niya naman ang naging mayor habang ang iba'y kagawad o di naman kaya ay barangay official. Kumbaga, nagmukha nang Cortez Dynasty ang buong lalawigan ng Pampanga.
She was supposed to be groomed to become a Partylist head. Kaya nga pinipilit siya noon ng ama na mag-Political Science para maging abogado. Pumayag na sana siya ngunit may nangyari. At ang pangyayaring iyon ang bumago sa kanya. Iyon ang sumira sa kaniyang relasyon sa ama't buong pamilya.
"Come on, ate. I know you're in Manila," malumanay na sagot ng kanyang kapatid. The typical prim and proper daughter of a respected politician. "If you need a place to stay for the night, you can use the condo. You have the lock combination naman. If you forgot, it's our birthday."
"I—"
"I'm out with some friends," patuloy nito. "Magsi-sleepover ako sa condo ni Cole so the whole place is yours."
"Si Winter?"
"He already moved," she said. "Mas gusto niya yung malapit sa university, eh."
"Oh, I see."
Yup, she's awkward like that. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito o isasagot. Snow's just too sweet para mahalata iyon.
They ended the call and she hailed a cab. Diretso na siya sa tinext na lugar ni Mara at doon na lang naisipang mag-hintay. Or, if there's a nearby café, maybe she can just chill there.
"Synn? Synn Cortez?"
Napakunot siya ng noo nang may kung sinong biglang tumawag sa kanya. Pagpihit niya pagarap dito ay nagulat siya. It was Akihiro. Ang kapatid ni Aki at half brother din ng kikitain niyang si Mara. What's he doing here? Shouldn't he be in Okinawa?
"Akihiro," aniya sa papalapit na lalaki. The looked the same as how he looked the last time she saw him. Tall, well-built and handsome. Bonus na lang ang dimples nito. Your typical romantic novel lead. "What are you doing here? Kausap mo ba si Mara?"
"Mara? My sister, Mara?" The guy looked confused. "No. Nandito ako kasi may inasikaso lang akong requirements para sa med school. Mara's here?"
Tumango siya. "I'm actually waiting for her. Nag-yaya uminom eh."
"I see. Hindi nasabi ni Sammy na may layover pala siya dito," ani ng lalaki. "Anyway, kayong dalawa lang ba ang magkasama? Asan si Naia? Si Yoon?"
"Naia just gave birth and Yoon..." bigla niyang naalala ang kondisyon ng kaibigan. Nakalunok ng pakwan. "...can't join us tonight. Madaming pinagdaraanan."
"Talaga ba?" Magaang tumawa ito. "Sabihan mo daanan lang yung problema. Wag mag-park."
"Well, nine months pa ata 'yon magpa-park," bulong niya.
"Ano, Synn? May sinasabi ka?"
"Ah, wala!" agad niyang tanggi. "So... ikaw? Sino kasama mo? Batchmates? Friends? Girlfriend?"
"Just friends," agad namang sagot nito. "I don't have any girlfriend as of the moment. Pero kung may willing mag-apply, baka sakali mabago. Bakit, would you like to try?"
Napataas siya ng kilay dito. He's straightforward. But unlike other guys forward guys, his execution was flawless. Kahit sobrang gasgas na ng linyang iyon, he made it seem like his own.
"Well, let's see," she flirted back. "Can you handle me?"
Ngumisi ito. The guy looked devilishly handsome. Kaya din siguro madaming babae ang kanila pa sumusulyap sa kanilang direksyon. She smirked back.
Sorry girls, I saw him first. Fall in line, please.
"Since wala pa naman si Mara, would you like to join me first?" tanong nito. "May coffee shop malapit dito. Maybe you'd like to wait for her there?"
This guy works fast. Wow.
"Paano yung mga kasama mo?"
"Oh, I'm the early bird, you see. Kapag ang usapan ay 8 pm, ako yung dadating ng alas otso y media pero pinakauna pa ring dumating," paliwanag nito. "Mga isang oras pa muna bago dumating ang mga kasama ko."
Kinda witty. Sapat lang pero pwede na rin.
"Okay then," aniya at tinahak na nila ang daan patungo sa pinakamalapit na coffee shop.
Pagpasok na pasok niya ay agad na bumungad sa kanya ang isang matapang at masangsang na amoy. Napahinto siya't agad sinalat ang ilong.
"What the hell is that smell?!" bulalas niya. Napatingin halos lahat ng nasa loob sa kanyang direksyon.
"Uhh..." Akihiro sniffed a bit before turning towards her to answer. "Coffee? Arabica, do be more specific. Why, Synn? May iba ka bang naaamoy?"
"Iba—"
Napatigil siya nang umakyat sa kanyang ulo ang hindi kaaya-ayang amoy. Sa sobrang tapang 'non ay bigla tuloy siyang nahilo. Napahawak siya sa ulo nang biglang manlabo ang kanyang paningin.
"Synn!"
Biglang bumigay ang kanyang mga tuhod kasabay ng pagkawala ng kanyang ulirat.
🌼
03/06/11
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro