Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HERMES MONTGOMERY 1

Hermes Montgomery - One

Love At First Sight


It was a sunny day with my sister at the beach. Typical na araw para sa aming pamilya.

"Are you gay? Oh my God Hermes! I'll fucking kill you!" Hiyaw niya sa akin.

This is not the first time. Ate Hera scolds me every time I told her that I am single.

"Piss off." Nag iwas ako ng tingin.

Hindi na naman niya ako tatantanan ngayon. Tumayo ako at kinuha ang surf board na nasa buhangin. I might as well surf than listen to her.

Tumayo rin siya para sundan ako.

"Hermes, wala ba talaga? How can you be so distant to your sister!" Kitang kita ko ang paglukot ng mukha niya.

"I'm not gay, tsk!" Sinamaan ko siya ng tingin ng makita ang pagngisi niya.

Naglakad na ako patungo sa dagat.

"Good brother! But please, get a girlfriend soon! Sayang ang good genes!" Malakas niyang sigaw na tuwang tuwa pa.

Nagtinginan tuloy sa akin ang mga babaeng naka two piece na naroon sa dagat. Napapikit nalang ako ng mariin. God, this is why I hate hanging out with her! She's a pain in the ass.

Hindi ako nakaligtas sa mga naghahagikhikang babaeng naroon. I don't understand my sister. Kung si Mommy ay hindi ako pinapayagang mag girlfriend, siya naman ay ipinagtutulakan ako. Hindi na raw uso iyong walang girlfriend ngayon. And jeez, I'm only fifteen!

Lumusong ako sa dagat at lumangoy sa malalim na parte hawak ang aking surfboard. Nang makita kong tama na ang lalim ay sumampa na ako doon at hinintay ang malaking alon na papalapit sa kinaroroonan ko. Nang maramdaman ko ang paglapit no'n ay agad akong nag paddle para sabayan ang malaking alon.

I paddle hard enough to catch the wave. Maingat akong tumayo para ibalanse ang katawan ko sa itaas ng aking surfing board. I start turning and just gliding on the wave, having fun with it.

Kumalma ang isip ko habang sinasalubong ang malamig na hangin. Nawala ang lahat ng inis at pag-iisip ko sa lahat ng bagay lalong lalo na ang pressure sa mga salita ng kapatid ko.

Sa paghupa ng alon ay kasabay no'n ang pagpukol ng mga mata ko sa isang babaeng palapit sa dagat.

I gasp. I felt a magnet pulling me towards the stranger.. A beautiful stranger. Nakita ko ang makasariling pagyakap ng tubig sa katawan niya. Her smile is just priceless and damn! I just can't take my eyes off of her!

Hindi ko pa sana tatanggalin ang titig sa magandang babae pero hindi ko nagawang ibalanse ang katawan ko sa surf board kaya naman wala sa sariling bumagsak ako sa dagat at nilamon ng malaking alon.

Narinig ko pa ang malakas na tilian ng mga babaeng naroon sa pagbagsak ko. Fuck!

Agad kong inayos ang buhok kong nagkalat sa mukha ko ng makaahon ako.

Now I know why Ate Hera wants me to cut this shoulder length wavy hair. Nakita ko ang gulat sa mukha niya ng hagilapin ng mga mata ko ang magandang babaeng ngayon ay halos nasa harapan ko na.

Damn... She's a gem!

Nananatiling nakatitig sa akin ang maganda niyang mga mata. Ang kan'yang mahaba at kulay brown na buhok ay hinihipan gaya ng hanging umiihip sa utak ko.

How can I convince myself that this is not love at first sight?

Naiilang siyang ngumiti sa akin. Kusa namang kumunot ang noo ko at nag iwas lang ng tingin. I feel so embarrassed! Ngayon lang ako nahulog sa surf board! And it was all because of this beautiful creature.

Mabilis akong umalis at lumangoy pabalik sa dagat. Why do I feel the urge to impress her? Napailing nalang ako ng makita ang nakangising mukha ng kapatid ko habang inginunguso iyong babaeng maganda.

"Blaire..." Wala sa sariling napangiti ako ng malaman ang pangalan niya dahil sa malaking bunganga ni Leonne.

I saw her in the hallway. Hindi niya siguro ako nakilala dahil sa bagong buhok ko. Yes, I allowed my sister to jeopardized my life.

Mas lalong lumiit ang mundo naming dalawa dahil sa iisang university na pinapasukan namin.

Campbell International University.

Nakuntento na ako sa pasimpleng sulyap sa kan'ya. Sa pag ngiti niya. Sa lahat lahat ng bagay na ginagawa niya. Makita ko lang siya ay parang awtomatikong nabubuo ang araw ko.

"I'm courting her Bro!" Masayang sabi ni Marcus habang nasa harapan kami ng bar area.

It was my birthday.

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil masaya ang kaibigan ko o maiinis ako sa sarili dahil wala akong hakbang na ginawa para kay Blaire. I like her but I'm too afraid to tell her. Ayaw kong ma-reject. I don't want to feel disappointed too. No.

Noong una ay akala kong nagbibiro lang si Marcus pero ng makita ko ang effort niya para kay Blaire ay nagpaubaya ako. Sa tuwing nakikita kong masaya si Blaire ay nagiging masaya narin ako. I'm scared that I can't make her happy like Marcus did and I'm such a dick for not trying.

But she was so happy.

"Getting married?!" Natigagal ako sa sinabi ni Leonne isang araw dahil sa balitang nag propose na si Marcus kay Blaire at um-oo na ito.

My world turned up side down. This is the end of my love for her. Alam kong wala narin namang patutunguhan ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kan'ya dahil masaya na siya pero nagpatuloy parin ako.

I was hoping that someday...

Kahit masabi ko man lang sa kan'ya ang nararamdaman ko. Pero paano ko gagawin 'yon kung ang bestfriend ko mismo ang makakalaban ko?

I treasure my friendship with Marcus so much. He is my brother. Silang dalawa ni Leonne ang itinuring kong kapatid.

Gano'n ba ako kasama para kalabanin siya dahil parehas kami ng babaeng minamahal?

Tumango si Leonne sa akin.

"Paano 'yan?" Tanong niya matapos sabihin ang balita.

Nagkibit balikat ako.

Then she'll be happy with him. She must be happy with him. Dahil kung hindi ay ako mismo ang babawi sa kan'ya. Hindi naging sa akin si Blaire kailanman pero gagawin ko ang lahat huwag lang siyang masaktan.

"Then congrats." Matabang kong sabi.

"Bro..."

"There's no need Leonne. They are perfect for each other and you know that. Let's be happy for them." Pinilit kong ngumiti.

Si Leonne ang unang pinagsabihan ko ng nararamdaman ko kay Blaire. Nauna nga akong makilala siya pero naduwag naman akong lumapit sa kan'ya. The worst part was when Marcus saw her. Gustohin ko man siyang ilayo kay Marcus pero hindi ko nagawa.

She was adore by everyone. Alam kong darating ang oras na makikita ko siyang may kasamang iba pero hindi ko inaasahan na si Marcus iyon.

Hindi ako gaya niyang malakas ang loob. Nasa tabi niya kami ni Leonne habang nanliligaw kay Blaire. Naging masaya ako kahit na ang kaloob-looban ko ay tutol sa lahat ng nangyayari.

Nang makagraduate kami ng college ay lumayo ako. Pumunta ako sa Australia para makaiwas sa kanila. I know they were getting married soon. Wala akong balak na pumunta. Marami naman akong pwedeng idahilan sa kanila e.

Tanging si Leonne ang tumatawag sa akin para ibalita ang lahat ng nangyayari sa mga kaibigan namin. Umuuwi lang ako sa tuwing gusto ko. O kapag ipinagtutulakan ako ni Ate Hera. She knows everything.

"Alam kong mahirap Hermes pero isipin mo nalang, what if kayo talaga ang para sa isa't-isa? Hahayaan mo nalang ba 'yon?" Pagalit niya.

"That's impossible. Walang gano'n Ate." Nag-iwas ako ng tingin at dumiretso sa refrigerator para kumuha ng tubig doon.

Narinig ko ang pagsunod niya.

"It's not too late." Umiling nalang ako.

Ilang araw akong lutang habang iniisip ang mga oras na lumilipas na hindi ko man lang nasasabi sa kan'ya ang nararamdaman ko. Na mayroon akong nararamdaman para sa kan'ya.

Natatawa nalang ako sa tuwing naiisip kong kahibangan lang ang lahat. We're not that close either. Paano? sasabihin ko nalang na, Blaire mahal kita?

Fate must be kidding.

Napapitlag ako ng marinig ang telepono ko. It was Marcus.

"Hey Bro!" Siniglahan ko ang tono ng boses ko ng sagutin 'yon.

Pinipilit kong maging masaya para sa kan'ya kahit na napakahirap para sa akin.

Narinig ko ang pagbuntong hinga niya. Mabigat. Ramdam ko ang bigat ng nararamdaman niya kahit na wala pa naman siyang sinasabi sa akin.

"Are you alright?" Tanong ko.

"I broke up with Blaire. Can you come home?" Napatayo ako sa kinauupuan ko.

What the hell? Tumakbo kaagad sa utak ko ang mukha ni Blaire na umiiyak. Napakumo ang kamay ko.

I flew back to Philippines. Si Ate Hera lang ang masaya sa pag-alis ko. Si Daddy kasi ay nai-stress na naman sa pamamahala ng kumpanya ngayong wala ako.

"I'll be back Dad." Tumango tango lang si Daddy na para bang may naintindihan sa sinabi ko.

Marcus was a mess.

Hindi ko siya masisisi sa lahat ng ginawa niya. Hindi ako dapat matuwa sa paghihiwalay nilang dalawa pero may parte sa puso ko ang nabuhayan. I'm such a cruel friend.

Sa birthday ni Leonne ko nakitang muli si Blaire. She's wearing a red cocktail dress. Wala akong intensiyon na suriin ang kabuuan niya pero hindi ko napigil ang sarili ko. Kusang naglakbay ang mga mata ko kay Blaire.

I've never saw her like this. She looks good but something is not right. Ipinilig ko nalang ang ulo ko dahil sa mga bagay na pilit tumatakbo sa isip ko.

Sa kabuuan ng party ni Leonne ay hindi natanggal ang tingin ko kay Blaire. She's drinking all liquors. Ni wala siyang tinanggihan sa lahat ng ibinibigay sa kan'ya. Napapailing nalang ako sa tuwing nakikita ang pagkalukot ng mukha niya dahil sa lasa ng mga iniinom.

Nakita ko siyang sumayaw sa dance floor kasama si Georgina. She is wasted. I can see it in her. Hindi naman siya ganito kalakas uminom kaya alam kong nananaig na sa sistema niya ang alak.

"I'll dance." Sabi ko sa mga kausap ko. Tumango lang sila at nagpatuloy sa pag-uusap.

Nang mapalapit ako kay Blaire ay nagulat ako ng sayawan niya ako. Naestatwa ako sa paggiling niya sa katawan ko. Damn it!

Hinawakan ko ang bewang niya at pilit na ipinirmi. I don't like this at all.

"Hermes..." Her soft voice.

Halatang nagulat siya at hindi inaasahan na ako ang makikita niya sa kan'yang likuran.

Gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. There she is. The woman that I love.

Napabuntong hinga nalang ako ng harapin niya ako at ilagay ang mga kamay sa leeg ko. This is madness Blaire. Don't...

I guess nagpadala ako sa kan'ya. The next thing I know was me dancing with her. Sumayaw lang kami ng sumayaw hanggang sa makaramdam ng pagod.

Parang nawawasak ang puso ko ng makita ko siyang umiyak sa harapan ko at lumabas sa bar na pinagdadausan ng party ni Leonne. Ni hindi ako nakagalaw para sundan siya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Do I need to comfort her? Ako ba ang kailangan niya? Imbes na sundan si Blaire ay nilunod ko nalang ang sarili ko sa alak.

Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat.

I'm a hopeless coward...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro