Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18: Moment of Truth

"ANG GANDA!"

Hindi pa man tuluyang naisasara ni Ian ang pinto ng suite, kung saan sila magpapalipas ng gabing iyo'y mabilis nang tinakbo ni Venus ang isang queen size bed. Nagmistula itong bata na animo'y sabik na sabik sa lambot ng higaan. Minabuti niyang ilapag na muna ang bitbit na backpack sa three-seater sofa na naroon at saka tinungo ang kinalulugaran ng dalagita.

"Having fun huh?" nanunuya niyang komento kay Venus. "Aren't you gonna wash up first?"

"Mama mo..."

Kumunot ang kanyang noo sa tila wala na sa wisyong tugon nito sa kanya. "What?"

Tanging ngiti lamang ang isinagot nito sa kanya, ang mga mata'y medyo mapungay na. Marahil ay buhat ng antok dahil anong oras na rin nang matapos ang mini concert. Masyado kasing natuwa sa naging performance niya ang mismong may-ari ng hotel na iyon, kaya naman nag-offer ito ng isang luxury suite para sa kanilang dalawa at may kasama pa iyong breakfast kinabukasan. At dahil nga medyo kapos na siya sa budget ay hindi na siya tumanggi pa.

Muli niyang inilibot ang tingin sa buong paligid. The room was spacious, with high ceilings and floor-to-ceiling windows that allowed a calm breeze to flood in. The interior decor was a harmonious blend of modern elegance and local charm, featuring soft, neutral tones complemented by rich wooden accents and vibrant Filipino textiles.

The two plush queen-sized beds, adorned with crisp white linens and decorative throw pillows, promised a restful night's sleep. A cozy sitting area in one corner invites relaxation, with a comfortable sofa and armchairs arranged around a stylish coffee table, perfect for enjoying a cup of coffee or a glass of wine. An elegant wooden desk provided a space for work or writing, seamlessly integrating function with style. The room also featured subtle touches of cultural authenticity, from locally crafted art pieces to intricate woven rugs, adding a unique character to the contemporary design. Hindi niya tuloy mapigilan na makaramdam ng antok dahil talaga namang nakaeengganyo ang lugar.

"Hey, which place do you think we should..."

Hindi na niya nagawa pang tapusin ang sasabihin dahil nang muli niyang balingan ng tingin ang dalagita'y mahimbing na ang tulog nito. Naupo siya sa gilid ng kama ni Venus at minabuti niyang ayusin ang kumot nito. And before he can even realize, he found himself staring at her sleeping peacefully. Aware naman siya na talagang maganda ang dalagita, pero may kung anong puwersa ang siyang nag-udyok sa kanya upang hawiin ang iilang takas na buhok nito, ang mga tingin ay hindi pa rin niya magawang alisin.

"Am I starting to like you?" Bahagyang nanlaki ang kanyang mata at saka mabilis na tumayo. Maging siya'y nagulantang sa nasabi, dahilan upang dalawang ulit niyang sampalin ang sarili. "Get a grip, you dummy! You can't like a girl you just met. That's insane!"

Mariin siyang napahawak sa dibdib dahil sa mabilis na pagkabog no'n. He then decided to just take a shower to ease that weird feeling building up in his system. Alas-singko na ng umaga nang mapagpasiyahan niyang manatili na lamang sa may veranda. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya lubusang nakaka-adjust sa time differential ng Amerika at Pilipinas.

He reached out for his phone from his pocket and stared at it for a while, still baffled whether to turn it on or just let it be. Hindi na rin siya sigurado kung ilang araw na ba, mula nang pinili niyang maglayas. Gustuhin man niyang mag-reply sa huling mensahe ng mommy niya'y may kung anong bagay ang pilit na pumipigil sa kanya.

"Will it even matter to them if I just vanish into thin air?" buntonghinginga niya sa sarili.

Ang gusto lang naman niya'y kahit papaano'y mapansin siya ng mga magulang. Na sana dumating ang araw na ma-realize ng mga ito na hindi lang puro sakit ng ulo ang hatid niya. That he just wants to be seen and accepted for who he is.

But on the other hand, what happened last night still lingers through his memory. The way he felt on how the crowd clapped and cheered their hearts out as he sang a song, sent some surreal feelings within him. What made it more magical was when he saw Venus smiling beautifully at him.

Bigla niya tuloy naalala ang mga bracelets na balak niya sana ibigay sa dalagita. Kinuha niya ang mga iyon mula sa bulsa ng kanyang hoodie jacket at saka masuring pinagmasdan. At mula roo'y hindi na niya namalayan ang pagkurba ng isang ngiti sa kanyang labi.

"Lapad ng ngiti ah?"

Napapitlag siya't mabilis na itinago ang bracelets sa kanyang likod. Paglingon niya'y naroon na si Venus, nakatayo sa may pintuan ng veranda. Medyo magulo pa ang buhok nito ngunit hindi pa rin maitatago ang taglay nitong ganda.

"Geez, you scared the crap out of me!" pagkukuwanri niyang galit para lang i-divert ang mood sa ibang direksyon. He then leaned on the railings and tried his best to act cool, while avoiding her gaze full of curiosity. "Why were you standing there like a ghost anyway?"

"Good morning din," nanunuyang sagot sa kanya ni Venus nang tuluyan na itong makalapit. Inilinga nito ang ulo, tila sinasadyang hindi sagutin ang tanong. "Ang aga mo namang mag-emote dito. Ganda ng ngiti mo kanina ah. Para kang nakahula ng lotto."

"I'm n-not!" pagdepensa niya sa sarili at saka muling naupo. "I'm just... enjoying the view."

Tila naniwala naman ang dalagita sa kanya kaya naman minabuti na rin nitong maupo sa tabi niya. Ilang sandali rin namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa, animo'y kapwa tinitimbang ang sitwasyon. Ngunit sa huli ay sabay na lamang nilang dinama ang malamig na dampi ng hangin sa kanilang mga balat.

"May problema ka ba?" basag ng dalagita sa nakabibinging katahimikan. "P'wede mo naman sabihin sa 'kin. I won't judge."

"It's nothing," aniya at saka ito binalingan ng tingin. "Maybe I'm just tired. I haven't slept well since the day I got here."

Muling nabalot ng katahimikan ang paligid hanggang sa unti-unting pagsikat ng araw. The sky turned into a breathtaking palette of orange, pink, and purple hues, casting a golden glow over the mountains by the lake. The sight was mesmerizing, almost surreal.

"Ian, tingnan mo oh! Ang ikaapat na bagay sa bucketlist ng lola mo," masayang anunsyo sa kanya ng dalagita. "Pagkatapos ng dilim ay hudyat ng panibagong pag-asa, ating damhin ang banayad na yakap ng liwanag sa umaga..."

Iyon na marahil ang unang beses na nasilayan niya ang pagsikat ng araw. And he was once again fascinated by that experience.

"Alam mo," panimula ni Venus habang nakatingin sa unti-unting pagliwanag ng kalangitan, "there's something magical about sunrises. Parang sinasabi nito na no matter how bad yesterday was, you always have a chance to start fresh."

He glanced at her, noting how the golden rays illuminated her face, making her look almost ethereal. "You really believe that?"

"Oo naman 'no! Kaya nga mahalaga ang mga bagay tulad nito." Nilingon siya nito at bahagyang ngumiti, "ang pagmasdan ang liwanag, ang maramdaman na kahit gaano kahirap ang buhay, may dahilan para magpatuloy. Sunrise reminds us na habang may araw na sumisikat, may pag-asa pa rin."

"I wish I could see things the way you do." Napabuntonghininga siya at saka mapaklang ngumiti, "my life's been... you know? Pointless."

"Hindi mo naman kailangang ayusin agad ang lahat, Ian," ani Venus matapos siya nitong hawakan ang kamay niya. Kaagad siyang napatingin doon. "Minsan, kailangan mo lang maghintay ng tamang oras. Parang araw. Hindi siya sumisikat nang biglaan, pero kapag nandiyan na siya, nararamdaman mo agad 'yong init at liwanag niya."

Napangiti siya sa mga tinuran ng dalagita, kahit pa nararamdaman niya ang bigat ng sariling mga iniisip. Somehow, she made it sound so simple-like he didn't need to rush or fix everything all at once.

"Oh, damhin mo raw ang ganda ng sunrise sabi ng lola mo!" Pinanood niya kung paano idinipa ni Venus ang mga kamay nito, habang dinadama ang malamig na hangin ng umaga. "Ang ganda 'no?"

"It is," sagot niya rito, ang tingin ay hindi sa sumikat na araw nakatuon-kun'di sa dalagita mismo. Agaran din ang ginawa niyang pag-iwas ng tingin sa takot na baka mahuli siya nito.

"Ano 'yan?" puno ng kuryosidad na tanong sa kanya ni Venus. Bumaba ang tingin nito sa kamay niya at napansin ang kanina pa niya pilit na itinatago.

Sinubukan niyang muling i-divert ang usapan subalit mukhang walang balak magpatinag ang dalagita. Hindi pa ito nakuntento't marahas pa nitong hinila ang braso niya. "Ano ba kasi 'yan? Ba't ayaw mong ipakita?"

"It's n-nothing!" Mariin niyang ikinuyom ang mga bracelet sa kanyang kamay at saka iyon itinaas mula kay Venus. "This is really nothing, so back off!"

"Huwag ka na madamot!" Nagawa pa nitong tumalon-talon para lang maabot ang hawak niya. "Para ka naman others eh. Patingin lang sabi!"

Hindi na nga nila namalayan na nasa loob na muli sila ng kwarto. Parang mga batang naglalaro ng taya-tayaan. Huli na nang maabot ng isa niyang kamay ang braso ni Venus para suportahan ito. Sa halip, pareho silang napaatras, nawalan ng tamang tindig, at bumagsak nang magkasabay sa kama.

Ilang pulgada na lamang ang layo ng kanilang mga mukha sa isa't isa. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Venus habang nakatitig ito sa kanya, ang mga labi'y nakaawang na parang may sasabihin ngunit walang lumabas na salita. Habang siya'y tila natigilan din.

Ilang saglit silang nanatiling ganoon-walang gumagalaw, walang nagsasalita, tanging tibok ng kanilang mga puso ang naririnig nila sa katahimikan ng paligid.

"Uhm..." bungad ni Venus, pilit na sinisira ang tensyon.

Bigla siyang bumalik sa ulirat, mabilis na tumayo at inalalayan ang dalagita. Gustuhin man niyang humingi ng tawad ay tila gulantang pa rin sila sa nangyari. Pagkuwa'y humugot muna siya ng malalim na hininga at saka inipon ang lakas ng loob na harapin ito.

"I-I'm..."

"L-ligo... m-maliligo na muna ako!"

Hindi na siya hinintay pa ng dalagita na magsalita. Kaagad na itong kumaripas ng takbo papunta sa banyo. He was left there, rather speechless. He stared at the bracelets on his hand and a smile showed upon his face.

"I guess... it's time to give you to your rightful owner."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro