Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 6

Chapter Six

Records

"Why did you do that?" Inis na singhal ko kay Hermes ng makasakay na ako sa kanyang sasakyan.

"You're drunk." Kalmadong sagot niya.

"I'm not!"

"Okay."

Mas lalong lumaki ang pagkainis ko sa kan'ya. He's not arguing with me na dati ay ginagawa niya. Pero ngayon, I can see his flags down. At mas lalong lumalalim ang galit ko dahil do'n.

"You asked me to go to the party tapos yayayain mo lang pala akong umuwi! bwisit ka! I hate you!"

"Go on. Say what you want to say, I just want to take you home."

"And why?! I can go home myself. Isang cab lang yun Hermes!"

"I want to take you home, Mahirap na."

"What?!" Inis na sabi ko sa kan'ya.

Hindi na ako bata. At isa pa, kung bata man ako, ano bang pakialam niya? Ni hindi kami magkadugo para alalayan ako sa mga bagay na kaya ko namang gawin ng mag isa.

"Nevermind. Should we go left?" Tanong niya.

"I don't know! Ang lakas ng loob mong ihatid ako, ni hindi mo naman pala alam ang bahay ko! Right!"

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. I feel like blowing up any second.

Napakapit ako sa aking seat belt ng maramdaman ang pagliko nito ng mabilis.

"Ikaw yata 'tong lasing eh!" Inis paring sabi ko.

"Can you please?" Nahinto ako sa pagtutol ng makita ang seryoso niyang mukha.

Sino ba naman kasing matutuwa? I am having fun back there, minsan na nga lang e!

Magsasalita pa sana ako ng maramdaman ko ang pagsama ng pakiramdam ko. Natutop ko ang aking labi.

Pakiramdam ko'y umiikot ang tiyan ko. I'm going to puke!

"Hermes..." Pabulong na sabi ko.

"Please... I'm enjoying the silence." Balewalang sagot niya.

"I'm... I'm gonna puke."

Blangko niya akong sinulyapan.

"Nasusuka ako!" bulyaw ko sa kan'ya.

Mabilis naman niyang itinabi ang sasakyan at lumabas ng sasakyan para pagbuksan ako ng pintuan. Sa pagtanggal ko ng aking seat belt at pagharap sa pintuang nakabukas ay kasabay ng lumabas ang lahat ng kinain ko kanina sa dinner.

Napapikit ako ng mariin habang patuloy sa ginagawa ko. Si Hermes naman ay hawak hawak ang buhok ko at bahagyang tinatapik ang likod ko. I can hear him scolding me!

I hate situations like this! Maybe he's right. I already drink too much. Nang matapos na ako ay kinuha niya ang kanyang puting panyo at ibinigay sa'kin.

May pag-aalinlangan ko siyang tinignan.

"Sige na." Kinuha ko naman 'yon para punasan ang labi ko.

Na-estatwa ako ng hawiin ni Hermes ang buhok ko at inilagay 'yon sa aking tenga,

Nag-iwas naman ako ng tingin at inayos ang sarili ko.

"I'm okay." Paniniguro ko sa kan'ya.

Hindi naman ito nagtanong pa. He closed the door and go to the driver's seat. Tahimik lang kami pareho habang binabaybay ang daan patungo sa bahay ko.

Tinamaan naman ako ng antok kaya ipinikit ko muna ang mga mata ko. Mababaw lang naman 'yon kaya naramdaman ko ang paghinto namin. Tamad kong binuksan ang mga mata ko pero hindi ko na inisip na tignan kung nasaan na kami. Siguro'y naghanap lang siya ng comfort room.

Susuka rin kaya siya? Wala sa sariling napangiti ako. Weak.

Maya maya pa ay naramdaman ko na ang paggalaw ng sasakyan. Marahan niyang tinapik ang balikat ko at iniabot ang isang bottled water.

Iginala ko ang paningin ko. Naka-park kami sa isang convenient store.

"Thank you."

Umayos ako ng upo at hindi na muling natulog.

"Diyan nalang sa tabi Hermes." Nawala narin ang bahagyang pagkahilo ko.

Dahil siguro'y nailabas ko na lahat kanina.

"Thank you." Sabi ko ng tuluyan ng huminto ang sasakyan sa dapat ng gate.

"Wala 'yon. Goodnight Blaire."

Ngumiti ako bago siya sagutin.

"Goodnight!" Saka lumabas ng kan'yang sasakyan.

Nilukob muli ng lungkot ang puso ko ng tuluyan na akong makapasok sa tahimik kong apartment. I opened the lights on. Napako ang tingin ko sa lumang turntable na galing pa sa Mama ni Marcus.

Inilapag ko ang aking bag sa sofa at tinungo 'yon. sa ilalim ng turntable ay ang cabinet na punong puno ng mga records. Napangiti ako ng mapait. Siguro'y dalawa lang ang akin sa mga 'yon. Dahil sa hilig ko talaga ang musika ay nahilig narin akong makinig sa mga records.

I remember one day that I stole one of my Grandfather's record. He pretended that he didn't know but he keep on singing the song to torture me.

Kinuha ko ang isa sa mga paborito ni marcus at marahang inilagay sa turntable.

"What? Really? Sa'kin na 'to? Pero collection mo 'to Marcus!" Hindi maipinta ang tuwa ko nang ibinigay ni Marcus sa'kin ang lahat ng records na kanyang collection.

"Yeah, some of it was from Mom, kasama 'to."  Iniabot niya sa'kin iyong turntable na palagi kong pinupuntahan sa bahay nila. Kagaya ko, ang Mommy ni Marcus ay mahilig din sa mga 'yon kaya siguro madali kaming nagkasundo.

"Thank you Marcus!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro