CHAPTER 22
Chapter Twenty Two
Me And Hermes
"Happy Second Anniversary Blaire."
Gusto ko ng maiyak ng makita ang mga bulaklak niyang dala.
Hindi naman ito ang una pero pakiramdam ko ay espesyal ito ngayon. We marked our second year being together.
Hermes gave me the best relationship that I never imagine to have. Siya ang nagbura ng lahat ng natitirang sakit sa puso ko. Siya ang nagtiyaga sa akin, siya ang bumuo. I remeber the first time he told me he love me.
Hindi ko 'yon matanggap dati dahil natatakot akong magmahal muli at maulit lang ang nangyari sa amin ni Marcus. Yes I loved him. Hindi na 'yon mawawala sa akin dahil naging parte siya ng buhay ko. But Hermes... hindi ko na alam kung anong gagawin ko kapag nawala pa siya sa akin.
Siguro kapag dumating ang araw na 'yon ay hindi na ako magmamakaawa kagaya ng hiniling ko kay Marcus. I don't want to be selfish anymore.
"I love you!" Sabi ni Hermes matapos akong siilin ng halik sa labi.
Hanggang ngayon ay kinikilig parin ako sa tuwing sinasabi niya ang pagmamahal niya sa akin. I love Hermes so much. Ngayon ay simula ko ng nakikita ang bukas na kasama siya.
"Mommy!"
"Blaire! Good to see you, oh my God!" Hiyaw ng Mommy ni Hermes ng bisitahin namin sila isang araw.
"Kumusta po?" Nakangiting bati ko matapos ang yakap.
Nasa likuran ko lang si Hermes habang binabati naman ang Ama at kapatid na si Ate Hera.
"We're good! Matagal na namin kayong hinihintay. Dalas dalasan niyo naman please?" Natawa ako sa sinabi niya pero tumango narin.
Dahil sa busy schedule ni Hermes ay minsan lang kami nagkakaroon ng oras para mamasyal sa mga magulang niya. Kahit na ayaw niya akong magtrabaho ay ginagawa ko parin.
My pride is high as Eiffel tower. Hindi ko maaatim na siya lang ang kumakayod para sa hinaharap ng relasyon namin.
Hermes can't take my eyes and hands off me. Pero kahit na gano'n. Wala pang nangyayari sa aming dalawa. I know I'm not a virgin but he insisted that he will wait for me to be ready. All ready.
Palagi siyang naghihintay sa akin. I am now ready. Siguro noong una ay hindi ako sigurado kung hanggang saan lang kami tatagal pero ngayong dalawang taon na ang relasyon namin ay nasasabi kong handa na ako sa lahat. As long as I'm with him, I'm always ready.
"Ate Hera!"
"Blaire, you are beautiful than ever. I'm glad Hermes has a good taste!" Natatawang pambobola niya sa akin habang nakanguso sa kapatid. Palagi niya naman akong pinupuri kaya minsan ay hindi na ako naniniwala.
"She's the only one Ate Hera. You know that." Seryoso namang sabi ni Hermes.
"Oo na! Sabi ko sa'yo noon mo pa ligawan eh. Sus!" Umirap siya.
Natawa nalang ako at bumalik sa pagkakakapit sa braso ni Hermes. Ngumuso siya pero agad ding ngumiti sa akin.
"I'm a good friend. Bro code." Bulong niya sa tenga ko.
"I'm yours now Hermes... sa'yo lang." Humilig ako sa katawan niya.
Nasa garden na kami at nag-uusap ng mga bagay bagay ng dumating naman sila Mommy at ang grandparents ni Hermes.
"Gran Ma. I'm glad you came!" Masayang bati ni Hermes sa kan'yang Lola at niyakap pa ito.
Gusto raw kasi ni Hermes ng mini reunion naming lahat kaya narito sila. Niyakap ko rin ang mga magulang ko.
They liked Hermes. Una palang ay gusto na nila ito. Kahit noong magkaibigan palang kami. Noong naghiwalay naman kami ni Marcus ay ipinagtulakan pa ako ni Mommy rito.
I guess, mother's knows best?
Nasa harapan na kami ng hapag kainan.
"How's the business Hijo?" Ani Daddy kay Hermes.
"It's okay Dad. It has been okay since your daughter said yes." Ngumiti siya at bumaling sa akin.
Natawa si Daddy.
"That's what I did too when your Mom came. Mas lalo akong naging inspired." Singit naman ng Daddy niya.
Nag-init lalo ang pisngi ko dahil sa mga ngisi nila.
Two years. Pero parang umpisa palang niya ako kung tratuhin. Hindi ba sa umpisa palagi ang pinakamasaya? Pero kami ni Hermes, hanggang ngayon ay gano'n parin.
Hinawakan niya ang kamay ko at walang ano-ano'y hinalikan ito sa harap ng lahat ng nasa hapag kainan.
"Woh! Kayo na!" Natatawang hiyaw ni Ate Hera.
Kinurot ko ang mukha ni Hermes dahil hindi ko na maitago ang kaba at kilig na nararamdaman ko.
Tuwang tuwa ang mga matatanda dahil sa ginawa ng kanilang apo.
"Naalala ko noong bata pa kami ni Sandro. Kagayang kagaya mo talaga ang lolo mo Hermes." Halos maiyak na sabi ng Lola niya.
"Mahal kita Helena at kahit ngayon, mahal na mahal parin kita." Humalik naman ang Lolo niya sa pisngi ng kan'yang Lola.
Nakita ko ang pagpupunas ng invisible na pawis ni Ate Hera.
"Phew... ako na ang walang love life. Kayo na." Reklamo niya.
Nagtawanan kaming lahat doon. Hinawakan ni Hermes ang kamay ko kaya natigil ako.
Sana nga kami narin hanggang sa dulo gaya ng Lolo at Lola niya. Ang Daddy at Mommy ko at ang kan'yang mga magulang. Kitang kita sa kanilang magkakapareha ang nag-uumapaw na pagmamahal sa isa't-isa. I'm glad I said yes to this guy.
Matapos kumain ay dumiretso kami sa garden. Inilabas ng mga katulong nila ang mga wine at cakes bilang dessert.
Nag-usap usap rin kami tungkol sa trabaho at iba pang bagay.
"Masaya ba? Ayos ba sa'yo 'yun? Hindi ba nakakasawa?" Kuryosong tanong ni Ate Hera sa trabaho ko.
I'm Hermes's secretary. He offered me other position pero iyon ang posisyong gusto ko. I can't handle seeing him with anyone else. Lalo pa at halatang mahaharot ang mga naging sekretarya niya.
"Masaya ako sa gano'n Ate. Call me possessive but I just love him. Ayaw kong magalit araw-araw sa tuwing papasok ang ibang babae sa opisina niya." Napakagat ako sa aking labi.
Natawa naman siya at tumango tango.
"Damn, he is so lucky to have you!" Aniya.
"I'm luckier. Lalo sainyo Ate Hera. Thank you sa pag tanggap niyo sa akin." Ngumiti siya at niyakap ako.
Matapos ang yakap niya ay tinitigan niya ang kan'yang relo na para bang naghihitay ng kung ano. Kita ko sa mukha niya ang pagkainip na hindi ko maintindihan.
Ipinagkibit-balikat ko nalang iyon.
"Teka ha." Ngumiti siya at umalis muna sa tabi ko.
Sinalinan niya ang lahat ng baso ng champagne. Pababa narin ang araw at kulay kahel na ang langit. What a perfect scene.
Sana ganito nalang palagi. Kasama ang pamilya at masaya.
Sumulyap sa akin si Hermes bago bumaling sa kapatid. Lumayo sila sa nakararami. Ako lang yata ang nakapansin dahil hindi ko maiwasang hindi tignan si Hermes. I want to see him 24/7 if possible.
Sa pagbalik nila ay sinalakay ako ng kaba. Napatuwid ako sa pagkakaupo gano'n din ang mga magulang at pamilya namin. Tumayo si Hermes sa gitna. Si Ate Hera naman ay pinatunog ang basong hawak para makuha ang buong atensiyon namin.
Tumango si Hermes sa kapatid bago bumaling sa akin. Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko patayo sa gitna ng lahat. Nakita ko ang pagtulo mga luha ng mga babaeng naroon.
What the hell is going on?!
Nahirapan akong huminga ng makita ang malamlam na mga mata ni Hermes. Ang makapal niyang kilay, ang perpekto niyang ilong at mapupulang labi.
Nakita ko rin ang mga luha sa gilid ng kan'yang mga mata. What...
"Blaire, it has been two years since you said yes. Pero higit pa sa two years ay minahal na kita. Hanggang ngayon, mahal na mahal na mahal kita." Nanunuot ang mga salita ni Hermes sa puso ko. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak.
Natututop ko ang labi ko ng marahan siyang lumuhod sa aking harapan.
Kinuha niya ang isang itim na box galing sa kan'yang bulsa.
"Lahat sila ay umoo na sa'kin Blaire. Ikaw nalang ang hindi pa. Blaire Lozaga, can you please be my wife?" Tumulo na ang mga luha niya.
Suminghap singhap ako dahil napupuno ng emosyon ang puso ko. This is way different that Marcus's proposal.
Siguro nga ay mas mahal ko si Hermes ngayon. Mas higit ang pagmamahal ko kay Hermes dahil ngayon ay alam ko na ang tama at mali.
Luminga ako sa paligid at lahat sila ay hinihintay ang sagot ko. Si Mommy ay humahagulgol na sa saya. Magkayakap naman ang mga magulang ni Hermes samantalang si GranMa ay lumuluha narin at handa ng pumalakpak anytime.
Bumalik ang tingin ko kay Hermes. Nakita ko sa mga mata niya ang lahat ng pangangailangan ko. Totoo pala 'yon na kapag may isang nawala ay mayroong may mas maganda na darating.
Oo hindi perpekto ang relasyon namin ni Hermes but it's all worth it. Damang dama ko ngayon na siya na ang lalaking para sa akin. Na siya ang kapareha kong itinakda ng Diyos.
Marahan akong tumango habang pinipigilan ang mga luha ko sa pagbaha dahil sa sobrang saya.
"Yes Hermes! I will marry you!"
Isang malakas na palakpakan ang narinig ko lalo na ang kay Ate Hera. Siya itong number one supporter namin sa relasyon. Agad niyang isinuot sa akin ang singsing na may malaking diamond sa gitna.
Niyakap niya ako matapos halikan sa labi. It was short but it's meaningful. Iyon ang unang halik namin bilang mag fiancè.
"Blaire Lozaga Montgomery..." Masayang bulong niya sa tenga ko. "I love you so much future wife..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro