CHAPTER 21
Chapter Twenty One
Fall For Him
"Hermes!"
Sigaw ko habang bumaba ng mabilis ang roller coaster na sinasakyan naming dalawa.
Kahit na para nang kumakawala ang kaluluwa ko sa katawan ko ay narinig ko parin ang pagtawa niya at pagsigaw.
Nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman ko ang paghinto noon sa taas. Habol ko ang aking paghinga.
"You okay?" Natatawang sabi niya habang ako naman ay pinipigilan na ang sarili sa pagmumura.
Sa kada ikot no'n ay bumabaliktad ang sikmura ko.
This is not a good idea at all. Kung hindi ko lang siya matiis ay hindi talaga ako papayag na sumakay sa rides na 'to.
I've never been in a roller coaster. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpauto ako.
Bago pa man ako makasagot ay bumulusok na pababa ang roller coaster kaya napasigaw na naman ako at napapikit nalang ng mariin.
"Blaire! Open your eyes." Sigaw niya.
"No!" Sigaw ko naman pabalik.
"Come on!"
Hinawakan niya ang kamay ko kaya napadilat na ako.
I can see his handsome face smiling at me. Kahit na gusto ko paring sumigaw ay natigil nalang ako. Nawala kahit paano ang pangamba ko ng maramdaman ang pagsalikop ng kamay ni sa akin.
"I love you." Aniya.
"What?" Tanong ko dahil sa mga sigawan ay hindi ko 'yon masyadong narinig.
Nang umikot ang roller coaster ay umikot na naman ang tiyan ko pero hindi ako pumikit. Tumitig lang ako kay Hermes. He's just staring at me. Trying to comfort me with his serious look.
Ngumiti siya nang maramdaman ang pag-ikot at pagbabang tuluyan ng sinasakyan namin.
"I said, I love you Blaire Lozaga!" Malakas na sigaw niya kasabay ng paghinto ng roller coaster sa pinagmulan nito.
Napaawang ang bibig ko ng marealized ang sinabi niya. Naghiyawan at palakpakan ang mga taong kasama naming nakasakay doon. Hindi ko alam kung para sa amin ba o dahil natapos na ang ride? Naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko.
Ilang buwan na ba? Eight? nine? Hindi ko na matandaan kung ilang buwan na siyang nanliligaw sa akin dahil hindi ko alam kung dapat ko bang isama iyong mga oras na nandiyan siya sa tabi ko.
"Mahal kita Blaire..."
Lumamlam ang mga mata ni hermes habang nakatitig lang sa akin.
I can feel my heart beating fast. It was just friendship that makes us closer. Hindi ko talaga inaasahan na ganito na kami ngayon.
That friendship and closeness eventually lead me falling for him which I realized when every time my eyes laid on his gorgeous face.
Sabi nila masasabi mong mahalaga at mahal mo ang isang tao kapag hindi mo maimagine ang sarili mo ng wala sila. At nitong nakaraang buwan, sa tuwing nakikita ko siyang may kausap na iba ay parang may kumukurot sa puso ko.
Iniwasan ko siya simula ng makaramdamam ako ng iritasyon noong isang beses ay nakita ko ang lantarang pagfi-flirt sa kan'ya noong bago niyang secretary.
Alam kong hindi niya pansin 'yon pero naiirita ako sa tuwing pumapasok iyong babae sa loob ng opisina niya.
My mind was creating random shit about them being locked in that damn office.
Ang isipin pa kaya na mawala siya sa akin? I fall for him everytime he smiled at me. Sa bawat seryosong paninitig niya at pagpapahayag ng nararamdaman sa akin ay nalulunod na ako sa tuwa.
Kagaya nalang ngayon...
Naghiyawan lalo ang mga tao ng ulitin niya ang sinabi.
"Mahal kita!"
Para akong natauhan ng hawakan nya ang kamay ko. Natigilan ako. Una ay nakangiti pa siya pero halata sa mga mata niya ang lungkot ng hindi ako sumagot.
Napawi ang ngiti niya at bahagyang umiling. Dahil sa pagkatahimik ko ay wala siyang nagawa kung hindi ang ngumiti nalang ulit kahit na bakas parin ang lungkot sa mga mata.
"Let's go." Pormal niyang sabi bago tumayo.
"Hermes..."
Nilingon niya ako ng nakalabas na siya doon sa inupuan namin. Tumayo narin ako para lumabas.
Sinalakay ako ng kaba. nakakunot lang ang noo niya at hinihintay ang iba ko pang sasabihin. My stomach drop when he speak.
"M-may sasabihin ka?" Tanong niya ulit.
Huminga ako ng malalim. Marami paring tao na nakatingin sa amin at ang iba pa nga ay talagang pinapanuod kami.
I feel sick and horrendously nervous. Pakiramdam ko ay marami ng namumuong pawis sa noo ko.
"I..." Huminto ako at humugot ng malalim na paghinga. Mas lalo namang kumunot ang noo niya. This is it. Hindi ko na kayang itago at patagalin pa ang isinisigaw ng puso ko.
"I love you too!" Buong tapang kong sinabi.
I felt my world turned upside down. Nakita ko ang pagliwanag ng muka ni Hermes pero agad ding kumunot ang kan'yang noo.
"What?" Tanong niya ulit na sinisigurado ang narinig.
Narinig ko ang paglakas ng hiyawan ng mga tao. Mayroon doong couple na halos lapirutin pa ang mukha ng kan'yang boyfriend dahil sa dalang kilig namin ni Hermes.
"Sabi ko, mahal rin kita Hermes..." Marahang umangat ang gilid ng kan'yang labi.
Hindi pa man ako nakakapag-isip ng matino ay niyakap na niya ako.
"Congratulations dude!"
"Halika sakay na tayo baka mamaya pag baba natin sagutin mo narin ako!" Natatawang sabi noong lalaki sa kasama niyang babae at mabilis nalang sumakay. Natatawa nalang ako.
"Wala ng bawian ah!" Nakangising sabi ni Hermes.
Oh God! Oo naman. Wala ng bawian. Wala akong balak na bawiin ang lahat Hermes. It's you who I want right now. Mahal ko na nga siya at hindi ko na kayang pigilin ang sarili kong lalo pang mahulog sa kan'ya.
Tuluyan na niyang natawid ang pader na inilagay ko sa paligid ng pagkatao ko. Siya ang nagtiyaga. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang labi niya sa noo ko.
Hindi na ako natatakot na masaktang muli dahil alam kong worth na ito ngayon. We all need pain to realized something. Palaging kasama yan sa pagtanda.
May mga tao talagang darating sa buhay natin hindi para makasama sa habang buhay kung hindi para mag-iwan ng isang leksiyon.
At kung may leksiyon mang dala si Hermes ay makikinig ako. Pero sa ngayon masayang masaya ako dahil alam kong tama ang nararamdaman kong pagmamahal sa kan'ya.
I can't see him with anyone else but me. I'm ready to love him.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro