MARCUS WARNER
Marcus Warner
Her Wedding
It was surreal seeing the love of your life walking down the aisle and you waiting on the other side. Sobrang saya ko habang nakatitig kay Blaire na emosyonal na naglalakad patungo sa kinaroroonan ko. Just like what I imagined.
Siya na nakasuot ng isang eleganteng wedding dress. Kasama ang buong pamilya at mga kaibigan namin sa simbahang napili naming dalawa.
Pinigilan ko ang mga luha ko kahit na isang pitik na lang sa akin ay malalaglag na ang mga 'yon.
I've never saw her this happy. Her eyes were sparkling like diamonds. Emosyonal ang lahat ng taong katabi ko pero ako ay nanatiling nasa loob ang lahat ng emosyon.
This is what I want. Ito lang naman talaga ang gusto kong makita, ang masaya siya.
I lost it when she smiled at me. Natunaw ang puso ko sa mga ngiting 'yon. Parang gusto ko na lang siyang yakapin nang mahigpit at huwag na siyang pakawalan kahit na kailan. But a part of me screamed my biggest fear.
She isn't mine anymore...
Piniga ang puso ko ng lagpasan niya ako at dumiretso sa lalaking nasa likuran ko.
She is marrying my best friend Hermes. Kita ko sa mga mata niya ang labis na kasiyahan ng balingan niya ito.
It was the same look she gave me years back. Iyong mga tingin niyang nagpapatunaw sa buong pagkatao ko. And that was the same look I always wanted to have back.
Pero hindi na pwede.
Pero malabong malabo na.
I broke her heart into pieces. Ako ang dahilan kaya siya nawala sa buhay ko pero hindi ako nagkamaling pakawalan siya. Mahal na mahal ko si Blaire and I'm willing to sacrifice everything just to see her happy. Even when I need to let go of my own.
"I'm sorry Marcus but we have to let you go." Walang emosyong sabi ni Mr. Jackson.
"But Sir-"
"I'm sorry." Aniya bago tuluyang lumabas ng silid.
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas na lumabas sa malaking building na pinagtrabahuan ko ng ilang taon.
They let me go just like that.
The realization hits me. How am I supposed to tell Blaire about this? How am I supposed to tell her that the man he loves is a loser?
Buong araw akong nasa loob ng club na palagi naming pinupuntahan nila Hermes. Kaya lang ngayon ay ako lang mag-isa ang narito. They all have hidden agenda's that I can't interrupt. Okay narin siguro ang ganito para makapag-isip ako ng maayos.
Sa pagtunog ng cellphone ko ay nakita ko ang pangalan ni Mommy sa screen. Agad ko iyong sinagot.
"Mom."
"Marcus..." Dinig ko sa kabilang linya ang paghikbi ni Mommy.
Naikumo ko ang aking kamay na nakapatong sa lamesa.
Nagpatuloy siya sa pagsasalita kahit na tila ba namamaos na siya sa kaiiyak.
"Your Dad! H-He... finally left us Marcus!" Humagulgol na si Mommy sa kabilang linya.
Natigagal ako sa lahat ng narinig. That cunt left his family just to be with a whore. Matagal ng hindi nag-uusap ang mga magulang ko at talagang magulo na sila nitong mga nakaraang taon. Kaya ngayong ito na naman ang dahilan ng pag-iyak ni Mommy ay naging mitsa ng pag apaw ng galit sa puso ko.
Akala ko kaya pa niyang magbago para sa pamilyang sinimulan niya pero hindi. I guess, once a cheater will always be a cheater.
Sa umpisa lang ba talaga magaling ang mga tao? Sa umpisa lang kayang panindigan ang mga salita?
Napabuntong hinga ako.
Naglalaro ba ang tadhana ngayon at ako ang napili niyang pagtripan?
Am I in chain of tragedy and heartaches now? Anong nagawa ko para malasin ako ng ganito?
"I signed the divorced papers Marcus. Hindi ko na kaya ang lahat ng ito. Marcus, anak... I need you here." Gumagaralgal ang boses ni Mommy at sobra akong nasasaktan ngayon.
I don't want her to cry over that prick! Hindi niya deserve ang masaktan ng ganito. Ni wala siyang ginawa sa buong buhay niya kung hindi ang isalba ang pamilyang pilit niyang binuo ng mag-isa.
"I'm coming over Mom. Just give me an hour." Sabi ko bago ibinaba ang tawag.
Inubos ko pa ang tatlong beer na nasa harapan ko bago lisanin ang club na 'yon. Mabagal lang ako sa pagmamaneho habang pilit na iniisip ang lahat ng nangyayari.
I'm scared about the future. I'm particularly scared for Blaire...
Nawawalan na ako ng oras sa kan'ya dahil sa trabaho ko at ngayon naman ay may dumagdag pang problema.
Niyakap ko si Mommy nang makita ko siyang nakahandusay sa sahig. May tatlong bote ng gamot sa tabi niya at alam kong iyon ang ininom niya para takasan ang lahat ng problema. Nawala ang lahat ng epekto ng alak sa sistema ko.
My hands were shaking when I picked her up on a cold floor. Wala akong sinayang na oras. Mabilis ang takbo ko patungo sa hospital para maisalba ang buhay ng ina ko.
Pinatay ko ang aking cellphone na kanina pa tunog ng tunog. It was Blaire who's calling.
Not now baby...
Hindi ko gustong ipaalam sa kanya ang lahat ng problema ko sa pamilya dahil nahihiya ako. My pride and ego are at stake. Blaire looks at me as if I'm perfect. Matalino, galing sa magandang pamilya at lahat pero sa kabila ng mga pag-aakala niya't mataas na tingin sa akin ay isang mahinang Marcus na mayroong magulong pamilya. A cheating father that emotionally abused the woman who dedicated her whole life for him and his child.
My Dad Married my Mom because of money. I'm sure of it. Si Mommy ang lahat ng nagpundar sa mga bagay na natatamasa ko ngayon. We are a family but my Mom took all the responsibility. Mahal na mahal niya kasi si Daddy kaya hindi niya ito maiwan. But I guess all things need to put to an end... Lalo na ang ganito kasalimuot na sitwasyon.
"Mommy..."
Agad akong lumapit ng nakita ko ang pagdilat niya isang linggo matapos siyang ideklarang comatose.
Isang linggo narin akong narito sa hospital. Umuuwi lang ako sa tuwing maliligo ako at kukuha ng ilang gamit para madala rito. Ang alam ni Blaire ay sa opisina ako pumupunta pero ang totoo ay wala na akong trabaho.
My mother suffered from depression. Araw-araw siyang gumigising at natutulog ng umiiyak. Ako lang ang tanging kinakapitan niya para piliting lumaban sa hagupit ng buhay.
I can't leave her broken and almost dying because of my father. Naaprubahan ang divorce nilang dalawa. Nalugi ang negosyo ni Mama ilang linggo lang ang lumipas.
Nakita ko ang unti-unting pagguho ng mundong ginagalawan namin ni Blaire. Lalong lalo na ang aming relasyon.
Nawalan ako ng oras sa kanya. Ang alam niyang nasa trabaho ako araw-araw ay isang malaking kasinungalingan na nagpatuloy nalang.
Natatakot akong sabihin sa kanya ang totoo. Dahil ako mismo ay natatakot na wala na akong kaya pang ibigay sa kanya. I hit rock bottom. Ni ang bukas kasama siya ay hindi ko na maisip.
Sa loob ng ilang buwan ay nasa hospital at tabi lang ako ni Mama. Lahat ng naipon ko para sa kasal namin ni Blaire ay nagastos ko na para sa lahat ng mga bayarin sa negosyong nalulugi at kanyang pampagamot. Wala na akong ibang makapitan. Ang isang taong akala ko'y po-protektahan kami ay siya mismong nang-iwan at umabandona sa amin.
Galit na galit ako sa mundo. Nahihirapan ako sa tuwing nakikita kong nahihirapan si Mommy at nababasag sa harapan ko.
"Marcus, I'm sorry! I have nothing to give you."
"Mom! Don't say that!" Pagalit ko sa kanya.
Heto na naman kami. Araw-araw nalang ay ganito ang usapan naming dalawa. Hindi ako humihiling ng kahit na ano, ang gusto ko lang sa ngayon ay maging maayos siya sa kabila ng pag-iwan ni Daddy sa aming dalawa.
She sacrificed a lot for me. Ginawa na niya ang lahat para mabigyan ako ng buong pamilya at kung makikita ko lang siyang nasasaktan sa araw-araw na ginawa ng Diyos dahil doon ay pipiliin ko nalang ang maging broken family.
Napapitlag ako ng maramdaman ang pag vibrate ng cellphone ko sa aking bulsa. Kinuha ko 'yon at tinitigan ang screen. It was Blaire.
Nanghihina akong tumunganga sa pangalan niya. How am I supposed to give the future she deserves if I was this low?
Paano ko gagawin ang lahat ng pangako ko sa kanyang magandang buhay kung maski ako ay hindi ko na alam kung saan patungo ang sa'kin?
I don't want to hurt her in the long run. Mas gugustohin ko pang saktan siya ngayon kaysa ang masaktan ko siya habang buhay. Sa lahat ng desisyong mahirap gawin ay ito ang tama. This is the least that I want but I need to do this for her. I really need to let her go...
"Let's break up." Matapang kong sinabi matapos maisip at matimbang ang lahat sa amin.
Nakita ko ang pag-awang ng labi ni Blaire na parang hindi sigurado sa narinig.
"I'm sorry Blaire..."
Oh, I'm sorry for being broken and insanely stupid to give you up.
I'm sorry dahil wala na akong kayang ibigay sa'yo. Hindi ko na kaya ang mga dapat mong makuha Blaire.
You deserve everything in the world and I can't give you that. Hindi ko kayang makita kang hindi kuntento sa akin. I'll be doomed.
Kitang kita ko ang pagkawasak ng babaeng iningatan ko sa loob ng ilang taon. Nadudurog ang puso ko habang umiiyak siya at nagmamakaawa sa akin.
I need to tell her that I'm not happy anymore. Wala na akong ibang mahagilap na dahilan para paniwalaan niya ako. This is fucking hard. Hindi ko gusto ang ganito pero ito ang kailangan kong gawin. I need to let her go and set her free. Hindi ako ang lalaking para sa kanya.
I was the one for her but not anymore... I was...
Naging duwag ako para sa aming dalawa. We broke up but she asked for seven days. Ang buong akala ko ay kaya ko siyang tanggihan pero inisip ko nalang na kailangan ko rin 'yon bago siya tuluyang iwan.
I love every part of her and I'm now letting her go...
How can I make her happy now if I was the one who broke her? Wala akong maapuhap na sagot. All questions about us were so hard to answer.
Sa unang araw ay pinigilan ko ang sarili kong bawiin ang lahat ng sinabi ko. Napapatigil ako sa bawat paghawak ni Blaire sa akin. Parang gusto ko nalang siyang yakapin ng mahigpit na mahigpit.
I watched their concert from a distance. Hindi ako nagpakita sa kan'ya at sinabing hindi ako manunuod no'n. But I'm here. Watching her gracefully playing the violin. Isa sa mga bagay na hinangaan ko sa kanya.
Habang tumatagal ang pitong araw ay mas lalo kong nilalabanan ang lahat ng pagkalito sa puso ko. I need to get all things done but on the sixth day, we made love. It was my fault. Hindi ko napigilan ang sarili ko and once again, I hurt her. Kahit na hindi niya sabihin ay alam kong sobrang sakit no'n para sa kanya.
My decisions are definite but damn! It was Blaire. Hindi ko na matandaan kung ilang beses akong nadudurog sa tuwing nakikita at nararamdaman kong nasasaktan ko siya... Nang sobra, sobra-sobra.
The seventh day was just casual.
Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagsuko. Pinipiga ang puso ko habang tinititigan ang maganda niyang mukha. I memorized all the details even the small lines in her face. Ayaw kong makaligtaan siya sa mga susunod na araw ng buhay ko. She will never be erase in my heart. Alam kong balang araw ay may papalit sa posisyon niya pero hinding hindi siya mawawala rito.
Sa buhay nga talaga ay kailangan mong gumawa ng desisyon na kahit labag sa puso mo ay dapat mong gawin para sa kapakanan ng nakararami. Para sa ikabubuti ng lahat at mas pipiliin kong masaktan nalang kami sa ngayon kaysa ang makita ko siyang mahirapan bukas. Mahirapan sa piling ko.
We parted ways with just a kiss but all her memories remained in the deepest part of my heart. Nalaman ko nalang kay Georgina ang paglisan ni Blaire sa bansa kasabay ng pagkamatay ni Mommy.
I was so alone and empty. Hindi ko na alam kung paano ako nakakabangon sa araw-araw na wala na ang lahat ng pinaka-iingatan ko.
The perfect life I was born with was snatched away from me with just a blink of an eye. Everything was pointless. Para akong nasa isang roller coaster na hindi humihinto at paikot-ikot nalang.
Pumasok ako sa isang maliit na kumpanya. Pinilit kong buohin ang buhay kong lugmok. Sarili ko ang pinagkuhaan ko ng lakas at si Blaire. Ang lahat ng alaala naming dalawa.
One day Hermes told me he was with her. Magkasama sila sa kanyang kumpanya and I was relieved. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib matapos ang isang taong wala akong naging balita dito.
Noon pa man ay alam kong mahal ni Hermes si Blaire pero nagpaubaya siya sa akin. I guess she was really not for me. Maybe Hermes is the one for her at ako lang 'yung umepal sa kanila.
And now... Here I am, surrendering the love that I've lost to my best friend.
Mas mabuti nang siya ang pagkatiwalaan ko kay Blaire dahil kilala ko ito. Oo nga't wala na akong karapatan sa kanya pero gusto kong maging masaya siya ngayong wala na ako para gawin 'yon. Gusto kong maging maayos pa rin siya kahit na hindi na ako ang kasama niya.
"Hermes, I love you with all my life..." Emosyonal na sambit ni Blaire habang kaharap ang best friend ko sa altar.
I smiled bitterly. Napapikit ako ng marinig ang kabuuan ng vows ni Blaire para kay Hermes.
That should be me...
Pero natakot ako sa kinabukasan niya kasama ako. Naging duwag ako at hindi ito ang unang pagkakataon.
I'm so stupid to let her go but I am happy that she found the love of her life and that's enough for me now.
Ni hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya sa nakalipas na mga taon. I am still the Marcus that she loved and she will always be my Blaire. The Blaire who taught me to love selflessly. Na kahit ano ay kaya kong ibigay para matagpuan niya ang tunay na makapagpapasaya sa kanya. I'm just like my mother. Sa kanya ko nakuha ang ganitong klaseng uri ng pagmamahal. Iyong puro, totoo at hindi kailanman naging madamot.
Humugot ako ng isang malalim na paghinga matapos sabihin ni Father ang mga salitang, "You may now kiss the bride..."
Wala sa sariling napangiti nalang ako ng makita ang magiliw na paghawi ni Hermes sa kanyang belo. They kissed in front of everyone who rooted in their relationship. Kasama ako sa mga pumalakpak kahit na sumisikip ang dibdib ko sa sakit.
When does this pain will end? Is it still possible?
Huminga ako ng malalim at matapang na ipinirmi ang mga mata sa bagong kasal. Natigil ang pag-ikot ng mundo ko ng makita ang paglipad ng mga mata ni Blaire patungo sa akin.
She smiled at me and all I can think of was my decisions. Now I realized that the pain we suffered were all worth it. Pero sa ngayon ay may gusto pa akong hilingin.
Ngumiti ako kay Blaire kasabay ng mga sinserong bulong ng aking utak...
"Please be happy for me Blaire... Just be happy for me baby, please?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro