CHAPTER 3
Chapter Three
Marcus
Kung gagawing abstract ang nararamdaman ko ngayon ay panigurado akong mukha ni Blaire ang lalabas doon! Pumayag na siyang maging date ko sa prom! Thanks to my crew at lalo na sa best friend niyang si Georgina.
She helped me with all the stuff I needed. Lahat na nga siguro maliban nalang sa speech ko.
Mom helped me picked my suit na gagamitin ko sa grand ball ng taon sa Campbell. The most anticipated event of all time!
Ilang buwan na akong nanliligaw kay Blaire pero hanggang ngayon ay hindi parin lumalabas sa mga labi niya ang sagot sa matagal ko ng tinatanong.
"Will you be mine?"
That was the longest silence I got from her after asking the question.
Malakas ang tugtog sa loob venue pero mas naririnig ko parin ang kabog ng dibdib ko.
Kailan ba ako huling naging ganito? Wala akong maalala. Palibhasa ngayon lang ako tuluyang nagkagusto sa isang babae.
Blaire is different from any other girls. She has this smile that you'll get lost. Sa isang ngiti niya palang noon sa may fountain ay nakuha na niya ang atensiyon ko.
Beyond her pretty facade is a unique personality.
She loves to sing and plays violin. She loves listening to the radio too. Ang dahilan niya noon ay mas gusto niyang makinig sa mga kanta doon kaysa sa kanyang playlists. Mas gusto niya 'yon para daw nasusurprise siya sa kantang pine-play ng dj. She loves music like I do.
But I love her more...
Sa unang tingin ko sa kanya noon ay akala ko kaya kong i-predict ang nasa isip niya pero mali ako. She has this kind of thinking na masyadong malalim. I'm smart but she is brilliant, all she has to say about life really hits me. It's like out of nowhere good shit.
"Maghihintay ako Blaire. Kung hindi ka pa handa, okay lang. Naiintindihan ko. Hindi ako susuko. Mahal kita eh. Matagal na kitang mahal Blaire Lozaga..."
Kahit na nagpapawis at parang matutumba na ako sa kaba ay pinilit kong sabihin sa kan'ya ang nararamdaman ko.
It was not easy to confess but I don't care! Real men show and tell what they really feel.
Nawala lang ang kaba ko ng ngumiti siya. Wala na akong pakialam kung babastedin niya ako. Masaya akong nakilala ko siya. Masaya akong nakilala ko kung ano talaga ang isang simpleng Blaire.
At kung gagawin niya 'yon ay hindi ko pagsisisihan ang lahat ng efforts ko. Sa ball lang na 'to ay sobrang saya ko na.
"Maghihintay ka?" She asked.
Biglang lumabo ang paningin ko. I'm not as strong as it may seem kaya natatakot akong ma-reject. Lalo na pagdating sa kan'ya.
Isang tango lang ang naisagot ko. I'm lost for words. Kahit na sinabi kong tatanggapin ko ay parang walang salita ang maghahanda sa'kin kapag nangyari 'na yon.
"Uhm... pagod ka na ba? Ihahatid na kita sa table niyo."
Isang oras narin yata kaming nakatayo at sumasayaw kasabay ng mga kaibigan ko.
Umiling siya at ngumiti ng pagkatamis-tamis. My heart pounded and freeze!
"You don't have to wait Marcus, sinasagot na kita."
Alam kong narinig ko ang sinabi niya. Walang labis, walang kulang pero ni isang salita ay walang lumabas sa bibig ko.
Magkahalong kaba at saya ang naramdaman ko.
"W-What..?" Pag-uulit ko.
Hindi sa hindi ko narinig ang mga sinabi niya. Pero gusto ko ulit na sabihin niya ang bagay na 'yon.
"I said, I'm yours Marcus!" Mas nilakasan pa niya ang boses niya na parang tumagos hanggang sa kaluluwa ko.
The girl I prayed to God is letting me be with her! How am I supposed to react to that? Mabuti nalang at hindi nadamay ang katawan ko sa tuliro kong utak.
I hugged her . Naramdaman ko rin ang pagtugon niya sa yakap na 'yon. Marahan ko siyang binuhat at iniikot. Her sweet giggles are music to my ears.
"I love you Blaire!" Masayang bulong ko sa kaliwang tenga niya.
"I love you too... Marcus..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro