CHAPTER 18
Chapter Eighteen
Last Day
Habang nasa biyahe ay tahimik lang ako. Hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong sabihin kay Marcus. He's silent as well.
"Marcus pwede ba tayong pumunta sa Climb?" Baling ko sa kan'ya nang makita ang traffic sa harapan namin.
Tinapunan niya ako ng hindi siguradong titig. That is where we had our first kiss. Wala namang espesyal sa lugar na 'yon dahil kung tutuusin ay kalsada lang 'yon sa mataas na lugar.
You can see the city from up there. Tahimik at tanging mga tunog ng kuliglig lang ang mariring.
"It's late Blaire. You should rest-"
"Marcus, last day na." Pagpuputol ko sa iba pa niyang sasabihin.
Technically, the seven last days with him is almost over. Napangiti ako ng matabang sa naisip.
"Please..."
Hinawakan ko pa ang kamay niyang nakahawak sa manubela.
"Alright."
Mabilis niyang iniliko ang sasakyan para puntahan ang climb.
Napatingin nalang ako sa labas ng bintana habang sinusuri ang mga nadaraanan namin. Madaling araw na pero marami parin namang mga tao sa kalsada.
Ipinikit ko na muna ang mga mata ko. I'm tired. Pagod na akong isipin ang lahat. This is the right time to give up. I need to accept that I'm defeated.
Tumulo ang luha ko.
"Blaire... We're here." Yugyog ni Marcus na dahilan para magising ako.
Kinusot ko ang mga mata ko at ramdam ko parin ang mga luhang naroon.
Inayos ko narin ang sarili ko ng maramdaman ang pagbaba niya ng sasakyan.
Huminga muna ako ng malalim. Umibis siya sa likuran ng kan'yang sasakyan at kinuha ang makapal niyang leather jacket pagkatapos ay pinagbuksan ako ng pinto.
"Malamig." Aniya bago ipatong iyong jacket sa balikat ko.
"T-Thank you." Ngumiti ako ng maramdaman ang init no'n sa katawan ko.
"Uh... wala kang sapatos." Tumingin siya sa paa ko.
I can't wear my pumps. Masakit na ang paa ko dahil sa taas no'n.
Hindi pa man ako nakakasagot ay lumapit na siya para buhatin ako. Wala na akong nagawa kung hindi ang kumapit sa leeg ni Marcus habang nakalapat ang katawan ko sa kan'ya.
Kung sana'y pwedeng ihinto ang oras sa ganito. Kung pwedeng hanggang sa dulo ganito kami. Hawak niya ako at hindi kailanman papakawalan.
Ibinaba niya ako sa likod ng kan'yang pick-up na nakaharap naman sa ibaba. I gasp when I saw the city lights. It's been a while. I smiled bitterly.
Umalog ang sasakyan niya ng umupo siya sa tabi ko. Niyakap ko ang sarili ko ng maramdaman ko ang pagihip ng hangin.
"Nilalamig ka parin?" He asked.
Umiling naman ako.
"I'm okay." Sabi ko at bumalik na ulit ang mga mata sa ibaba.
I'm completely sober. Pero sa pagmamahal ko sa kan'ya? I don't think so.
"Ang ganda talaga dito." Bulong ko.
Sumunod ang mga mata niya sa tinitignan ko. Kitang kita ang matatayog na building na sa mga oras na ito ay buhay na buhay parin.
"Do you remember the first time we got here? Kung hindi ka pa nasiraan hindi natin 'to madi-discover." Ngumiti ako at bumalik ang tingin kay Marcus.
Umuulan pa noong naflatan siya ng gulong. Pauwi narin kami no'n galing sa birthday ni Hermes. Imbes na tumawag kaagad ng tulong sa mga kaibigan namin ay doon kami tumigil. Nang tumila ang ulan ay niyaya ko siyang lumabas para panoorin ang makukulay na ilaw doon.
"Of course." Tipid siyang ngumiti pabalik.
"Thank you Marcus. Thank you for everything." Halos pumiyok pa ako sa pagkakasabi no'n.
Nagbabadya na naman kasi ang mga luha ko. I'm thankful. Masaya ako na pinagbigyan niya ako sa huling pitong araw para makasama siya.
Sa mga oras na ako ang minahal niya. Sa lahat lahat ng memories na ginawa naming dalawa. Hindi ko yata kayang isipin ang buhay ko kung hindi siya dumating dito. We've shared so many good memories and I will treasure that forever.
"For what?"
"For giving me everything I want. Kahit hanggang ngayon na ayaw mo na ay pinagbigyan mo parin ako..."
Pinipilit kong magpakatagtag sa harap ni Marcus kahit ang totoo ay kanina ko pa gustong umiyak nalang sa harapan niya.
"Wala 'yon Blaire." Nag-iwas siya ng tingin ng kagatin ko ang pang-ibabang labi ko.
"I-I... I will miss you... So damn much." Gumaralgal na ang boses ko.
Hindi bumalik ang tingin sa akin ni Marcus pero naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa kanang kamay ko at marahang pinisil 'yon.
Huminga siya ng malalim bilang tugon. Nagpatuloy naman ako. I should end this now. Hindi ko na nga dapat siya pilitin sa mga bagay na ayaw niya.
"Hindi mo na ako kailangan pang makita mamaya para sa huling araw. Tinatapos ko na yung hiningi ko sa'yong pitong araw."
Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng tapang ngayong basag na basag na ako. Doon lang siya tumingin sa akin.
"Sorry ha. Makulit ako. Sorry kung nagpumilit pa ako."
"Blaire..."
"Malaya ka na Marcus. Masaya ako ngayon dahil kasama kita pero huli na 'to. I'm finally letting you go. I shouldn't have ask for the things that you don't want in the first place. Wala e, pinilit kong i-convinced yung sarili kong babalik ka pa." Huminga ako ng malalim para magpatuloy.
"Sana mapatawad mo ako. Mahal lang talaga kita Marcus."
"Blaire, you don't have to say sorry. Stop crying." Napangiti ako ng mapait.
Hindi ko alam na umiiyak na naman pala ako.
Kailan ba 'to titigil? Posible pa ba 'yon?
"I'm sure you'll be happy. Kahit wala ako. Maging masaya ka. Naging masaya ka naman sixteen years na wala ako di ba? I'm sure you can still do it."
"I will... can I ask one last favor Marcus?" Huminto ako sa pag-iyak.
Kumunot naman ang noo niya pero pilit parin akong iniintindi. Tumango siya.
"Kiss me... One last kiss Marcus."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro