HERMES MONTGOMERY 2
Hermes Montgomery - Two
I Was Made For Loving You
"Schedule."
Nakita ko ang pagkukumahog ni Pauline habang hawak ang makapal na clear folder na punong puno ng mga papel.
"Sir, eight thirty at Guamodez Enterprise. After the meeting, you have an appointment with Mr. Sepulveda. Tapos mamayang lunch po kay Mr. Ty." Marami pa siyang sinabi sa schedule ko buong araw pero inilipad sa kung saan ang atensiyon ko ng makita ang isang babaeng nakaupo sa swivel chair habang ini-interview ng empleyado ko.
She was smiling while gracefully answering the questions. Kusang huminto ang mga paa ko sa paglalakad.
Pagkatapos ng isang taon... There she is.
Sa kumpanyang ngayon ay pagmamay-ari ko na.
"Cancel all my meetings Pauline and give me the details about all the interviews today."
"Po?!" Nakita ko ang kalituhan sa mukha ng sekretarya ko.
Wala sa sariling napangiti ako sa kan'ya.
Mas lalong nanlaki ang mga mata niya dahil sa ginawa ko. I can see her face turned red. Iniwan ko siyang natutulala sa akin.
Ilang oras na akong nakaupo sa office ko ng bumalik si Pauline dala ang mga papel na hinihingi ko.
"Thank you." Sabi ko.
Hinawi ko ang lahat ng papel para hanapin ang kay Blaire.
"Blaire Lozaga..." Napangiti ako ng makita ang kan'yang curriculum vitae.
Isang linggo ang nakalipas ng makita ko siyang dala ang mga gamit na nakalagay sa isang box. This is her first day. I knew she can make it through the interview. Isa sa hinangaan ko kay Blaire ay ang katalinuhan niya.
Hinintay kong makapasok siya sa elevator at makaalis bago ako naghintay ng panibago. She's still dazzling as before.
Sa loob ng isang taon ay pinilit kong kalimutan ang tungkol sa kan'ya. Walang may alam kung nasaan ito kaya nawalan narin ako ng pag-asang masabi ko sa kan'ya ang mga gusto kong sabihin.
Ngayong pinagtagpo na ulit kami ng tadhana ay isa lang ang palaging naitatanong ng isip ko. Is fate really messing with me?
Kita ko sa mukha niya ang gulat ng magkasalubong kami sa hallway isang araw.
"Hermes?"
Kumunot ang noo ko ng makita ang gulat sa mukha niya. Damn, she is beautiful!
"Blaire." Tipid kong sagot.
What should I tell her? I'm happy to see you? Na miss kita?
Nakita ko ang pagsiko ni Jaila na nasa tabi niya. Ngumisi siya sa akin at may ibinulong naman kay Blaire. Nakita ko ang pagkawala ng kulay sa mukha niya dahil sa ibinulong ng kan'yang katabi. She looked surprised.
Tumango nalang ako at nilagpasan sila para pumunta ng diretso sa aking opisina. Damn, I want to just look at her closely...
Isang malalim na buntong hinga ang pinakawalan ko ng tuluyan na akong makapasok sa loob ng silid.
Calm the fuck down. This is not the first time you saw her Hermes. Don't be silly!
Napangiti ako ng matanggal na ang frosted tint na nakalagay sa palibot ng dinding ng aking opisina. I can clearly see Blaire from here. Damn I'm crazy!
Gusto ko nalang matawa kapag naiisip ko ang mga kabaliwang ginagawa ko.
"Coffee Sir?" Tanong ni Pauline na ngayon ay nakadungaw sa pinto ng aking silid.
Umiling ako.
"No thank you. I can do it myself." Tipid kong sagot.
Bagsak ang balikat niya ng umalis doon. I looked at the screen of my computer. Kanina pa ako tulala at walang nagagawang trabaho dahil ang mga mata ko ay patuloy na lumilinga sa kung saan saan.
Nagtipa ako ng iilang mensahe doon para sa kailangang email ni Daddy. Pagkatapos ng isang paragraph ay lumipad na naman ang mga mata ko sa kinaroroonan niya.
She looked stressed. I run my fingers through my hair. Ipinirmi ko ang mga daliri ko sa aking labi at tila ba nilamon ng malalim na pag-iisip.
How is she? Okay lang ba siya? Okay na ba siya? It's been a year. Naka move on na ba siya kay Marcus? Hindi ko lubos maisip ang dahilan ni Marcus dahil ni hindi niya 'yon sinasabi sa amin ni Leonne. Ang tanging sinabi niya lang ay gusto niyang maging masaya si Blaire.
Marcus is very good at decision making. Kapag may gusto siya at ayaw ay gagawin niya. No one can convinced him on what to do. May sarili siyang paninindigan sa lahat ng desisyon niya sa buhay at isa na doon ang naging desisyon niyang iwan si Blaire.
"Hermes, take good care of Blaire..." That was his exact words.
Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng makita ang biglang paglingon ni Blaire sa kinaroroonan ko. Shit!
Kunwari'y kinuha ko ang nalaglag na bagay sa ilalim ng desk ko kahit na kitang kita niya naman na walang nahulog doon.
This is lame Hermes!
When the expansion came, nalipat ang opisina ko sa kabilang side na malayo kay Blaire. Sa lumilipas na araw ay nagiging malapit na ulit kaming dalawa hanggang sa dumating ang oras na naging magkaibigan na ulit kami. Iyon na yata ang pinakamayasang punto sa buhay ko. Because I was able to talk to her again. Magsisimula akong muli.
I took care of her not because of Marcus but because I want to. It was my duty to make her safe and happy. Iyon ang gusto ko dahil mahal ko siya.
"For Blaire Lozaga... Yeah, give me the biggest bouquet you have thanks!"
I began courting her until she said yes. At ngayon, narito ako sa kabilang dulo ng simbahan habang hinihintay ang mabagal niyang paglalakad.
God knows how much I wanted to run into her and hug her tightly! Kusang tumulo ang mga luha ko ng makita ang maganda niyang mukha. Umulit sa isipan ko ang lahat ng mga oras na pinagdaanan namin.
Simula sa mga oras na gusto ko lang siya, sa mga oras na naging magkaibigan kami hanggang sa oras na tuluyan na siyang naging sa'kin.
It was hard as hell but I'm eager to be with her. Sa kan'ya lang tumibok ang puso ko. It was her that I want. Noong una palang ay alam kong siya na ang babaeng gusto kong makasama sa habang buhay.
Kahit na paulit ulit niyang sinasabing wala na siyang kayang ibigay sa akin ay wala akong pakialam. Mahal ko siya at mamahalin ko siya habang buhay.
Siya lang at wala ng iba...
"Blaire... I love you and I want a second chance at falling in love with you for the first time. This time, let this be forever..." Hindi ko napigilan ang luha ko habang sinasabi ang aking vows sa pinakamamahal kong asawa.
"I do, I do, I do!" Punong puno ng kasiyahang sabi ko sa tanong ni Father.
"All I know is, darling, I was made for loving you..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro